SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 26
Descargar para leer sin conexión
2012
CALENDAR




           ONE FOR OTHERS
“Busina Mo, Dunong Ko” Mobile Education Project
Busina Mo, Dunong Ko Mobile Education Project
Ang Busina Mo, Dunong Ko o BMDK ay isang programang pang-
edukasyon para sa mga batang nasa lansangan, mahihirap at kapos sa
lahat ng mga bagay simula sa kanilang pagkabata.

Ito ay nagbibigay ng karagdagang edukasyon sa mga batang nag-aaral
sa pampublikong paaralan at gayundin sa mga hindi nag-aaral na mga
bata at kabataan. Sa tulong ng mga VIDES Volunteers, nabibigyan ang
mga bata ng katesismo, values education, tutorials, pagkain, libro,
laruan, libangan at mga gawaing pangkultura. Nagsasagawa rin ang
mga volunteers ng pagtataguyod ng mga karapatan ng bata.
Ganundin, may mga pang-edukasyong laro at pagpapakita ng mga
video at pelikulang pang-edukasyon at pambata. Mayroon ring
BMDK mobile library na maaaring hiraman ng mga bata ng libro.
Sa BMDK, maging ang mga magulang ay nabibigyan ng seminar ukol
sa tamang paghubog at pagpapalaki ng kanilang mga anak sa
pamamagitan ng paggamit ng positibong pagdidisiplina. Tinuturuan
rin ang mga nanay ng mga livelihood projects upang magkaroon sila
ng sariling negosyo at makagawa ng mga bagay na maaari nilang
pagkakitaan.

Paano kayo makakatulong:
1. Maaari kayong magbigay ng libro, mga gamit sa pag-aaral, pagkain
at inumin, laruan, school and art supplies at iba pang donasyon
2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging mga “Ate at Kuya”.
Magbahagi ng mga kaalaman sa mga bata at maging magandang
halimbawa at inspirasyon sa mga bata.

Ang BMDK ay isinasagawa sa mga sumusunod na lugar:
a. Cabrera St., Pasay City
b. Bgy. 286, Delpan, Binondo
c. Recto, Manila
d. NIA Road, Quezon City
e. San Roque, Quezon City                                             NOTES
f. South Triangle, Quezon City
g. Sacred Heart Parish, Sta.Mesa, Manila
h. Don Bosco School Manila -Bgy. 602—ALS
“Baboy Mo, Buhay Ko” - Rural Livelihood Project
Baboy Mo, Buhay Ko – Rural Livelihood Project
Ang baboy pangkabuhayan ay nagbibigay ng isang alternatibong
kabuhayan at pagkakataon para sa komunidad na magkaroon ng
maunlad at produktibong pamumuhay.

Ang biik ay ibinibigay sa isang pamilya na makikinabang batay sa
pamantayan ng mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA).
Ang mga makikinabang ay may pananagutan sa pangangalaga ng
kalusugan at pagdami ng mga biik. Upang matiyak ang pagpapanatili
ng programa, ang konsepto ng pagtutulungan sa komunidad ay
kasama sa layunin ng programa.

Kapag ang baboy na ibinigay ng VIDES sa isang pamilya ay nanganak o
may kinita sa pinagbilhan, isang biik ang ipapasa sa kasunod na
pamilya ng komunidad. Dito maipapakita ang pagtutulungan ng
komunidad para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

Paano kayo makakatulong:
1. Magbigay ng isang biik o ng halagang katumbas nito (Php2,000) at
pumili ng isa sa mga lugar na kung saan nailunsad na ng VIDES
Philippines ang programa, katulong ang mga FMA:
a) Negros Occidental
b) Oriental Mindoro
c) Canlubang, Laguna
d) Minglanilla, Cebu
e) Mabalacat, Pampanga (Aetas)

2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging bahagi ng komite na
magsasagawa ng mga pagbisita sa mga baboy at paggawa ng ulat.

———————————————————————————————
Maari kayong magpadala ng inyong donasyon sa:

VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.                         NOTES
Metrobank Account No. 3306-24619-5
Metrobank V. Mapa Branch
Sta. Mesa, Manila
VIDES Alternative Learning System (ALS)
VIDES Alternative Learning System (ALS) para sa
Out-of-School Youth (OSY) ng Busina Mo, Dunong
Ko Mobile Education (BMDK) Project
Unang inilunsad ng VIDES Busina Mo, Dunong Ko ang Alternative
Learning System (ALS) project sa sampung mga out-of-school youth
ng Pasay noong Oktubre 2010. Nang binuksan din ng VIDES ang ALS
para sa Delpan, ipinasok na nila ang lahat ng 38 na OSY sa Don Bosco
School - “Reach-Ed ALS Program” sa Bgy 602, na isang accredited
DepEd ALS institution. Matapos ang dibdibang paghahanda, pitong
(7) bata mula sa Pasay at apat (4) na bata mula sa Delpan ang
kumuha ng DepEd ALS Exams noong Oktubre 2011. Sinimulan naman
noong Nobyembre 2011 ang pagpasok ng 14 OSY galing sa South
Triangle, Quezon City.

Sa kanilang pag-pasa sa mga DepEd ALS exams, ang mga bata ay
maaaring bigyan ng diploma sa elementarya o sekondarya, batay sa
kanilang kinuhang pagsusulit.

Karamihan sa mga ALS learners ay mga batang nasa panganib,
nagtatrabaho sa murang edad na 12-16, o mga “Children In Conflict
with the Law” (CICL) na hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-
aral dahil sa kapabayaan, pang-aabuso, malnutrisyon, at kahirapan.

Upang tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap na
maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, ang VIDES ang nagbibigay ng
mga pagkain, uniporme, bag, mga gamit sa paaralan at
transportasyon, para sa mga OSY na ALS learners na ngayon.

Paano kayo makakatulong:

1. Tulungan ang VIDES magpadala ng isang bata sa ALS program
* Php 700 - para sa isang buwang pagkain at transportasyon.            NOTES
* o kaya ay magbigay ng school supplies, bag, uniporme

2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maki-isa sa programa ng
edukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata
Quarterly Medical Mission
Medical Mission at Pagsugpo sa Tuberculosis

Ang VIDES Philippines ay nagsusulong ng pag-unlad ng
mga kababaihan at mga bata. Isang aspeto na
nangangailangan ng espesyal na pansin ay ang kalinisan
at kalusugan, na kung saan ang VIDES ay tumutugon sa
pamamagitan ng mga medical mission.

Simula 2009, pinalawak ng VIDES Philippines ang
kanyang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng
minsan sa tatlong buwan na medical mission sa mga
lunsod, bayan o probinsiya.

Kasama rin sa programa ng VIDES ang pagsugpo sa sakit
na tuberkulosis (TB) sa Bgy. 601, Bgy. 602 at Bgy. 286.
Sa tulong ng mga Volunteers, marami na ang mga
pasyenteng naidulog sa mga health centers ng
Department of Health. Nagsasagawa rin ang mga
Volunteers ng TB classes upang maiparating sa
karamihan ang nararapat na impormasyon ukol sa sakit
na ito.

Paano kayo makakatulong:

1. Magbigay ng mga gamot at medical supplies.
                                                          NOTES
2. Mag-Volunteer. Sumali at magbahagi ng oras at mag-
imbita ng mga doktor at mga nurses
Annual Mission Camp
Annual Mission Camp

Ang Mission Camp ay isang taunang “outreach project” o
pagbibigay ng serbisyo sa mga kapatid natin sa iba’t-ibang
dako ng Pilipinas kung saan matatagpuang naglilingkod ang
mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA). Ang mga
lugar na ito ay: Negros Occidental; Minglanilla, Cebu; Puerto
Princesa, Palawan; Calapan, Oriental Mindoro; Canlubang,
Laguna; at Mabalacat, Pampanga.

Ito ay isang pagkakataon para sa mga VIDES volunteers na
makapagbigay ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pakiki-isa
sa mga gawain ng VIDES tulad ng: pagtataguyod sa mga
karapatan ng bata; libreng medikal na konsultasyon at gamot;
libreng pagpapagupit; pagtuturo ukol sa mga gawaing
pangkabuhayan; pagpapakain at pagbibigay ng pangunahing
mga pangangailangan gaya ng bigas, delata, damit, gamit sa
banyo at paaralan.

Ang mission camp ay nagbibigay daan at lugar para sa
paghubog ng mga VIDES Volunteers. Ito ay hindi lamang para
sa mga VIDES Pinoy Volunteers kundi para rin sa mga VIDES
Volunteers mula sa ibang bansa na kung saan mayroong
grupo ng mga VIDES Volunteers na itinatag ang mga
Daughters of Mary Help of Christians.

Paano kayo makakatulong:

1. Maging ang isang donor. Maaaring magbigay o maghandog
ng donasyon
                                                                NOTES
2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at ibahagi ang iyong sarili
para sa mga batang salat sa lahat ng bagay.
Scholarships / Educational Assistance Project
Scholarships / Educational Assistance Project

Ang Scholarship ay isang programang pang-
edukasyon ng VIDES na naipapalaganap sa mga
batang kasapi ng BMDK sa Delpan, Pasay, Recto,
South Triangle, San Roque, Sta. Mesa, at NIA Road.

Ang pondo ay nagbibigay ng tulong sa bahagyang
pagtugon sa mga pangangailangan sa edukasyon
ng mga batang nasa ilalim ng programa. Nasa
prinsipyo ng VIDES na ang edukasyon ng mga bata
ay ang pangunahing responsibilidad ng mga
magulang at ng bansa, kung kaya’t ang suporta ng
VIDES ay karagdagang tulong lamang para sa
pamasahe at baon ng mga bata.

Paano kayo makakatulong:

Sumuporta sa pag-aaral ng isang bata sa
pamamagitan ng pamasahe at baon. Maaari
kayong magbigay ng anumang halaga na maluwag
sainyong kalooban sa:

VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
Metrobank Account No. 3306-24619-5                   NOTES
Metrobank V. Mapa Branch
Sta. Mesa, Manila
“Makina Mo, Kabuhayan Ko” Urban Livelihood
Project

Inilunsad ng VIDES Philippines ang programang
“Makina Mo, Kabuhayan Ko” bilang pagtugon sa mga
suliraning pang-kabuhayan ng mga pamilyang
naninirahan sa lungsod. Sa ilalim nito, ang bawat
Nanay na kasapi ay binibigyan muna ng pagsasanay sa
pananahi at pagkatapos ay pinagkakalooban ng sariling
makina na kanyang huhulugan. Ang nalikom na bayad
ay gagamitin sa muling pagbili ng mga bagong makina
para sa mga susunod na tatanggap.

May mga ilang Nanay naman na bumuo ng isang grupo
sa ilalim ng pangangasiwa ng VIDES upang magsanay at
manahi ng mga damit sa pamamagitan ng paggamit ng
mga high-speed sewing machines. Layunin nila ang
magkaroon ng isang mas matatag at malagong
kabuhayan.

Paano kayo makakatulong:

1.   Magturo ng pananahi sa mga nanay
2.   Ibahagi ang inyong kaalaman sa paggawa ng mga
     disenyo
3.   Maghanap ng mga interesadong magpapatahi ng        NOTES
     mga damit, uniform, costume, t-shirts, at iba pa
4.   Tumulong magbenta ng mga tinahi ng mga nanay
5.   Magbigay ng makina sa mga nanay
“Pera Mo, Kabuhayan Ko” - Micro Credit Project
“PERA MO, KABUHAYAN KO” - Micro Credit
Project

Ang “Pera Mo, Kabuhayan Ko” ay ang pagpapahiram ng
VIDES ng puhunan sa mga Nanay na may kapasidad
na maghanap-buhay ngunit walang kakayahang
mamuhunan. Maliit lamang ang kanilang kailangan at
hindi naman nila kayang manghiram sa mga bangko.
Sa programang ito, 5% lamang ang interes na kanilang
binabayaran at ang bawat kasapi ay insured pa.

Ang mga maaaring sumali sa proyektong ito ay ang
mga nanay na kabilang sa oratoryo ng mga
Daughters of Mary Help of Christians at ng BMDK.
Marami na sa kanila ang nakapagsimula at
nakapagpapatuloy na ng kanilang maliliit na mga
negosyo para sa pang-araw-araw na pangangailangan
ng kanilang mga pamilya.

Karamihan sa mga nanay ay nagtitinda ng pagkain,
basahan, barbeque, balut, mais, prutas, laruan, at
mga damit.

Paano kayo makakatulong:

1.   Ibahagi ang inyong kaalaman sa pag-gawa ng mga    NOTES
     bagay na maaaring pagkakitaan.
2.   Bumili ng mga paninda ng mga nanay
Solidarity / Being “One for Others”
Solidarity / Being “One for Others”
Ito ay ang pagkaka-isa at pagsasama-sama ng mga
VIDES Volunteers upang makatugon sa mga
pangangailangan ng mga tao, lalung-lalo na sa
panahon ng sakuna at kagipitan.

Ang VIDES Philippines, sa abot ng kanyang
makakaya at sa tulong ng maraming taong may
mabubuting loob, ay nagsasagawa ng tulong para
sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng bagyo,
sunog at baha. Sa pagbibigay ng sarili at
pagbabahagi ng kanilang munting tulong sa mga
kapatid nating naging biktima ng anumang uri ng
kalamidad, naisasabuhay ng mga VIDES
Volunteers ang kanilang pagiging
“One for Others”. Ito ay nagmumula sa isang
maliit na tulong na lumalaki kapag pinagsama-
sama. Ito ang pagiging isa at ang pagkakaisa ng
VIDES Volunteers sa lahat ng oras: lalo na sa oras
ng pangangailangan.

Ang VIDES Philippines ay tumatanggap ng mga
damit, sapatos, pagkain at mga pangunahing
                                                     NOTES
bilihin para sa mga kapatid nating nasalanta ng
kalamidad.
Advocacy on Children’s Rights
Advocacy on Children’s Rights
Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng
proteksiyon at pangangalaga ng kanilang pamilya,
komunidad at ng lipunan. Ang UN Convention on
the Rights of the Child (UN CRC) ay nagsasaad ng
mga karapatan ng bata sa pagkain, tahanan,
edukasyon, proteksiyon, pakikilahok, kalusugan at
mga batas na angkop para sa edad at pag-unlad ng
bata.

Ang VIDES Philippines ay isang organisasyon na
nangangalaga sa mga bata at sa kanilang mga
karapatan. Nagbibigay ito ng impormasyon ukol
sa UN CRC sa mga batang kasapi ng BMDK upang
maiwasan ang mga pang-aabuso sa kanilang mga
karapatan at malaman nila kung paano nila ito
maipaglalaban. Ipina-uunawa din sa mga bata na
ang bawat karapatan nila ay may kaakibat na
responsabilidad at pag-galang sa karapatan ng
ibang tao.

Kasama ng VIDES Philippines sa pagtataguyod ng
mga karapatan ng bata ang Council for the
                                                    NOTES
Welfare of Children (CWC), Child Rights Network
(CRN) at ang Philippine NGO Coalition on the
UN CRC.
“Kambing Mo, Kabuhayan Ko”
“Kambing Mo,Kabuhayan Ko”
Unang inilunsad ng VIDES Philippines sa
Canlubang, Laguna ang proyektong “Kambing Mo,
Kabuhayan Ko”.

Malawak na damuhan ang kailangan upang
mapangalagaan ang mga kambing. Ang bawat
pamilyang napili ng Daughters of Mary Help of
Christians (FMA) na tatanggap ng kambing ay may
responsabilidad na ibalik ang isang guya nito
o ang katumbas na halaga upang maigawad
naman sa susunod na tatanggap na pamilya.
Layunin ng VIDES na ang proyektong ito ay maging
laganap sa komunidad kung saan ito ay inilunsad.

Ang “Kambing Mo, Kabuhayan Ko” ay
matatagpuan sa mga lugar na ito:
Canlubang, Laguna; Minglanilla, Cebu;
Macarascas, Puerto Princesa, Palawan;
at sa mga Aetas ng Sitio Monicayo, Mabalacat,
Pampanga.

Paano kayo makakatulong:
1. Magbigay ng kambing para sa mga napiling
   pamilya                                         NOTES
2. Magbigay ng katumbas na halaga ng isang
   kambing
Boluntarismo (Volunteerism)
BOLUNTARISMO (VOLUNTEERISM)

Ang pagbibigay ng sarili, oras at pagbabahagi ng talento ay
isang karanasan na nagdududulot ng lubos at malalim na
kaligayahan na nanggagaling sa puso at nagiging resulta ng
positibong pag-uugali ng isang taong nagpapasalamat sa
Diyos. Ang pagiging isang VIDES Volunteer ay isang bokasyon
at isang hamon sa iyong sarili upang gumawa ng isang
pagbabago.

Ang VIDES Philippines ay isang boluntaryong organisasyon na
nagbibigay ng pagkakataon sa mga institusyon, negosyo,
kabataan, propesyonal at sa mga estudyanteng may pusong
magbahagi ng kanilang sarili. Ito rin ay binubuo ng mga
indibidwal na may kani-kaniyang talento na siyang
nagpapatingkad ng kulay kapag ito ay pinagsama-sama.
Makikita sa grupo ang pagkakaroon ng respeto at
pagpapahalaga sa mga kakayahan ng bawat volunteer.

Isa sa pinakamagandang halimbawa na ginagawa ng
volunteers ng pagpapakita ng pagmamahal ay ang taunang
Christmas Party kasama ng mga batang Aetas at ng kanilang
pamilya. Isang pangako ng volunteers na sa halip na
magkaroon ng palitan ng regalo at mag-Christmas party sila
ay ipunin na lang ang mga regalo upang ibahagi sa mga
batang Aetas. Nagustuhan ito ng mga volunteers sapagkat
ang kasiyahan ng pagbibigay at pagbabahagi ng simpleng
regalo ay higit sa lahat ang pagkakaroon ng panahon na
makasama ang ating mga kapatid na katutubo.
                                                              NOTES
Ito ay naging palagiang gawain na tuwing unang Linggo ng
Disyembre, malapit sa December 5, na siyang itinakdang
International Volunteer Day ng United Nations.
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
             Of the Daughters of Mary Help of Christians
(Volunteers International for Development, Education and Solidarity)
           3500 V. Mapa Extension , Sta. Mesa Manila 1016 PHILIPPINES
                   Tel. No.: (02) 703-5606; Telefax: (02) 715-6740
       Email: videspinoy@gmail.com Website: http://videsphil.multiply.com

Más contenido relacionado

Similar a 2012 VIDES PINOY CALENDAR

ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...
ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...
ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...jasminemaemane
 
mnao BYE BYE BANSOT.pptx
mnao BYE BYE BANSOT.pptxmnao BYE BYE BANSOT.pptx
mnao BYE BYE BANSOT.pptxMNAOKalayaan
 
Mga gawaing tumutugon sa pangangailangan
Mga gawaing tumutugon sa pangangailanganMga gawaing tumutugon sa pangangailangan
Mga gawaing tumutugon sa pangangailanganKlaireCalma1
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docxsetnet
 
Programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjb
Programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjbPrograma ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjb
Programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjbAlice Bernardo
 
Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11
Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11
Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11EDITHA HONRADEZ
 
KAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdf
KAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdfKAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdf
KAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdfnelsonmanuel15
 
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptx
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptxMga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptx
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptxJonilynUbaldo1
 
AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...
AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...
AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...anacelFaustino2
 
ESP9 Aralin 2- Subsidiarity & Solidarity
ESP9 Aralin 2- Subsidiarity & SolidarityESP9 Aralin 2- Subsidiarity & Solidarity
ESP9 Aralin 2- Subsidiarity & SolidarityMaamRubyOsera
 
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaAralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaEDITHA HONRADEZ
 
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaYUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaEDITHA HONRADEZ
 
Brgy Vaw Handbook Tagalog Final Texts
Brgy Vaw Handbook Tagalog Final TextsBrgy Vaw Handbook Tagalog Final Texts
Brgy Vaw Handbook Tagalog Final Textsbrgy15_ilawodeast
 

Similar a 2012 VIDES PINOY CALENDAR (20)

ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...
ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...
ESTADO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) SA BAITANG IKALABING – IS...
 
mnao BYE BYE BANSOT.pptx
mnao BYE BYE BANSOT.pptxmnao BYE BYE BANSOT.pptx
mnao BYE BYE BANSOT.pptx
 
2 ap lm tag u4
2 ap lm tag u42 ap lm tag u4
2 ap lm tag u4
 
Mga gawaing tumutugon sa pangangailangan
Mga gawaing tumutugon sa pangangailanganMga gawaing tumutugon sa pangangailangan
Mga gawaing tumutugon sa pangangailangan
 
YDS ORIENTATION.pptx
YDS ORIENTATION.pptxYDS ORIENTATION.pptx
YDS ORIENTATION.pptx
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 4_Q4_W5.docx
 
Programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjb
Programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjbPrograma ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjb
Programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pilipinas flores 6 sjb
 
Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11
Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11
Araling panlipunan iv yunit iv aralin 11
 
Tungkulin ng Isang Tinedyer
Tungkulin ng Isang TinedyerTungkulin ng Isang Tinedyer
Tungkulin ng Isang Tinedyer
 
KAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdf
KAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdfKAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdf
KAPIT-para-sa-Edukasyon-Handbook (1).pdf
 
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptx
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptxMga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptx
Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa.pptx
 
AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...
AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...
AP 4 PPT Q3 - Aralin 9 - Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa...
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
ESP9 Aralin 2- Subsidiarity & Solidarity
ESP9 Aralin 2- Subsidiarity & SolidarityESP9 Aralin 2- Subsidiarity & Solidarity
ESP9 Aralin 2- Subsidiarity & Solidarity
 
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaAralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
 
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaYUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
YUNIT III ARALIN 9Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
Brgy Vaw Handbook Tagalog Final Texts
Brgy Vaw Handbook Tagalog Final TextsBrgy Vaw Handbook Tagalog Final Texts
Brgy Vaw Handbook Tagalog Final Texts
 
SOSA.docx
SOSA.docxSOSA.docx
SOSA.docx
 

Más de srjojofma

VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010
VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010
VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010srjojofma
 
Summer youth leadership training newsletter
Summer youth leadership training newsletterSummer youth leadership training newsletter
Summer youth leadership training newslettersrjojofma
 
Pasay thanks giving mass may 1 2010
Pasay thanks giving mass   may 1 2010Pasay thanks giving mass   may 1 2010
Pasay thanks giving mass may 1 2010srjojofma
 
Brochure mission camp 2010
Brochure   mission camp 2010Brochure   mission camp 2010
Brochure mission camp 2010srjojofma
 
C:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 Magazine
C:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 MagazineC:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 Magazine
C:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 Magazinesrjojofma
 
UN Concluding Observations 2009 on the Philippines
UN Concluding Observations 2009 on the PhilippinesUN Concluding Observations 2009 on the Philippines
UN Concluding Observations 2009 on the Philippinessrjojofma
 
Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009
Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009
Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009srjojofma
 
UN CRC Implementation 2009 - CWC Report
UN CRC Implementation 2009 - CWC ReportUN CRC Implementation 2009 - CWC Report
UN CRC Implementation 2009 - CWC Reportsrjojofma
 
Workshop On Education As The Hr That Promotes The Common Good
Workshop On Education As The Hr That Promotes The Common GoodWorkshop On Education As The Hr That Promotes The Common Good
Workshop On Education As The Hr That Promotes The Common Goodsrjojofma
 
Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines ...
Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines   ...Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines   ...
Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines ...srjojofma
 
VIDES October News Flash
VIDES October News FlashVIDES October News Flash
VIDES October News Flashsrjojofma
 
Vides News Flash 2009
Vides News Flash   2009Vides News Flash   2009
Vides News Flash 2009srjojofma
 
Psychological Effects Of Corporal Punishment Manuscript3
Psychological  Effects Of  Corporal  Punishment Manuscript3Psychological  Effects Of  Corporal  Punishment Manuscript3
Psychological Effects Of Corporal Punishment Manuscript3srjojofma
 
An Advocacy on UN CRC
An Advocacy on UN CRCAn Advocacy on UN CRC
An Advocacy on UN CRCsrjojofma
 
Positive Discipline
Positive Discipline Positive Discipline
Positive Discipline srjojofma
 
End Corporal Punishment
End Corporal PunishmentEnd Corporal Punishment
End Corporal Punishmentsrjojofma
 
Basic Guidelines In Handling Of Cnsp Presentation
Basic Guidelines In Handling Of Cnsp PresentationBasic Guidelines In Handling Of Cnsp Presentation
Basic Guidelines In Handling Of Cnsp Presentationsrjojofma
 
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.srjojofma
 
2009 March 10 Program
2009 March 10 Program2009 March 10 Program
2009 March 10 Programsrjojofma
 

Más de srjojofma (20)

VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010
VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010
VIDES Pinoy Volunteers News Magazine 2010
 
Summer youth leadership training newsletter
Summer youth leadership training newsletterSummer youth leadership training newsletter
Summer youth leadership training newsletter
 
Pasay thanks giving mass may 1 2010
Pasay thanks giving mass   may 1 2010Pasay thanks giving mass   may 1 2010
Pasay thanks giving mass may 1 2010
 
Brochure mission camp 2010
Brochure   mission camp 2010Brochure   mission camp 2010
Brochure mission camp 2010
 
C:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 Magazine
C:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 MagazineC:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 Magazine
C:\Documents And Settings\Sys Ad\Desktop\Vides Files\Vides 2009 Magazine
 
Ra 9418
Ra 9418Ra 9418
Ra 9418
 
UN Concluding Observations 2009 on the Philippines
UN Concluding Observations 2009 on the PhilippinesUN Concluding Observations 2009 on the Philippines
UN Concluding Observations 2009 on the Philippines
 
Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009
Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009
Ngo Coalition Highlights Of Alternative Report - UN CRC 2009
 
UN CRC Implementation 2009 - CWC Report
UN CRC Implementation 2009 - CWC ReportUN CRC Implementation 2009 - CWC Report
UN CRC Implementation 2009 - CWC Report
 
Workshop On Education As The Hr That Promotes The Common Good
Workshop On Education As The Hr That Promotes The Common GoodWorkshop On Education As The Hr That Promotes The Common Good
Workshop On Education As The Hr That Promotes The Common Good
 
Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines ...
Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines   ...Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines   ...
Concluding Observations On The Implementation Of Un Crc In The Philippines ...
 
VIDES October News Flash
VIDES October News FlashVIDES October News Flash
VIDES October News Flash
 
Vides News Flash 2009
Vides News Flash   2009Vides News Flash   2009
Vides News Flash 2009
 
Psychological Effects Of Corporal Punishment Manuscript3
Psychological  Effects Of  Corporal  Punishment Manuscript3Psychological  Effects Of  Corporal  Punishment Manuscript3
Psychological Effects Of Corporal Punishment Manuscript3
 
An Advocacy on UN CRC
An Advocacy on UN CRCAn Advocacy on UN CRC
An Advocacy on UN CRC
 
Positive Discipline
Positive Discipline Positive Discipline
Positive Discipline
 
End Corporal Punishment
End Corporal PunishmentEnd Corporal Punishment
End Corporal Punishment
 
Basic Guidelines In Handling Of Cnsp Presentation
Basic Guidelines In Handling Of Cnsp PresentationBasic Guidelines In Handling Of Cnsp Presentation
Basic Guidelines In Handling Of Cnsp Presentation
 
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.
 
2009 March 10 Program
2009 March 10 Program2009 March 10 Program
2009 March 10 Program
 

Último

April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxJubilinAlbania
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1JudyAnnTongol
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptxArlieCerezo1
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotoMark James Viñegas
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docxChristineIgnas2
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxMarcChristianNicolas
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangeregeronimopaulyn69
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxGluvellSiega1
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1AngelRgndlaa
 

Último (20)

April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
 

2012 VIDES PINOY CALENDAR

  • 1. 2012 CALENDAR ONE FOR OTHERS
  • 2. “Busina Mo, Dunong Ko” Mobile Education Project
  • 3. Busina Mo, Dunong Ko Mobile Education Project Ang Busina Mo, Dunong Ko o BMDK ay isang programang pang- edukasyon para sa mga batang nasa lansangan, mahihirap at kapos sa lahat ng mga bagay simula sa kanilang pagkabata. Ito ay nagbibigay ng karagdagang edukasyon sa mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan at gayundin sa mga hindi nag-aaral na mga bata at kabataan. Sa tulong ng mga VIDES Volunteers, nabibigyan ang mga bata ng katesismo, values education, tutorials, pagkain, libro, laruan, libangan at mga gawaing pangkultura. Nagsasagawa rin ang mga volunteers ng pagtataguyod ng mga karapatan ng bata. Ganundin, may mga pang-edukasyong laro at pagpapakita ng mga video at pelikulang pang-edukasyon at pambata. Mayroon ring BMDK mobile library na maaaring hiraman ng mga bata ng libro. Sa BMDK, maging ang mga magulang ay nabibigyan ng seminar ukol sa tamang paghubog at pagpapalaki ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng paggamit ng positibong pagdidisiplina. Tinuturuan rin ang mga nanay ng mga livelihood projects upang magkaroon sila ng sariling negosyo at makagawa ng mga bagay na maaari nilang pagkakitaan. Paano kayo makakatulong: 1. Maaari kayong magbigay ng libro, mga gamit sa pag-aaral, pagkain at inumin, laruan, school and art supplies at iba pang donasyon 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging mga “Ate at Kuya”. Magbahagi ng mga kaalaman sa mga bata at maging magandang halimbawa at inspirasyon sa mga bata. Ang BMDK ay isinasagawa sa mga sumusunod na lugar: a. Cabrera St., Pasay City b. Bgy. 286, Delpan, Binondo c. Recto, Manila d. NIA Road, Quezon City e. San Roque, Quezon City NOTES f. South Triangle, Quezon City g. Sacred Heart Parish, Sta.Mesa, Manila h. Don Bosco School Manila -Bgy. 602—ALS
  • 4. “Baboy Mo, Buhay Ko” - Rural Livelihood Project
  • 5. Baboy Mo, Buhay Ko – Rural Livelihood Project Ang baboy pangkabuhayan ay nagbibigay ng isang alternatibong kabuhayan at pagkakataon para sa komunidad na magkaroon ng maunlad at produktibong pamumuhay. Ang biik ay ibinibigay sa isang pamilya na makikinabang batay sa pamantayan ng mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA). Ang mga makikinabang ay may pananagutan sa pangangalaga ng kalusugan at pagdami ng mga biik. Upang matiyak ang pagpapanatili ng programa, ang konsepto ng pagtutulungan sa komunidad ay kasama sa layunin ng programa. Kapag ang baboy na ibinigay ng VIDES sa isang pamilya ay nanganak o may kinita sa pinagbilhan, isang biik ang ipapasa sa kasunod na pamilya ng komunidad. Dito maipapakita ang pagtutulungan ng komunidad para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Paano kayo makakatulong: 1. Magbigay ng isang biik o ng halagang katumbas nito (Php2,000) at pumili ng isa sa mga lugar na kung saan nailunsad na ng VIDES Philippines ang programa, katulong ang mga FMA: a) Negros Occidental b) Oriental Mindoro c) Canlubang, Laguna d) Minglanilla, Cebu e) Mabalacat, Pampanga (Aetas) 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging bahagi ng komite na magsasagawa ng mga pagbisita sa mga baboy at paggawa ng ulat. ——————————————————————————————— Maari kayong magpadala ng inyong donasyon sa: VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. NOTES Metrobank Account No. 3306-24619-5 Metrobank V. Mapa Branch Sta. Mesa, Manila
  • 7. VIDES Alternative Learning System (ALS) para sa Out-of-School Youth (OSY) ng Busina Mo, Dunong Ko Mobile Education (BMDK) Project Unang inilunsad ng VIDES Busina Mo, Dunong Ko ang Alternative Learning System (ALS) project sa sampung mga out-of-school youth ng Pasay noong Oktubre 2010. Nang binuksan din ng VIDES ang ALS para sa Delpan, ipinasok na nila ang lahat ng 38 na OSY sa Don Bosco School - “Reach-Ed ALS Program” sa Bgy 602, na isang accredited DepEd ALS institution. Matapos ang dibdibang paghahanda, pitong (7) bata mula sa Pasay at apat (4) na bata mula sa Delpan ang kumuha ng DepEd ALS Exams noong Oktubre 2011. Sinimulan naman noong Nobyembre 2011 ang pagpasok ng 14 OSY galing sa South Triangle, Quezon City. Sa kanilang pag-pasa sa mga DepEd ALS exams, ang mga bata ay maaaring bigyan ng diploma sa elementarya o sekondarya, batay sa kanilang kinuhang pagsusulit. Karamihan sa mga ALS learners ay mga batang nasa panganib, nagtatrabaho sa murang edad na 12-16, o mga “Children In Conflict with the Law” (CICL) na hindi nabigyan ng pagkakataong makapag- aral dahil sa kapabayaan, pang-aabuso, malnutrisyon, at kahirapan. Upang tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, ang VIDES ang nagbibigay ng mga pagkain, uniporme, bag, mga gamit sa paaralan at transportasyon, para sa mga OSY na ALS learners na ngayon. Paano kayo makakatulong: 1. Tulungan ang VIDES magpadala ng isang bata sa ALS program * Php 700 - para sa isang buwang pagkain at transportasyon. NOTES * o kaya ay magbigay ng school supplies, bag, uniporme 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maki-isa sa programa ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata
  • 9. Medical Mission at Pagsugpo sa Tuberculosis Ang VIDES Philippines ay nagsusulong ng pag-unlad ng mga kababaihan at mga bata. Isang aspeto na nangangailangan ng espesyal na pansin ay ang kalinisan at kalusugan, na kung saan ang VIDES ay tumutugon sa pamamagitan ng mga medical mission. Simula 2009, pinalawak ng VIDES Philippines ang kanyang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng minsan sa tatlong buwan na medical mission sa mga lunsod, bayan o probinsiya. Kasama rin sa programa ng VIDES ang pagsugpo sa sakit na tuberkulosis (TB) sa Bgy. 601, Bgy. 602 at Bgy. 286. Sa tulong ng mga Volunteers, marami na ang mga pasyenteng naidulog sa mga health centers ng Department of Health. Nagsasagawa rin ang mga Volunteers ng TB classes upang maiparating sa karamihan ang nararapat na impormasyon ukol sa sakit na ito. Paano kayo makakatulong: 1. Magbigay ng mga gamot at medical supplies. NOTES 2. Mag-Volunteer. Sumali at magbahagi ng oras at mag- imbita ng mga doktor at mga nurses
  • 11. Annual Mission Camp Ang Mission Camp ay isang taunang “outreach project” o pagbibigay ng serbisyo sa mga kapatid natin sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas kung saan matatagpuang naglilingkod ang mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA). Ang mga lugar na ito ay: Negros Occidental; Minglanilla, Cebu; Puerto Princesa, Palawan; Calapan, Oriental Mindoro; Canlubang, Laguna; at Mabalacat, Pampanga. Ito ay isang pagkakataon para sa mga VIDES volunteers na makapagbigay ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pakiki-isa sa mga gawain ng VIDES tulad ng: pagtataguyod sa mga karapatan ng bata; libreng medikal na konsultasyon at gamot; libreng pagpapagupit; pagtuturo ukol sa mga gawaing pangkabuhayan; pagpapakain at pagbibigay ng pangunahing mga pangangailangan gaya ng bigas, delata, damit, gamit sa banyo at paaralan. Ang mission camp ay nagbibigay daan at lugar para sa paghubog ng mga VIDES Volunteers. Ito ay hindi lamang para sa mga VIDES Pinoy Volunteers kundi para rin sa mga VIDES Volunteers mula sa ibang bansa na kung saan mayroong grupo ng mga VIDES Volunteers na itinatag ang mga Daughters of Mary Help of Christians. Paano kayo makakatulong: 1. Maging ang isang donor. Maaaring magbigay o maghandog ng donasyon NOTES 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at ibahagi ang iyong sarili para sa mga batang salat sa lahat ng bagay.
  • 12. Scholarships / Educational Assistance Project
  • 13. Scholarships / Educational Assistance Project Ang Scholarship ay isang programang pang- edukasyon ng VIDES na naipapalaganap sa mga batang kasapi ng BMDK sa Delpan, Pasay, Recto, South Triangle, San Roque, Sta. Mesa, at NIA Road. Ang pondo ay nagbibigay ng tulong sa bahagyang pagtugon sa mga pangangailangan sa edukasyon ng mga batang nasa ilalim ng programa. Nasa prinsipyo ng VIDES na ang edukasyon ng mga bata ay ang pangunahing responsibilidad ng mga magulang at ng bansa, kung kaya’t ang suporta ng VIDES ay karagdagang tulong lamang para sa pamasahe at baon ng mga bata. Paano kayo makakatulong: Sumuporta sa pag-aaral ng isang bata sa pamamagitan ng pamasahe at baon. Maaari kayong magbigay ng anumang halaga na maluwag sainyong kalooban sa: VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. Metrobank Account No. 3306-24619-5 NOTES Metrobank V. Mapa Branch Sta. Mesa, Manila
  • 14.
  • 15. “Makina Mo, Kabuhayan Ko” Urban Livelihood Project Inilunsad ng VIDES Philippines ang programang “Makina Mo, Kabuhayan Ko” bilang pagtugon sa mga suliraning pang-kabuhayan ng mga pamilyang naninirahan sa lungsod. Sa ilalim nito, ang bawat Nanay na kasapi ay binibigyan muna ng pagsasanay sa pananahi at pagkatapos ay pinagkakalooban ng sariling makina na kanyang huhulugan. Ang nalikom na bayad ay gagamitin sa muling pagbili ng mga bagong makina para sa mga susunod na tatanggap. May mga ilang Nanay naman na bumuo ng isang grupo sa ilalim ng pangangasiwa ng VIDES upang magsanay at manahi ng mga damit sa pamamagitan ng paggamit ng mga high-speed sewing machines. Layunin nila ang magkaroon ng isang mas matatag at malagong kabuhayan. Paano kayo makakatulong: 1. Magturo ng pananahi sa mga nanay 2. Ibahagi ang inyong kaalaman sa paggawa ng mga disenyo 3. Maghanap ng mga interesadong magpapatahi ng NOTES mga damit, uniform, costume, t-shirts, at iba pa 4. Tumulong magbenta ng mga tinahi ng mga nanay 5. Magbigay ng makina sa mga nanay
  • 16. “Pera Mo, Kabuhayan Ko” - Micro Credit Project
  • 17. “PERA MO, KABUHAYAN KO” - Micro Credit Project Ang “Pera Mo, Kabuhayan Ko” ay ang pagpapahiram ng VIDES ng puhunan sa mga Nanay na may kapasidad na maghanap-buhay ngunit walang kakayahang mamuhunan. Maliit lamang ang kanilang kailangan at hindi naman nila kayang manghiram sa mga bangko. Sa programang ito, 5% lamang ang interes na kanilang binabayaran at ang bawat kasapi ay insured pa. Ang mga maaaring sumali sa proyektong ito ay ang mga nanay na kabilang sa oratoryo ng mga Daughters of Mary Help of Christians at ng BMDK. Marami na sa kanila ang nakapagsimula at nakapagpapatuloy na ng kanilang maliliit na mga negosyo para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Karamihan sa mga nanay ay nagtitinda ng pagkain, basahan, barbeque, balut, mais, prutas, laruan, at mga damit. Paano kayo makakatulong: 1. Ibahagi ang inyong kaalaman sa pag-gawa ng mga NOTES bagay na maaaring pagkakitaan. 2. Bumili ng mga paninda ng mga nanay
  • 18. Solidarity / Being “One for Others”
  • 19. Solidarity / Being “One for Others” Ito ay ang pagkaka-isa at pagsasama-sama ng mga VIDES Volunteers upang makatugon sa mga pangangailangan ng mga tao, lalung-lalo na sa panahon ng sakuna at kagipitan. Ang VIDES Philippines, sa abot ng kanyang makakaya at sa tulong ng maraming taong may mabubuting loob, ay nagsasagawa ng tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng bagyo, sunog at baha. Sa pagbibigay ng sarili at pagbabahagi ng kanilang munting tulong sa mga kapatid nating naging biktima ng anumang uri ng kalamidad, naisasabuhay ng mga VIDES Volunteers ang kanilang pagiging “One for Others”. Ito ay nagmumula sa isang maliit na tulong na lumalaki kapag pinagsama- sama. Ito ang pagiging isa at ang pagkakaisa ng VIDES Volunteers sa lahat ng oras: lalo na sa oras ng pangangailangan. Ang VIDES Philippines ay tumatanggap ng mga damit, sapatos, pagkain at mga pangunahing NOTES bilihin para sa mga kapatid nating nasalanta ng kalamidad.
  • 21. Advocacy on Children’s Rights Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng proteksiyon at pangangalaga ng kanilang pamilya, komunidad at ng lipunan. Ang UN Convention on the Rights of the Child (UN CRC) ay nagsasaad ng mga karapatan ng bata sa pagkain, tahanan, edukasyon, proteksiyon, pakikilahok, kalusugan at mga batas na angkop para sa edad at pag-unlad ng bata. Ang VIDES Philippines ay isang organisasyon na nangangalaga sa mga bata at sa kanilang mga karapatan. Nagbibigay ito ng impormasyon ukol sa UN CRC sa mga batang kasapi ng BMDK upang maiwasan ang mga pang-aabuso sa kanilang mga karapatan at malaman nila kung paano nila ito maipaglalaban. Ipina-uunawa din sa mga bata na ang bawat karapatan nila ay may kaakibat na responsabilidad at pag-galang sa karapatan ng ibang tao. Kasama ng VIDES Philippines sa pagtataguyod ng mga karapatan ng bata ang Council for the NOTES Welfare of Children (CWC), Child Rights Network (CRN) at ang Philippine NGO Coalition on the UN CRC.
  • 23. “Kambing Mo,Kabuhayan Ko” Unang inilunsad ng VIDES Philippines sa Canlubang, Laguna ang proyektong “Kambing Mo, Kabuhayan Ko”. Malawak na damuhan ang kailangan upang mapangalagaan ang mga kambing. Ang bawat pamilyang napili ng Daughters of Mary Help of Christians (FMA) na tatanggap ng kambing ay may responsabilidad na ibalik ang isang guya nito o ang katumbas na halaga upang maigawad naman sa susunod na tatanggap na pamilya. Layunin ng VIDES na ang proyektong ito ay maging laganap sa komunidad kung saan ito ay inilunsad. Ang “Kambing Mo, Kabuhayan Ko” ay matatagpuan sa mga lugar na ito: Canlubang, Laguna; Minglanilla, Cebu; Macarascas, Puerto Princesa, Palawan; at sa mga Aetas ng Sitio Monicayo, Mabalacat, Pampanga. Paano kayo makakatulong: 1. Magbigay ng kambing para sa mga napiling pamilya NOTES 2. Magbigay ng katumbas na halaga ng isang kambing
  • 25. BOLUNTARISMO (VOLUNTEERISM) Ang pagbibigay ng sarili, oras at pagbabahagi ng talento ay isang karanasan na nagdududulot ng lubos at malalim na kaligayahan na nanggagaling sa puso at nagiging resulta ng positibong pag-uugali ng isang taong nagpapasalamat sa Diyos. Ang pagiging isang VIDES Volunteer ay isang bokasyon at isang hamon sa iyong sarili upang gumawa ng isang pagbabago. Ang VIDES Philippines ay isang boluntaryong organisasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga institusyon, negosyo, kabataan, propesyonal at sa mga estudyanteng may pusong magbahagi ng kanilang sarili. Ito rin ay binubuo ng mga indibidwal na may kani-kaniyang talento na siyang nagpapatingkad ng kulay kapag ito ay pinagsama-sama. Makikita sa grupo ang pagkakaroon ng respeto at pagpapahalaga sa mga kakayahan ng bawat volunteer. Isa sa pinakamagandang halimbawa na ginagawa ng volunteers ng pagpapakita ng pagmamahal ay ang taunang Christmas Party kasama ng mga batang Aetas at ng kanilang pamilya. Isang pangako ng volunteers na sa halip na magkaroon ng palitan ng regalo at mag-Christmas party sila ay ipunin na lang ang mga regalo upang ibahagi sa mga batang Aetas. Nagustuhan ito ng mga volunteers sapagkat ang kasiyahan ng pagbibigay at pagbabahagi ng simpleng regalo ay higit sa lahat ang pagkakaroon ng panahon na makasama ang ating mga kapatid na katutubo. NOTES Ito ay naging palagiang gawain na tuwing unang Linggo ng Disyembre, malapit sa December 5, na siyang itinakdang International Volunteer Day ng United Nations.
  • 26. VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. Of the Daughters of Mary Help of Christians (Volunteers International for Development, Education and Solidarity) 3500 V. Mapa Extension , Sta. Mesa Manila 1016 PHILIPPINES Tel. No.: (02) 703-5606; Telefax: (02) 715-6740 Email: videspinoy@gmail.com Website: http://videsphil.multiply.com