Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
BANGHAY ARALIN SA SINING 5
1. 1
BANGHAY ARALIN SA SINING 5
I.
Layunin
a. Namamasdan ng may kaluguran ang mga likhang sining ng mga dalubhasang iskultor ng bayan.
i. Napoleon Abueva
ii. Guillermo Tolentino
iii. Eduardo Castillo
iv. Solomon Saprid
v. Abdulmari Asia Imao
b. Natatalakay ang iba’t-ibang istilo
i. Makatotohanan
ii. Di makatotohanan
II.
Paksang Aralin
MGA DALUBHASANG ISKULTOR NG BAYAN
Sanggunian:
BEC Handbook sa Makabayan (Sining) 5.D.2, 2.1, 2.2, Sining sa Araw-araw5, pahina 112-113
Kagamitan:
Mga larawan ng likhang sining ng mga Pilipinong Iskultor
Pagpapahalaga:
Pagmamalaki sa Pilipinong iskultor
III.
Mga Gawain sa Pagkatuto
GAWAIN NG GURO
Pambukas na Panalangin
Attendance
A. Panimulang Gawain
(Ang guro ay magpapaskil ng larawan ng iba’tIbang pinta ng mga dalubhasang pintor ng Pilipinas)
“Spolarium” ni Juan Luna
“The Sketch” ni Victorio Edades
“Magtanim ay Di Biro” ni Fernando Amorsolo
“Genesis” ni H.R Ocampo
“Ano sa palagay nyo ang pagkakaiba-iba ng paraan/istilo
ng mga dalubhasang pintor ng Pilipinas?”
GAWAIN NG MAG-AARAL
2. 2
(Tumawag ng limang (5) mag-aaral)
(Sasagot isa-isa ang mga mag-aaral)
“Tama. Ang iba ay makatotohanan ang likhang
Sining tulad ni Fernando Amorsolo (Ipakita ang
“Magtanim ay di Biro”), ni Victorio Edades (Ipakita
ang “The Sketch”). Samantalang Di Makatotohanan
naman ang likha ni H. R Ocampo (Ipakita ang
“Genesis)
“Ito ay mga larawan o PAINTING.”
B. Panlinang na Gawain
“Ano sa palagay ninyo an gang pagkakaiba ng
LARAWAN/PAINTING sa ISKULTURA?”
(Tumawag ng isang mag-aaral)
(Sasagot ang tinawag na mag-aaral)
“Tama, ang ISKULTURA ay 3-dimensional – ibig
sabihin ito ay BUO, Aamantalang ang PAINTING
ay 2-dimensional o FLAT.”
(Magpakita ng halimbawa ng Iskultura at Painting)
“Mayroon akong larawan ng likhang sining ng mga
dalubhasang ISKULTOR na mga Pilipino.”
“Ito ang mga likha ni GUILLERMO TOLENTINO na –
UP Oblation, Monumento Ni Andres Bonifacio sa
Caloocan.”
(Ibigay ang bawat larawan sa mag-aaral at patayuin
sa unahan.)
(Tatayo sa unahan ang mga tinawag na
mag-aaral)
“Si Guillermo Tolentino ay isang tanyag na Pilipinong
Iskultor Nakilala sya sa buong bansa nang dahil sa
Monumento ni Bonifacio na may maraming pigurang
kasinlaki ng tao na dinisenyo noong 1930 at inilantad
noong 1933. Nakapaggawa rin siya ng mga maraming
rebulto ni Lapulapu, Antonio Luna, Gregorio del Pilar,
Jose Rizal, Manuel Quezon, Epifanio de los Santos,
A.V.H Hartendorp, Fernando Amorsolo, Carlos P. Romulo,
Jose Cojuangco, Manuel Roxas, Jaime at Sofia de Veyra
at marami pang iba.”
(Ipaskil ang larawan ni Guillermo Tolentino)
“Pangalawa, ang ISKULTURA ni NAPOLEON ABUEVA –
3. 3
Magdangal”
(Tumawag ng isang mag-aaral at ipahawak ang larawan
ng iskultura)
(Tatayo ang mag-aaral at hahawakan
ang larawan ng ikultura)
“Si Napoleon Abueva naman ay isang tubong Bohol,
sya ay tinuruan ni Guillermo Tolentino ng mga bagay-bagay
tungkol sa paglililok. Isa rin syang tanyag na
iskultor at pinakabatang iskultor na tinawag na “National
Artist of the Philippines” sa biswal na sining sa edad na 46.”
(Ipaskil ang larawan ni Napoleon Abueva)
“Pangatlo ay ang Community of Creations ni EDUARDO
CASTRILLO”
(Ipaskil sa pisara ang mga larawan)
“Si Eduardo Castrillo ay isang award-winning na iskultor.
Sya ay anak ng isang gumagawa ng alahas at leading actress
sa mga Zarzuela.”
(Ipaskil ang larawan ni Eduardo Castrillo)
“Ito naman ang mga likha nina SOLOMON SAPRID”
(Ipaskil ang larawan ng likha ni Solomon Saprid)
“Si Solomon Saprid (13 March 1917- 28 September 2003)
ay isang Pilipinong modernong iskultor na kilala para sa
kanyang mga gawang tanso na baku-baku ang tekstura dahil
gawa sa mga hinasang pira-pirason tanso. Pinakilala sa
kanyang mga gawa ang kanyang Seryeng Tikbalang na
sinimulan niya noong 1971.”
“Panghuli ay si ABDULMARI ASIA IMAO na may likha
ng Sarimanok”
(Ipaskil ang larawan ni Abdulmari Imao)
“Si Abdulmari Asia Imao, katutubo ng Sulu, ay isang iskultor,
pintor, manunulat, at mananaliksik ng kultura.
Noong 2006, kabilang siya sa pitong hinirang na
Pambansang Alagad ng Sining, at ang unang Muslim na
ginawaran ng nasabing parangal. Nakikita sa kanyang
mga gawa ang mga elemento ng kulturang Muslim.”
“Anong damdamin ang nadarama mo habang tinitingnan
Ang nga likhang iskultura?”
4. 4
(Lumibot at tumawag ng limang mag-aaral)
(Sasagot ang mga tinawag na magaaral)
“Anu-ano ang mga ELEMENTO ng SINING ang taglay ng
larawan?”
“Maaalala natin na ang mga element ng sining ay ang
Guhit o linya, porma o hugis, yari o tekstura at kulay.”
“Sa palagay ninyo, aling sangkap ang nangingibabaw
sa likha ni Guillermo Tolentino?”
(tumawag ng isang mag-aaral)
(Sasagot ang mga mag-aaral)
“Sa likha ni Napoleon Abueva?”
(Muling tumawag ng isa pang mag-aaral)
(Sasagot ang mga mag-aaral)
“Sa likha ni Eduardo Castrillo? Solomon Saprid?
Abdulmari Imao?”
(Tumawag ng mag-aaral kada iskultor)
(Sasagot ang mga tinawag na
mag-aaral)
“Aling likha ang pinakanagustuhan mo?”
(tumawag ng tatlong (3) mag-aaral)
(Sasagot ang mga tinawag na
mag-aaral)
“Tulad ng mga paintings, ang sculptures ay may dalawang
uri rin, una, ang makatotohanan – na naglalahad ng isang
totoong pangyayari, at ang di makatotohanan naman ay
nagmula sa kathang isip na bagay o pangyayari na inililok.”
“Sainyong palagay….”
(Pumunta sa pang wakas na gawain)
C. Pangwakas na Gawain
Interactive Discussion
Ipasuri sa klase kung alin sa mga likhaing ang
MAKATOTOHANAN at DI MAKATOTOHANAN.
IV.
Pagtataya
Ipasulat kung TAMA o MALI.
1. Si Napoleon Abueva ang nagpasimula ng makabagong istilo-iskulto.
2. Ang UP Oblation ay makatotohanan.
3. Isang konserbatibong iskultor si Solomon Saprid.
4. Isa sa mga obra maestro ni Guillermo Tolentino ay ang monumento ni Andres Bonifacio.
5. Ang Sarimanok ni Eduardo castrillo ay makatotohanan.