2. Pakikinig
ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong
kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na
tunog, nauunawaan, natatandaan.
3. Kahalagahan ng Pakikinig
* pagkakaunawaan ng bawat indibidwal.
* pagkakaroon ng mga datos/ impormasyon
.
* pagsangyan o di-pagsang-ayon sa mga
pahayag.
* pagbibigay opinyon sa nagsasalita.
4. Layunin ng Pakikinig
1.Upang magkaroon ng kaalaman o
matuto
2. Napapalawak sa kaalaman ng tao.
3. Nagpapa-unawa at naisasaalang-
alang ang damdamin ng tao.
4. upang tayo ay magkaunawaan.
6. Ponolohiya
ay sangay ng lingguwistika (linguistics) na nag-aaral ng mga
tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang pagkukumpara
ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng
paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng
tunog na may kahulugan
Binubuo ang wikang Filipino ng
dalawampu’t limang (25) ponema –
dalawampu (20) na ponemang katinig at
limang (5) ponemang patinig.
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig - /a, e, i, o, u/
7. Apat na bahaging kailangan
sa pagbigkas ng mga tunog.
Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa
itaas)
4. malambot na ngalangala
(sa likod)
Larawan ni OSCAR!!!
8. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay
mailalarawan natin ang ponemang katinig ng Filipino.
1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw
ng punong dila /y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng
punong dila /k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang
presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan
upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/.
9. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay
mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:
1. Pasara o Istap – harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong o Nasal – sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba
ng velum at hindi sa bibig /m,n,ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila
ng ngalangala okaya’y ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.
4. Pagilid o Lateral – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat
ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila /l/.
5. Pakatal o Thrill – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang
lumabas sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.
6. Afrikatibo – nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa
paglabas ngunit pagkamaya-maya pa’y buong pinakawalan rin ito /j/.
7. Malapatinig o Glayd – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon
ng galaw mula sa isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.