Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Epp5.ia q2.lm

57.773 visualizaciones

Publicado el

LM EPP_AGRI

Publicado en: Educación
  • Did you try ⇒ www.HelpWriting.net ⇐?. They know how to do an amazing essay, research papers or dissertations.
       Responder 
    ¿Estás seguro?    No
    Tu mensaje aparecerá aquí
  • Ich kann eine Website empfehlen. Er hat mir wirklich geholfen. ⇒ www.WritersHilfe.com ⇐ Zufrieden und beeindruckt.
       Responder 
    ¿Estás seguro?    No
    Tu mensaje aparecerá aquí
  • Download over *12,000* fully detailed shed plans and start building your next shed easily and quickly. ✤✤✤ https://t.cn/A62YdZJg
       Responder 
    ¿Estás seguro?    No
    Tu mensaje aparecerá aquí
  • Dating for everyone is here: ❶❶❶ http://bit.ly/2Q98JRS ❶❶❶
       Responder 
    ¿Estás seguro?    No
    Tu mensaje aparecerá aquí
  • Follow the link, new dating source: ❤❤❤ http://bit.ly/2Q98JRS ❤❤❤
       Responder 
    ¿Estás seguro?    No
    Tu mensaje aparecerá aquí

Epp5.ia q2.lm

  1. 1. Department of Education Schools City Division Cabanatuan City LEARNING MATERIAL (EPP- Industrial Arts) GRADE 5 (Quarter 2)
  2. 2. Department of Education Schools Division Office Cabanatuan City _____________________________________________________ This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City. Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold, distributed or reproduced in any means without its explicit consent. LEARNING MATERIAL EPP 5 Industrial Arts Author/Developer: Richard G. Paguli Teacher III, Bagong Buhay ES Florencio R. Liwag Teacher I, Pula ES Quality Assurance: Alexander D. Neri, Ph.D. EPS-I EPP/TLE Ever M. Samson EPS-I LRMDS Priscilla D. Sanchez, Ph.D. Chief ES, Curriculum Implementation Division
  3. 3. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy. Ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman at kahusayan sa paggawa. Layunin: 1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, 2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kahoy na makikita sa pamayanan. 3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kahoy sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya Pagmasdan ang mga larawan ng produkto sa Nueva Ecija na makikita sa ibaba.Alin ang nasa larawan ang yari sa kahoy?Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng mga larawang gawa sa kahoy? Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan . Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code: EPP5IA-0a-1 MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA GAWAING KAHOY, METAL, KAWAYAN AT IBA PANG LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN IA Aralin 1 ALAMIN NATIN:
  4. 4. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials A. Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain na may iba’t- ibang lawak na batay sa mga materyales na sagana sa isang lugar at pamayanan na maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya. Ang mga gawaing may kinalaman sa kahoy ay may layunin na mabigyan ng sapat na angking kasanayan sa paggawa na may kaugnayan sa kahoy. Marami ang kasanayang matutunan sa gawaing kahoy na kapaki- pakinabang na magsisilbing kalasag at daan sa pagkakaroon ng panimulang hanapbuhay. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-aaral hindi lamang panghanapbuhay kundi para sa sariling pangangailangan sa tahanan tulad nga pagkukumpuni ng mga sirang gamit na gawa sa kahoy. Ang ilang halimbawa ng mga bagay at kagamitan na yari sa kahoy ay bangkito, mesa, bangko, bakya at iba pa. B. Itala ang sagot sa bawat tanong. Isulat sa kwaderno. 1. Itala ang mga maaaring magawa ng mga taong may kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy? 2. Bakit mahalagang matutuhan kasanayan sa gawaing kahoy? C. Magmasid sa ating kapaligiran at magtala ng limang (5) bagay o kagamitan na yari sa kahoy. Isulat sa sagutang papel. 1. 2. LINANGIN NATIN:
  5. 5. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 3. 4. 5. D. Pangkatang Gawain 1. Hatiin ang klase sa tatlo. 2. Bigyan ng gawain o activity card ang bawat grupo 3. Ibigay ang pamantayan sa paggawa. 4. Patnubayan ang mga ito. 5. Ipapresent ang output. Pangkat 1- lumibot sa paaralan at itala ang mga bagay na yari sa kahoy. Pangkat 2- Ibigay ang kabutihang dulot ng gawaing kahoy sa pansariling kabuhayan Pangkat 3- Magbigay ng halimbawa ng maaaring maging hanapbuhay ng mga taong may kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy. Mahalagang matutunan ang mga kaalaman at kasanayang napapaloob sa bawat lawak ng gawaing pang-industriya sapagkat ito ay magiging batayan sa paggawa at pagkakaroon ng pagkakakitaan. Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap. _____1. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing kahoy na tunay na kapaki-pakinabang. _____2. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-aaral hindi lamang panghanapbuhay kundi para na rin sa sariling pangangailangan. _____3. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga kagamitan na yari sa kahoy. TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  6. 6. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials _____4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy ay maaari ng magkumpuni ng mga sirang upuan at lamesa. _____5. Madaling matukoy kung ang isang bagay ay yari sa gawang kahoy. Guumuhit ng mga kagamitan na makikita sa inyong tahanan na gawa sa kahoy at sabihin ang gamit nito. http://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya- 56947572 https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  7. 7. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy. Ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman at kahusayan sa paggawa. Layunin: 1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing metal, 2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing metal na makikita sa pamayanan. 3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing metal sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya Tukuyin ang mga sumusunod kung ano ang mga ito. ________________1. ________________2. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan . Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code: EPP5IA-0a-1 MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA GAWAING METAL IA Aralin 2 ALAMIN NATIN:
  8. 8. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials __________________3. __________________4. Nasa mga kamay ng gumagawa ang ikauunlad ng kabuhayan ngating bansa. Ang pagpapahalahaga sa gawaing may kinalaman o kaugnyan sa kabuhayan ay dapat pag-ibayuhin upang maitaas ang uri ng pamumuhay ng mag-anak at mga mamamayan. Isa sa mga lawak ng gawaing pang-industriya ay ang gawaing metal o metal works na tumutukoy sa mga bagay o kasangkapan na gumagamit ng mga materyales na metal tulad ng bakal, aluminyo, o aluminum, zinc, stainless, ginto at pilak. A. Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain na may iba’t- ibang lawak na batay sa mga materyales na sagana sa isang lugar at pamayanan na maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya. Ang pag-aaral naman ng mga gawain tungo sa pagkaakit, pagmumulat, at pagiging mapamaraan ay magandang kaalaman na makakamit sa gawaing metal, isa sa mga lawak sa Edukasyong Pangkabuhayan na napapanahon sapagkat sa ngayon ay maraming nagkalat na patapong metal tulad ng mga bakal, kawad, at lata na maaaring gamiting muli sa pagbuo ng bagong proyekto tulad ng dust pan, gadgaran, habonera, kahon ng resipi at kwadro Ang pagiging latero ay hanapbuhay na maaaring mapasukan ng isang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing kaugnay ng metal. B. Gumuhit ng lima (5) o higit pang mga kasangkapan o kagamitan na maaaring magawa ng mga taong may kaalaman at kasanayan sa gawaing metal? LINANGIN NATIN:
  9. 9. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Ang mga gawaing metal ay dapat malinang sa murang isipan ng mga bata upang makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya. Nakatutulong din ang gawaing ito sa pag-unlad ng bansa. Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan sa ibaba ay may kinalaman sa gawaing metal at ekis (x) kung ang larawan ay walang kinalaman sa gawaing metal. ___________1. ______________2. ___________3. _______________4. _________________5. Maginterbyu ng taong kakilala ninyo o malapit sa inyong lugar na mayroong kaalaman at kasanayan sa gawang metal at itanong kung ano ang TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN: PAGYAMANIN NATIN:
  10. 10. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials kabutihang dulot nito sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanilang pamilya. Isulat ang sagot sa kwaderno. http://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya- 56947572 https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing SANGGUNIAN:
  11. 11. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy. Ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman at kahusayan sa paggawa. Layunin: 1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kawayan, 2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kawayan na makikita sa pamayanan. 3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kawayan sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya Ang mga pangunahing kaisipan at kasanayan sa gawaing kawayan at iba pang sining pang-industriya ay maaaring makasagot sa pang araw-araw na pangangailangan ng mag- anak na maituturing kawili – wili at kapaki-pakinabang. Ang isa sa mga lawak ng Sining Pang-industriya ay ang gawaing kawayan. Ang kawayan ay isang uri ng halaman na medaling matatagpuan sa Pilipinas. Karaniwang tumutubo ang kawayan sa halos lahat ng pook sa Pilipinas.Ito ay matibay kaya mahusay gamitin sa paggawa ng bahay,muwebles, at iba pang kapaki-pakinabang na kagamitang Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan . Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code: EPP5IA-0a-1 MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA GAWAING KAHOY, METAL, KAWAYAN AT IBA PANG LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN IA Aralin 3 ALAMIN NATIN:
  12. 12. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials mapagkakakitaan.Maraming uri ng kawayan na matataagpuan sa ating bansa.Karaniwan dito at anos,bayog,bolo,buho.kawayang-kiling, at kawayang tinik. Ito rin ay nagagamit bilang handicrafts na pang- kultura.Kabilang sa mga kagamitang nagagawa mula sa kawayan ay lampara,bulaklak,pandekorasyon sa dingding,at iba pang palamuti. Mga Iba’t-ibang uri ng kawayan sa Pilipinas Bayog (Dendrocalamus merilliana)-ito ay matigas na kawayan.Maaring gamitin itong pangbakod Anos (Schizostachyum lima) ay isang uri ng namumulaklak na kawayang likas na natatagpuan sa Pilipinas. Ito'y pinapalaganap sa pamamagitan ng binhi, o gamit ang gahiwang rhizome. Madalas itong gamitin sa paggawa ng sawali, pamingwit, kasangkapang pangtugtugin. Sa mga malalayong pook, ginagamit ng ilang hilot ang kutsilyong yari sa Anos para patirin anglawit ng pusod ng bata. Kawayang Bolo(Gigantochloa levis) ay kawayang manipis ang laman.ginagamit itong sawali o dingding. Buho (Schizostachyum lumampao) ay isang uri din ng matigas na kawayan. Kawayan tinik (Bambusa spinosa) ang tinaguriang "giant bamboo" A. Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain na may iba’t- ibang lawak na batay sa mga materyales na sagana sa isang lugar at pamayanan na maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya. Ang gawaing kawayan o handicraft ay may iba’t-ibang gawaing maaari mong matutuhan. Malaya kang makapipili ng gagawin batay na rin sa iyong kaalaman at kasanayan. Sa pook na sagana sa kawayan ay paghahabi ang mainam gawin. Ito rin ay maaaring magamit sa paggawa ng bahay, muwebles, at palamuti sa bahay. B. Magtala ng mga bagay na maaring magawa ng mga taong may kaalaman at kasanayan sa gawaing kawayan at sabihin ang gamit nito. LINANGIN NATIN:
  13. 13. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Isang lawak sa gawaing pang-industriya na ginagamit ang mga mapapakinabangan at madekorasyon na kagamitan sa pamamagitan ng mga matityagang kamay o sa malikhaing pag-iisip ay mapapaunlad nito ang ating pamumuhay. A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa puwang. _____1. Malaki ang maitutulong sa mag-anak na may kaalaman sa gawaing kawayan sa kanilang_________. a. pangungutang c. pag-iisip b. pag-unlad d. pag-aaliw _____2. Ano _______ ay karaniwang tumutubo sa lahat ng pook ng Pilipinas. a. metal c. kawayan b. kawad d. kahoy _____3. Sa mga pook na sagana sa kawayan ang __________ ang maaaring gawin. a. paghahabi c. pagkakarpentero b. paglalatero d. Pagwewelding _____4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kagamitan na yari sa kawayan. a. dust pan c. bahay b. lampshade d. sandok _____5. Ang kawayan ay maaari ring magamit sa paggawa ng bahay, muwebles, at _________. a. Palamuti sa bahay c. bakya b. sandok d. Gadgaran B. Karagdagang Gawain Ang Paggawa ng Pamaypay Mga gagamitin: 1. mainipis na piraso ng kawayan na may 7 pulgada ang haba 2. karton TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  14. 14. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 3. plato (katamtaman ang laki) 4. manipis na pisi, 10 pulgada ang haba 5. krayola 6. gunting Pamamaraan: 1. Bakatin ang plato sa karton. 2. Gupitin ito gamit ang gunting. 3. Guhitan ng nais na disenyo ang bilog na karton gamit ang krayola. 4. Ilagay ang 7 pulgadang haba ng manipis na kawayan sa gitnang bahagi ng karton para maging tangkay. 5. Talian ng pisi ang dulong bahagi na nag-iipit sa karton. Bumuo ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng kawayan. http://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya- 56947572 https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  15. 15. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Tatalakayin sa araling ito ang iba’t ibang uri at pangkat ng kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng mga gawaing kamay . Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga kagamitang ito ang gamit ng bawat isa upang mapadali ang paggawa ng kanilang proyekto. Layunin: 1.Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy,kawayan,metal at iba pa. 2.Natatalakay ang mga gamit ng mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy,kawayan,metal at iba pa. May mga kasangkapang kailangan sa paggawa ng mga bagay na yari sa kamay. Sa paggawa ng proyekto maging ito ay yari sa kahoy, metal, goma at mga kagamitang katutubo, kailangan ang angkop na kasangkapan sa bawat uri ng mga gawain. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at iba pa. Code: EPP5IA-0b-2 MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA IA Aralin 4 ALAMIN NATIN:
  16. 16. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Ang kaalaman sa iba’t ibang kasangkapan sa paggawa ay makakatulong sa magaaral upang makabuo ng isang gawaing pangindustriya. Narito ang iba’t ibang uri ng mga kagamitan at kasangkapang ginagamit sa paggawa ng mga bagay na yari sa kamay. Basahin mo at isaisip ang mga uri at gamit ng mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa. Mga Panukat Foot Rule at Zigzag rule-ginagamit ito sa pagsukat ng taas,lapad, at kapal ng materyales tulad ng kahoy. Iskwala-ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya,pagtiyak sa lapad at kapal ng tabling makitid at kung nais tandaan kung iskwalado ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy. Mga Pamukpok Martilyo-ginagamit ito na pambaluktok,pampukpok ng materyal, at pambaon sa pait at pako.Ang ulo nito ay yari sa bakal. Malyete-kagamitang mukhang martilyo ngunit ang ulo ay yari sa kahoy na may goma,ginagamit sa pambaon sap ait at yari sa kahoy o anumang kasangkapan na masisira ng bakal na martilyo. LINANGIN NATIN:
  17. 17. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Mga Pambutas Barena-ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hindi hihigit sa kalahating sentimetro.Ang talim nito ay tinatawag na drill bit. Brace-ginagamit sa paggawa ng malalaking butang.Ang talim nito ay tinatawag na auger bit.Magagamit itong pambutas sa kahoy at sa ibang uri ng metal. Electric drill-barenang dekuryente na mainam gamiting pambutas sa matitigas na bagay tulad ng semento at bakal. Mga Pang-ipit Gato-ginagamit na pang-ipit sa mga materyales tulad ng kahoy at bakal kung ito ay bubutasan,puputulin o kakatamin C-clamp-isang uri rin ng pamg-ipit na mainam gamitin kung walang gato. Mga Pamputol Ripsaw-ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa ng kahoy.
  18. 18. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Crosscut saw-ginagamit na pamputol nang pahalang sa hilatsa ng kahoy. Backsaw-ito ay maliit kaysa sa lagari at may maliliit na ngipin,Ginagamit para sa mga tiyak na dugtungan ng kahoy. Coping saw-ginagamit sa pagputol nang pakurba sa proyektong yari sa kahoy. Compas o keyhole saw-patulak ang paggamit ng kasangkapang ito at maraming iba’t ibang talim na pambutas nang pabilog. Katam-ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng tabla o kahoy. Paet-ginagamit sa pagkorte,pagbawas, at paggawa ng butas sa kahoy. Mga Panghasa Oil stone-ginagamit sa paghasa ng karamihang tuwid na kasangkapang pamputol. Kikil-ginagamit na panghasa sa mga ngipin ng lagari.
  19. 19. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung gagamitin ang angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa. A. Gumawa ng tsart ng mga kasangkapan sa paggawa ayon sa gamit. Kasangkapan Paggamit Gawain B Magbigay ng 3 halimbawa ng mga proyektong maaaring mabuo sa gawaing kahoy ,kawayan at metal. Ipatukoy ang mga kasangkapanng mayroon sila sa kanilang bahay at ipakuwento ang mga karanasan sa paggamit ng mga ito. https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN: PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  20. 20. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Hindi lamang kaalaman sa paggawa ang iyong matutuhan sa mga gawaing pang-industriya.Mahalagang magkaroon din ng kamalayan ang mag-aaral upang makaiwas sa anumang sakuna habang gumagawa. Layunin: 1.Nasusunod ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. 2.Napahahalagahan ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. Anu-anong kagamitan ang nagamit mo na sa paggawa ng iyong proyekto?Anong kahandaan ang ginawa mo upang maiwasan ang sakuna? May kasabihan tayong “Safety is Everybody’s Business”.Kaya marapat lamang na dapat nating tandaa ang mga sumusunod na panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa ng proyekto. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at iba pa. Code: EPP5IA-0b-2 MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA IA Aralin 5 ALAMIN NATIN: LINANGIN NATIN:
  21. 21. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 1.Maglaan ng lugar ,kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa.Makabubuting iayos ang mga ito ayon sa uri at gamit upang mapadali ang pagkuha at pagbabalik sa mga ito. 2.Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamit ang matatalim. Ang mga dekuryenteng kasangkapan ay ginagamit lamang kung kinakailangan at hindi dapat paglaruan. 3.Tiyakin na ang mga kasankapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon.Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapupurol, maluwag ang turnilyo o kaya’y may sirang bahagi. 4.Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa .Huwag makipaglaro o makipag- usap habang humahawak ng mga maseselang kagamitan at kasangkapan. 5.Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente bago gamitin ang mga ito.Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang ito sa ilalim ng patnubay ng guro. 6.Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron, overall ,at magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa. 7.Maghugas mabuti ng kamay pagkatapos gumawa .Higit na mabuting maligo upang malinis ang buong katawan matapos makapagpahinga sa paggawa. 8.Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga kasangkapang tulad ng welding machine, lathemachine, mga kemikal, at iba pang makapipinsala sa katawan. 9.Hawakan ng wasto ang mga kasangkapan sa paggawa. Ang mga kasangkapan at kagamitan ay kailangang pangalagaan upang magamit nang matagal.Maging maingat sa pagbubuo ng proyekto upang maiwasan ang sakuna.Ang natapos na proyekto ay kailangang pahalagahan at ipagmalaki batay sa niaibibgay na kapakinabangan. TANDAAN NATIN:
  22. 22. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Isulat ang  kung tama ang isinasaad ng pangungusap, at  kung mali. ______1.Magsuot ng angkop na kasuotan sa paggawa. ______2.Iwasang makipaglaro o makipag-usap habang gumagamit ng maselang kagamitan. ______3.Ilagay kung saan-saan ang mga gamit habang gumagawa. ______4.Maghugas agad ng kamay pagkatapos gumawa. ______5.Maglagay ng panakip sa bibig at mata habang gumagamit ng welding machine. Paggawa ng skit tungkol sa panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi.Pangkatang pagsasadula. https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing GAWIN NATIN: PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  23. 23. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Ang bawat gawain ay may simula sa paggawa. Ang proyektong binalak gawin ay kailangan ayon sa plano dahil dito nakasalalay ang maayos at magandang proyekto. Kagigiliwang gawin ang isang proyekto kung ito ay pinili ayon sa kagustuhan, kakayahan, at pangangailangan. Ang wastong kaalaman at paggamit sa mga kasangkapan ay maipapakita sa pagsunod sa plano ng proyekto. Layunin: 1.Nakakagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad. 2.Nagagamit ang kasangkapan at kagamitan sa gawaing elektrisidad. Ang gawaing pang- elektrisidad ay isa sa mahalagang lawak sa Edukasyong Pangkabuhayan. Dito makakamit ng mga mag-aaral ang batayang kaalaman at kasanayan tungkol sa elektrisidad, mga kaukulang pag-iingat at mga pang-kaligtasang gawi upang makaiwas sa sakuna na may kaugnayan sa kuryente. Pagiging elektrisiyan ang hanapbuhay ng mga taong Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at iba pa. Code: EPP5IA-0C-3 GAWAING ELEKTRISIDAD IA Aralin 6 ALAMIN NATIN:
  24. 24. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials may kaalaman at kasanayan sa paggawa kaugnay ng kuryente. Ibayong pag- iingat nga lamang ang dapat isa-alang alang. Paggawa ng Simpleng Series Circuit Mga Kagamitan Bumbilya Light bulb Socket Baterya Switch Electrical Tape Cutting Pliers Clamp Screw Driver Tabla Wire Mga paraan sa paggawa ng Electrical Circuit 1.Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin; 2.Ikabit ang dalawang wire sa magkabilang dulo ng baterya. 3.Ikabit ang isang wire na nanggaling sa baterya sa kabilang dulo ng light bulb socket at kumuha ng isa pang wire para ikabit sa kabilang dulo nito. 4.Ikabit ang wire na nang galing sa light bulb socket at ikabit sa kabilang dulo ng switch. pag naikabit na ang wire na nang galing sa light bulb socket, ang kabilang dulo ng wire na nangaling sa baterya ay ikakabit sa kabilang dulo ng switch. 5.Para gumana ang light bulb, ilagay sa ON ang switch. Ang wastong kaalaman sa paggawa ng proyekto ay magpapaunlad ng kasanayan at nakatitipid ng oras at lakas. Narito ang ilang mga paalala sa paggawa ng proyektong Series Circuit. 1.Bago bumili ng mga gagamitin ay dapat alamin muna ang kalidad ng materyales upang makaiwas sa disgrasya. Dapat sa pag pili ng mga materyales alalahanin ang mga ito; hindi basta basta sasabog ang bumbilya LINANGIN NATIN: TANDAAN NATIN:
  25. 25. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials kapag ginamit, hindi mabilis maubos ang enerhiya ng baterya at hindi madaling maputol ang wire 2.Iwasan din ang mga wire na maaring tumalsik habang pinuputol ang mga ito. Maari kasi itong mapunta sa iyong mga mata. 3.Kung ang wire ay may nakitang sugat o nakalabas ang copper lagyan ito ng electrical tape. Ngunit wag hahawakan ang nakalabas na metal, dahil sa metal na ito dumadaloy ang kuryente 4.Kung may hindi alam sa mga nangyayri. Humingi ng tulong sa nakakaalam. Upang iwas disgrasya. 5.Kapag ang circuit ay gumagana wag hawakan ang Source. Kung ang source ay baterya, umiinit ito at maaari kang mapaso. Kung ang ginamit mo naman ay kuryenteng namumula sa socket, maaari kang makuryente dahil sa taas ng boltahe nito. A..Aktuwal na paggawa ng proyektong Series Circuit B. Pagsagot sa score card SCORECARD SA PAGGAWA NG SERIES CIRCUIT Mga Pamantayan Puntos A.Pagsunod sa Wastong Hakbang 1. Dala lahat ang mga kagamitan at kasangkapan sa paggawa 10 2. Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago gumawa. 10 3. Wastong pagsunod sa hakbang sa paggawa ng proyekto 20 4. Niasagawa sa takdang oras 10 B. Paggamit ng Kasangkapan 1. Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa. 10 1. Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan. 5 2. Ginamit sa angkop ng gawain. 5 3. Ibinalik sa pinagkunan matapos ang gawain ng maayos. 5 GAWIN NATIN:
  26. 26. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials  Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad.  Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin.  Magpaguhit sa mga mag- aaral ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad na maaaring gawin mula sa materyales na matatagpuan sa pamayanan. https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing https://prezi.com/bvvi_j6xl5s1/paano-gumawa-ng-electrical-circuit/ C. Pangkaligtasang Gawi 1. Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa. 5 2. Ipinapakitang may sistema sa paggawa. 10 3. Ipinakita ng pag-iingat habang gumagawa. 5 4. Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain at isinauli ang mga kagamitan at kasangkapan sa pinagkunan. 5 PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  27. 27. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Mauunawaan ng mga mag- aaral na sa araling ito na may iba’t ibang materyales na makikita sa paligid ng pamayanan. Ang araling ito ang magbubukas sa kanilang kaisipan na kahit mga patapong bagay ay maaari pang pakinabangan at pagkakitaan. Kinakailangan silang bumuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan tulad ng kahoy, metal, kawayan, at iba pa na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan. Layunin: Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, metal, kawayan, atbp.) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan. Mahalaga ang pagpili ng isang gawain na mapagkakakitaan.May mga bagay na dapat isalang-alang tulad ng mga sumusunod:  Ang Gawain ay kailangang makabuluhan at makakatulong sa pamilya at pamayanan.  Ito ay kinapapalooban ng maka-agham at makabagong pamamaraan upang umunalad ang teknolohiyang umiiral sa pamayan.  Ang Gawain ay gagamitan ng katutubong materyales at kasangkapang matatagpuan sa pamayanan. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at iba pa. Code: EPP5IA-0b-2 (Isang Linggong Aralin) PAGBUO NG PLANO NG PROYEKTO IA Aralin 7 ALAMIN NATIN:
  28. 28. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials  Ang mga hakbang at paraan ng napiling Gawain ay medaling maisagawa.  Ang Gawain ay naiiba sa pangkaraniwan. Pagkatapos pumili ng gawain,kinakailangan balakin nang mahusay ang pagpaplano ng proyekto ng may angkop na espisipikasyon.Narito ang mga dapat tandaan sa pagpaplano ng proyekto: 1.Ang pangalan ng proyekto-tiyakin ang pangalan ng napiling proyekto. 2.Disenyo ng proyekto-ang paggawa ng disenyo ay bahagi ng pagpaplano.Mahalaga na mailarawan ang kabuuang anyo ng proyekto.Inilalagay rin ang tiyak na sukat,mga materyales,at detalyeng kailangan sa paggawa ng proyekto na magsisilbing batayan habang binubuo ito. 3.Materyales-ang mga materyales ay dapat itala batay sa disenyo ng proyekto.Lalong mabuti kung ito ay katutubong materyales na matatagpuan sa pamayanan.Ang talaan ng mga materyales ay magbibigay ng tiyak na halagang gugugulin sa paggawa ng proyekto. 4.Kagamitan-ang mga kailangang kagamitan ay ihanda kaagad upang hindi maantala sa pagsasagawa ng proyekto tulad ng martilyo,plais, katam at iba pa. 5.Mga hakbang sa pagbuo ng proyekto-pag-aralan at itala ang mga sunod- sunod na hakbang sa pagsasagawa ng proyekto.Mahalaga ang pag-aaral samga hakbang upang hindi masayang ang oras sa pagsasagawa. Itala ang mga balaking ginawa sa pagpaplano ng proyektong napili.Ito ang magiging gabay sa pagbubuo ng proyekto.Suriin at pag-aralan ang sumusunod na pormat ng plano ng proyekto: Pangalan ng Mag-aaral:________________________________________________ Baitang/Seksyon___________________________Petsa:_____________________ Nagsimula:________________________________Natapos:___________________ I.Pangaln ng Proyekto: II.Layunin: III.Krokis ng Proyekto: IV.Materyales ng Proyekto: Bilang Yunit Sukat ng Materyales Halaga Kabuuang Halaga LINANGIN NATIN:
  29. 29. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials V.Kasangkapang Gagamitin 1. 2. 3. VI.Mga Hakbang sa Pagbuo ng Proyekto 1. 2. 3. 4. 5. at iba pa _______________________ Lagda ng Guro VII.Pagpapahalaga Aytem ng Pahahalagahan Puntos 100% Marka ng Bata Marka ng Guro 1. 2. 3. 4. 5.atpb Kabuuan 100% _________________________ Lagda ng Batang Gumawa
  30. 30. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Ang pagpaplano ng isang proyekto ay mahalaga sa pagpili ng gawaing mapagkakitaan. Sagutin mo 1.Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gawaing mapagkakitaan? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 2.Bakit kailangang balakin nang maayos ang pagpaplano para sa isang proyekto? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 3.Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagpaplano ng proyektong pang- industiya? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 1.Pumili ng isang gawaing pryekto na tinatalakay saa klase.Isagawa ang mga hakbang sa pagpaplano ng proyekto. 2.Magmasid sa pamayanan tungkol sa mga gawaing pang- industriyang pagkabuhayan.Alamin at itala ang mga proyektong magandang mapagkakitaan at madaling ipagbili. Edukasyong Pantahan at pangakabuhay 6.pp 209-212. TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN: PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  31. 31. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman: Mauunawaan ng mga mag- aaral na sa araling ito na may iba’t ibang materyales na makikita sa paligid ng pamayanan. Ang araling ito ang magbubukas sa kanilang kaisipan na kahit mga patapong bagay ay maaari pang pakinabangan at pagkakitaan. Kinakailangan silang bumuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan tulad ng kahoy, metal, kawayan, at iba pa na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan. Layunin: Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, metal, kawayan, atbp.) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan. Awitin ang rap nasa ibaba: Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at iba pa. Code: EPP5IA-0b-2 (Isang Linggong Aralin) PAGBUO NG PLANO NG PROYEKTO IA Aralin 8 ALAMIN NATIN:
  32. 32. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Sagutin ang mga tanong: 1. Tungkol saan ang binasang rap? 2. Ano- anong materyales na matatagpuan sa pamayanan ang nabanggit sa rap? 3. Magbigay ng mabubuong proyekto gamit ang mga materyales na nabanggit. 4. Bakit mahalaga ang pangangalaga sa mga bagay na nasa ating kapaligiran? A. Ang ating bansa ay sagana sa materyales na mayroon sa mga pamayanan. Ilan sa mga ito ay mga halamang tanim at iba pang yamang- dagat. Bawat materyales ay may angkop na gamit na dapat alamin upang makagawa ng higit na maganda at matibay na proyekto. Ilan sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod: 1. Tabla at kahoy- ang kahoy at tabla ay nagmula samga puno tulad ng molave, narra, yakal, kamagong, apitong, at iba pa. Tiyakin lamang na ang uri ng kahoy na gagamitin ay tuyong- tuyo upang maiwasan ang pag- urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok nito, at pagkasira ng ginawang proyekto. 2. Kawayan- ang kawayan ay isang uri ng halaman namatatagpuan sa LINANGIN NATIN: Yo,Yes Yes Yo! Tapon dito,tapon doon Mga basura niyo huwag nang itapon Sinupin mo basura mo Magagawang proyekto ito. Kahoy,kawayan at metal Mapapakinabangang tunay Open up your mind,Listen up YO!
  33. 33. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Tsina, Hapon, Malaysia, Pilipinas at ibang Asyanong bansa. Ito rin ay nagagamit bilang handicrafts na pang-kultura,at pagkain. Napagkukunan ang mga kawayan ng mga nakakaing labong, ang mga usbong ng halamang ito. Tinatawag na kawayanan ang taniman ng mga kawayan. Buho naman ang tawag sa matigas na kawayan. 3. Metal- ang metal ay isang uri ng bakal na ginagamit sa pagluluto, at paggawa ng mga bagay na pwedeng pakinabangan ng mga tao tulad ng silong ng bahay at maging ang mga pira -pirasong metal ay maaari pa ring magamit bilang materyales sa gagawing proyekto, tulad ng lampshade at iba pang kagamitan o palamuti sa bahay. B. Pagsasagwa ng Lampshade Mga materyales at kagamitan:  2 Wire na may habang 22 pulgada, (Tanggalin ang insulator sa makabilang dulo)  1 switch  1 plug  1 bulb  1 Bulb receptacle  1 plastic bottle (1.5 L)  Kinulayang Tabla/board  Kinulayan o binarnisang Sanga ng kahoy  Gunting  Cutter  Glue stick and glue gun  Paint  Paint brush  Ibang materyales sa pagdedesinyo Pamamaraan sa Pagsasagawa ng Lampshade:  Gamit ang gunting at Cutter, Putulin ang ang plastic bottle at kunin ang itaas na bahagi nito.  Lagyan ng kapirasong butas ang takip nito.  Matapos putulin. Lagyan ito ng disenyo sa pamamagitan ng paggupit sa laylayan nito ng magkakasalubong pakurbang linya.  Ulit ulitin ito paikot hanggang sa mag-abot ang mga ito. (maaari din kayong mag-isip at gumawa ng sarili ninyong disenyo.)  Matapos lagyan ng disenyo ay atin naman itong kukulayan. Maaari kayong gumamit ng kahit na anong kulay ang inyong nais.  Matapos itong kulayan, itabi muna ito sa isang ligtas na lugar upang patuyuin.
  34. 34. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Paggawa ng Lampshade Stand  Kuhanin ang kinulayang tabla,  Lagyan ito ng isang maliit na butas sa gitnang bahagi malapit sa gilid gaya nito.  Kunin naman ang kinulayan/binarnisang sanga ng puno at ikabit ang kabilang dulo nito sa butas ng tabla ◦ Tiyaking kakasya lamang ang sanga sa butas na iyong ginawa. ◦ Lagyan ng pandikit, upang hindi ito matanggal.  Matapos nito, itabi muna ito sa isang ligtas na lugar  Kuhanin ang 1 wire na may habang 22 pulgada at plug. i-assemble ito!  Maingat na ikabit ang wire sa plug.  Tandaan! Iwasang magkadikit ang dalawang linya ng kuryente. Ang pagkakadikit ng dalawang linya ng kuryente ay tinatawag na “short circuit”. Ang short Circuit ay maaaring magdulot ng isang sunog na maaaring makasira ng mga bagay bagay o magdulot kapahamakan sa marami.  Matapos nito, kuhanin ang switch at ikabit sa kabilang dulo ng wire.  Maingat na ikabit ang wire sa switch at huwag hayaang may magkadikit na dalawang linya ng kuryente.  Kuhanin naman ang isa pang wire na may habang 22 pulgada  At maingat din itong ikabit sa switch.  Matapos ay ating kuhanin ang kinulayan nating bahagi ng plastic bottle.  Ipasok ang wire sa butas ng takip.  Kuhanin ang receptacle ng bumbilya.  Maingat na ikabit ang receptacle, muli iwasang may magkadikit na dalawang linya upang maiwasan ang short circuit.  Gamit ang glue gun at glue stick upang idikit ang receptacle sa loob.  Atin na ngayong i-assemble ang ating ginawa.  Idikit ang itaas na bahagi ng plastic bottle sa stand ng lampshade.  Idikit ang wire sa stand upang hindi ito madaling masira.  Maaari nang ikabit ang bumbilya.  Atin naman ngayong susubukan kung gagana ang ating ginawa.  Atin ngayong isasaksak ang ating simpleng lampshade sa isang power source…  At ayan mayroon na tayong… LAMPSHADE! Mga Paalala: Palaging mag-iingat sa paghawak at paggamit ng mga matatalas at matutulis na bagay. Dahil mamaari itong makasugat o magdulot ng kapahamakan sa maling paggamit nito Maaring panoorin ang video sa tamang paggawa ng lampshade sa https://www.youtube.com/watch?v=fDEhUF0J8Tg
  35. 35. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials May ilang materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring magamit sa pagbuo ng kapaki- pakinabang na proyekto tulad halimbawa ng kawayan, kahoy o iba’t ibang metal. Sa pagpaplano nito dapat isa alang- alang ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan gayon din ang wasto at malinaw na pamamaraan na siyang magiging gabay upang makagawa ng kapaki- pakinabang na proyekto na maaaring mapagkakitaan. Isa-isahin ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng lampshade? Isulat sa sagutang papel. Gamitin ang Rubrics sa pagmamarka ng proyekto ng bata. Binigyan ng Tuon 5 puntos Natatangi 3 - 4 puntos Katamtamang Kagalingan 1 - 2 punto Nangangailangan ng Tulong Pagiging Orihinal at Pagkamalikhain Ang kabuuan ng proyekto ay nagpakita ng lubusang orihinalidad at pagkamalikhain. Natapos ang proyekto subalit hindi gaanong orihinal at hindi gaanong malikhain. Natapos ang proyekto subalit kapos ang paggamit ng pagkamalikhain at walang orihinalidad. Pagsisikap at Pagtitiyaga Kinakitaan ng lubusang pagsusumikap, lampas pa sa kinakailangan, ang natapos na proyekto. Kinakitaan ng pagsusumikap ang natapos na proyekto subalit may ilang mga kulang na detalye. Kinakitaan ng kaunting pagsusumikap ang natapos na proyekto. Kasanayan sa pagbubuo Mahusay at maganda ang nabuong proyekto. Natapos ang proyekto subalit may mga depektong nakita. Natapos ang proyekto subalit lubhang magulo at hindi maunawaan. Saloobin at responsibilidad Masigasig na gumawa upang matupad ang layunin ng pangkat. Masigasig na gumawa subalit kinakailangan pa ng tulong buhat sa iba. Walang sigasig sa paggawa at kailangan pang paalalahanan nang malimit. TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  36. 36. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 6 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials  Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad.  Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin.  Magpaguhit sa mga mag- aaral ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad na maaaring gawin mula sa materyales na matatagpuan sa pamayanan. https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  37. 37. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Nilalaman Sa araling ito ay matututunan mo ang iba’t-ibang materyales na matatagpuan mo sa iyong paligid na maaaring mong gamitin upang makagawa ng makabuluhang produkto na maaari mong mapakinabangan at pagkakitaan. Mababatid mo na sa pamamagitan lamang ng mga materyales na nsa iyong paligid ay maari ka ng makagawa ng mga bagay na iyong mapakikinabangan. Layunin 1. Naiisa-isa ang iba’t-ibang materyales na maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t-ibang makabuluhang proyekto. 2. Natutukoy ang mga materyales na matatagpuan sa paligid/pamayan na maaaring gamitin sa paggawa ng kapaki- pakinabang na proyekto. Suriin ang mga sumusunod na produkto. Sa inyong palagay saang materyales gawa ang mga produktong ito Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code EPP5IA-0f-6 ALAMIN NATIN: IA Aralin 13 PAGBUO NG DISENYO MULA SA MGA MATERYALES NA MAKIKITA SA PALIGID
  38. 38. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Ang ating pamayanan ay sagana sa mga materyales na likas nating matatagpuan sa ating paligid. Ilan sa mga ito ay mga halamang itinatanim katulad ng mais, palay at iba pa. Maari ring ito ay mga materyales na matatagpuan sa ating yamang tubig gaya ng mga shells o kabibe Bawat materyales ay naaayon sa uri ng kapaligiran na mayroon tayo. Bawat uri ng materyales ay may angkop na gamit na dapat nating alamin upang makagawa ng higit na maganda at matibay na proyekto na ating pakikinabangan. Ilan sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod: 1. Damo- ang mga damo ay pangkaraniwang tumutubo sa mga bakanteng lote, halimbawa ng mga ito ay talahib, kugon, tikiw, tambo at iba pa. Mayroon din namang tumutubo sa tubig tulad ng water lily. a. Talahib at Kugon- Ang mga ito ay karariwang matatagpuan sa mga bakanteng lote. Ito ay kinukuha at pinatutuyo sa init ng araw upang magamit sa paggawa ng bubong, ngunit maaari rin itong gamiting pangdisenyo sa mga kagamitan gaya ng kahon o sisidlan at parol o pabitin. b. Tikiw- Ang tikiw ay isang uri ng damo na may mataas at kulay tsokolateng bulklak at mahaba at matalim na dahon. Kadalasang pinatutuyo ito sa init ng araw upang gawing dingding ng bahay ngunit mahusay at matibay din itong gawing bag, banig, at pangdisenyo sa mga sisidlan o kahon. c. Water Lily- ito ay matatagpuan sa mga anyong tubig gaya ng sapa at ilog. Ito ay may maberdeng kulay, malambot na katawan, at may pinaghalong puti at lilang bulaklak. Ito ay pinatutuyo sa araw at kinukulayan at ginagawang bag at tsinelas. Matatagpuan naman sa Cuyapo, Nueva Ecija ang pagtatanghal ng iba’t ibang kagamitan na gawa sa water lily sa kanilang water lily festival tuwing Nobyembre ng bawat taon. LINANGIN NATIN:
  39. 39. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 2. Niyog- Ang puno ng niyog ang tinatawag nating “Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay may gamit. Mula sa ugat hanggang sa dahon ay maari kang makagawa ng makabuluhang bagay o proyekto. Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari ring gawing palamuti sa ating mga tahanan. Ang mga hibla ng bunot nito ay maaaring gawing bag, lubid, at pwede ka ring gumawa ng pahiran ng paa. Ginagamit din ang katawan ng niyog sa paggawa ng sahig, ding-ding at haligi ng bahay. Maari ring gumawa ng mesa at upuan gamit ang katawan nito. Ang mga dahon naman ay maaring gawing walis at bubong ng bahay. Ang bunga ay maaaring inumin at ipansahog sa pagkain. At ang bao nito ay maaring gawing alakansiya, sandok at iba pang gamit sa kusina. 3. Kawayan – Ang kawayan ay isang uri ng damo na madalas matagpuan sa mga liblib na lugar. Ito ay matibay at maraming gamit. Kadalasang ginagamit ang kawayan sa pag-gawa ng bahay kubo at iba pang parte ng bahay. Ilan pa sa mga produktong maaaring gawin gamit ang kawayan ay mga upuan at mesang kinakainan, lampshade, plorera, alkansya at marami pang iba. 4. Tabla at Kahoy –Ang mga aparador na ating pinaglalagyan nang iba’t-ibang kagamitan,ding-ding, kisame ng bahay, mesa at upuan ay ilan lang sa mga halimbawa ng mga kagamitan na yari sa kahoy at tabla. Ang kahoy at table ay nagmula sa iba’t-ibang uri ng punong kahaoy katulad ng acacia, molave, yakal, apitong, dao, narra, kamagong at marami pang iba. Tiyakin na ang kahoy at tabla na gagamitin sa paggawa ng proyekto o produkto ay tuyong tuyo upang masiguro ang kalidad at tibay nito. 5. Retaso ng tela-Ang mga retaso o pinagtabasan ng tela na patapon na ay maaari paring magamit sa paggawa ng isang makabuluhang bagay na iyong pakikinabangan o pagkakakitaan. Maaari itong gawing door mat, pot holder, pouch,at pangdisenyo sa mga gamit. 6. Saging- Ang saging ay kilalang kilala sa bansa. Ang bunga nito ay matamis na prutas at ang bulaklak naman nito ay maaaring iluto o
  40. 40. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials ipangsahog sa ibang lutuin. Ang saha naman nito ay mainam gawing pangdisenyo ng mga kagamitan gaya ng plorera, lampshade, bag, at iba pa. 7. Kabibe- ang mga ito ay matatagpuan sa mga pampang ng mga anyong tubig gaya ng dagat, sapa, at ilog. Ang mga kabibe ay magandang gamiting palamuti sa mga produktong gawang kamay gaya ng plorera o flower vase at iba pa. Maraming mga bagay-bagay sa iyong paligid na maaaring gamitin upang makabuo ng isang produktong maaari mong pakinabangan o pagkakitaan. Kinakailangan lamang na ikay ay maging mapagmasid at malikhain. Maaari rin namang sumangguni sa mga kaibigan o maging sa internet upang makalikha ng isang produkto. A. Punan ang Kahon ng mga produktong maaaring malikha mula sa pangunahing materyales na nasa loob ng Bilohaba Kawayan Damo Tabla Retaso TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  41. 41. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials B. Tukuyin kung aling pangunahing materyales ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. _____1. Ito ay matatapuan sa sapa at ilog na kapag pinatuyo sa aray ay mainam gawing bag at tsinelas. _____2. Ito ay isang prutas na may matamis na bunga at malambot na katawan, ngunit ang pinatuyong saha nito ay magandang gamiting pangdisenyo ng Plorera, bag, at iba pa. _____3. Matatagpuan ito sa pampang ng anyong tubig gaya ng ilog, sapa, at dagat. Maganda ito ay mula sa mga namatay na yamang tubig gaya ng suso, tulya, sulib, at iba pa. _____4. Ito ay kadalasang ginagamit upang makagawa ng kagamitang pantahan tulad ng upuan, aparador, lamesa, at iba pa. _____5. Ito ay kilala sa tawag na “puno ng buhay” sapagkat mula sa ugat hanggang sa dahon nito ay maaaring gawing iba’t ibang uri ng produkto tulad ng walis, gam0t, sabon, table, langis, at marami pang iba. Magsaliksik nang iba pang materyales na matatagpuan sa inyong pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyekto. Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaari mong gawin. • https://www.google.com.ph/search?q • https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3li N2p1cUE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing • K-12 Curriculum GuideEPP 5 IA, 27 • Umunlad sa Paggawa Batayang aklat sa baitang 5, 1995. pp 162-163 A. Saging C. Water lily E. Kabibe B.Tabla D.Tikiw F. Niyog PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  42. 42. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials (Ikatlo-Ikalimang Araw) Nilalaman Sa araling ito ay matututunan mo kung paano bumuo ng isang proyekto na gawa sa iba’t-ibang materyales na matatagpuan mo sa iyong paligid na maaaring mong gamitin upang makagawa ng makabuluhang produkto na maaari mong mapakinabangan at pagkakitaan. Layunin 1. Nakabubuo ng disenyo ng makabuluhang produkto ayon sa mga materyales na nakita sa paligid/pamayanan Sa paggawa ng isang produkto maraming mga gamit na matatagpuan sa iyong kapaligiran upang makagawa ng bagay na kapakipakinabang at maaaring pagkakitaan. Masdan ang mga larawang ito, sa iyong palagay sa anong materyales gawa ang mga produktong ito? Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code EPP5IA-0f-6 IA Aralin 14 PAGBUO NG DISENYO MULA SA MGA MATERYALES NA MAKIKITA SA PALIGID ALAMIN NATIN:
  43. 43. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Sa araling ito ay ating susubukang gumawa ng isang banig na gawa sa damo (tikiw) Narito ang ilang hakbang sa paggawa ng banig na gawa sa tikiw. 1. Kumuha ng bagaso ng damong tikiw. (Bagaso ng bulaklak). Mag-inagt sa pagkuha nito sapagkat matatalim ang mga dakon nito. 2. Patuyuin ito sa init ng araw. 3. Kung tuyo na ay maaari itong ilaga sa mainit na tubig na may kasamang tina upang magkaroon ng kulay. 4. Upang patagin ito, Kumuha ng dalawang makinis na kahoy, ipitin ito at saka hilahin. 5. Ihanda ang mga pinatuyo at kinulayang bagaso ng tikiw. 6. Ihanay ang mga pinatuyo at kinulayang bagaso na tikiw sa nais nong lapad at haba ng banig na iyong gagawin 7. Ipitin ito upang hindi ito magulo at mawala sa linya. 8. Igayak ang gagawing pahalang na bahagi ng banig. 9. Ilala ito ng paibabaw at pailalim o LINANGIN NATIN:
  44. 44. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials salitang ibabaw at ilalim. 10. Ulit-ulitin ang mga pamamaraang ito hanggang sa umabot ito sa pinakahuli o laylayan ng iyong banig. 11. I-lock ang mga dulo nito upang hindi makalag o makalas. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-iipit pabalik ng bagaso ng tikiw. Kaya naman ay putulin ito ng pantay-pantay at tahiin. Maraming mga bagay-bagay sa iyong paligid na maaaring gamitin upang makabuo ng isang produktong maaari mong pakinabangan o pagkakitaan. Kinakailangan lamang na ikay ay maging mapagmasid at malikhain. Maaari rin namang sumangguni sa mga kaibigan o maging sa internet upang makalikha ng isang produkto. A. Bumuo ng apat (5) pangkat na may 5-6 na miyembro at gawin ang mga sumusunod. 1. Gumawa ng talaan ng pamamaraan sa paggawa ng disenyo ng proyekto. Gumawa ng isang proyektong gawa sa tikiw. B. Lumikha ng isang produkto ayon sa ginawang plano kasama ang mga kagrupo. Pamantayan sa pagmamarka Pamantayan Very Satifactory Satifactory Fair Poor 5 3 2 1 Naipamamalas ang TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  45. 45. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials pagiging maingat sa pagpaplano ng disenyo ng produkto. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagbuo ng plano ng proyekto. Nakalilikha ng katangi tanging uri ng disenyo at produkto. Nakagagawa ng isang produktong ayon sa ginawang plano. • Magsaliksik nang isang produktong gawa mula sa mga kagamitang matatagpuan sa kapaligiran. • Magsaliksik ng isang larawan ng taong gumagawa ng furniture. • https://www.google.com.ph/search?q • http://www.wikihow.com/Make-Baskets • https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1cUE?tid=0Bx ZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing • K-12 Curriculum Guide, 27 • Umunlad sa Paggawa Batayang aklat sa baitang 5, 1995. pp 162-163 PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  46. 46. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials (Una-ikalawang araw) Nilalaman Sa araling ito ay matutunan mo ang iba’t- Ibang paraan ng pagsusuri sa ginawang produkto o proyekto paglalapat ng panghuling ayos (finishing) at iba’t ibang paraan ng panghuling ayos na syang magsisilbing batayan kung pagbubutihin o pagagandahin mo pa ang iyong proyektong ginawa. Layunin 1. Nasususri ang ginagawang produkto at naisasaayos ito batay sa sarili at mungkahi ng iba gamit ang rubrics. Sa paggawa ng isang produkto, ano ang batayang upang matukoy kung ito ay tapos at kaakit akit para sa paningin? Upang matukoy ito ng maayos, Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code EPP5IA-0g-7 IA Aralin 15 NALALAPATAN NG ANGKOP NA PAGHULING AYOS ANG NABUONG PRODUKTO ALAMIN NATIN:
  47. 47. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials kinakailangang malaman mo muna ang tamang paraan sa pagsasagawa ng panghuling ayos (finishing). Makakatulong din ang pagbuo ng mga pamantayan o rubric upang malaman mo kung ito ay nagawa ng maayos at matagumpay. Sa paggawa ng produkto, malaki ang maitutulong ng pagsangguni sa iba upang hingin ang kanilang suhestiyon. Gayun din naman ang pagsasagawa ng survey upang matukoy ang gusto ng marami. Makakatulong din ang paggawa ng mga kaukukolang pamantayan o rubring upang lubos mo pang mapaghusayan ang iyong ginagawa. Malaki ang naitutulong ng pagsusuri ng iyong ginawang produkto, maging maganda man o hindi ang resulta nito. Ngunit hidi dapat ikabahala ang hindi magandang resulta nito, sa halip gawin itong isang hamon upang lalo mo pang pagbutihin ang iyong ginagawa. Tandaan! Sa paggawa ng isang bagay ang umpisa ang laging mahirap, subalit, habang ito’y tumatagal lalo mo itrong mapaghuhusayan. Masdan ang mga sumusunod na larawan. Ano ang masasabi mo sa kanilang ginagawa? Mga mangagawang gumagawa ng kanilang produkto na may buong dedikasyon at pagpupursigi LINANGIN NATIN:
  48. 48. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Narito ang halimbawa ng isang pamantayan sa pagsusuri ng iyong ginawang produkto (Rubric) Pamantayan sa Paggawa ng proyekto KRAYTIRYA 5 3 1 MARKA Kasangkapan Kumpleto, angkop at wasto ang gamit May kulang, Angkop ngunit di-wasto ang paggamit Di-kumpleto, di-angkop at Mali ang paggamit Paggawa Sinunod ang hakbang matapos sa takdang oras Maayos ang gawa Sinusunod ang hakbang natapos sa takdang oras Ngunit di-maayos ang gawa Di-nasunod ang hakbang Di-natapos sa oras Di-maayos ang gawa Gawa o kilos May mabuting asal Masiglang nakikilahok at iniwang malinis ang silid Di-gaanong nagpakita ng mabuting asal, Pakikilahok at malinis ang silid Maingay, Di- nakikilahok at iniwang marumi ang silid Narito naman ang sariling pagsusuri sa ginawang produkto, Paraan ng paggamit: Punan ng marka ayon sa iyong kakayahan at pananaw ang sumusunod na talaan, at ipasuri sa guro ang iyong ginawang pagsususri. Mgabatayan Katampatan Bata Guro 1. Wastong pagsunod sa plano 25% 2. Wastong paggamit ng kagamitan o kasangkapan 20% 3. Gamit ng proyekto 15% 4. Kabuuang anyo 25% 5. Pagkamalihain 15%
  49. 49. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Sapagsusuri ng isang produkto o proyekto dapat isaalang alang ang mga sumusunod: 1. Tamang pamamaraan sa paggawa ng proyekto. 2. Oras na dapat matapos ang proyekto 3. Mga kagamitang gagamitin at kung paano ginagamit ang mga ito. 4. Isaalang alang din ang lugar na paggagawaan. 5. Lapatan ng angkop na pinakahuling ayos ang nabuong produkto. 6. Sikaping maging maayos, maganda at masinop ang gagawing produkto. A. Kunin mo ang nabuong produkto o proyekto sa naunang aralin at gawin ang mga sumusunod na panuto. Isulat ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. 1. Isalaysay kung paano mo nagawa ng maayos, maganda at masinop ang produkto o proyekto kasama ang mga kagrupo. 2. Itala ang mga paraan na ginamit sa panghuling ayos. 3. Ginamitan mo ba ng rubric ang ginawa ninyong produkto? Kung oo, ano ano ang inyong naging batayang para dito? 4. Bakit iyon ang disenyong inyong napili? Nais ba ito ng nakararami o sarili mong disenyo? Ipaliwanag ang dahilan. B. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay wasto, at kung mali naman ay ISULAT ANG TAMANG SAGOT. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang. ____________1. Sa paggawa ng produkto kinakailangang mag-ingat sa mga matutulis at matatalim na bagay. ____________2. Gawin ang proyekto ng mahusay at sa matagal na panahon. ____________3. Sikaping makagawa ng maayos at magandang proyekto upang maging kasiya siya ito. ____________4. Huwag intindihin ang sinasabi ng iba tungkol sa iyong produkto. TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  50. 50. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials ____________5. Hindi dapat ikalungkot ang hindi magandang kinalabasan ng produkto sa unang pagkakataon ng paggawa. Humanap ng mga larawan ng mga sumusunod at tukuyin kung paano ito gamitin. 1. Papel de liha 2. Barnis 3. Masilya 4. Paint Brush 5. Katam • https://www.google.com.ph/search?q=finishing+step+of+materials& biw=800&bih=505&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahU KEwiD8IbDj6TOAhUJK48KHanqAOMQ_AUIBigB&dpr=1#tbm=isch &q=making+furniture&imgrc=3DjmFUcdqKTUlM%3A • https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3li N2p1cUE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing • K-12 Curriculum Guide EPP5 IA, 27 • J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home Economics and Livelihood Education 2nd edition, Phoenix Publishing House .Quezon City Philippines. PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  51. 51. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials (Ikatlo-ikalimang araw) Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code EPP5IA-0g-7 Nilalaman: Sa araling ito ay matutunan mo ang iba’t- Ibang paraan ng pagsusuri sa ginawang produkto o proyekto paglalapat ng panghuling ayos (finishing) at iba’t ibang paraan ng panghuling ayos na syang magsisilbing batayan kung pagbubutihin o pagagandahin mo pa ang iyong proyektong ginawa. Layunin: 1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagsasagawa ng panghuling ayos (finishing) tulag ng papel de liha, pintura, at barnis 2. Nasasabi kung paano ginagamit ang mga kagamitan sa panghuling ayos ng produkto (finishing) 3. Nasasabi ang maaaring kalabasan sa tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos. 4. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos (finishing) Sa paggawa ng produkto, mahalagang malaman ang panghuling ayos (finishing). Dahil ito ang magiging batayan upang matukoy ang kalidad ng iyong produkto o proyekto. Mahalaga rin na malaman ang tamang paggamit ALAMIN NATIN: IA Aralin 15 NALALAPATAN NG ANGKOP NA PAGHULING AYOS ANG NABUONG PRODUKTO
  52. 52. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials ng mga kagamitang panghuling ayos, sapagkat sa tamang paraan lamang ng paggamit nito mo makikita ang pinakamagandang resulta ng iyong ginawa. Sa araling ito ay ating tatalakayin ang iba’t ibang kagamitan sa pagsasagawa ng panghuling ayos (finishing). Dito rin malalaman ang tamang paraan ng paggamit nito. Sa paggawa ng produkto, malaki ang naitutulong ng kaalaman sa tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos. Sapagkat sa tamang paraan lamang ng paggamit nito makukuha ang pinaka maayos na resulta nito. Sa maling paggamit naman nito ay maaaring tumagal o kaya naman ay masira ang iyong ginagawa. Sa tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos, iyong malalaman na sa pamamagitan nito ay maaari mo pang mapaganda ang iyong ginawa. Sa tulong ng mga kagamitang panghuling ayos tulad ng papel de liha, barnis, primer, pintura, masilya, at iba pa ay lalo mo pang mapaghuhusay at malilinang ang iyong talent sa paggawa ng produkto. Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan. Ano ang iyong masasabi sa mga ginagawa nila? Mga halimbawa sa pagsasagawa ng panghuling ayos. LINANGIN NATIN:
  53. 53. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials A. Mga kagamitan sa Panghuling Ayos (Finishing) 1. Papel de liha – ito ay isang malakarto na papel na mayroong magagaspang at pinong bagay ng nakadikit sa isang bahagi nito. Ito ay ginagamit upang pakinisin ang isang bagay. Mayroon itong iba’t ibang antas ng gaspang ang kadalasang ginagamit sa umpisa ay ang magaspang na liha ngunit kung papatapos na ay ang pinakapinong liha naman. Ito ay may roong tatlong klase tulad ng silicon-carbide, Emery paper, at Sand Paper a. Silicon-carbide – Pwede itong gamitin kahit basa o kaya ay tuyo. Ginagamit ito upang kinisin o pakintabin ang mga napinturahan nang metal o kahoy. b. Emery Paper- ginagamit lamang upang pakinisin ang mga metal. Hindi ito kailangang basain. c. Sandpaper- ito ay ginagamit upang pakinisin ang mga bagay na gawa sa kahoy. 2. Primer- Ito ay isang uri ng pintura na unang inilalagay sa metal, ceramics o kaya ay kahoy. Mabuting lagyan muna ng primer ang ginagawang produkto upang na maging mas maganda ang kalabasan nito at upang matiyak ang tibay nito. 3. Pintura- Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang kulay at klase, ito ay kadalasang ginagamit upang kulayan at bigyang ganda ang isang gusali, parke, at maging likhang sining. 4. Barnis (Varnish) – maliban sa pintura, ang kahoy ay maaari ring kulayan ng barnis. Ito ay isang likido na ginagamit upang makulayan ang mga kahoy, ngunit d gaya ng pintura, ang barnis ay di lubusang tinatakpan ang anyo ng kahoy. Ginagamit din ito upang tumibay at mas gumanda ang kalidad ng kahoy. 5. Masilya- Ito ay putty na inilalagay sa metal, ceramics, o kaya ay kahoy. Kadalasang ginagamit ito upang takpan ang mga kapirasong butas, bitak, o yupi ng isang bagay. Ginagamit din ito upang pakinisin ang surface ng isang bagay bago ito lagyan ng gustong kulay ng pintura. Larawan ng isang bus na nilagyan ng masilya upang ayusin at d hi
  54. 54. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 6. Brush- Ang brush ay pangunahing ginagamit upang ikalat ang pintura, primer, o kaya ay barnis. Ito ay gawa sa pahabang kahoy at balahibo ng kabayo o kaya naman ay artipisyal na pisi. Ito ay may iba’t ibang lapad, bawat lapad ay may kaukulang gamit. Ang mga malalapad na brush ay ginagamit sa mga malalapad na surface samantalang ang makitid na brush ay ginagamit sa mas komplikadong pagdidesenyo o pag abot sa masikip na bahagi. B. Mga Karampatang Paggamit sa mga Kagamitang Panghuling Ayos. 1. Paraan ng Pagliliha a. Igayak ang mga kagamitan gaya ng kapirasong tabla, liha, at ang iyong bagay na kikinisin. b. Magsuot ng mga karampatang proteksyon gaya face-mask, eye-goggle, at guwantes, upang maiwasan ang mga di inaasahang pangyayari. c. Palaging mag-ingat sa paggawa. d. Kumuha lamang ng sasapat na bahagi ng liha. e. Dahilan sa matagal na proseso ang pagliliha, maaaring magpaltos ang iyong kamay. Kung kaya’t upang maiwasan ito ibalot ang liha sa isang kapirasong tabla. Makakatulong ito upang maging masmadali ang pagliliha. f. Sikaping tuyo ang kahoy na iyong lilihahin. Sapagkat maaaring makaapekto ito sa kalidad ng iyong gawa. g. I-ayon lamang sa sa fiber ng kahoy ang pagliliha. h. Sikaping tanggalin ang mga matutulis at matatalim na sulok ng iyong ginagawang produkto lalo na kung ito ay isang gamit pambahay. 2. Paraan ng Pagpipintura a. Igayak ang mga gagamitin, gaya ng primer, masilya, liha, brush, pintura at bagay na gagawin para sa proyekto. b. Magsuot ng mga pangunahing proteksyon sa katawan gaya ng Pagliliha, paraan upang kinisin ang surface ng isang bagay naginagawa Pagpipintura. Paraan upang pagandahin at gawing kaakit akit ang produkto
  55. 55. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials goggles at face mask sapagkat ang mga ito ay may halong kemikal na maaaring makasama sa kalusugan. c. Palaging mag-ingat sa paggawa upang maiwasan ang aksidente. d. Bago pinturahan ang iyong ginawa tiyaking lagyan muna ang mga ito ng masilya, kung may bitak, yupi, o butas. Matapos lagyan ng masilya ay kinisin ito gamit ang pinong liha at saka pahiran ng primer gamit ang brush. e. Lagyan ng pintura ang iyong produkto ayon sa kulay na gusto mo. Sikaping iisang ayon lamang ang paglalagay ng pintura. Makakatulong ito upang maging mas maganda ang resulata ng iyong ginagawa. • Latex- pinturang akmang gamitin sa semento. • Enamel- uri ng pinturang ginagamit sa kahot at bakal • Acrylic- pinturang pwedeng magamit sa sa kahoy, bakal, at semento. Ngunit hindi nito nagagawang protektahan ang bakal sa kalawang at kahoy sa anay. f. Lagyan ng thinner ang pintura (enamel) kung ito ay lumalapot na. Maaari namang lagyan ng tubig ang pinturang latex at acrylic kung ito ay bahagyang natutuyo na. 3. Paraan ng Pagbabarnis a. Igayak ang mga gagamitin, gaya brush, barnis at bagay na gagawin para sa proyekto. b. Magsuot ng mga pangunahing proteksyon sa katawan gaya ng goggles at face mask sapagkat ang mga ito ay may halong kemikal na maaaring makasama sa kalusugan. c. Palaging mag-ingat sa paggawa upang maiwasan ang aksidente. d. Bago ilagay ang barnis, tiyaking tanggalin muna ang mga duming maaaring makaapekto o makasagabal sa iyong gagawin gaya ng alikabok, sapot, sticker, mga hibla,patak ng tubig at iba pa. e. Gamit ang brush, ikalat ang barnis mula itaas-pababa. Sikaping pantay ang pagkakalagay nito para sa mas magandang resulta. Pagbabarnis. Paraan upang pagandahin at gawing mas kaakit akit ang produkto ngunit hindi tinatakpan ang katangiang ng kahoy
  56. 56. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 6 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials f. Sikaping iisang ayon lamang ang panglalagay nito, maaari kasing masira ang itsura nito kung paiba-iba ang direksyon ng paglalagay. g. Maaaring ulitin ang paglalagay depende sa kagustuhan. Sa paggawa ng panghuling ayos (Finishing) palaging isaalang alang ang pag-iingat at kailangan din ang dedikasyon at pagtitiyaga. Upang matiyak ang kalidad, palaging tandaan ang tamang pamamaraan sa paggamit ng mga ito. Makakatulong rin na magtanong sa mga nakatatandang nakaka-alam upang mapaghusayan pa ang kakayahan sa paggawa ng proyekto Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay wasto, at kung mali naman ay ISULAT ANG TAMANG SAGOT. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang. ____________1. Sa paggawa ng produkto kinakailangang mag-ingat sa mga matutulis at matatalim na bagay. ____________2. Palaging tiyakin na walang duming makasasagabal sa gamit na iyong pipinturahan o kaya ay babarnisan. ____________3. Gumamit ang angkop na liha angkop sa iba’t ibang bagay. ____________4. Ang paggamit ng primer sa pagpipintura ay hindi nakakatulong upang maging maganda ang kalabasan ng produkto. ____________5. Mainam gamitin ang makitid na brush sa malalapad na bahagi ng kukulayan. ____________6. Ang paglalagay ng masilya ay nakatutulong upang higit na maging mas makinis at maganda ang gagawing rodukto. TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  57. 57. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 7 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials ____________7. Ang latex paint ay mainam na gamitin sa mga metal at kahoy na materyales. A. Kilalanina ang mga sumusunod na larawan at tukuyin kung paano ito ginagamit. Kagamitan Pangalan ng gamit Paano ito ginagamit? B. Bumuo ng anim (6) pangkat at gawin ang mga sumusunod. Isagawa ang tamang pamamaraan para sa panghuling ayos. Sundin lamang ang gawaing nakatalaga sa inyong grupo. a. Gawin ang mga sumusunod: Pangkat 1,3,5……. Gumawa ng sariling disenyo ng proyekto at isagawa ang tamang pamamaraan sa pagliliha at pagbabarnis. Pangkat 2,4,6……. Gumawa ng sariling disenyo ng proyekto at isagawa ang tamang pamamaraan pagpipintura.
  58. 58. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 8 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials b. Itanghal sa klase ang ginawang proykto. Batayan sa pagmamarka para sa ginawang proyekto. (Rubric) Mga batayan Katampatang Marka Nakuha 1. Wastong paggamit ng kagamitan o kasangkapan 25% 2. Wastong pagsunod sa plano 20% 3. Kabuuang anyo 20% 4. Pagkamalihain 15% 5. Gamit ng proyekto 10% 6. Kawilihan sa paggawa 5% 7. Kaayusan at pagkakasundo sundo sa paggawa 5% Kabuoan 100% Magsaliksik ng mga hakbang bago ipagsapamilihan ang ginawang produkto. Isulat ang iyong ginawa sa iyong kwaderno. • https://www.google.com.ph/search?q=finishing+step+of+materials& biw=800&bih=505&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahU KEwiD8IbDj6TOAhUJK48KHanqAOMQ_AUIBigB&dpr=1#tbm=isch &q=making+furniture&imgrc=3DjmFUcdqKTUlM%3A • https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3li N2p1cUE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing • https://www.google.com.ph/search?q • K-12 Curriculum Guide, 27 • J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home Economics and Livelihood Education 2nd edition pp. 242-245, Phoenix Publishing House .Quezon City Philippines. PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:
  59. 59. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials (Una at ikalawang araw) Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code EPP5IA-0h-8 Nilalaman: Sa araling ito ay malalaman ang iba’t ibang hakbang bago ipabili ang iyong ginawang proyekto. Ang pagpapakete ay isang mahalagang hakbang bago ipagsapamilihan ang iyong ginawang produkto, sapagkat ito ang iyong magiging batayang sa tamang pagpapataw ng halaga nito. Ito rin ang batayang ng mga maraming mamimili bago nila piliin ang produktong kanilang bibilin. Layunin: 1. Natutukoy ang mga kasanayan sa mahusay na pagpapakete proyektong ipinagsasapamilihan. 2. Naiisa isa ang mga dapat tandaan sa pagpapakete ng proyektong ipagsasapamilihan Sa pagsasapamilihan ng proyektong ginawa, marami kang dapat na isaalang –alang. Gaya na lamang ng tamang pag-iingat sa mga proyekto. Dahilan sa ang mga gawang kamay na proyekto ay isang proyektong nangangailangan ng ibayong pag-iingat, ang pagpapakete nito ay isang hamon para sa gumagawa nito. ALAMIN NATIN: IA Aralin 16 NAISASAPAMILIHAN ANG MGA NAGAWANG PRODUKTO GAMIT ANG NATUTUNANG PRODUCTIVITY TOOL
  60. 60. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Sa pagsasapamilihan ng isang produkto, malaki ang naitutulong ng tamang pagpapakete nito, sapagkat ito ay isa ring basehan ng mga mamimili bago nila piliin ang isang produkto. Ilan sa mga bagay na dapat tandaan natin sa pagpapakete ay ang mga sumusunod na katanungan: Malinis ba ang aking proyekto? Nakahahalina ba ang aking pagpapakete? Sapat ba ang detalyeng nakalagay sa pakete? Tama ba ang presyo ng aking produkto? Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, halina’t masdan muna natin ang mga larawan na nagpapakita ng maayos na pagpapakete. Mga paraan sa pagpapakete. LINANGIN NATIN: Pagpapakete, paraan ng pag-iingat ng isang produkto
  61. 61. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 1. Karamihan ng mga produkto ay nanganagailangan ng kaaya-ayang pagpapakete at detelye (labeling). Ito ay dalawang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan upang: a. Mabigyang proteksiyon ang produkto mula sa alikabok, pagkasira, at pagpapalit detaye (tampering) b. Maging kaaya-aya ito sa mga maimili dahilan sa mga mahahalagang iformasiyon na makikita mula rito. c. Mahikayat ang mga mamimili na piliin ang iyong produkto. 2. Ang mga produktong gawang kamay ay nangangailangan ng ibayong pag-iingat sa paghawak nito lalo na ang mga kagamitang gawa sa kahoy, salamin, bato, fiber, gems, at shells. Karamihan sa mga ito ay maaaring ipagbili di lamang sa loob ng bansa kundi pati narin sa ibang bansa. 3. Ang mga Iia pang paraan sa pagpapakete tulad ng paglalagay ng ribbon, card, sinulid, at makukulay na pambalot ay makakatulong upang maging kaaya-aya ang iyong produkto. 4. Sikaping hindi nabibilad sa araw at nababasa ng ulan ang iyong produkto, sapagkat ito ay magiging dahilan upang mabilis na kumupas at masira ang iyong produkto 5. Makakatulong ang paggawa ng isang pwesto na ligtas sa pagkasira ang iyong produkto. Halimbawa, paggawa ng isang kubo upang maiwasang mabilad at maulan ang mga ito. Mahalang ingatan ang mga proyektong gawang kamay,sapagkat ang mga ito ay maaaring madaling mabasag, madurog, malukot, mayupi at masira. Kaya’t ang pagpapakete nito ay nangangailangan ng ibayong pag-iingat. Ang pagpapakete ng isang produkto ay maituturing din na isang sining, sapagkat maaaring ito ang maging batayang ng mga mamimila upang piliin ang iyong produkto. Punan ang diagram ng mga dapat gawin ayon sa tamang pag- iingat at pagpapakete ng isang produkto. TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  62. 62. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Humanap o magsaliksik ng isang larawan na nagpapakita ng isang maayos na pagpapakete. Idikit ito sa iyong kwaderno at magbigay ng iyong opinyon ayon sa lawarang iyong napili. • https://www.google.com.ph/search?q • https://qualityhandicraftsinindia.wordpress.com/tag/wooden- handicrafts/ • http://noida.all.biz/wooden-handicraft-g427272#.V6Kl49R95gs • http://www.camelcraft.com/haryana-handicrafts.html • K-12 Curriculum GuideEPP5 IA, 27 • J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home Economics and Livelihood Education 2nd edition pp. 246, Phoenix Publishing House .Quezon City Philippines PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN: Produktong Gawang Kamay Mga paraang dapat tandaan at gawin upang mapag-ingatan ang mga produktong gawang kamay
  63. 63. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials (Ikatlo –ikalimang araw araw) Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining pang-industriya at pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan Code EPP5IA-0h-8 Nilalaman: Sa araling ito ay malalaman ang iba’t ibang hakbang bago ipabili ang iyong ginawang proyekto. Ang pagpapakete ay isang mahalagang hakbang bago ipagsapamilihan ang iyong ginawang produkto, sapagkat ito ang iyong magiging batayang sa tamang pagpapataw ng halaga nito. Ito rin ang batayang ng mga maraming mamimili bago nila piliin ang produktong kanilang bibilin. Layunin: 1. Natutukoy ang mga kasanayan sa pgtutuos ng puhunan at kinita. 2. Nasasabi kung paano pamahalaan ang kinita. 3. Naipapakita kung paano pamahalaan ang kinita. 4. Nakagagawa ng plano sa produktong gagawin mula sa kinita Sa pagsasapamilihan ng proyektong, kailangan mong isaalang alang ang iyong naging puhunan. Bakit mahalagang isaalang –alang ang iyong naging puhunan?Bakit mahalagang mapamahalaan ng mabuti ang iyong kinita? Sa araling ito ay ating tatalakayin kung bakit mahalagang isaalang alang ang naging puhunan at kung bakit mahalagang pamahalaan ng mabuti ang bawat sentimong kinikita. ALAMIN NATIN: IA Aralin 17 NAISASAPAMILIHAN ANG MGA NAGAWANG PRODUKTO GAMIT ANG NATUTUNANG PRODUCTIVITY TOOL
  64. 64. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials Naranasan mo na bang magtinda ng sarili mong produkto? Kung oo, magkano ang iyong puhunan at iyong kinita? (Ikatlong araw) A. Pag-aralan ang halimbawa. (Paggawa ng abaca lamp shade) Diagram na nagpapakita ng pagbibigay turing o presyo sa isang produkto B. Mga dapat tandaan sa pagtuturing ng presyo. LINANGIN NATIN: 1 role of abaca yarn…………………. 60.00 White glue…………………………… 37.00 Kagamitang pang elektrisidad……. 103.00 Barnis………………………………… 30.00 Kabuoan…………………………....... 230 PUHUNAN sa bawat isang proyekto Kung ititinda mo ang iyong ginawang abaca lamp shade sa halagang P 276.00, bawat isa magkano ang kikitain mo kung makabenta mo ito Halaga ng proyekto.. P 276.00 bawat isa Puhunan…………… - P 230.00 bawat isa Kita/tubo (20%)………. P 46.00 bawat isa Nalugi ba? ooHindi Mag-isip nang ibang kagamitan para sa proyekto Bumalik sa simula Pamahalaang mabuti ang kinita
  65. 65. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 1. Tuusin lahat ng mga ginastos, ito ang magiging gamay mo para sa maayos na pagtuturing ng presyo ng iyong produkto. 2. Kung mayroong manggagawa, tiyakin ding isama ito sa mga listahan ng gastusin. 3. Patawan ito ng karampatang halaga. Tiyaking hindi masyadong mataas sapagkat maaaring maging batayang ito upang hindi piliin ng mga mamimili ang iyong produkto. Tiyakin ding hindi masyadong mababa, sapagkat maaari mo itong ikalugi. Makabubuting 10%-20% ng puhunan ang idagdag dito upang matiyak na hindi malulugi. 4. Tiyaking pamahalaang mabuti ang iyong kinikita, itala lahat ng mga gastusin at lahat ng mga pumapasok na pera. Iwasan ding bumili ng mga bagay na hindi naman masyadong kinakailangan. Iwasan ding iwasan na gumastos ng higit kaysa sa kinikita sapagkat maaari itong maging dahilan upang mag-sara ang iyong tindahan. 5. Iba pang batayang sa pagbibigay turing o presyo a. Cost plus pricing- ito ay pagpapataw ng presyo batay sa mga pinagdaanan ng mga produkton tulad ng mga overhead o ahente at tauhan para sa transportasyon. b. Demand Pricing- ito’y hindi madaling pamahalaan sapagkat ang mga ito ay maaaring nangagaling pa mula sa retailer, wholesaler, discount chain o kaya ay direct mail marketers. Ito ay isang pamamaraan ng pagpapataw ng presyo batay sa dami ng suplay at dami ng tumatangkilik nito. c. Competitive Pricing- ito ay ginagamit kung mayroong parehong tindahan na nagtitinda ng parehong uri ng paninda o nagbibigay ng parehong uri ng serbisyo. Mabuting magsagawa muna ng isang survey tungkol sa presyo ng kanilang produkto bago mo bigyan ng halaga ang iyong mga paninda. Makakainam naman kung mas mababa ang iyong presyo sa iyong katunggali, subalit tiyaking hindi ito bababa kaysa sa iyong puhunan. (ika-apat na araw) C. Bumuo ng limang (5) pangkat na may 6-7 miyembro at gawin ang mga sumusunod 1. Mag-usap-usap ang bawat miyembro ng pangkat upang makabuo ng mga pamantayan sa tamang pamamahala ng kinita. 2. Gumawa ng listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa kinitang halaga.
  66. 66. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials 3. Gumawa ng isang mahikling script na makakapagpakita ng tamang pamamahala ng kinita (ito ay batay sa ginawang listahan o pamantayan ng tamang pamamahala ng kinita) 4. Itanghal sa loob ng klase ang ginawang pamatayanm at isadula ang ginawang script para sa tamang pamamahala ng kinita. (ikalimang araw) Sa pagsasapamilihan ng isang produkto, mahalagang isaalang –alang ang iyong naging puhunan at iba pang gastusin tulad ng transportasyon at mga iba pang gastusin gaya ng pambayad sa mga mangagawa. Mahalag rin na tama lamang ang pagpapataw ng halaga nito, tiyaking hindi masyadong mataas o kaya naman ay mas mababa pa kaysa naging puhunan. A. Ibigay ang mga hinihingi ng mga sumusunod: 1. Isulat ang mga mahahalagang bagay na dapat isa-isip sa pagbibigay presyo sa iyong produkto. _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Paano mo mapapamahalaan ng mabuti ang iyong mga kinita sa tindahan? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. Ano-ano ang mga batayan sa pagbibigay turing o presyo sa ginawang produkto, ipaliwanag ang mga ito. _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ TANDAAN NATIN: GAWIN NATIN:
  67. 67. DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ___________________________________________________________________________ Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 4. Nais gumawa ni Melvin ng isang plorerang gawa sa kawayan upang pagkakakitaan ito. Upang magawa ito kinakailangan niya ng: Biyas ng kawayan……………………….. P 27.00 Barnis……………………………………… P 37.00 Pandikit…………………………………… P 30.00 Beads and shells………………………… P 52.00 Brush……………………………………… P 10.00 kung nais niyang itinda ang ginawa niyang plorera sa halagang may patong 15% sa puhunan nito. Magkano ang kanyang kikitain o tutubuin? Ipakita ang ginawang pagtutuos upang makuha ang sagot. - Kung ikaw ay may isang tindahan ng mga gawang kamay na produkto at may sapat na kinikita, alin pang likhang kamay ang nais mong isama sa iyong ititinda? - Lumikha ng isang plano ng bagong produkto na nais mong itinda. - Gumawa ng listahan ng mga kagamitan na kakailanganin. • https://www.google.com.ph/search?q • https://qualityhandicraftsinindia.wordpress.com/tag/wooden- handicrafts/ • http://noida.all.biz/wooden-handicraft-g427272#.V6Kl49R95gs • http://www.camelcraft.com/haryana-handicrafts.html • K-12 Curriculum Guide EPP 5 IA, 27 • J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home Economics and Livelihood Education 2nd edition pp. 247, Phoenix Publishing House .Quezon City Philippines PAGYAMANIN NATIN: SANGGUNIAN:

×