1. M G A
B A R A Y T I
N G W I K A
I N I H A N D A N I :
G N G . A N D R E A J E A N M .
B U R R O
2. O Sige, ‘Te,
chaka ang
hindi gagamit
ng Filipino
ha?
I know, right!
Sige, make
sigaw to all
para they will
hear you.
Mamsh, wit
akong
narinig na
cheka
Ako benta,
sabon. Ikaw
bili, ikaw
puti.
3ow phow
Filiphinow
dHin phow
4kow
3. Alam mo ba?
Ang wika man ay namamatay o nawawala rin:
Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang
pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na dating
gumagamit nito.
Kapag marami nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at
napalitan na ng mga salitang dala nila ang mga dating salita sa
lugar.
Minsan nama’y may mga bagong salitang umusbong para sa
isang bagay na higit nang ginagamit ng tao kaya’t kalauna’y
nawawala o namamatay na ang orihinal na salita para rito.
4. Alimpuyok
Anluwage
Awangan
Hidhid
Hudhod
Napangilakan
Salakat
amoy o singaw ng kaning nasusunog
karpentero
maramot
walang hanggan
ihaplos
nakolekta
pag-krus ng mga binti
5. HOMOGENOUS NA WIKA
Ang wikang puro at walang kahalong
anumang barayti. Sinasabing walang buhay
na wika ang ganito sapagkat kailanman ay
hindi maaaring maging parepareho ang
pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang
wika.
6. HETEROGENOUS NA WIKA
Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y
hindi maaaring maging puro sapagkat ang
bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang barayti
dala na rin ng mga salik panlipunang
nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga
ito.
7. BARAYTI NG WIKA
hindi maiiwasan dahil sa pakikipag-ugnayan ng
tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may
naiibang kaugalian at wika.
mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang
na wikang may pagkakaiba sa orihinal o
istandard na pinagmulan nito.
8. Genesis 11: 1-9
Sinasabing naging labis na mapagmataas at
mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng
lakas at kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo
ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng
Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t
ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil
ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel at dito
naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao.
9. DAYALEK
Barayti ng wikang ginagamit ng particular na
pangkat ng mga tao mula sa isang particular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o
bayan.
Ito ay dulot ng pagkakaiba-iba ng lugar I o
lokasyon (Dimensyong Heograpikal)
10. IDYOLEK
Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi
ng taong nagsasalita.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao
nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng
pagsasalita o idyolek.
Tinatawag ding identity dialect kung saan ang wika ay
nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang
indibidwal.
11. SOSYOLEK
Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika.
Rubrico (2009) isang mahusay na palatandaan ng
istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad
sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan
at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
12. SOSYOLEK
Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal,
kailangang matutuhan ang sosyolek nito.
HALIMBAWA:
• Wika ng mge beki o gay lingo
Ang unang intension sa paggamit nila sa wika ay upang
magkaroon sila ng sikretong lengguwaheng hindi
maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila subalit
sa kasalukuyan, nagagamit na ito ng nakararami.
13. SOSYOLEK
Maaari ring tumukoy sa pangkat ng isnag
propesyon, particular na trabaho o gawain ng
tao.
Ang jargon o natatanging bokabularyo ng
partikular na pangkat ay magpakilala sa kanilang
trabaho o gawain.
14. ETNOLEK
Barayti ng wika na mula sa mga etnolongguwistikong
grupo.
Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang
etniko at dialek.
Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
15. ETNOLEK
HALIMBAWA:
• vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa
ulo sa init o sa ulan
• bulanon – full moon
• kalipay – tuwa o ligaya
• palangga – mahal o minamahal
16. REGISTER
Barayti ng wika na kung saan
naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa
kausap.
17. PIDGIN AT CREOLE
Pidgin – umusbong na bagong wika o
tinawatawag na ‘nobody’s native language’ o
katutubong wikang di pag-aari ninuman.
- nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan
dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
18. PIDGIN AT CREOLE
Creole – ang wikang nagsimula bilang pidgin ay
naging likas na wika o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito ng
mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hanggang sa
magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na
ng karamihan. Ito na ngayon ang tinatawag na
creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin ay
naging unang wuka sa isang lugar.