2. KABANATA 15: SI ADOLFO
Malungkot man dahil malayo si Florante sa kaniyang mga magulang,
nanguna pa rin siya sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo.
Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na
pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nila kapwa ni Florante,
pinagtangkaan niyang patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng
kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
4. KABANATA 16: TRAHEDYA SA BUHAY NI
FLORANTE
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon
pa. Isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama.
Sinasabi sa sulat na namatay ang kaniyang ina. Nawalan ng
malay si Florante dahil sa tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kaniyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay
ng guro at mga kamag-aral.
6. KABANATA 17: PAALAM, BAYAN NI ATENAS
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay
Florante ay dumating ang ikalawang sulat ng kaniyang ama, kasama ang
sasakyang sumundo sa kaniya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng
gurong si Antenor na pakaingatan si Adolfo sapagkat tiyak na siya ay
maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na
pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi
nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay
Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral
hanggang sa daungan.
8. KABANATA 18: PAGHINGI NG TULONG NI
KROTONA
Hindi nagtagal, nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama ay
napaluha si Florante at muling nanariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng
ina. Nang mga sandaling iyon ay dumating ang sugo ni Haring Linceo, dala
ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat sila ay nilusob
ni Heneral Osmalik ng Persiya, ang pangalawa sa bantog na si Prinsipe Alladin
na hinahangaan ni Florante, at ayon sa balita ay kilabot sa buong mundo. Sa
narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita
at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-
ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din si Duke Briseo nang hirangin ng
hari si Florante bilang heneral ng hukbo.
10. KABANATA 19: KAGANDAHANG WALANG
KAWANGIS
• Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagang kaagaw
ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping
makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali
ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka hindi maging
marapat sa dalaga.
12. KABANATA 20: PANGARAP NA PAG-IBIG
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito
ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa
kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma,
nakausap niya ang dalaga at nagtapat siya ng pag- ibig. Hindi sumagot ng
“oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong
digmaan.
14. Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na
halos mawasak na ng kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si
Florante at ang kaniyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Heneral Osmalik si Florante
na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni
Florante si Osmalik.
17. MAHALAGANG PANGYAYARE AT ANG
PANGUNAHING KAISIPAN
Kabanata 15:
Sa isang dulang ginampanan nina
Florante at Adolfo, pinagtangkaang
patayin ni Adolfo ang kababayan.
Kabanata 16: