SAKIT
S-akit ay huwag indahin
A-gad lunasan o gamutin
K-alusugan ay pag-ingatan
I-wasang sa sakit ay huwag mahawaan
T-iyaking sarili’y ligtas, at immune
system ay malakas.
Sagutin ang mga katanungan:
a. Bakit dapat iwasang magkasakit?
b. Ano-ano ang sanhi nito?
c. Paano masasabing ang isang sakit
ay nakakahawa?
d. Bakit dapat kailangang malakas
ang ating immune system?
Ang sakit ay hindi normal na kalagayan
ng kalusugan ng isang tao. Ito ay
maaaring sanhi ng hindi maayos na
kondisyon ng mga selyula o parte ng
katawan. Maaari din itong sanhi ng mga
mikrobyong nagdudulot ng sakit.
2 Uri ng Sakit
1. Hindi nakahahawang sakit – hindi
naisasalin mula sa isang tao papunta sa
ibang tao.
2. Nakahahawang sakit – naipapasa ng
isang tao, hayop, o bagay sa ibang tao.
Mga Hindi Nakahahawang Sakit
+Ito ay nakukuha mula sa nakagawian at
maling paraan ng pamumuhay.
Mga Hindi Nakahahawang Sakit
+Asthma
+Alzeimer’s disease
+Appendicitis
+Cancer
+Epilepsy
+Diabetes
+Ulcer
+Stroke
+Sakit sa puso
Mga Nakahahawang Sakit
+Ito ay nagmumula sa mga mikrobyo o
pathogens na pumapasok at sumisira sa
selyula ng katawan.
+Ang isang taong mahina ang resistensya o
immune system ay madaling kapitan ng
sakit.
Mga Nakahahawang Sakit
+Sipon (common colds)
-virus
-Hirap na paghinga, paglunok, baradong
ilong, may lagnat
-Uminom ng 8-12 baso ng tubig. Kusang
nilalabanan ng immune system na tumatagal
ng 1 linggo.
Mga Nakahahawang Sakit
+Ubo (Cough)
-bacteria / impeksyon
-Ubong mahigpit, Malat na boses, lagnat
-Lumayo sa usok. Gatas at maligamgam na
tubig para lumuwag ang plema.
Mga Nakahahawang Sakit
+Trangkaso (Influenza)
-Hemophilus influenza virus / impeksyon
-Lagnat, giniginaw, sakit ng ulo at kalamnan,
pagod, masakit na lalamunan, baradong ilong
-Umiwas sa mga taong may trangkaso,
Dagdagan ang tubig o juice, magpabakuna
Mga Nakahahawang Sakit
+Tuberkulosis (TB)
+Bacteria: Myobacterium tuberculosis
-Madaling mapagod, walang ganang kumain,
pagbaba ng timbang, pag-ubo na may
kasamang dugo at plema
-Magpasuri, tamang nutrisyon at ehersisyo,
magtakip ng ilong at bibig
Mga Nakahahawang Sakit
+Pulmonya (Pneumonia)
-Virus, Bacteria, Fungi / apekto sa baga
-Hirap sa paghinga, kulang ang oxygen
-Pagpapabakuna, wastong nutrisyon, kalinisan
sa sarili at sa kapaligiran
Mga Nakahahawang Sakit
+Hepatitis A (sakit sa atay)
-Virus mula sa maruming pagkain o inumin
-Paninilaw ng balat at mata, matamlay, suka,
lagnat, sakit ng ulo at tiyan
-Malinis na pagkain, maghugas ng kamay,
bakuna, sapat na pahinga, tamang nutrisyon
Mga Nakahahawang Sakit
+Dermatitis (sakit sa balat)
-Bacteria at fungi
-pamamantal, pamamaga ng balat,
namumula, nangangati, nilalagnat, may kulani
-Maging malinis, Paarawan ang kagamitan,
magpa X-ray
Mga Nakahahawang Sakit
+Leptospirosis
-Bacteria na pumapasok sa sugat mula sa
tubig baha na may ihi ng daga
-lagnat, masakit na katawan, masakit na ulo
-Iwasang magtampisaw sa tubig baha,
gumamit ng bota, kumunsulta sa doktor
Mga Nakahahawang Sakit
+COVID 19
-Virus
-lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pagod,
masakit na katawan, masakit na ulo, baradong
ilong, pagbahing, walang panlasa o pang amoy
-Maghugas ng kamay, pagsuot ng face mask at
face shield, pagpapabakuna, kumunsulta sa
doktor
Magbigay ng isang sakit na napag-aralan
natin. Sabihin ang sintomas at kung paano
maiiwasan.
Pagtataya
1. Alin ang maaaring dahilan ng pagkakasakit ng
isang tao?
A. regular na pagpapabakuna
B. paghuhugas ng kamay
C. pagtulog sa oras ng klase
D. paghina ng resistensiya
Pagtataya
2. Alin ang sanhi ng dengue?
A. Virus na dala ng lamok
B. Ihi ng dagang sumama sa tubig
C. Kontaminadong pagkain
D. Bacteria na nagmumula sa bulate
Pagtataya
3. Anong sakit ang may impeksiyon sa atay?
A. Alipunga C. Pulmonya
B. Hepatitis D. Tuberculosis
4. Anong sakit ang maaaring makuha sa ihi ng
daga na sumasama sa tubig?
A. Amoebiasis C. Leptospirosis
B. Hepatitis D. Tuberculosis
Pagtataya
5. Ano ang dapat gawin ng isang taong may
sakit?
A. magtago sa kaniyang silid
B. makihalubilo sa ibang may sakit
C. kumain, matulog, at manood ng TV
D. mamahinga at sundin ang payo ng doctor