SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 99
Descargar para leer sin conexión
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
Ito ay kakayahan sa paggamit ng wika hindi
lamang sa pagkakaroon ng kakayahang
linggwistika o gramatika sa epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat
din malaman ang paraan ng wika ng
lingguwistikang komunidad na gumagamit nito
upang matugunan at maisagawa ito nang
naayon sa kanyang layunin.
KAKAYAHANG
LINGGWISTIKO O
GRAMATIKAL
 Ay isang paraan ng pag-aaral ng wika sa
maagham na kaparaanaan.
 Nagkakaroon ng pag-aanalisa sa aktuwal
na paggamit ng wika pasalita o pasulat
man at nakatuon sa pantaong lenggwahe
bilang unibersidad bahagi ng makataong
pagkilos at pag-uugaling pantao.
Abilidad ng isang tao na
makabuo at makaunawa
ng maayos at
makabuluhang
pangungusap.
Nangangahulugan namang
abilidad sa angkop na
paggamit ng mga pangungusap
batay sa hinihingi ng isang
interaksiyong sosyal.
GRAMATIKAL
sintak
s
Ponolohiy
a
Leksiko
n
Morpolohi
ya
Ortograpiy
a
WASTONG GAMIT
NG MGA SALITA
 May mga salita sa anumang wika na
nakasanayan nang gamitin ng katutubo sa
kanilang pagpapahayag, maaaring hindi
naaayon sa sariling balarila, maaari namang
angkop sa balarila, ngunit kinasanayan na
sa kanilang gamit.
 Paggamit ng salitang daw,
dito, din, doon at dine,
raw, rito, rin, roon at rine
Ang daw, dito, din, doon
at dine ay ginagamit kung
ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig
(consonant).
Katinig: B C D F G H J K
L M N P Q R S T V X Z
Hal.
1. Sa ilog daw maliligo ang
mga binata.
2. Pupunta rin dito ang
mga artista.
Ang raw, rito, rin, roon at
rine ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig
(vowel - a, e i, o, u) o
Malapatinig
(semi-vowel - w, y).
Hal.
1. Pumunta ka rito.
2. Nag-aaway raw ang mga
bata.
Halimbawa:
1. May bahay rin sa Antipolo sina Mr.
Acopra.
2. Nag-aaway raw ang mga bata.
3. Maliligo rine ang mga dalaga.
4. Patungo roon ang mga kandidato.
Halimbawa:
1. Yayaman din tayo balang araw.
2. Masakit daw ang ulo ni Tess kaya
hindi siya nakapasok sa klase.
3. Magtatanghal din ng dula ang
Kagawaran ng Filipino.
4. Nakapagsulat din ng aklat si
Judith.
 Paggamit ng salitang
NG at NANG
Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa
mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng
katulong na sugnay.
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.
Nagsisimula na ang programa nang dumating ang
mga panauhin.
Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay.
Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at
inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring ito.
Halimbawa:
Nagpasa si Marvin nang proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si G. Morales.
Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-
ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at
dalawang pandiwang inuulit.
Halimbawa:
suklay nang suklay
mag-ipon nang mag-ipon
nagdasal nang nagdasal
Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon
ng pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nag-aaral siya ng liksyon.
Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.
Nagtanim ng palay ang magsasaka.
Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o
tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.
Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon.
Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng
pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa:
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang
pulitiko.
Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang
makikinis.
Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait na
alaala sa mga Ita.
 Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-
aaral.
 Lumakad siya nang dahan-dahan.
 Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.
 Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang
pagpiprito ng isda.
 Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
 Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
 Kanina pa siya ikot nang ikot.
 Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
 Paggamit ng salitang MAY
at MAYROON
 MAY at MAYROON –
Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng:
pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao sa
kaukulang paari.
Halimbawa: (pangngalan)
May virus ang nahiram niyang flashdrive.
Habang may buhay ay may pag-asa.
May anay sa dingding na ito.
Halimbawa: (pandiwa)
May kumakatok sa pinto.
May pupuntahan ka ba mamaya?
May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
MAY at MAYROON –
Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng: pangngalan,
pandiwa, pang-uri at panghalip panao sa kaukulang paari.
Halimbawa: (pang-uri)
May mahabang buhok si Olga.
May bagong cellphone si Aldrin.
Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan.
Halimbawa: (panghalip panao sa kaukulang paari)
Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
Ang mga anak ni Aling Lucia ay may kani-kanila nang
kabuhayan
MAY at MAYROON –
Ang MAYROON ay ginagamit kapag may
napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
Hal.
Mayroon pa bang natitirang ulam?
Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad
ni Joseph.
MAY at MAYROON –
Ang MAYROON ay ginagamit kung nangangahulugan
ng pagka-maykaya sa buhay.
Halimbawa:
Ang mga Ordoňa ay mayroon sa bayan ng Dolores.
Si Jayson ay nagpapanggap na mayroon sa kanilang
lalawigan.
Iniiwasan kung makibarkada sa mga mayroon sa aming
paaralan dahil ako’y isang mahirap lamang.
MAY at MAYROON –
Ang MAYROON ay ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa:
May pasok ba tayo?
Mayroon
May maasahan ba akong tulong sa kanya?
Mayroon naman.
May takdang-aralin ka ba?
Mayroon po.
 May anay sa dingding na ito.
 Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
 Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang
mayroon at kung sino ang wala.
 May kumakatok sa pinto.
 Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?
 May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
 Mayroon iyang malaking suliranin.
 May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
 Paggamit ng salitang
KAPAG at KUNG
KAPAG at KUNG
KAPAG pangatnig na nagpapakilala ng isang
kalagayang tiyak.
Halimbawa:
Kapag may pagsusulit, siguruhing ika’y nakapag-aral.
Magtatagumpay ka kapag natapos na ang iyong pag-aaral.
KUNG pangatnig na nagpapakilala ng isang di- tiyak
na kalagayan.
Halimbawa:
Kung di nag-aaral, maaaring bumagsak ka.
Kung di susunod sa utos, maaari kang maligaw ng landas.
 Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
 Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-
uwi niya sa probinsiya.
 Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
 Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng
kotse.
 Mas mabuti kapag makapagtapos ka ng pag-aaral.
 Paggamit ng salitang
KUNG at KONG
Kung (if, when)
(bilang pangatnig)
1.Magluluto ako kung kakain ka.
2.Bibigyan kita kung susunod ka.
Kong (ko+ng)
(bilang panghalip)
1. Ibinigay kong lahat ang aking kaya.
2. Iniwan kong may makakain ang aking mga anak.
 Mamahaling kita kung mamahalin mo rin ako.
 Mas naayon kung ako nalang ang gumawa.
 Iniwan kong nakabukas ang pinto.
 Masaya kung pinaghihirapan.
 Kung ako sayo, pagbutihin mo nalang.
 Isinagawa kong mabuti ang aking Proyekto.
 Inabot kong muli ang aking mga pangarap.
 Paggamit ng salitang
SILA, SINA at KINA at
KILA
Sila at Sina, Kina at Kila
Ang SILA ay panghalip panao samantalang ang SINA ay
panandang pangkayarian sa pangalan. Karaniwang kamalian na
ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian.
Halimbawa:
Mali- Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
Tama Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
Mali- Sila Hershey at Olive ay nanalo sa timpalak.
Tama Nanalo sila sa timpalak.
Ang KINA ay panandang pangkayarian sa
pangngalan katulad ng sina. Walang salitang KILA
sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng KILA ay
karaniwang pagkakamali.
Halimbawa:
Papunta na kami kina Ms. Candelario.
Kina Divine gaganapin ang pagdiriwang.
Malayo ba rito ang kina Onie at Peter.
 Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
 Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.
 Puntahan natin sila bago mahuli ang lahat.
 Sina Ma. at Yen ang pinakamaganda sa klase.
 Sila lang ang gagawa ng proyekto.
 Makapangyarihan sila, hindi natin sila matatalo.
 Kung ako ang tatanungin, sina Cris at Von ang
pinakamatalino sa klase.
 Paggamit ng salitang
KITA at KATA
KITA ay ginagamit kapag ang isa sa dalawang nag-uusap
ay siyang gaganap ng gawain para sa kausap.
HAL.
1. Ibibili kita ng bagong damit.
2. Tutulungan kita sa iyong pagluluto.
KATA ay ginagamit kung ang dalawang nag-uusap
ay magkasamang gagawa ng isang bagay o kilos.
HAL.
1. Kata ay magsimba muna bago umalis.
2. Kata ay maagang pumasok sa paaralan.
 Manood kata ng sine.
 Iniibig kita.
 Kita kita.
 Pumunta kata sa mall.
 Kata ay Gumawa na ng takdang-aralin.
 Pupuntahan kita, kahit saan ka man mapadpad.
 Bibilhin kita ng regalo.
 Paggamit ng salitang
BITIWAN at BITAWAN
Ang salitang bitiw ay isang pandiwa (verb)
samantalang isang pangngalan (noun) ang bitaw.
Ang bitiw o bitiwan ay ang pagkawala o pag-alis sa
pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari.
Ang bitaw naman ay nauukol sa pagsasanay ng
sasabunging manok ng walang tari. Ang bitawan ay
tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng
manok ng walang tari.
1. Kung hindi mo ako bibitiwan ay
sisigaw ako.
2. Huwag kang bumitiw sa akin kung
ayaw mong mawala.
3. Nagtungo sa gubat si Mang Andres
dahil naroon ng bitawan ng manok.
4. Nag-bitaw siya ng talisain samantalang
abuhin naman ang binitaw ni Ariel.
 Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
 Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa
takot.
 Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
 "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at
tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa
kapatid.
 Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong
kasintahan.
 Pumunta tayo sa bitawan ng manok.
 Bitiwan mo siya, akin lang siya.
 Paggamit ng salitang
SUBUKIN at SUBUKAN
SUBUKIN (to test, to try)
- nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri,
lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
– masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain;
SUBUKAN (to see secretly)
– palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng
isang tao. (to spy or follow up secretly) - tiktikan o manmanan.
- nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang
ginagawa ng isang tao o mga tao.
SUBUKIN
a. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter
bago ko bilhin.
b. Subukin mo ang bagong produktong ito at malasa
na masarap pa.
c. Subukin mong gamitin ang sabong ito baka hiyang
sayo.
d. Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang
sumigla ka.
+
+
‘‘ + ‘
SUBUKAN
a. Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga
bata sa likod-bahay.
b. Subukan mo nga kung saan siya nagpupunta gabi-
gabi.
c. Ani Erap, “Wag n’yo akong subukan.
d. Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa
makarating siya sa kanyang paroroonan
+ +
‘‘ +
‘
 Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing
umaalis ako sa bahay.
 Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
 Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmaneho.
 Subukan mo silang pagmantyagan mamaya.
 Subukan mong tingnan kung may gagawin silang
kababalaghan.
 Subukin mong abutin ang iyong mga pangarap.
 Subukan mo namang Ibalik ang pagmamahal niya
sayo.
 Paggamit ng salitang
PAHIRIN at PAHIRAN,
PUNASIN at PUNASAN
Ang pahirin at punasin (wipe off) ay
nangangahulugang alisin o tanggalin o pagpawi
ng isang bagay samantalang,
Ang pahiran at punasan (to apply) ay
nangangahulugang lagyan o paglalagay ng
isang bagay.
Halimbawa:
1. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
2. Pahirin mo nga ang pawis mo sa mukha.
3. Pahirin mo ang uling sa mukha.
4. Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi.
1. Nangingintab ang iyong ilong, pahiran mo ng pulbos.
2. Pahiran mo ng ointment ang napaso mong braso.
3. Pahiran mo ng vicks ang likod ng bata
4. Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Halimbawa:
 Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
 Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
 Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
 Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
 Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
 Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa
 Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina
 Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
 Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa
umaga
 Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
 Paggamit ng salitang
OPERAHIN at OPERAHAN
 Tinutukoy ng operahan ang tao na sasailalim sa pagtitistis
at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
Halimbawa:
 Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.
 Ooperahan na ng doctor ang naghihirap na bulag.
 Inoperahan na si Olive kahapon.
 Kasalukuyang inooperahan si Jane sa Ospital ng Makati.
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na
bahagi ng katawan na titistisin/ tinitistis.
Halimbawa:
 Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
 Ooperahin bukas ang mga mata ni Angelita.
 Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong
dibdib?
 Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong
tiyan.
 Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
 Si Luis ay ooperahan sa Martes.
 Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.
 Ooperahan nan g doctor ang naghihirap na bulag.
 Inoperahan na si Emil kahapon
 Kasalukuyang inooperahan si Woody sa Ospital ng
Makati.
 Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
 Dok, operahin napo ninyo ang kumikirot kung tiyan
 Paggamit ng salitang
NAPAKASAL at
NAGPAKSAL
NAPAKASAL AT NAGPAKASAL
Ginagamit ang napakasal kapag ang tinutukoy ay ang
ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na
nagmamahalan.
Halimbawa:
Napakasal na ang malaon nang magkasintahang
Bernadette at Marvin.
Si Janet ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan.
Napakasal na nga ba kayo ng kasintahan mo?
NAPAKASAL at NAGPAKASAL
Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punong-
abala o siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at
babae.
Halimbawa:
Ang mag-asawa ang nagpakasal ng kanilang panganay
na anak.
Ang mga kapitbahay na matulungin ang nagpakasal sa
maralitang sina Norina at Ronnie.
Si Aling Aura ang nagpakasal sa pamangkin niyang
naulila na sa mga magulang.
 Tinulungan namin silang magpakasal.
 Napakasal silang dalawa.
 Napakasal sila ng wala sa oras at panahon.
 Ang padre ang nagpakasal sa kanilang dalawa.
 Mababait ang kanilang mga ninong at ninong at sila
pa ang nagpakasal sa kanila.
 Napakasal sila, dahil mahal na talaga nila ang isa’t
isa.
 Paggamit ng salitang
PINTO at PINTUAN
PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas. Ginawa ito upang ilagay sa pintuan.
Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito
rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto.
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang pusa.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t
hindi niya maisara ang pinto.
 Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
 Gawa sa narra ang kanilang pinto.
 Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
 Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
 Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
 Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni
Simon.
 Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
 Huwag mong sipain ang pinto.
 Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
 Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
 Paggamit ng salitang
HAGDAN at HAGDANAN
HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at
binabababaan sa bahay/gusali.
Ang hagdanan (stairways) ay bahagi ng bahay na
kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang
klinika.
Matitibay ang hagdan ng kanilang bahay kaya hindi
gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
 Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga
hagdan.
 Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
 Nahulog siya habang umaakyat sa hagdan.
 Matibay ang hagdanan, tiyak akong hindi ito agad
masisira.
 Ipatong at itabi mo sa gilid ng hagdan ang sapatos
mo.
 Maingat niyang inakyat ang hagdan.
 Maingat niyang inilagay ang hagdanan.
 Paggamit ng salitang
IWAN at IWANAN
Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang
huwag isama/ dalhin.
Ang iwanan ay (to leave something to somebody) ay
nangangahulugan bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.
Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.
Iwanan mo na ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.
Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang
presong lasenggero.
 Iwan mo ang bag mo sa kotse ko.
 Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.
 Iwanan mo ko ng kahit konting pagmamahal mo.
 Iwan mo kong mag-isa, galit ako sayo.
 Iwan mo muna ang iyong aklat sa iyong silid.
 Iwanan mo ko niyang kinakain mo, huwag mong
ubusin.
 Iwan mo muna ako, may pupuntahan ko muna.
 Paggamit ng salitang
SUNDIN at SUNDAN
Ang sundin (follow an advice / to obey)
ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral, panuto,
kautusan o batas
Ang sundan ay (follow where one is going; follow what one
does) ay nangangahulugan gayahin ang ginawa ng iba o
pumunta sa pinuntahan ng iba.
Halimbawa:
 Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw
mong maligaw ng landas.
 Sundan mo agad ang ang umalis mong kaibigan at baka
tuluyan na iyong magtampo.
 Kahit anong mangyari, sundin mo ang sinasabi ko.
 Sundan mo ang yapak ng ating mga ninuno.
 Makinig ka sa akin, sundan mo siya bago pa siya
mawala.
 Sundin mo ang tuntunin ng paaralan.
 Sundin mo kung ano ang itinuturo sayo.
 Sundan mo ng tingin ang makakalaban mo.
 Huwag kang magreklamo at sundin mo ang gusto
ko.
 Paggamit ng salitang
TUNGTONG at TUNTONG
at TUNTON
Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
Ang tuntong ay pagyapak sa ano mang bagay.
Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas.
Halimbawa
Hindi makita ni Aling Nenita ang tungtong ng palayok
sa kusina.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot niya ang
bumbilya.
Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming
tuta.
 Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa
kusina.
 Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
 Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.
 Masakit sa ulo ang paghahanap sa tungtong na yon.
 Tumuntong ka para maabot mo.
 Masyadong nakakalito ang mapang hawak ko, hindi ko
matunton ang aking sadya dito.
 Hindi ko matunton ang pinagtatguan ng asawa ko.
 Masyadong malaki ang tungtong na to hindi magkasya sa
palayok na dala ko.
 Paggamit ng salitang
WALISIN at WALISAN
Walisan ang lugar na lilinisin.
Walisin ang partikular na kalat na aalisin sa
pamamagitan ng walis
1. Aking wawalisan ang kusina.
2. Walisin na ang mga papel na nakakalat sa sahig.
 Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
 Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita
bukas.
 Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.
 Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga
tuyong dahon.
 Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.
 Nais kong walisan ang aklatan
 Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.
 Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo
naman 'yan?
 Paggamit ng salitang
BIBIG at BUNGANGA
Bibig:
ginagamit ito kung ang tinutukoy o inilalarawan ay
tao.
Bunganga:
ginagamit kung ang tinutukoy o inilalarawan ay
hayop
 Pakisara ng bibig mo, baka may pumasok na
langaw.
 Nakanganga ang bunganga ng buwaya.
 Magandang pagmasdan ang bibig ni Anna.
 May panis na laway sa gilid ng bibig niya.
 Masyadong malaki ang bunganga ng hayop na yon.
 Tumutulo ang laway sa bunganga ng asong may
rabies.
 Bibig pa lang niya, nakakabighani na, ano pa kaya
ang iba?
Habang:
ang isang kalagayang walang tiyak na
hangganan, o mahaba.
Samantalang:
ang isang kalagayang may taning, o
pansamantala.
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang
pagtatambis sa dalawang kalagayan
 Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
 Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang
samantalang wala pa akong trabaho.
 Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya
sinasagot ng kanyang kasintahan.
 Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa
dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan.
 Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang
tinatawag kanina pa?
 Bakit ako ang gagawa samantalang ikaw ang napag-
utusan?
Ibayad:
pagbibigay ng bagay bilang kabayaran.
Ipagbayad:
pagbabayad para sa ibang tao.
 Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa
iyo sa halip na pera.
 Ipagbabayad muna kita sa sine.
 Ang mamahaling relo ko ang ibabayad ko muna sa
utang ko sayo.
 Sa pagkakatanda ko may bayarin tayo, ipagbabayad
muna kita, mukhang wala kang dalang pera.
 Akong bahala sayo, sumunod ka lang sa sasabihin ko at
ipagbabayad kita sa mga utang mo.
Napatay:
may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng
kusa.
Namatay:
kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi
ng sakit, katandaan o sinasadya.
 Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
 Napatay ang aking alagang aso.
 Namatay siya dahil inatake siya sa puso.
 Napatay siya ng hindi kinikilalang salarin.
 Sobra na ang katandaan at panghihina ng kanyang
katawan kaya’t kinalaunan namatay din siya.
 Napatay siya ng kanyang asawa dahil sa matinding
pagseselos.
 Madami ang namamatay dahil sa matinding kagutuman.
Kung di:
Ang kung di ay galing sa salitang kung hindi o
if not sa Ingles.
Kundi:
ang kundi naman ay nangangahulugang
maliban sa o except sa Ingles.
 Aalis na sana kami kung di ka dumating.
 Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong
mga may tiket lamang.
 Kung di ka dumating siguro nagpatayan na talaga sila.
 Kung di ka sumunod sa amin siguro ay nanganganib na
ang buhay namin ngayon.
 Ang tanging maiiwan lang dito kundi ay ang mga
miyembro lamang ,ang hindi miyembro, lumabas!
Hatiin:
Hatiin ( to divide) o partihin.
Hatian:
Hatian ( to share) o ibahagi.
 Hatiin mo sa amin ang pakwan.
 Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos
na bata.
 Huwag kang madamot at hatiin mo yan!
 Magkapatid talaga sila, hinatian niya ang pagkain niya
at ibinigay sa kanyang kapatid para mabusog silang
dalawa.
 Hinatian niya ang kaniyang pagkain at ibinigay sa akin
na sadyang kinilig ako.
 Hatiin niyo sa dalawa ang hawak ninyong papel.
Putulin:
putulin ay ang pagputol ng isang bagay.
Putulan:
ang putulan ay ang pagputol ng isang bagay o
tao sa tao, hayop at bagay.
 Huwag nating putulin ang mga puno sa paligid.
 Cynthia, putulan mo naman ng mga tuyong sanga ang
ating bougainvillea.
 Dapat palaging putulin ang buhok ng mga lalaking may
mahahabang buhok.
 Makinig ka sa akin Ron, putulan mo ang mga kuko mo,
dahil marumi nang pagtingnan.
 Masyado kang madaldal! Dapat sayo pinapatahimik,
Dex, putulan mo siya ng dila!
Tawagin:
ang salitang tawagin ay ginagamit para
palapitin ang isang tao o hayop.
Tawagan:
Ang tawagan ay ginagamit para kausapin o
bigyang pansin ang isang tao.
 Tawagin mo na si Connie, kakain na.
 Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung
sasama siya.
 Magsisimula na ang kasal, tawagin mo na ang mga
bisita.
 Tumakbo ka at tawagin mo siya, pag hindi sumama
batukan mo.
 Tawagan mo nga ang nobyo mo para makapag-usap
kami ng masinsinan.
 Tawagan mo nga siya kanina ko pa siya hindi
makontak.
Arrogante, Jose A. 2008, Retorika: Masining na Pagpapahayag.
Mandaluyong City. National Book Store
Bernales, Rolando A. et. al., 2002, Mabisang Retorika sa
Wikang Filipino. Valenzuela City, Mutya Publishing
House
Mortega, Melvin O. at Allam, Arsenia S., 2013. Retorika:
Gabay sa Masining na Pagpapahayag. Mandaluyong City,
Anvil Publishing, Inc.
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/wastong-gamit-ng-mga-
salita.html

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Kakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatiboKakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatiboEmma Sarah
 
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayanGramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayanMartinGeraldine
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Muel Clamor
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoKasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoNoldanne Quiapo
 
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanIntroduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanEmma Sarah
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyondeathful
 
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboFilipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboJuan Miguel Palero
 
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang FilipinoKakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang FilipinoRochelle Nato
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikJohn Lester
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoSarah Jane Reyes
 

La actualidad más candente (20)

Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Gamit ng wika sa lipunan
Gamit ng wika sa lipunanGamit ng wika sa lipunan
Gamit ng wika sa lipunan
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
Kakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatiboKakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatibo
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Malikhaing pagsulat
Malikhaing pagsulatMalikhaing pagsulat
Malikhaing pagsulat
 
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayanGramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
Gramatikal, diskorsal, at estratehiko na kasanayan
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
 
Mga sitwasyong pangwika
Mga sitwasyong pangwikaMga sitwasyong pangwika
Mga sitwasyong pangwika
 
Gamit ng Wika
Gamit ng WikaGamit ng Wika
Gamit ng Wika
 
Mga tuntunin sa pagbabaybay
Mga tuntunin sa pagbabaybayMga tuntunin sa pagbabaybay
Mga tuntunin sa pagbabaybay
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoKasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
 
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikanIntroduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
Introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyon
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboFilipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
 
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang FilipinoKakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 

Similar a Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng mga Salita

YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxBasconCalvinFrancis
 
Gramatikal at D-WPS Office.pptx
Gramatikal at D-WPS Office.pptxGramatikal at D-WPS Office.pptx
Gramatikal at D-WPS Office.pptxJonAlaba
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba paart bermoy
 
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKDLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKReyCacayurinBarro
 
Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salitaWastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salitaSuarez Geryll
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxcyrindalmacio
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxsharmmeng
 
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoKOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoTine Lachica
 
Kakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboKakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboJocelle
 
Panghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxPanghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxMarivicCastaneda
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptxKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptxpiosebastianalvarez
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxrhea bejasa
 

Similar a Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng mga Salita (20)

Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salitaWastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salita
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
 
Gramatikal at D-WPS Office.pptx
Gramatikal at D-WPS Office.pptxGramatikal at D-WPS Office.pptx
Gramatikal at D-WPS Office.pptx
 
Wastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit Seminar.pptxWastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit Seminar.pptx
 
Mtb q2-week-1-and-2
Mtb q2-week-1-and-2Mtb q2-week-1-and-2
Mtb q2-week-1-and-2
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pa
 
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKDLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
 
Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salitaWastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salita
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
 
Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6
 
Presentation
PresentationPresentation
Presentation
 
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoKOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
 
Kakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboKakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatibo
 
Panghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxPanghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptx
 
pandiwa.pptx
pandiwa.pptxpandiwa.pptx
pandiwa.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptxKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino WEEk 5- ARALIN.pptx
 
January-22-2021.pptx
January-22-2021.pptxJanuary-22-2021.pptx
January-22-2021.pptx
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptx
 
Istruktura ng wika
Istruktura ng wikaIstruktura ng wika
Istruktura ng wika
 

Último

Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El FiliKabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Filijuliusmirador1
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxNicaBerosGayo
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5TinCabanayan
 
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaFilipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaJaysonKierAquino
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxLAWRENCEJEREMYBRIONE
 
ARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxTeacherTinCabanayan
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotOlinadLobatonAiMula
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttJulietDianeBallonBot
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10RonalynGatelaCajudo
 
Edukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptx
Edukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptxEdukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptx
Edukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptxAzirenHernandez
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxFlorante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxjohnajaneecube
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxGluvellSiega1
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itobryandomingo8
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 

Último (20)

Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El FiliKabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
 
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaFilipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
 
ARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ARALIN 2 - NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
 
Edukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptx
Edukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptxEdukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptx
Edukasyon sA pAGPAPAKATAO 10_Modyul 11 Pagmamahal sa bayan.pptx
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxFlorante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 

Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng mga Salita

  • 2. Ito ay kakayahan sa paggamit ng wika hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang linggwistika o gramatika sa epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din malaman ang paraan ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naayon sa kanyang layunin.
  • 4.  Ay isang paraan ng pag-aaral ng wika sa maagham na kaparaanaan.  Nagkakaroon ng pag-aanalisa sa aktuwal na paggamit ng wika pasalita o pasulat man at nakatuon sa pantaong lenggwahe bilang unibersidad bahagi ng makataong pagkilos at pag-uugaling pantao.
  • 5. Abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
  • 6. Nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal.
  • 9.  May mga salita sa anumang wika na nakasanayan nang gamitin ng katutubo sa kanilang pagpapahayag, maaaring hindi naaayon sa sariling balarila, maaari namang angkop sa balarila, ngunit kinasanayan na sa kanilang gamit.
  • 10.  Paggamit ng salitang daw, dito, din, doon at dine, raw, rito, rin, roon at rine
  • 11. Ang daw, dito, din, doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant). Katinig: B C D F G H J K L M N P Q R S T V X Z Hal. 1. Sa ilog daw maliligo ang mga binata. 2. Pupunta rin dito ang mga artista. Ang raw, rito, rin, roon at rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o Malapatinig (semi-vowel - w, y). Hal. 1. Pumunta ka rito. 2. Nag-aaway raw ang mga bata.
  • 12. Halimbawa: 1. May bahay rin sa Antipolo sina Mr. Acopra. 2. Nag-aaway raw ang mga bata. 3. Maliligo rine ang mga dalaga. 4. Patungo roon ang mga kandidato. Halimbawa: 1. Yayaman din tayo balang araw. 2. Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya nakapasok sa klase. 3. Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino. 4. Nakapagsulat din ng aklat si Judith.
  • 13.  Paggamit ng salitang NG at NANG
  • 14. Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay. Halimbawa: Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam. Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin. Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay.
  • 15. Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring ito. Halimbawa: Nagpasa si Marvin nang proyekto nang maaga. Nangaral nang mahinahon si G. Morales. Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
  • 16. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang- ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Halimbawa: suklay nang suklay mag-ipon nang mag-ipon nagdasal nang nagdasal
  • 17. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Halimbawa: Nag-aaral siya ng liksyon. Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak. Nagtanim ng palay ang magsasaka.
  • 18. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Halimbawa: Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral. Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid. Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon.
  • 19. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Halimbawa: Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang pulitiko. Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis. Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait na alaala sa mga Ita.
  • 20.  Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag- aaral.  Lumakad siya nang dahan-dahan.  Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.  Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.  Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.  Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.  Kanina pa siya ikot nang ikot.  Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
  • 21.  Paggamit ng salitang MAY at MAYROON
  • 22.  MAY at MAYROON – Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng: pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao sa kaukulang paari. Halimbawa: (pangngalan) May virus ang nahiram niyang flashdrive. Habang may buhay ay may pag-asa. May anay sa dingding na ito. Halimbawa: (pandiwa) May kumakatok sa pinto. May pupuntahan ka ba mamaya? May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
  • 23. MAY at MAYROON – Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng: pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao sa kaukulang paari. Halimbawa: (pang-uri) May mahabang buhok si Olga. May bagong cellphone si Aldrin. Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan. Halimbawa: (panghalip panao sa kaukulang paari) Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay. Ang mga anak ni Aling Lucia ay may kani-kanila nang kabuhayan
  • 24. MAY at MAYROON – Ang MAYROON ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito. Hal. Mayroon pa bang natitirang ulam? Mayroon po kaming isusumbong sa inyo. Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.
  • 25. MAY at MAYROON – Ang MAYROON ay ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay. Halimbawa: Ang mga Ordoňa ay mayroon sa bayan ng Dolores. Si Jayson ay nagpapanggap na mayroon sa kanilang lalawigan. Iniiwasan kung makibarkada sa mga mayroon sa aming paaralan dahil ako’y isang mahirap lamang.
  • 26. MAY at MAYROON – Ang MAYROON ay ginagamit na panagot sa tanong. Halimbawa: May pasok ba tayo? Mayroon May maasahan ba akong tulong sa kanya? Mayroon naman. May takdang-aralin ka ba? Mayroon po.
  • 27.  May anay sa dingding na ito.  Mayroon kaming binabalak sa sayawan.  Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.  May kumakatok sa pinto.  Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?  May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.  Mayroon iyang malaking suliranin.  May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
  • 28.  Paggamit ng salitang KAPAG at KUNG
  • 29. KAPAG at KUNG KAPAG pangatnig na nagpapakilala ng isang kalagayang tiyak. Halimbawa: Kapag may pagsusulit, siguruhing ika’y nakapag-aral. Magtatagumpay ka kapag natapos na ang iyong pag-aaral. KUNG pangatnig na nagpapakilala ng isang di- tiyak na kalagayan. Halimbawa: Kung di nag-aaral, maaaring bumagsak ka. Kung di susunod sa utos, maaari kang maligaw ng landas.
  • 30.  Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.  Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag- uwi niya sa probinsiya.  Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.  Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.  Mas mabuti kapag makapagtapos ka ng pag-aaral.
  • 31.  Paggamit ng salitang KUNG at KONG
  • 32. Kung (if, when) (bilang pangatnig) 1.Magluluto ako kung kakain ka. 2.Bibigyan kita kung susunod ka. Kong (ko+ng) (bilang panghalip) 1. Ibinigay kong lahat ang aking kaya. 2. Iniwan kong may makakain ang aking mga anak.
  • 33.  Mamahaling kita kung mamahalin mo rin ako.  Mas naayon kung ako nalang ang gumawa.  Iniwan kong nakabukas ang pinto.  Masaya kung pinaghihirapan.  Kung ako sayo, pagbutihin mo nalang.  Isinagawa kong mabuti ang aking Proyekto.  Inabot kong muli ang aking mga pangarap.
  • 34.  Paggamit ng salitang SILA, SINA at KINA at KILA
  • 35. Sila at Sina, Kina at Kila Ang SILA ay panghalip panao samantalang ang SINA ay panandang pangkayarian sa pangalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian. Halimbawa: Mali- Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak. Tama Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak. Mali- Sila Hershey at Olive ay nanalo sa timpalak. Tama Nanalo sila sa timpalak.
  • 36. Ang KINA ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang salitang KILA sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng KILA ay karaniwang pagkakamali. Halimbawa: Papunta na kami kina Ms. Candelario. Kina Divine gaganapin ang pagdiriwang. Malayo ba rito ang kina Onie at Peter.
  • 37.  Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.  Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.  Puntahan natin sila bago mahuli ang lahat.  Sina Ma. at Yen ang pinakamaganda sa klase.  Sila lang ang gagawa ng proyekto.  Makapangyarihan sila, hindi natin sila matatalo.  Kung ako ang tatanungin, sina Cris at Von ang pinakamatalino sa klase.
  • 38.  Paggamit ng salitang KITA at KATA
  • 39. KITA ay ginagamit kapag ang isa sa dalawang nag-uusap ay siyang gaganap ng gawain para sa kausap. HAL. 1. Ibibili kita ng bagong damit. 2. Tutulungan kita sa iyong pagluluto.
  • 40. KATA ay ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa ng isang bagay o kilos. HAL. 1. Kata ay magsimba muna bago umalis. 2. Kata ay maagang pumasok sa paaralan.
  • 41.  Manood kata ng sine.  Iniibig kita.  Kita kita.  Pumunta kata sa mall.  Kata ay Gumawa na ng takdang-aralin.  Pupuntahan kita, kahit saan ka man mapadpad.  Bibilhin kita ng regalo.
  • 42.  Paggamit ng salitang BITIWAN at BITAWAN
  • 43. Ang salitang bitiw ay isang pandiwa (verb) samantalang isang pangngalan (noun) ang bitaw. Ang bitiw o bitiwan ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari. Ang bitaw naman ay nauukol sa pagsasanay ng sasabunging manok ng walang tari. Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng manok ng walang tari.
  • 44. 1. Kung hindi mo ako bibitiwan ay sisigaw ako. 2. Huwag kang bumitiw sa akin kung ayaw mong mawala. 3. Nagtungo sa gubat si Mang Andres dahil naroon ng bitawan ng manok. 4. Nag-bitaw siya ng talisain samantalang abuhin naman ang binitaw ni Ariel.
  • 45.  Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.  Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.  Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.  "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid.  Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.  Pumunta tayo sa bitawan ng manok.  Bitiwan mo siya, akin lang siya.
  • 46.  Paggamit ng salitang SUBUKIN at SUBUKAN
  • 47. SUBUKIN (to test, to try) - nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay. – masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain; SUBUKAN (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao. (to spy or follow up secretly) - tiktikan o manmanan. - nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao.
  • 48. SUBUKIN a. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin. b. Subukin mo ang bagong produktong ito at malasa na masarap pa. c. Subukin mong gamitin ang sabong ito baka hiyang sayo. d. Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka. + + ‘‘ + ‘
  • 49. SUBUKAN a. Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay. b. Subukan mo nga kung saan siya nagpupunta gabi- gabi. c. Ani Erap, “Wag n’yo akong subukan. d. Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan + + ‘‘ + ‘
  • 50.  Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.  Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.  Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmaneho.  Subukan mo silang pagmantyagan mamaya.  Subukan mong tingnan kung may gagawin silang kababalaghan.  Subukin mong abutin ang iyong mga pangarap.  Subukan mo namang Ibalik ang pagmamahal niya sayo.
  • 51.  Paggamit ng salitang PAHIRIN at PAHIRAN, PUNASIN at PUNASAN
  • 52. Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin o pagpawi ng isang bagay samantalang, Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan o paglalagay ng isang bagay.
  • 53. Halimbawa: 1. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata. 2. Pahirin mo nga ang pawis mo sa mukha. 3. Pahirin mo ang uling sa mukha. 4. Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi. 1. Nangingintab ang iyong ilong, pahiran mo ng pulbos. 2. Pahiran mo ng ointment ang napaso mong braso. 3. Pahiran mo ng vicks ang likod ng bata 4. Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
  • 54. Halimbawa:  Punasin mo ang pawis sa iyong likod.  Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
  • 55.  Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.  Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.  Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.  Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa  Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina  Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.  Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga  Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
  • 56.  Paggamit ng salitang OPERAHIN at OPERAHAN
  • 57.  Tinutukoy ng operahan ang tao na sasailalim sa pagtitistis at hindi ang bahagi ng kanyang katawan. Halimbawa:  Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.  Ooperahan na ng doctor ang naghihirap na bulag.  Inoperahan na si Olive kahapon.  Kasalukuyang inooperahan si Jane sa Ospital ng Makati.
  • 58. Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin/ tinitistis. Halimbawa:  Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.  Ooperahin bukas ang mga mata ni Angelita.  Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?  Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.
  • 59.  Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.  Si Luis ay ooperahan sa Martes.  Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.  Ooperahan nan g doctor ang naghihirap na bulag.  Inoperahan na si Emil kahapon  Kasalukuyang inooperahan si Woody sa Ospital ng Makati.  Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?  Dok, operahin napo ninyo ang kumikirot kung tiyan
  • 60.  Paggamit ng salitang NAPAKASAL at NAGPAKSAL
  • 61. NAPAKASAL AT NAGPAKASAL Ginagamit ang napakasal kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan. Halimbawa: Napakasal na ang malaon nang magkasintahang Bernadette at Marvin. Si Janet ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan. Napakasal na nga ba kayo ng kasintahan mo?
  • 62. NAPAKASAL at NAGPAKASAL Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punong- abala o siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae. Halimbawa: Ang mag-asawa ang nagpakasal ng kanilang panganay na anak. Ang mga kapitbahay na matulungin ang nagpakasal sa maralitang sina Norina at Ronnie. Si Aling Aura ang nagpakasal sa pamangkin niyang naulila na sa mga magulang.
  • 63.  Tinulungan namin silang magpakasal.  Napakasal silang dalawa.  Napakasal sila ng wala sa oras at panahon.  Ang padre ang nagpakasal sa kanilang dalawa.  Mababait ang kanilang mga ninong at ninong at sila pa ang nagpakasal sa kanila.  Napakasal sila, dahil mahal na talaga nila ang isa’t isa.
  • 64.  Paggamit ng salitang PINTO at PINTUAN
  • 65. PINTO at PINTUAN Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginawa ito upang ilagay sa pintuan. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto. Halimbawa: Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang pusa. Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto.
  • 66.  Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.  Gawa sa narra ang kanilang pinto.  Nangyari ang suntukan sa may pintuan.  Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.  Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.  Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.  Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.  Huwag mong sipain ang pinto.  Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.  Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
  • 67.  Paggamit ng salitang HAGDAN at HAGDANAN
  • 68. HAGDAN at HAGDANAN Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at binabababaan sa bahay/gusali. Ang hagdanan (stairways) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan. Halimbawa: Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika. Matitibay ang hagdan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
  • 69.  Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.  Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.  Nahulog siya habang umaakyat sa hagdan.  Matibay ang hagdanan, tiyak akong hindi ito agad masisira.  Ipatong at itabi mo sa gilid ng hagdan ang sapatos mo.  Maingat niyang inakyat ang hagdan.  Maingat niyang inilagay ang hagdanan.
  • 70.  Paggamit ng salitang IWAN at IWANAN
  • 71. Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/ dalhin. Ang iwanan ay (to leave something to somebody) ay nangangahulugan bibigyan ng kung ano ang isang tao. Halimbawa: Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo. Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko. Iwanan mo na ‘ko ng perang pambili ng pananghalian. Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.
  • 72.  Iwan mo ang bag mo sa kotse ko.  Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.  Iwanan mo ko ng kahit konting pagmamahal mo.  Iwan mo kong mag-isa, galit ako sayo.  Iwan mo muna ang iyong aklat sa iyong silid.  Iwanan mo ko niyang kinakain mo, huwag mong ubusin.  Iwan mo muna ako, may pupuntahan ko muna.
  • 73.  Paggamit ng salitang SUNDIN at SUNDAN
  • 74. Ang sundin (follow an advice / to obey) ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral, panuto, kautusan o batas Ang sundan ay (follow where one is going; follow what one does) ay nangangahulugan gayahin ang ginawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba. Halimbawa:  Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.  Sundan mo agad ang ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.
  • 75.  Kahit anong mangyari, sundin mo ang sinasabi ko.  Sundan mo ang yapak ng ating mga ninuno.  Makinig ka sa akin, sundan mo siya bago pa siya mawala.  Sundin mo ang tuntunin ng paaralan.  Sundin mo kung ano ang itinuturo sayo.  Sundan mo ng tingin ang makakalaban mo.  Huwag kang magreklamo at sundin mo ang gusto ko.
  • 76.  Paggamit ng salitang TUNGTONG at TUNTONG at TUNTON
  • 77. Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali. Ang tuntong ay pagyapak sa ano mang bagay. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas. Halimbawa Hindi makita ni Aling Nenita ang tungtong ng palayok sa kusina. Tumuntong siya sa mesa upang maabot niya ang bumbilya. Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.
  • 78.  Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.  Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.  Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.  Masakit sa ulo ang paghahanap sa tungtong na yon.  Tumuntong ka para maabot mo.  Masyadong nakakalito ang mapang hawak ko, hindi ko matunton ang aking sadya dito.  Hindi ko matunton ang pinagtatguan ng asawa ko.  Masyadong malaki ang tungtong na to hindi magkasya sa palayok na dala ko.
  • 79.  Paggamit ng salitang WALISIN at WALISAN
  • 80. Walisan ang lugar na lilinisin. Walisin ang partikular na kalat na aalisin sa pamamagitan ng walis 1. Aking wawalisan ang kusina. 2. Walisin na ang mga papel na nakakalat sa sahig.
  • 81.  Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.  Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas.  Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.  Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.  Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.  Nais kong walisan ang aklatan  Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.  Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan?
  • 82.  Paggamit ng salitang BIBIG at BUNGANGA
  • 83. Bibig: ginagamit ito kung ang tinutukoy o inilalarawan ay tao. Bunganga: ginagamit kung ang tinutukoy o inilalarawan ay hayop
  • 84.  Pakisara ng bibig mo, baka may pumasok na langaw.  Nakanganga ang bunganga ng buwaya.  Magandang pagmasdan ang bibig ni Anna.  May panis na laway sa gilid ng bibig niya.  Masyadong malaki ang bunganga ng hayop na yon.  Tumutulo ang laway sa bunganga ng asong may rabies.  Bibig pa lang niya, nakakabighani na, ano pa kaya ang iba?
  • 85. Habang: ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan, o mahaba. Samantalang: ang isang kalagayang may taning, o pansamantala. May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan
  • 86.  Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.  Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho.  Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinasagot ng kanyang kasintahan.  Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan.  Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?  Bakit ako ang gagawa samantalang ikaw ang napag- utusan?
  • 87. Ibayad: pagbibigay ng bagay bilang kabayaran. Ipagbayad: pagbabayad para sa ibang tao.
  • 88.  Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.  Ipagbabayad muna kita sa sine.  Ang mamahaling relo ko ang ibabayad ko muna sa utang ko sayo.  Sa pagkakatanda ko may bayarin tayo, ipagbabayad muna kita, mukhang wala kang dalang pera.  Akong bahala sayo, sumunod ka lang sa sasabihin ko at ipagbabayad kita sa mga utang mo.
  • 89. Napatay: may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa. Namatay: kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o sinasadya.
  • 90.  Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.  Napatay ang aking alagang aso.  Namatay siya dahil inatake siya sa puso.  Napatay siya ng hindi kinikilalang salarin.  Sobra na ang katandaan at panghihina ng kanyang katawan kaya’t kinalaunan namatay din siya.  Napatay siya ng kanyang asawa dahil sa matinding pagseselos.  Madami ang namamatay dahil sa matinding kagutuman.
  • 91. Kung di: Ang kung di ay galing sa salitang kung hindi o if not sa Ingles. Kundi: ang kundi naman ay nangangahulugang maliban sa o except sa Ingles.
  • 92.  Aalis na sana kami kung di ka dumating.  Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.  Kung di ka dumating siguro nagpatayan na talaga sila.  Kung di ka sumunod sa amin siguro ay nanganganib na ang buhay namin ngayon.  Ang tanging maiiwan lang dito kundi ay ang mga miyembro lamang ,ang hindi miyembro, lumabas!
  • 93. Hatiin: Hatiin ( to divide) o partihin. Hatian: Hatian ( to share) o ibahagi.
  • 94.  Hatiin mo sa amin ang pakwan.  Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.  Huwag kang madamot at hatiin mo yan!  Magkapatid talaga sila, hinatian niya ang pagkain niya at ibinigay sa kanyang kapatid para mabusog silang dalawa.  Hinatian niya ang kaniyang pagkain at ibinigay sa akin na sadyang kinilig ako.  Hatiin niyo sa dalawa ang hawak ninyong papel.
  • 95. Putulin: putulin ay ang pagputol ng isang bagay. Putulan: ang putulan ay ang pagputol ng isang bagay o tao sa tao, hayop at bagay.
  • 96.  Huwag nating putulin ang mga puno sa paligid.  Cynthia, putulan mo naman ng mga tuyong sanga ang ating bougainvillea.  Dapat palaging putulin ang buhok ng mga lalaking may mahahabang buhok.  Makinig ka sa akin Ron, putulan mo ang mga kuko mo, dahil marumi nang pagtingnan.  Masyado kang madaldal! Dapat sayo pinapatahimik, Dex, putulan mo siya ng dila!
  • 97. Tawagin: ang salitang tawagin ay ginagamit para palapitin ang isang tao o hayop. Tawagan: Ang tawagan ay ginagamit para kausapin o bigyang pansin ang isang tao.
  • 98.  Tawagin mo na si Connie, kakain na.  Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung sasama siya.  Magsisimula na ang kasal, tawagin mo na ang mga bisita.  Tumakbo ka at tawagin mo siya, pag hindi sumama batukan mo.  Tawagan mo nga ang nobyo mo para makapag-usap kami ng masinsinan.  Tawagan mo nga siya kanina ko pa siya hindi makontak.
  • 99. Arrogante, Jose A. 2008, Retorika: Masining na Pagpapahayag. Mandaluyong City. National Book Store Bernales, Rolando A. et. al., 2002, Mabisang Retorika sa Wikang Filipino. Valenzuela City, Mutya Publishing House Mortega, Melvin O. at Allam, Arsenia S., 2013. Retorika: Gabay sa Masining na Pagpapahayag. Mandaluyong City, Anvil Publishing, Inc. http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/wastong-gamit-ng-mga- salita.html