• BATAS TYDINGS-MCDUFFIE
• Dahil tutol sa Batas Hare–Hawes–Cutting, nagpunta si
Manuel L. Quezon sa Washington DC upang hikayatin ang
Kongreso ng Amerika na bumuo ng isang batas para sa
kalayaan ng Pilipinas. Ang pagpupursige niya ay
natumbasan ng bagong batas na tinawag na Batas Tydings–
McDuffie. Nilagdaan ito ni Pangulong Franklin Roosevelt
noong Marso 24, 1934. Pormal itong tinanggap ng
lehislatura ng Pilipinas noong Mayo 1, 1934.
•Kilala rin bilang Batas ng Kalayaan ng
Pilipinas (Philippine Commonwealth
Independence Act of 1934), ang batas ay
isinulat nina Senador Milliards Tydings at
Kongresista John McDuffie
•Ito ang batas na nagbigay ng
kalayaan ng Pilipinas na naging
ganap noong Hulyo 4, 1946, matapos
ang sampung taong transisyon ng
Pamahalaang Commonwealth.
•MGA BAGAY NA DAPAT TUPARIN AYON
SA BATAS TYDINGS-MCDUFFIE:
•Pagbubuo ng isang kumbensiyon na
maghahanda sa Saligang Batas;
•Pagpapatibay ng Pangulo ng US sa
Saligang Batas;
•Pagpapatibay ng Saligang Batas sa
pamamagitan ng isang plebisito
•Paghahalal ng mga pinuno ng
malasariling pamahalaan;
•Pagpapahayag ng kalayaan pagkatapos
ng 10 taong malasariling pamahalaan.
•Nang mapagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas
ang Batas Tydings-Mc Duffie, kaagad itinatag
ang Kumbensyong Konstitusyonal noong Hulyo
10, 1934. Naganap ang halalan para sa
dalawandaan at dalawang (202) delegado.
Napili na Pangulo ng Kumbensyong
Konstitusyonal si Claro M. Recto.
• Karamihan sa kasapi ng Kumbensyong
Konstitusyonal ay mga nag-aral bilang
pensionados sa Estados Unidos at nagnais na
makaranas ng pagsasarili sa pamahalaan. Noong
Marso 8, 1935 natapos ang Saligang-Batas ng
1935. Pinirmahan ito ni Pangulong Franklin
Roosevelt noong Marso 23, 1935, at napagtibay
sa pamamagitan ng plebisito noong Mayo 14,
1935.
•Natapos ang mahaba at matiyagang
paghihintay ng mga Pilipino at sa kauna-
unahang pagkakataon ay nakapaghalal
ang sambayanang Pilipino ng Pangulo at
Ikalawang Pangulo para sa Pamahalaang
Komonwelt.
• Noong Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang
Pamahalaang Komonwelt. Sa harap ng halos kalahating
milyong Pilipino ay nanumpa si Manuel L. Quezon bilang
Pangulo at si Sergio Osmeña, bilang Pangalawang Pangulo.
Silang dalawa ang nagwagi sa naganap na halalan laban
kina Emilio Aguinaldo, Gregorio Aglipay, at Pascual Racuyal.
Tinuligsa ng ilan ang muling koalisyon nina Quezon at
Osmeña, subalit tulad ng inaasahan ay nagwagi ang dalawa
sa halalan noong Setyembre 17, 1935. Naging hudyat ito sa
pagsasarili ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.
•Sa pamamagitan ng Misyong OS-ROX,
ipinalabas ng Kongreso ng Amerika ang Batas
Hare-Hawes -Cutting noong 1933. Itinadhana
batas ang kasarinlan ng Pilipinas matapos ang
sampung taong paghahanda ng mga Pilipino sa
Malasariling Pamahalaan o Pamahalaang
Komonwelt. Ihahalal ang magiging pangulo ng
bansa.
•Ang mga produkto ng Pilipinas na
makapasok sa Amerika nang walang
buwis at may takdang dami ngunit
ang produkto ng Amerika na
makapapasok sa Pilipinas ay walang
takdang dami.
•Kung makamit na ng mga
Pilipino ang kasarinlan,
papatawan na ng buwis ang mga
produktong Pilipino sa pagpasok
ng mga ito sa Amerika.
•Mananatili sa Amerika ang pag-
aaral ng lupaing nais nitong ariin
upang magamit sa mga
reserbasyong military ng
Amerika sa bansa.
•Ang ilang mga Amerikanonng
makapupunta sa Pilipinas ay walang
limitasyon, samantalang ang bilang ng
mga Pilipinong maaaring makapasok sa
Amerika ay hanggang limampu lamang
bawat taon.
•Naniniwala si Quezon na ang batas ay
hindi talaga makapagbibigay ng paglaya
sa Pilipinas. Nagtungo si Quezon sa
Estados Unidos upang humanap ng
panibagong batas pangkalayaan na
makabubuti sa Pilipinas.