Se ha denunciado esta presentación.
Se está descargando tu SlideShare. ×

Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Próximo SlideShare
Pang-Ugnay
Pang-Ugnay
Cargando en…3
×

Eche un vistazo a continuación

1 de 24 Anuncio

Más Contenido Relacionado

Presentaciones para usted (20)

Similares a Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito (20)

Anuncio

Más reciente (20)

Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

  1. 1. Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.
  2. 2. Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, ma gkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.
  3. 3. Angmga pantuwang na pangatnig ay: At Saka Pati
  4. 4. Mga halimbawa:  Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.  Magtitirik ng kandila’t magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.
  5. 5.  Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.  Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.
  6. 6. Pantulong naman ang pangatnig kung pinag- uugnay nito ang sugnay na di- makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay.
  7. 7. Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag- aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan.
  8. 8. Hal. Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon. Ang tunay na Kristyano, ay walang-kiling. Katoliko o Protestante o Muslim, lahat sila ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
  9. 9. Paninsay o Pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, k ahit, datapwat, subalit.
  10. 10. Hal. Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob. Ang mamamayang pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan.
  11. 11. Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap.
  12. 12. Hal. Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay dumaragsa.
  13. 13. Panubali – kung may pag- aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagk a, kapag, sakali.
  14. 14. Hal. Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang ang iyong lupa. Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw.
  15. 15. Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?”
  16. 16. Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, ka si, kundangan, atb.
  17. 17. Hal. Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga. Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.
  18. 18. Panlinaw – kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunp aman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.
  19. 19. Hal. Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.
  20. 20. Panulad – ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad.
  21. 21. Hal. Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin. Kung alin ang pinagkapili- pili, ay siya pang nakuha ng bungi.
  22. 22. Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadya ng nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay: upang, nang, sa wakas.
  23. 23. Hal. Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan. Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.

×