Maaasahan talaga si Lolo sa maraming bagay, lalong-lalo na
sa pagluluto. Palibhasa, noon ay naging isang kusinero ang
lolo kong si Lolo Waldo.
Simple lang ang buhay naming tatlo. Napagkakasya ni tatay ang
maliit niyang sinusweldo.
Madalas, arroz caldo ang
inihahanda ni lolo at pambihira talaga ang sarap nito! Parang madyik
na sangkap na inihahalo ni Lolo waldo
Isang araw, maagang umuwi si Tatay Sito.Malungkot siya,
panay ang buntong-hininga at nakakunot ang noo.
Nagsara daw ang pabrika at nawalan siyang
trabaho.
“Paano na po tayo?” ang nag-aalalang tanong ko.
“Huwag mabahala, mahal kong apo,” sagot agad ni Lolo
Waldo. “May naisip akong paraan. Walang masama kung atin
itong susubukan habang naghahanap ang tatay mo ng ibang
mapapasukan.”
Magluluto ako ng arroz caldo!” ang masiglang pahayag ni
Lolo Waldo. “At ilalalako natin ito sa iba’t-ibang tao. Gagawin
ko itong masarap at malinamnam para marami ang
magkagusto!”
Biglang lumundag sa tuwa ang puso ko. Nasabik ako sa
magandang plano ng lolo kong si Lolo Waldo!
Sinimulan agad naming ang aming negosyo. Umupa kami ng
isang maliit na puwesto sa may kanto.
Ngunit hindi nagtagal ay dumami ang suki na dumarayo.
Sa agahan, tanghalian o
meryenda man, mabentang-mabenta ang arroz caldo ni Lolo
Unti-unti, ang maliit naming
tindahan ay umasenso. Lumipat kami sa palengke ng Pulang
Bato. Doon ay nagkaroon kami ng mas malaking puwesto.
Nilagyan pa naming ito ng malaking karatulang :
“Arroz Caldo ni Lolo Waldo”
Unti-unti, ang maliit naming
tindahan ay umasenso. Lumipat kami sa palengke ng Pulang
Bato. Doon ay nagkaroon kami ng mas malaking puwesto.
Nilagyan pa naming ito ng malaking karatulang :
“Arroz Caldo ni Lolo Waldo”
Lalong sumikat ang arroz caldo ni lolo, pati taga-ibang
bayan ay dinarayo ito. Hindi nalamang
dine-in ang aming serbisyo, mayroon na rin kaming take-out
at
delivery na motorsiklo.
Ngayon, kasama na ni lolo si TataySito sa pag-aasikaso ng
aming negosyo. Kapag walang pasok at tuwing sabado at
linggo, tumutulong naman ako bilang
tagasagot ng telepono.
Salamat sa masarap na arroz caldo ni Lolo. Tunay na
ikinararangal ko ito.
Hindi lamang nito binubusog ang tiyan ko at pinalulusog ang
katawan ko, pinapaganda pa
nito ang kinabukasan ko.
At tulad ng kaniyang arrozcaldo, talagang pambihira ang lolo
kong si Lolo Waldo!
Ang kaniyang pagsisikap ay
siguradong gagayahin ko.