2. Ang produkto ay mga ani o bunga ng
paggawa ng mga kagamitan tulad ng pagkain,
damit, sapatos, sabon, alahas, at iba pa.
3. Durable Goods- Ito ay mga kagamitang maaaring
gamitin nang matagalan(damit, sapatos, mga
alahas, kasangkapan sa bahay, kompyuter, mga
sasakyan at iba pa..
Non-durable Goods- Ito ay mga produktong
madaling maubos o karaniwang ginagamit(mga
pagkain, mga inumin, mga sabong pampaligo at
panlaba, lapis, papel at marami pang iba)
4. Mga Serbisyo
Ang mga aktibidad, ideya, at mga serbisyong
ipinagbibili (halimbawa: pagtatahi, pagsasastre,
pagmemekaniko, paglalaba o laundry, dry cleaning,
pagluluto, pag-aayos ng lugar para sa isang
pagdiriwang, pagpapaganda at paglilinis ng bakuran at
bahay) ay mga serbisyong puwedeng pagkakitaan.
5. Bago pag-isipan ang produkto at serbisyong
gagamitin sa pagnenegosyo, kailangang gawin
ang mga sumusunod:
1.Pag-isipan kung ang produkto ay sariling gawa, bagong
produkto, dati ng binebenta o mga produktong ginagawa
kapag may bumibili.
2.Pag-isipan kung ang produkto at serbisyo ay magiging:
Mas mura ang halaga kapag bago.
Dati ng binebenta o
Gagawin palang
6. 3. Pag-isipan kung mataas ang kalidad kapag bagong
produkto o natatanging produkto.
4.Pag-isipan kung maaaring ibenta sa lugar na
maraming kostumer.
7. Ano-ano ang mga produkto at
serbisyong maaaring
pagkakakitaan?
8. Tamang Pagpili ng mga Produkto at
Serbisyo
1.SUBAYBAYAN ANG MGA KAKOMPETENSIYA SA PRODUKTO O SERBISYONG
BINABALAK IALOK SA MGA TAO. SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG:
MAS MURA MO BANG IBEBENTA ANG PRODUKTONG MAY
KAKOMPETENSIYA?
MAS MAGANDA AT MAAYOS BA ANG IDEYA NG PRODUKTO O SERBISYONG
BINABALAK MO?
MAS MAGANDA BA ANG LOKASYON NG BINABALAK MONG NEGOSYO?
MAS MAHUSAY BA ANG MGA PLANO MO NG PAGBEBENTA?
2.MAKATUTULONG BA ANG MGA PRODUKTO O SERBISYONG BINABALAK MO
SA MGA PANGANGAILANGAN NG TAO?
3. KINUKULANG BA ANG MGA PRODUKTO AT SERBISYO PARA SA MGA
KOSTUMER SA KAPALIGIRAN?
4.MAY MGA PRODUKTO O SERBISYO BANG INAANGKAT SA IBANG BANSA
PARA SA KARAGDAGANG PANGANGAILANGAN?
9. Pagsusuri ng Kapaligiran may
Natatanging paninda
1. Negosyong pang-teknolohiya
2. Paggawa ng souvenir items
3. Pamumuhunan sa stock market, mutual funds, bonds, at
foreign exchange
4. Pagkaing organiko, alternatibong gamut, at food
supplement
5. Negosyong may kinalaman sa edukasyon
6. Negosyong real estate(preselling ng bahay)
7. Negosyo sa pagkain
8. Negosyong konstraksiyon
10. Hanapbuhay Mga Naibibigay na Produkto
o Magsasaka Nagbubungkal ng lupa, nasa bukid
o Mangingisda Nanghuhuli ng isda sa ilog o dagat
o Panadero Gumagawa ng tinapay
o Manggagawa Nasa industriya ng asukal, sabon, kape at iba pa
o Mananahi Gumagawa ng damit
o Sapatero Taga ayos o gumawa ng sapatos
o Minero Kumukuha ng likas na yaman sa lupa tulad ng ginto at pilak
o Magtrotroso Nagpuputol ng mga katawan ng punong kahoy
o Doktor at Nars Nangangalaga ng kalusugan
11. o Dentista Nangangalaga sa ngipin ng mga tao
o Guro Nagtuturo ng mga bata na magsulat/magbasa
o Pulis Pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga tao
o Kaminero Tagahakot ng basura, tagalinis ng pamayanan
o Tsuper Nagmamaneho ng Dyip bus at traysikel
o Karpintero Nagtatayo ng bahay at iba pang gusali
o Tubero Nagkukumpuni ng gripo
o Bumbero Tagasagip ng bahay at gusali sa sunog
o Beautician Naggugupit ng buhok, nagmamanicure at
pedicure
o Accountant Nangangalaga ng accounts ng mga negosyo
12. 1. Ano-ano ang mga produkto at serbisyong maaring pumatok
sa bansa?
2. Bakit kailangang mag-isip ng mga produkto at serbisyong
maaaring ialok sa mga taong iba’t-iba ang estado sa buhay?
13. Ilagay sa mga talulot ng bulaklak ang
mga produkto at serbisyong sa iyong palagay
ay magbibigay sa iyo ng malaking kita.
PAHINA 20
14. TANDAAN NATIN
Produkto - ani o bunga ng paggawa
Durable goods - produktong hindi madaling masira o
pammatagalan
Non- durable goods - produktong mabilis masira
Serbisyo - mga aktibidad at ideyang ipinagbibili