Publicidad

SANAYSAY.pptx

20 de Oct de 2022
Publicidad

Más contenido relacionado

Publicidad

SANAYSAY.pptx

  1. PAGSULAT NG SANAYSAY
  2. ANO BA ANG SANAYSAY? • Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu.
  3. SANAYSAY
  4. DALAWANG URI NG SANAYSAY
  5. PORMAL AT DI-PORMAL NA SANAYSAY • Pormal – Ang talakayin ng uri nito ay ang mga seryosong mga paksa na nagtataglay ng masusi at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal. • Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga paksang karaniwan, personal, at pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang paksa kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.
  6. BAHAGI NG SANAYSAY
  7. SIMULA/PANIMULA • Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng may akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa. Sa bahaging ito madalas na inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
  8. Gitna / Katawan • Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang punto o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
  9. Wakas • Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito rin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinalakay niya. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.
  10. Elemento ng Pormal na Sanaysay
  11. •Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin ng pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
  12. • Anyo at Istruktura - ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
  13. • Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema. Hal. Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.
  14. •Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
  15. • Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
  16. •Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
  17. •Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
  18. PAGSULAT NG SANAYSAY
  19. PAGSULAT NG INTRODUKSIYON Sa bahaging ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan ang paksa at makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa pamamagitan ng paksang pangungusap.
  20. A. Atensiyon sa Simula- Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa at patuloy na basahin ang iyong sanaysay. 1. Tanong Hal. Bakit kailangang ipagtuloy ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo sa ilalim ng Programang K to 12? 2. Impormasyon, Pigura Hal. Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong bansa ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong 2012 kompara sa 2009.
  21. 3. Depinisyon Hal. Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang machismo (mula sa Espanyol , ginagamit upang bawasan ang pangangailangang ipagyabang ang pagkalalaki ,) na karaniwang umiiral sa mga bansang Latino-Amerikano, lalo na sa Mexico. 4. Sipi Hal. “Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang lalaki ang unang nilikha kay kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha mula sa kaniyang tadyang.... “ -Salin, Florentino Hornedo,”Pagmamahal and Pagmumura,” Essays. 1997)
  22. B. Paksang Pangungusap -Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos. Mahalaga ring ilahad ang layunin , rasyonal o kahalagahan ng paksa, at pamamaraan at datos na ginamit bilang overview.
  23. 1. Pagpapatunay bilang paksang pangungusap Hal. Fact o Opinyon Ang global warming ay penomenang pang-Asya. 2. Sanhi at Bunga bilang bilang paksang pangungusap. Hal. Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa. 3. Halaga bilang bilang paksang pangungusap Hal. Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata. 4. Solusyon at Patakaran bilang bilang paksang pangungusap Hal. Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaalabahan ng gobyerno.
  24. PAGSULAT NG KATAWAN Sa bahaging ito pinauunlad ang sanaysay at nagsusulat ng mga talata na magbibigay diin sa mga nais talakayin sa sanaysay. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy organisado, maayos at makinis na daloy ng ideya kung saan: 1. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata. 2. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata. 3. Malinaw at lohikal ang talata upang suportahan ang tesis.
  25. A. Pagpapaunlad ng talata 1. Ebidensiya Pangunahin- interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperimento Di-Pangunahin- mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website 2. Argumento Halimbawa at Ilustrasyon Datos- estadistika, detalye, impormasyon Depinisyon-pagkokompara, sanhi at bunga at iba pa.
  26. B. Pagbubuo 1. Pagsisimula ng talata -Isinasagawa ito kapag may bagong ideya o punto -kapag magkokompara ng impormasyon o ideya -bilang pahinga para sa mambabasa kung masyadong mahaba na ang talata at -Kapag tatapusin ang Introduksiyon o sisimulan ang konklungsyon
  27. 2. Iba ibahin ang uri ng pangungusap upang bigyang- tuon ang ideya at hindi maging kabagot bagot ang pagbabasa. -Pagsalit-salitin ang maikli at mahabang pangungusap -Maglagay ng biglang maigsing pangungusap? -Iba-ibahin ang simula ng pangungusap. 3. Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan,hugnayan at iba pa. ) - Iwasan ang maraming maiikli at putol-putol na pangungusap, gumamit ng mga pantukoy. - Iwasan ang paulit ulit na pagtukoy sa paksa o tao, gumamit ng mga panghalip
  28. 4. Paggamit ng angkop na salita -Lebel ng Pormalidad - Pormal ang wikang ginagamit kaya't iniiwasan dito ang balbal na salita o kataga. -Iwasan ang pagpapaikli o pagdadaglat ng mga salita. -Hindi nakasasakit sa kalagayan ng kapuwa, lahi, bayan, bansa, pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon, kasarian, trabaho, pinag- aralan, pamilya at iba pa. -Gumagamit ng mga salitang naiintindihan ng mambaba-sa. -Umiiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang katotohanan.
  29. PAGSULAT NG KONKLUSYON -isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrerebyu ng mga tinalakay , paghahawig , o kaya'y paghamon , pagmungkahi o resolusyon.
Publicidad