2. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay Ninyong panibagong pagkakataon
upang kami ay matuto. Gawaran Mo kami
ng bukas na isipan upang maunawaan
namin ang mga aralin na makatutulong sa
amin upang higit na mapahalagahan ang
aming nakaraan na bahagi ng aming
kasalukuyan at siyang susi sa aming
kinabukasan. Gabayan Mo po ang aming
guro upang siya ay maging mabuting
instrumento para sa aming pagkatuto.
Hinihiling namin ang lahat ng ito sa
Pambungad na
Panalangin
3. Mga Layunin
Natatalakay ang impluwensya ng mga
Espanyol sa kultura ng mga Pilipino
Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga
sinaunang Pilipino sa Panahon ng Kolonyalismo
Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga
Pilipino sa panahon ng Espanyol
4. Mga Layunin
Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga
Pilipino sa kulturang ipinakilala ng Espanyol
Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa
pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang
Pilipino
Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa
naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng
sinaunang Pilipino
5. Paano matutulungan ng mga
mamamayan ang pamahalaan
upang makapagsarili at
maging lubos na malaya ang
bansa?
7. Patakarang Kolonyal
Ang dating pamahalaang barangay ng ating
mga ninuno ay pinalitan ng pamahalaang
kolonyal ng mga Espanyol nang sila ay
dumating sa ating bansa. Ang pamahalaang
ito ay sentralisado at ito ang namahala sa
pamahalaang lokal ng bansa.
8. Residencia
Hinirang ng Hari ng Spain upang suriin ang
mga ginawang pamamahala ng gobernador-
heneral pagkatapos ng kanyang paglilingkod.
9. tungkuling suriin ang mga ginawang
pamamahala ng gobernador-heneral at
patawan siya ng parusa
Visitador
10. Ang Pamahalaang Lokal
Naging madali at epektibo ang pananakop at
pamamahala ngmga Espanyol dahil tinipon nila
ang mga tao sa hiwa-hiwalay na pook at
ipinasailalim sa kanilang kapangyarihan.
11. 2 Uri ng Lalawigan
Alcaldia – lalawigang nasupil na at hindi na
lumalaban, pinamumunuan ng alcalde mayor
Corregimiento – lalawigang patuloy na
lumalaban, pinamumunuan ng corregidor
12. Pamahalaang Lalawigan
Pinamamahalaan ng Alcalde mayor, hinirang
ng gobernador-heneral, may karapatang
ehekutibo at hudisyal, at maaaring maningil
ng buwis at may prebilehiyong magnegosyo.
13. Ang Pamahalaang Lungsod
Ito ay tinatawag na ayuntamiento,
pinamumunuan ng 2 alkalde, 12 konsehal, 1
hepe ng pulisya at iba pang kawani ng
pamahalaan.
14. Ang Pamahalaang Bayan
Ito ay tinatawag na pueblo, pinamumunuan
ng gobernadorcillo na inihalal ng mga
mamamayang may-asawa ngunit nang lumaon
ay inihahalalana siya ng 12 cabeza de
barangay at ng gobernadorcillo na kanyang
papalitan.
15. Tungkulin ng Gobernadorcillo
1. Mangolekta ng buwis
2. Mangasiwa ng usaping panghukuman
3. Asikasuhin ang mga pinuno ng pamahalaan na
bumibisita sa bayan
4. Katulong niya sa pamamahala ang 1 hepe ng pulisya
at mababang kawani ng pamahalaan
5. Wala siyang sweldo, hindi nagbabayad ng buwis, at
hindi kasali sa polo y servicio
16. Ang pamahalaang bayan ay nahahati sa baryo na
pinamumunuan ng Cabeza de barangay.
1. Pinili siya ng gobernadorcillo
2. Maningil ng buwis sa baryo
3. Walang sweldo, hindi nagbabayad ng buwis
at hindi kasali sa polo y servicio
4. Sila ang dating datu
17. Ang Royal Audencia
Ito ay itinatag upang ang katiwalian, pang-
aabuso, at pang-aapi ng mga nanunungkulan ay
maihabla rito. Ito ay ang Kataas-taasang Hukuman
na binubuo ng gobernador-heneral,4 na mahistrado,
1 piskal, eskribano ng hukuman, taga-ulat at iba
pang opisyal.
18. Ang Kalakalang Galleon
Ito ay ang monopolyong kalakalang ipinatupad
ng pamahalaang Espanyol. Nagkaroon ng palitan ng
produkto sa pagitan ng Asya, Mexico, America at
Spain.
19. Ang Compras Y Vandalas o
Bandala
Ito ay isang sistemang sapilitang pagbebenta
ng ani at produkto sa mababang halaga sa mga
encomendero at mga makapangyarihang Espanyol.
20. Paano matutulungan ng mga
mamamayan ang pamahalaan
upang makapagsarili at
maging lubos na malaya ang
bansa?
21. Dugtungan ang pangungusap…
Mula sa paksang ito, natutunan ko ang
________________________
kaya magmula ngayon sisikapin kong
________________________
nang sa gayon ay
_______________________
22. Diyos Ama, maraming salamat po
sa ibinigay ninyong pagkakataon
upang kami ay muling matuto.
Gawaran mo po kami ng isang
bukas na isip at damdamin upang
maisabuhay ang mga itinuturo sa
amin, at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa aming
pagtatagumpay sa buhay.
Pangwakas na
Panalangin