• Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi
sapat na alam ang tuntuning pang-
gramatika.
• Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng
wika ay magamit ito ng wasto sa mga
angkop na sitwasyon, maipahatid ang
tamang mensahe at magkaunawaan ng
lubos ang dalawang taong nag-uusap.
Kakayahang Pangkomunikatibo
• Nagmula ito sa isang linguist,
sociolinguist, anthropologist, at
folklorist mula sa Portland Oregon
na si Dell Hymes (1966)
• Nilinang nila ni John J. Gumperz
ang konseptong ito bilang tugon
sa kakayahang lingguwistika.
Kakayahang Pangkomunikatibo
• Bilang reaksyon sa kakayahang
lingguwistika (lingguistic
competence) ni Noam Chomsky
noong 1965.
Kakayahang Pangkomunikatibo
• Ayon kay Hymes sa nagsasalita ay
hindi sapat ang magkaroon ng
kakayahang lingguwistika upang
epektibong makipagtalastasan gamit
ang wika.
Kakayahang Pangkomunikatibo
• Nararapat din niyang malaman ang
paraan ng paggamit nito
Kakayahang Pangkomunikatibo
Kakayahang Gramatikal
• Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang
pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks,
semantika, gayundin ang mga tuntuning
pang-ortograpiya.
• Ang komponent na ito ay magbibigay
kakayahan sa taong nagsasalita
upang magamit ang kaalamn at
kasanayan sa pag- unawa at
pagpapahayag sa literal na
kahulugan ng mga salita.
Kakayahang Gramatikal
Sintaks-pagsasama ng mga salita upang
makabuo ng pangungusap na may
kahulugan.
• Estraktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga
salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit
(pasalaysay, patanong, pautos, etc.)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian
(payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
Estruktura ng Pangungusap
• Simuno o Paksa (Subject sa wikang
Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o
pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap. Ang paksa o simuno ay
maaaring gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa
pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.
• Panaguri (Predicate sa wikang Ingles)
ang bahagi ng pangungusap na
nagbibigay ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay
naglalahad ng mga bagay hinggil sa
simuno. Estruktura ng pangungusap
Pangunahing Uri ng
Pangungusap
• Karaniwan
- Maganda si Aiyana.
- Pumunta si Clara sa palengke.
- Gustong maglaro ng basketball ni Aidan.
• Di-Karaniwan
- Si Allen ay nakatulog sa classroom.
- Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Jairus
- Sina Joyce at Alyssa ay sumayaw sa kanto.
Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasalaysay ng
katotohanan o pangyayari. Lagi tiong
nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa
- Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
- Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
- Ang daigdig ay ang tanging planetang may
buhay.
2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa
isang katotohanan o pangyayari. Tandang
pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
Mga Halimbawa
- Saan ko makikita ang opisina ni Gng.
Mangahas?
- Kailan ang huling pagsusulit para sa
kasalukuyang semestre?
- Kanino mo iniwan ang iyong bag?
Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
3. Padamdam Ito ay nagsasabi ng matinding
damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat,
paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang
nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring
gamitin ang tandang pananong.
Mga Halimbawa
- Ay! Tama pala ang sagot ko.
- Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto
natin?
- Yehey! Wala na namang pasok.
Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
4. Pautos o Pakiusap Ang pautos ay
nagpapahayag ng obligasyong dapat
tuparin, samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na
pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
Mga Halimbawa
Pautos
- Mag-aral kang mabuti.
- Nararapat lamang matutong sumunod ang
mga mag-aaral ng seminary sa patakaran
ng Bible School.
Pakiusap
- Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
- Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
1. Payak – isang diwa lang ang tinatalakay.
– maaaring may payak na simuno at
panaguri.
Halimbawa:
Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa
mga tao.
Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
Payak na Pangungusap
Payak ang pangungusap kapag
nagpapahayag ng isang diwa, maaaring
tambalan ang simuno at panaguri na pinag-
uugnay ng at.
• Mega star si Sharon.
• International star si Lea.
• Mang-aawit si Sharon at si Lea.
• Artista ang mang-aawit na si Lea.
• Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.
2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan.
– binubuo ng dalawa o higit pang diwa /sugnay na
nakapag-iisa.
– ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang
Hal. Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito
ay kaloob na walang bayad.
Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati,
saka, o, ni , maging, ngunit.
Payak na Pangungusap
• Mega star si Sharon at international star
si Lea.
• Naghihimala ang Birhen sa Agoo at
naghihimala rin ang Birhen sa Lipa.
• May kapansanan siya subalit
napaglabanan niyang lama ang pagsubok
sa buhay.
• Matanda na siya datapwat malakas pa
ang tuhod niya.
Sugnay
• Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita
pangungusap na buo ang diwa. Maroong
itong dalawang uri, ang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa.
• Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring
tumayo bilang payak na pangungusap.
- Ang ating mga tahanan ay linisan.
- Nagluluto ako na ako ng ulam.
- Ang aking takdang araling ay tapos
na.
- Si itay ay nagpunta sa doktor.
- Ako ay kakain ng gulay.
• Sugnay na di makapag-iisa - mayroon
itong paksa at panaguri ngunit hindi
buo ang diwa ng ipinahahayag.
Kailangan nito ng sugnay na
makapag- iisa upang mabuo ang
diwa.
- upang di pamugaran ng lamok.
- nang sila ay dumating.
- kaya pwede na akong maglaro sa
labas.
- upang magpagamot.
- para maging malusog ang aking
katawan.
Halimbawa
(naka-highlight sa pula = makapag-iisa pag berde
= di makapag-iisa)
1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di
pamugaran ng lamok.
2. Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila.
3. Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya
pwede na akong maglaro sa labas.
4. Si itay ay nagpunta sa doktor upang
magpagamot.
5. Ako ay kakain ng gulay upang maging
malusog ang aking katawan.
Hugnayan
• pangungusap na binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. –
ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang (
kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa,
sapagkat)
Halimbawa:
- Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa
mga kapitbahay na nangangailangan. ( ang may
salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; walang
salungguhit ay sugnay na di makapag-iisa)
4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng
tambalan at hugnayang pangungusap ( binubuo
ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at sugnay na
di nakapag-iisa)
Halimbawa:
Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na
puso dahil sinusunod nila ang utos ng Panginoon.
(walang salungguhit ay sugnay na makapag-iisa;
may salungguhit sugnay na di- makapag-iisa)
Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng
malaya at di malayang sugnay na
pinangungunahan ng kung, kapag,
samantala, habang, sapagkat, upang, nang,
pagkat,dahil sa. May simuno at panaguri
ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit
bahagilamang ito ng pangungusap.
• Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay
ka.
• Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo
ang lahar malaking panganib angdarating.
• Nararapat puntahana ang mga makasaysayang poo
k upang maisadiwa ang mganagawang
kabayanihan ng ating kalahi.
• Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang
maipagmalaki natin ito.
• Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari
sa buhay mo.
MORPOLOHIYA
- ang pag-aaral ng mga morpema ng isang
wika at nagpagsasama-sama ng mga ito
upang makabuo ng salita.
- Ang morpema ay maaaring isang salitang-
ugat o isang panlapi.
- Ang salitang makahoy, halimbawa ay may
dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-
} at ang salitang-ugat na {kahoy}.
- Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring
masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming
kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay
rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati
pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan.
Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang
kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa
Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy,
ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa
salitang kahoy.
MORPOLOHIYA
- Samantala, pansinin ang salitang babae, ito ay
binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito
mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi
masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga
sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e,
baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring
maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit
gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa babae.
MORPOLOHIYA
Bahagi ng Pananalita
• Pangngalan - (noun) - mga pangalan ng
tao, hayop, pook, bagay, pangyayari.
Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng
mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
• Panghalip - (pronoun) - paghalili sa
pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin,
kanya.
Bahagi ng Pananalita
• Pandiwa - (verb) - bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.
Bahagi ng Pananalita
• Pangatnig - (conjunction) - ginagamit para
ipakita ang relasyon ng mga salita sa
pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng,
upang, nang, para, samantala atbp
Bahagi ng Pananalita
• Pang-ukol - (preposition) - ginagamit kung
para kanino o para saan ang kilos.
Halimbawa: para, ukol,
Bahagi ng Pananalita
sa/sa mga alinsunod sa/kay
ng/ng mga hinggil sa/kay
ni/nina nang wala
kay/kina para sa/kay
sa/kay laban sa/kay
labag sa ayon sa/kay
nang may tungo sa
tungkol sa/kay mula sa
Bahagi ng Pananalita
• Pang-angkop - (ligature) - bahagi ng
pananalita na ginagamit para maging
maganda pakinggan ang pagkakasabi ng
pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
• 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag- uugnay ng
dalawang salita na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa
titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga
salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating
kailangan.
May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa
pag-uugnay ng mga salita
May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa
pag-uugnay ng mga salita
• 2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat
karugtong ng mga salitang nagtatapos sa
mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno
ang baha.
3) Pang-angkop na g - ginagamit kung ang
salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik
na n.
Halimbawa:
Isang masunuring bata si Nonoy. May
tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salita
May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa
pag-uugnay ng mga salita
Bahagi ng Pananalita
• Pang-uri (adjective) -naglalarawan ng
katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: matangkad, mabango,
mababaw Magandang bata.
• Pang-abay - (adverb) - naglalarawan sa
pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-
abay.
Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa
Bahagi ng Pananalita
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang
• Kahapon, kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali,atb.
• Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
• Sa, kay, kina
• marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
• Pantukoy - (article o determiner ) -
tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-
uri sa pangungusap.
Halimbawa: si, ang, ang mga, mga Bahagi
ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
• Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa
mga pangngalang pambalana
Halimbawa: ang, ang mga, mga
• Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa
pangngalang pantangi (tiyak na tao)
Halimbawa: si, sina, ni, nina, kay,
• Pang-abay - (adverb) - naglalarawan sa
pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-
abay.
Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa
Bahagi ng Pananalita
• Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, hanggang
• Kahapon, kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali,atb.
• Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon
atb.
• Sa, kay, kina
• marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
• Pangawing - (linker) - nagpapakilala ng
ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
- AY ito ang pang-dugtong sa mga
pangungusap na di- karaniwang ayos
Bahagi ng Pananalita
Dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan.
• Mga morpemang may kahulugang
leksikal (content words)
- ang morpema ay nakakatayo ng mag- isa
sapagkat may angkin siyang kahulugan na
hindi na nangangailangan ng iba pang
salita.
• Mga Morpemang may kahulugang
pangkayarian (function words)
-mga salitang nangangailangan ng iba pang
mga salita upang mabuo ang kanilang gamit
sa pangungusap.
- ang mga ito ay nagpapalinaw sa
kahulugan ng pangungusap
Dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan.
Function words
• Pang-angkop: na, -ng
• Pangatnig: kaya, at, o saka, pati Pang-
ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
• Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina,
kay/kina
Leksikon
• Ito ay mga salita na ginagamit sa
isang wika ng mananalita nito.
Tinatawag din itong bokabularyo ng
isang wika
Mga Paraan sa pagbuo ng mga
salita
1. Pagtatambal
2. Akronim
3. Pagbabawas o clipping
4. Pagdaragdag
5. Paghahalo o blending
6. Mga salita mula sa Pangalan
Pagtatambal
• Sa paraang ito, ang mga salita ay
nabuo sa pamamagitan ng
pagtatambal ng mga morpema na
naging bahagi ng wikang Filipino
Halimbawa:
Dulawit mula sa dula at awit
Balarila mula sa bala ng dila
Bahaghari mula sa bahag at hari
Balatsibuyas (maramdamin) mula sa balat
sibuyas
Hampaslupa (mahirap) mua sa hampas at
lupa
Akronim
• Sa paraang ito, ang mga salita ay hango
sa mga insyal o mga unang pantig.
Halimbawa:
PSA – Philippine Statistic Office
MDSF – Montessori De Sagrada Familia
WHO – World Health Organization
Pagbabawas o Clipping
• Ang prosesong ito ay pagpapaikli ng mga
salita na kadalasang ginagamit sa
pasalitang paraan.
Halimbawa:
• Dok – doktor
• Tser – titser
• Mars/pars – mare o pare
• Direk – direktor
Pagdaragdag
Kung may mga salitang binabawasan,
mayroon din namang dinadagdagan.
Halimbawa:
Boss- bossing
Sampalin- sampalilukin
Paghahalo o Blending
• Ang paraang ito ay ang pagbabawas at
pagtatambal ng mga salita.
Halimbawa:
- Banyuhay – mula sa bagong anyo ng
buhay
- Cha-cha – mula sa charter change
- Crispylicious – mula sa crispy at delicious
• Mga salitang mula sa mga pangalan
– Sa pagiging malikhain sa pagbuo ng mga salita
may mga pangalan ng produkto o brand na
nagiging pandiwa
Halimbawa: xerox – nagseseroks, magseseroks,
nagpaseroks
- Ang brand o produkto ay nagiging
pangngalanng pambalana tulad ng Pampers na
brand ng diaper. Ipinalalagay ng ibang tao na
ito mismo ang diaper dahil pangunahing brand
ito.
- Kaya kung minsa’y nakaririnig tayo ng
“Mayroon po ba kayong Pampers na EQ?”
Denotasyon
Ang kahuluganay karaniwang
nakukuha sa diksyunaryo
Ang salita ay nagbibigay ng isang
tiyak na kahulugan at ito ay
ginagamit sa karaniwan at
simpleng pahayag.
Konotasyon
• Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa
pangkaraniwang pakahulugan.
• Ito ay maaaring mag iba-iba ayon sa
saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang
tao. Nagtataglay ng mga pahiwatig ng
emosyonal o pansaloobin ang mga salita.
• Mayroong malalim ang kahulugan ng
salita. Napapaganda ang pangungusap.
Ponolohiya
• Ang tawag sa maagham na
pag-aaral ng tunog
• Pinag-aaralan ang wastong
bigkas ng mga tunog na
tinatawag na ponema
• Ponema – ang tawag sa mga
yunit ng tunog ng isang wika
• (Phoneme) phone – tunog
eme - makabuluhan
Ponema
• Tumutukoy ito s makabuluhang tunog –
ang bawat ponema ay maaaring
makapagpabago ng kahulugan ng isang
salita.
Halimbawa: Nasa – pasa
• Maaari ring di makapagpabago –
malayang nagpapalitan
Halimabawa: babae-babai; lalake-lalaki
2 Uri ng Ponema
• Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na
ponema
• /b/, /p/, /k/, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/,
/n/, /ng/, /w/, /y/
• Ponemang Patinig – ayon sa mga
linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo
lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at
/u/. Ayon kay Cibar (1994) ang ponemang
/e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at
Ingles
• Allophone – ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at
/u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi
nagbabago ang kahulugan ng mga salita.
• Halimbawa:
Babai-babae
lalaki-lalake
Ali-ale
Bukol=bukul
Tono-tuno
• Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito
sa pinagsamang tunog ng isang patinig
/a,e,i,o,u / at tunog ng isang malapatinig
/w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay
ey,oy,uy)
• Hal. araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw, kahoy,
tuloy, sawsaw, kasuy, wow, bahay, kalay,
gulay
• Klaster o Kambal Katinig– ito ay
magkasamang tunog ng dalawang
ponemang katinig sa iisang pantig;
matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal
• Hal. Blusa, kwento, hwag, traysikel
transportasyon,
• Pares Minimal – magkatugmang
salita na hindi magkaugnay na
kahulugan subalit tugmang-tugma sa
bigkas maliban sa isang ponema.
• Hal. Pala-bala ; hari- pari; tali-bali
• Ortograpiya
• Mga graferma (pasulat na simbolo sa
praktikal na ortograpiya ng wikang
pambansa ay binubuo ng letra at di letra) -
titik at di titik
• Patinig at palatinigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga bantas