1. MALA – MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9
I. LAYUNIN: Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Masusuri ang konsepto at palatandaan ng implasyon
b. Matataya ang mga dahilan, bunga, at solusyon sa pagkakaroon ng implasyon.
c. Mapapahalagahan ang mga paraan ng paglutas ng implasyon.
d. Makalalahok ng aktibo sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon.
II. PAKSANG ARALIN:
a. Paksa: Pag-unawa sa Implasyon
b. Sanggunian: Kayamanan Ekonomiks Batayan at sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan
Pp. 241-248
c. Kagamitan: cartolina, construction papers, marker
III. PAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng lumiban sa klase
d. Pamantayan sa Klase
e. Pagbabalik Aral
f. Pagganyak
- Magpapakita ng isang documentary video presentation.
- Sa iyong palagay ano ang pinapahiwatig ng documentary video
presentation.
- Bakit kaya tayo dumaranas ng implasyon?
B. Paglalahad ng Bagong Aralin
- Ang guro ay magsasabi ng bagong paksang aralin
“Pag-unawa sa Implasyon”
1. Panlinang ng Gawain
- Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa lima at bawat pangkat ay dapat mayroong
pinuno, tagasulat at taga-ulat. Kayo ay bibigyan ng 15 minuto para sa
paghahanda.
PAMANTAYAN
Diskripsyon Puntos
Kooperasyon 5
Natapos sa tamang oras 5
Naipahayag ng maayos 10
Malinis na pagkakasulat 10
Total 30
1. Unang Pangkat – Mga Uri ng implasyon
2. Pangalawang Pangkat – Mga Dahilan ng Implasyon
3. Pangatlong Pangkat – Bunga ng Implasyon
4. Ikaapat na Pangkat – Mga taong apektado sa Implsyon
5. Ikalimang Pangkat – Mga kalutasan sa Implasyon
2. Pagkakaroon ng 2 minutong talakayan sa klase ang bawat pangkat
3. Pagpapaliwanag ng guro
- Pagkakaroon ng Talakayan
Mga Gabay na Tanong
1. Bilang isang kabataan paano ka makatutulong upang labanan ang epekto ng
implasyon sa pang-araw-araw na buhay?
2. 2. Kung ikaw ay nagtungo sa pamilihan upang mamili ng mga pangunahing
pangangailangan ng iyong pamilya at hindi nagkasya ang iyong salapi upang
mabili ang lahat ng iyong pangangailangan, ano ang iyong mararamdaman?
Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
- Batay sa ating talakayan, Sino ang makapagpaliliwanag ng bahaging
ginagampanan tungkol sa dahilan ng implasyon,
- Sino ang makakapagbigay ng bunga ng implasyon.
b. Paglalapat
- Bilang isang mag-aaral, paano ka matutulong upang ka makatutulong upang
labanan ang epekto ng implasyon sa pang-araw-araw na buhay?
c. Pagpapahalaga
- Bakit mahalaga na malaman ang dahilan, bunga, at solusyon ng Implasyon?
- Paano ito nakakatulong sa ating pang- araw-araw na pamumuhay?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at isulat ang DI kung dahilan ng implasyon, BI
kung bunga ng implasyon, at SI kung solusyon sa impplasyon. Isulat sa ika-apat
¼ na papel.
1. Nagpetisyon ang operators at tsuper ng mga
pampasaherong sasakyan upang itaas ang pamasahe.
2. Masyadong nakatuon ang mga negosyante sa
pagluluwas ng mga produkto.
3. Maraming Middleman sa bilihan ng mga produkto
sa pamilihan.
4. Nagkukulang ang supply ng mga produkto dahil
itinago ito.
5. Dumarami ang miyembro ng kartel.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat sa inying kwaderno.
1. Paano ka makatutulong upang labanan ang epekto ng implasyon sa
pang-araw-araw na buhay?
2. Bakit nangyayari ang ganoong pagbabago tungkol sa implasyon.
Inihanda ni:
JODI CHARIMAYE FLORES LIDASAN
Guro