Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang
mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging
ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan
ng Europe bilang isa sa pinakamauunlad na
kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula
ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki
ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa
bahaging ito ng kasaysayan.
M E L M E R K A N T I L I S M O
L J J A E E T N A T S E T O R P
J L L E E P N O R T H S U E Z R
O O K A T O L I K O T A K U X T
B M A B C R T T Y U I N A R C G
A S C B A M G W A E A G Z O V G
T I C V B A H E S B D T Q P B C
N N X V B S J T D F E V W E N D
I A C C C Y J F F G S D R E M D
L M V C B O U G E O I S I E A D
A U G R E N N A I S A N C E F G
Y H C R A N O M L A N O I T A N
Mga Salitang Hahanapin:
1. BANKER
2. MERKANTILISMO
3. BOURGEOISIE
4. NATIONAL
MONARCHY
5. EUROPE
6. PROTESTANTE
7. HUMANISMO
8. RENAISSANCE
9. KATOLIKO
10. REPORMASYON
•Ang terminong bourgeoisie (Middle
Class) ay iniuugnay sa mga
mamamayan ng mga bayan sa
medieval France na binubuo ng mga
artisan at mangangalakal.
•Ang mga artisan ay mga
manggagawang may kasanayan
sa paggawa ng mga kagamitang
maaaring may partikular na
gamit o pandekorasyon lamang.
• Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng
mga bourgeoisie sa pamumuhay ng
aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga
pari.
•Ang daigdig nila ay hindi ang manor o
simbahan kundi ang pamilihan.
•Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa
lupa kundi sa industriya at kalakalan.
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang
makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe.
• mangangalakal,
• banker (nagmamay-ari o namamahala ng
bangko),
• mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko),
• mga pangunahing mamumuhunan, at
• mga negosyante.
•Hindi na kabilang sa kanila ang
mga artisano na sa panahong
ito ay maiuuri na sa mga
manggagawa.
PAGLAKAS NG BOURGEOISIE
Sino-sino ang mga
Bourgeoisie
Katangian ng mga
Bourgeoisie
Halaga sa Lipunan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Dahilan ng Paglakas ng Europe Epekto sa Paglakas ng Europe
• Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng
merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang
tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami
ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan
nito.
• Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang
makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang
malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na
mas magiging mayaman at makapangyarihan ang
naturang bansa.
•Ang mga layuning ito ay ang magkaroon
ng malaking kitang magbibigay-daan
upang ang hari ay makapagpagawa ng
mga barko, mapondohan ang kaniyang
hukbo, at magkaroon ng pamahalaang
katatakutan at rerespetuhin ng buong
daigdig
• Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national
monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan
na sa panahon ng piyudalismo, walang
sentralisadong pamahalaan. Mahina ang
kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga
noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang
hari ay itinuturing lamang na pangunahing
panginoong may lupa.
• Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-
unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak
ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong
pamahalaan.
• Humirang siya ng mga mamamayang nagpatupad ng
batas at nagsagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte
ng palasyo.
• Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat
mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na
may kakayahang protektahan sila. Handa silang
magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.
• Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang
hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito,
nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating
ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa.
• Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari,
maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng
panginoong maylupa kung kinakailangan.
• Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga
edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis,
hukom, sekretarya, at administrador.
Ano-ano ang salik na nakatulong sa muling
paglakas ng kapangyarihan ng hari?
4. Pag-usbong ng mga Nation-state
•Ang nation-state ay tumutukoy sa
isang estado na pinananahanan ng
mga mamamayan na may
magkakatulad na wika, kultura,
relihiyon, at kasaysayan.
• Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na
kultural, ang mga mamamayan ay isang
nagkakaisang lahi.
• Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang
estado sapagkat nananahan sila sa isang
tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang
may soberanidad o kasarinlan.
•Isa silang nagkakaisang lahi na may
katapatan sa kanilang bansa.
• Mahalagang katangian ng nation-state sa
panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong
pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang
monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na
magpatupad ng batas sa buong nasasakupan.
• May mga bagong institusyon na umusbong bunga
ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng
isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na
tapat sa hari.
• Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state,
nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo
sa Europe ang mga bagong institusyong
pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya.
• Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din
sa pagpapalawak nito ng impluwensiya.
Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng
mga Europeong nation-state sa Asya, America,
at nang kinalaunan, sa Africa.
5. Pag Lakas ng Simbahan at Papel Nito sa
Paglakas Ng Europe
•Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang
pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan
upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng
Papa.
• Sa pagsapit ng 1073, naging mas
makapangyarihan ang Simbahan nang
itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay
bahagi ng kaayusang banal na
napapasailalim sa batas ng Diyos.
• Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana
ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa-
ang may pinakamataas na kapangyarihan sa
pananampalataya at doktrina.
• Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat na
mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang
kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa
layuning Kristiyano.
• May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang
karapatang mamuno kung hindi tumupad ang hari sa
kanyang obligasyong Kristiyano.
•Ang Investiture Controversy ay
sumasalamin sa tunggalian ng
interes ng Simbahan at pamahalaan
kaugnay ng mga ideya ni Papa
Gregory VII.
•Hindi nagustuhan ng Haring German na
si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory
VII.
•Bilang tugon, idineklara ng Papa na
ekskomulgado si Henry IV sa
Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na
alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya.
•Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa
si Henry, ang nasabing insidente ay lalong
nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan.
•Kinilala nito ang Simbahan bilang isang
nagsasariling institusyon na pinamumunuan
ng Papa na hindi napapasailalim sa
sinumang hari.