2. Ang ponema ay tumutukoy sa mga
makahulugang tunog ng isang wika.
Isang makaagham na pag-aaral.
3. May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang
Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5)
naman ang patinig.
Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod:
b, k, d, g, h, l, m, n, Ng, p, r, s, t, w, y
Ang mga patinig naman ay ang:
a, e, i, o, u
4. ŋ kumakatawan sa titik ng ng
’ kumakatawan sa impit na tunog o sa
saglit na pagpigil sa hangin.
Halimbawa:
/tu:boh/ vs /tu:bo’/
/u:poh/ vs. /upo’/
/kitah/ vs /ki:ta’/
5. Ang mga ponemang patinig ay mailalarawan
batay sa kung saang bahagi ng dila nagaganap
ang bawat isa at batay sa posisyon ng dila sa
pagbigkas ng bawat isa.
HARAP SENTRAL LIKOD
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
6. Mailalarawan naman ang
mga ponemang katinig
batay sa punto ng
artikulasyon o ang
pinagganapan ng bawat
tunog at sa paraan ng
artikulasyon o paraan ng
paglalabas ng hangin sa
pagbigkas ng mga ito.
7. PARAAN NG
ARTIKULASYON
Labi Ngipin Gilagid
Palatal Velar
Glottal
Pasara
walang tunog
may tunog
P
b
t
d
k
g
’
Pailong
may tunog m n ŋ.
Pasutsot
walang tunog s h
Pagilid
may tunog l
Pakatal
may tunog r
Malapatinig
may tunog y w
PUNTO NG ARTIKULASYON
Ngalangala
8. Ponemang segmental – tumutukoy sa ponbemang patinig
at katinig dahil may katawanin
simbolo ang mga ito.
Ponemang suprasegmental - walang ponemik na
simbolong katawanin ang
mga ito. Ito ay ang tono/
intonasyon, haba/ diin at
hinto/ antala.
Halimbawa:
a. Dumating na ang Pangulo.
b. Dumating na ang Pangulo?
c. Ako.
d. Ako?
e. Lumilindol.
f. Lumilindol?
g. Lumilindol!
9. Bigkasin naman ang mga sumusunod.
Lagyan ng diin ang nakasulat sa
malaking titik:
a. TUbo vs tuBO
b. Pito vs PiTO
c. SAya vs saYA
d. magsaSAka vs magsasaKA
e. SIra vs siRA
f. PAso vs paSO
g. KAibigan vs kaiBIgan
10. Bigkasin din ang mga sumusunod. Huminto naman
kapag nakita ang #:
a. Hindi puti #
b. Hindi # puti #
c. Si Mark Anthony # at ako #
d. Si Mark # Anthony # at ako #
e. Hindi # ako ang kriminal #
f. Hindi ako ang kriminal #
g. Doc Alejandro Jose # ang pangalan ko.
h. Doc Alejandro # Jose ang pangalan ko #
i. Doc # Alejandro Jose ang pangalan ko#