1. Kate S. Magpoc
BSHM1A
SEX SCANDAL
Ang kapangyarihan ng teknolohiya ay isang malaking ambag ukol sa scandal na kumakalat sa
internet. Narito ang mabilisang paglalagay at pagkuha gamit ng mga androids. Sinasabi na isa
itong magandang imbensyon ngunit sa paglaoy nagmimistulang isang mundo ng kahalayan.
Kamakailan lamang ay sunud sunod ang lumalabas na sex scandal sa internet. Sa saglitang
pagupload ay marami na ang nakakakita at nakakapagpasa gamit lamang ang internet at
cellphone. Wari ba’y parang sakit na mabilis kumalat, update dito update doon. Kumpulan ng
estudyante na alam mong may ibang pinagkakaabalahan. Base sa aking nakikita at obserbasyon
tila isa itong tatak nang pagka- in, di ka updated pag di mo napanuod ito.
Isang malaking kontrobersyal ang pagkalat ng sex video ni Chito at Neri, isang pagpapakita sa
isang pribadong pagniniig ng magkasintahan. Tila nga ba’y may sumubutahe sa kanila at waring
ninakaw ang kanilang hard disk upang mapakalat sa publiko. Sila lamang daw itong paninira at
hindi sila matitinag sa mga batikos at kontrobersyal ukol sa kanila.
Hindi pa man tuluyang nakakalimot ang mga tao sa nasabing scandal ay mayroong panibagong
lumabas. Sinasabing si dabarkads Wally Bayola at Yosh ng EB Babes. Gaya ng nabanggit sa
unang kontrobersyal, naglalaman daw irto ng masisilang bagamundo ng dalawa. Ang masama
nga lang y may asawa’t anak ang lalaki samantalang alam ng babae na pamilyado ang kanya
kinakalantari. Sa katunayan, mahigit dalwang taon na itong ginawa ngunit tila sa paglipas ng
mga taon ay may nagsasabing isang kaiinggitan raw ang pagpapalabas nito sa publiko kaya’t
naanyaya ang dalawang lumantad.
Hindi ko lamang maintindihan kung baklit pa kailangang ivideo ang nasabing pribadong
pagniniig ng magkasintahan. Tila isa itong katanungan kung bakit nila dapat gawin ito.