Ano ang kahalagahan ng radyo
at telebisyon sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay?
1. Maikli lang ang buhay. Kailangang gumawa ng tamang desisyon sa
buhay.
2. Maikli ang buhay para mamuhay tayo nang may awa sa sarili.
Bilangin ang iyong pagpapala.
3. Ang buhay ay maikli lamang at ito ay mas malaki kaysa sa iyo.
Live it for God. Live it for God’s purpose. Live it according to God’s will.
4. Yung araw mo ngayon ay ipagpasalamat mo sa Diyos. Do not
give room for envy, sa pagrereklamo, at regret. Focus on the
things that we can be thankful, for things that we can count as
blessings.
• Masasabi mo bang ito ay nagsasaad ng
katotohanan, opinyon, personal na
interpretasyon o hinuha?
Ano-ano ba ang mga
Ekspresyon Sa Pagpapahayag
Ng Konsepto O Pananaw ?
Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay
maaaring banggitin o magpahayag batay sa
sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan,
o karanasan maging ng ibang tao. Ang
ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng
pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. Ilan
sa mga ekspresyong ginagamit sa
pagpapahayag ng pananaw ay ang:
• Alinsunod sa . . . naniniwala ako na . . .
• Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay . . .
• Ayon sa . . .
• Batay sa . . .
• Kung ako ang tatanungin, nakikita kong . . .
• Lubos ang aking paniniwala . . .
• Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong . . .
• Para sa akin . . .
• Sa bagay na iyan masasabi kong . . .
• Sa ganang akin . . .
• Sang-ayon sa . . .
1. Lubos ang aking paniniwala na matatapos din ang pandemyang
ito.
2. Ayon sa Saligang Batas 1987, ang opisyal na wika ng Pilipinas ay
Filipino at Ingles.
3. Sang-ayon sa inilabas na memorandum ng IATF, ang mga nasa
edad 15 hanggang 60 ay dapat na manatili sa loob ng kanilang
mga tahanan.
4. Sa ganang akin, mas lalo dapat na nagtutulungan ang mga
mamamayan sa panahon ngayon.
5. Kung ako ang tatanungin, nakikita kong mas lulubha pa ang
pagtaas ng kaso ng may sakit kung ang iba nating kababayan ay
mananatili sa hindi pagsunod sa batas.
6. Ayon sa aking sariling pananaw ay hindi dapat natin iasa ang
lahat ng ating kapalaran sa Panginoon bagkus ito ay dapat na
lakipan ng ibayong pagsisikap.
7. Palibhasa’y naranasan ko rin ang iyong pinagdadaanan kaya
nauunawaan ko ang iyong nararamdaman.
8. Para sa akin, hindi tayo dapat pinangungunahan ng
ating mga emosyon sa paggawa ng ating mga
pagpapasya sa buhay.
9. Sa bagay na iyan masasabi kong dapat na makinig
tayo sa mga taong nagbibigay sa atin ng mabubuting
payo.
10. Sa ganang akin ang lahat ng mga pangyayari sa ating
buhay ay magbibigay sa atin ng magandang aral.