Publicidad
Publicidad

Más contenido relacionado

Publicidad
Publicidad

Pag usbong ng bourgeoisie

  1. PAG- USBONG NG BOURGEOISIE
  2. Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may particular na gamit o pandekorasyon lamang.
  3. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa.
  4. Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, nagging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal,banker at shipower, mga panunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Ang kjaoangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord.
  5. • AMERICAN REVOLUTION
  6. FRECH REVOLUTION
  7. PAGTATAG NG NATIONAL MONARCHY
  8. •Malaki ang naitulong ng pagtatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe, ang naghahari ay ang noble na sila ring mga panginoong maylupa.Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa. Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pag bubuo ng metatag na sentralisadong pamahalaan
  9. •Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Bukod ditto, maari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador
  10. •PAG-USBONG NG MGA NATION- STATE
  11. •Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya , naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation- state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi.
  12. Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
  13. •PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE
  14. Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na nagging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa.
  15. Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang nakaaapekto sa mga kaugalian at usaping political sa Germany.
  16. Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito rin ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag- uugali at moralidad.Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin.Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan mahalaga ang nagging papel nito sa paglakas ng Europe.
  17. •SALAMAT SA PAKIKINIG
Publicidad