2. Sa lahat ng puno sa buong mundo,
buko na marahil ang pinaka-sagrado.
Mula sa ugat, dahon, bunga at puno
nito, ika'y tiyak na makakabuo ng
kapaki-pakinabang na produkto.
Ito'y puno ng buhay kung tawagin
ng karamihan, subalit alam mo ba kung
ano ang kaniyang pinagmulan? Halina't
tuklasin ang misteryo kung saan nga ba
nagmula ang buko. :)))
3. Ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Tanging pagaspas
ng mga dahon mula sa nagtataasang puno at talahib ang ingay na
iyong maririnig sa kapaligiran. Sabayan pa ng mga masasayang huni
ng mga ibong tila sa himpapawid ay nagsisipag-
awitan. Sadyang napakapayapa at marahil sa
lungsod ay hindi mo na nanaising manirahan pa.
Ganito kung ilarawan ng mga taga
nayon ang kanilang bayan.
4. Subalit sa kabila ng kapayapaang ito'y nagtatago
ang kalungkutan at kasawian sa puso ni Bulan,
anak ng isang mayaman at kilalang pamilya.
Sa taglay nitong ganda at mala-
porselanang kulay, hindi na
nakapagtataka kung bakit
marami ang humahanga at
nahuhumaling sa kanya.
5. Sa kabaitan at kagandahang loob na ipinapakita ni
Bulan sa kahit na sino pa mang tao sa mansyon, hindi na
nakapagtatakang mabilis na nahulog ang loob ni Kiko sa
kanya. Bagama't anak lamang ng kanilang katiwala,
naglakas loob parin si Kiko na ligawan si Bulan at ng
naglaon ay nahulog rin ang loob ni Bulan sa kanya.
6. Hindi alintana ni Bulan ang agwat sa
estado ng pamumuhay nila ni Kiko hanggang sa
isang araw ay natuklasan ng kanyang mga
magulang ang tungkol sa kanilang relasyon ni
Kiko at tulad ng inaasahan, sila ay pilit na
pinaghiwalay.
7. “Lapastangan ka Bulan! Paano mo ito nagawa sa
amin ng iyong ama? Nasisiraan ka na ba ng bait? Hindi mo
man lang ba naisip ang kahihiyang maidudulot nito sa
ating pamilya?” nagngangalit na
wika ng kanyang ina.
8. “Wala po akong dapat ikahiya ina sapagkat
mabuting tao naman si Kiko at wala kaming
ginagawang masama. Ipagpatawad niyo ang
aking pagsuway subalit mahal ko po siya at
masaya ako sa piling niya." nangingiyak
namang sagot ni Bulan.
9. “Hindi ka ba kinikilabutan sa iyong
sinasambit Bulan? Kung ikaw ay di nahihiya, kami
ng iyong ina ay hiyang-hiya kaya't simula sa araw
na ito, hindi kana maaaring makipagkita sa kanya”,
nagbabantang sagot ng kaniyang ama.
10. Tutol ang mga magulang ni Bulan na makipag-relasyon
ito kay Kiko sa kadahilanang ito ay mahirap lamang at
tila inilalayo ang kanilang pamilya sa posibleng
kahihiyang maidulot nito kung sakaling malaman ito ng
mga tao. Labag man sa kalooban, walang nagawa si
Bulan kundi sundin ang nais ng kanyang mga magulang.
11. Walang tigil sa pag-iyak si Bulan hanggang sa
dumating ang araw na wala ng luhang mailuluha ang
kanyang mga mata. Dahil dito, kanya ng natanggap na
marahil ay hindi sila para sa isa't isa ni Kiko.
12. Isang araw, umalis ang mga magulang
ni Bulan upang asikasuhin ang kanilang
negosyo sa kabilang bayan. Nagpasya
itong magpa-iwan kung kaya't hindi na
siya isinama. Dala ng labis na pagkabagot,
napagpasyahan ni Bulan na maglibot
muna sa kanilang hardin.
13. Sa kanyang paglilibot ay nakakita siya ng isang
magandang bulaklak at ito ay kaniyang pinitas.
Hindi niya namalayang nasa likuran na niya si Kiko.
Dali-dali itong umalis upang umiwas subalit
nahawakan ni Kiko ang kanyang braso kung kaya't
wala siyang ibang nagawa kundi huminto.
14. Kinausap siya ni Kiko at tinanong kung mahal parin ba
siya nito. "Oo, mahal parin kita ngunit alam naman
nating tutol sa iyo ang aking mga magulang. Kung
ipagpapatuloy pa natin ito, lalo lang nila akong ilalayo
sayo", sagot ni Bulan.
15. "Hindi naman lingid sa aking isipan na tutol
sa akin ang iyong magulang. Subalit maaari
naman natin itong ilihim sa kanila nang hindi na
nila tayo paghiwalayin pa," sambit naman ni Kiko.
At nagkasundo nga ang dalawa na ililihim ang
kanilang relasyon.
16. Nagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. At tulad ng ibang
nagmamahalan,kanila ring
napagkasunduang bumuo ng
kanilang magiging tawagan. Mula sa kanilang
pangalang Bulan at Kiko, "BUKO" ang ngalang
kanilang nabuo. Palihim na nagkikita ang dalawa
at sa tuwing nais nilang magkita, isinusulat nila ang
kanilang tawagan sa isang malaking puno kasama
ang oras o araw ng kanilang pagkikita.
17. Nagsilbing tagpuan na ng dalawa ang puno, hanggang sa
isang araw ay may nakakita sa kanilang dalawa at agad
itong ipinaalam sa mga magulang ni Bulan. Nagalit ang mga
ito sa muling pagsuway ni Bulan sa kanila kung kaya't
siya'y ikinulong sa isang kuwarto nang
hindi na ito makalabas ng tuluyan at
makipagkita pa kay Kiko.
18. Lubos na kalungkutan ang nadarama ni Kiko.
Gayon din si Bulan na halos araw-araw ay
umiiyak. Sa sobrang pagnanais na muling
makita si Bulan, naglakas loob itong nakiusap
sa mga magulang nito.
"Senyorito, pagbigyan niyo naman po sana
akong muling makita at maka-usap man lang
ang inyong anak kahit saglit lamang",
pakiusap ni Kiko sa ama ni Bulan.
19. “Nahihibang ka na ba Kiko? Matapos ang kahihiyang
naidulot mo sa aming pamilya, sa tingin mo ba'y muli
kong pahihintulutan ang iyong kalapastanganan? Kaya't
habang maaga pa'y umalis kana, nang hindi na lalong
mag-init ang ulo ko at ikaw ay masaktan pa" ,
wika ng ama ni Bulan. At tulad nga ng inaasahan, hindi
pinagbigyan si Kiko na muling masilayan si Bulan.
20. Halos araw-araw ay nananalangin si Bulan sa
Maykapal na sana ay makalabas na siya sa tila impyerno
niyang kulungan at ng muli silang magkita ni Kiko. Narinig ng
isang diwata ang kanyang panalangin at ito ay nagpakita sa
kanya. Kinausap siya ng diwata at sinabing bibigyan niya ito ng
pagkakataon na magkita silang muli ni Kiko sa isang kondisyon.
Pagpatak ng alas dose, kinakailangan na niyang makabalik sa
kanyang kuwarto at kung hindi niya ito sinunod ay mayroong
mangyayaring hindi kanais-nais. At sa labis na kagustuhang
makita muli si Kiko, agad itong pumayag sa kasunduan.
21. At tulad nga ng sinabi ng diwata, muling nagkita
ang dalawa. Masaya nilang sinalubong at hinagkan
ang isa't-isa. Halos mangiyak-ngiyak ang dalawa sa
tagal ng panahong hindi sila nagkita. Sila ay nag-
kwentuhan hanggang sa umabot at dumating na ang oras
na itinakda.
22. Nasabi rin ni Bulan ang tungkol sa kasunduan nila ng
diwata kay Kiko subalit hindi ito naniwala. Kanyang
pinilit si Bulan na makipagtananan sa kanya at dahil
sa labis na pagmamahal ay hindi na ito nagdalawang-isip
na sumama. Nang sila ay akmang aalis na, biglang
nagpakita sa kanila ang diwata at ipinaalala kay Bulan
ang kapalit ng hindi nito pagtupad sa kasunduan.
Sinubukang tumakas ng dalawa at sa galit ng diwata ay
isinumpa niya ang mga ito.
23. Kinabukasan ay nagkagulo ang mga tao dahil
sa sabay na pagkawala nila Bulan at Kiko. Halos
lahat ay abala sa paghahanap sa dalawa lalo na kay Bulan.
Sa kanilang paghahanap ay may nakitang isang kakaibang
bunga ang mga tao sa ilalim ng isang puno. Lahat ay
nagtataka sapagkat ngayon lamang sila nakakita ng
ganoong bunga.
24. Naglakas loob ang ina ni Bulan na ito ay pulutin at ng ito
ay kanyang iangat, tila may laman itong tubig sa loob.
Upang makasiguro ay ipinabiyak niya ito at kanilang
nakita ang napakaputi nitong laman; kasing puti ng kulay
ng balat ni Bulan. Biglang napaluha ang ina ni Bulan at
nagwikang, "Marahil ay ito na sina Kiko at ang aking
anak na si Bulan.” Ang napakatigas na bungang ito ay
nagpapa-alala sa katigasan ng ulo ng dalawa.
25. Hindi alam ng mga tao ang ngalan nitong bunga nang
may nagwikang "BUKO" na nabasa niya diumano sa
puno kung saan natagpuan ang bunga at mula noon ay
tinawag na ito ng mga taga-nayon na Buko. Ang buko
na dati ay tawagan lamang ng dalawang nagmamahalan
at nagbibigay kulay sa kanilang pag-iibigan ay
ngayong siya ng nagbibigay buhay sa mga tao.