2. Bilanggo ng pagkakataon,
ako ang tunay na nawalan
ng karapatan
sa bintang na pawang
kasinungalingan;
mga paratang na gawa-gawa
lamang.
Hindi ako ang nagnakaw.
Ako ang ninakawan.
Sampung taon.
Sampung taon nang nakapiit
sa seldang napakaliit
na walang maski manipis na
sinag ng pag-asa
ang makapuslit.
Isang dekada nang nagdurusa
ngunit ano ang dapat
pagdusahan?
3. Kalayaan kong sampung
taon nang ninakaw
sana’y maibalik pa.
Araw-araw akong
naghihintay
subalit araw-araw ring bigo
sa paghihintay.
Sampung taon na akong naririto,
mapait ang nakaraan,
blangko ang kasalukuyan
‘di sigurado kung may bukas pang
madaratnan sa labas,
‘di alam kung muli pang makaaalpas
mula sa rehas
ngunit narito man ang katawan
malaya pa rin ang konsiyensiya.
Malaya ka man, konsiyensiya mo’y
bilanggo rin sa mas madilim na selda.
4. PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang mga
hinaing ng tauhan sa tula?
2. Makatarungan ba ang kanyang pagkakapiit sa loob ng isang
dekada? Bakit? Bakit hindi?
3. Kung ikaw ang nasa kanyang katayuan, ano ang iyong
mararamdaman? Ano ang iyong gagawin?
4. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong sa pag-iingat at
pagtatanggol sa mga karapatang pantao? Pagtibayin.