Publicidad

Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon

9 de Feb de 2018
Publicidad

Más contenido relacionado

Publicidad
Publicidad

Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon

  1. ANGEL KYLA R. ROMERO EUWAN GANANCIAL ART PAPISTOL SHEENA NOBLEJAS
  2. Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
  3.  Ang Pag-usbong ng Europe  Ang mga Frank  Ang Banal na Imperyong Romano  Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko  Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano  Ang Organisasyon ng Simbahan  Ang Pamumuno ng mga Monghe  Ang Krusada  Mga Bunga ng Krusada  Ang Buhay sa Europe noong Gitnang Panahon  Ang Piyudalismo  Ang Lipunan sa Sistemang Piyudal  Ang Manoryalismo  Ang Kababaihan
  4.  Ang Paghina ng Piyudalismo  Ang mga Rutang Pangkalakalan  Mga Pagbabagong Dulot ng Pagsigla ng Komersiyo  Epekto at Kontribusyon Dulot ng mga Bayan at Lungsod  Ang Sistemang Guild  Ang Kapitalismo at Pagbabangko
  5. Ang Pag-usbong ng Europe  Ang pagbagsak ng kapangyarihan ng mga Romano ang nagbigay-daan sa bagong pamumuhay. Ito ang naghudyat sa pagsisimula ng Gitnang Panahon mula 500-1500 CE  Hindi naganap sa isang iglap lamang ang pagbagsak ng Imperyong Romano.  Iniwan ng mga sundalong nagbabantay ang mga tanggulan, ang mga sulat at balita ay hindi na nakararating sa mga lungsod, at ang mga daanan ng mga tubig at irigasyon ay nangasira na rin.
  6. Ang mga Frank  Kaharian na matatagpuan sa Gaul na ngayon ay bansang France.  Naging hari si Frank Clovis noong 481 CE. Naglunsad siya ng digmaan upang pag- isahin ang lahat ng kahariang Aleman.  Tinanggap niya ang Kristiyanismo. Napag-isa niya ang Gaul at kinilala siya bilang tagapagtatag ng dinastiyang Merovingian.  Noong 751 CE, pinatalsik ni Pepin ang huling haring Merovingian at itinanghal siya na hari ng mga Frank.  Nagtalaga siya ng mga missi dominici o mga tagasiyasat sa bawat teritoryo na nangangasiwa bilang kinatawan niya
  7. CHARLES:  Anak ni Pepin na naging hari noong 771 CE.  Tinawag siyang Charles the Great o Charlemagne.  Prinotektahan niya ang kapakanan ng Papa.  Noong 800 CE,kanyang winakasan ang pag-aalsa laban sa Santo Papa. Dahil sa suportang ito ng Simbahan, kinoro- nahan siya ni Papa Leo III bilang emperador. Mga Ginawa ni Charlemagne  Hinati ang imperyo sa duchies at counties na pamumunuan ng isang duke o konde.  Ipinamigay ang mga malalawak na lupain (fief) sa mga lider military  Ipinagkaloob sa mga maliliit na haring may taglay na kapangyarihang administratibo, military, at hudikatura
  8. Ang Banal na Imperyong Romano  Noong 843 CE, nabuo ang Kasunduan sa Verdun, kung saan ang imperyo ay hinati sa tatlong magkakapatid sa pagitan nina Lothair, Louis the German and the Charles the Bald.  Noong 870 CE, ang buong kaharian ni Lothair ay muling nahati sa pamamagitan ng Kasunduang Mersen, kung saan ito ay nagtalaga sa hangganan ng Silangan at Kanlurang Frank.  Noong 936 CE, ay umupo sa trono si Otto I at muling lumaban ang mga Frank.  Kinoronahan si Otto na tinawag na “Ang Dakila” bilang Emperador ng Banal na Imperyong Romano noong 963 CE at kanyang itinalaga si Papa Leo III.  Sa pangunguna ni Otto I, naitatag ang banal na Imperyong Romano.  Ginamit niya ang mga capellani, tulad ng paggamit ni Charlemagne sa mga micci domicini na naging kinatawan ng mga emperador.
  9. Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Simbahan – ito ang nagsilbing isang malakas na puwersa sa pag-uugnay ng mga Romano at mga barbarong Aleman. - ang naging pangunahing institusyon sa Gitnang Panahon. - binigkis nito ang mga tao at tumugon sa mga pangunahin nilang pangunahing pangangailangan. - ang naging kanlungan ng mga tao.
  10. Mga Daan sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Kapapahan  Pagbagsak ng Imperyong Romano  Ang Organisasyon ng Simbahan  Anyong tatsulok ang organisasyon ng Simbahan kung saan nasa tuktok ang Santo Papa na nagsisilbing pangkalahatang pinuno ng Simbahan.  Papacy tumutukoy ito sa katungkulan ng Papa bilang Pinuno ng Estadong Papal na kinilala bilang Vatican.  Ang Obispo naman ang nasa ikalawang antas na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala. Tungkulin nito na lutasin ang mga sigalot na may kaugnayan sa mga aral ng Simbahan at gabayan ang mga pari.  Curia, katulong ng Obispo na binubuo ng mga Kardinal na pinili mula sa pangkat ng Arsobispo.  Kardinal ang sumusunod sa herarkiya na tinawag na Kolehiyo ng mga Kardinal ang kabuuan mg mga cardinal na naghahalal sa Papa.
  11.  Batas Canon – ay kalipunan ng mga batas tungkol sa mga aral ng Krsitiyanismo, kaasalan at moralidad ng mga pari.  Eskomulgasyon – isang parusa ng pag-alis sa karapatan at pribilehiyo ng isang tao bilang kasapi ng Simbahan.  Interdict – ay pagtigil sa pagganap ng Simbahan sa mga sakramento sa isang kaharian. Noong 1073, hinirang na Santo Papa si Gregory VII. Papa Gregory VII – sa kanyang pamumuno ipinatupad ang mga reporma tulad ng pagbuwag sa lay investiture. Lay Investiture – ay karapatan ng mag hari na pumili ng mga Obispo ng Simbahan. Santo Papa Innocent III- ipinahayag niya na ang Papa ang pinakamataas sa lahat ng pinuno sa Europe. Ipinakita niya ang kapangyarihan nang parusahan niya si Haring John ng eskomulgasyon at interdict sa buong England, dahil sa hindi pagsunod nito sa kagustuhan ng Santo Papa kung sino ang magsisilbing arsobispo sa Canterbury.
  12. Ang Pamumuno ng mga Monghe Monghe – ay binubuo ng mga pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa monastKumalinga sa mga maysakit at mga mahihirap na manlalakbay. ery. Kontrolado sila ng mga abbot at Papa. Abbot – ang pinakamataas na pinuno ng mga monghe sa isang monasteryo. Mga Gawain ng Monghe  Ang pagdarasal.  Marunong magsaka, mag-alaga ng hayop, maglinis at gumawa ng iba pang gawain.  May malaking ambag sa pangangalaga ng kultura.  Nagtatag ng mga paaralan,.  Nagpakain sa mga mahihirap, at kumupkop ng mga taong nais makaiwas sa kalaban.
  13. Ang Krusada  Ay serye ng labanang panrelihiyon ng mga Kristiyano mula sa Kanlurang Europe laban sa mga Muslim upang mabawing muli ang Banal na Lupain.  Unang isinagawa noong 1096 at nagwakas sa huling bahagi ng ika-13 siglo. Mga Krusada Petsa Taong Nanguna Mga Kaganapan Unang 1096-1099 *Robert, ang duke ng Normandy *Raymond konde ng Toulousse *Godfrey, and duke ng Lorraine • Narating ng pangkat ang Constantinople ngunit nagapi sila ng mga Turko sa may talampas ng Asia Minor. • Nabawi ang Jerusalem noong 1099.
  14. Mga Krusada Petsa Taong Nanguna Mga Kaganapan Nanatili sa kamay nila ang Jerusalem hanggang 1187 ngunit muli itong naagaw ng mga Muslim. Ikalawang Krusada 1147-1149 • Haring Louis VII ng France • Conrad III Emperador ng Imperyo ng Rome Tinungo ng hukbo ang Asia Minor, subalit hindi pa nila nararating angg Edessa ay natalo na sila ng mga Turko. Ikatlong Krusada 1189-1192 • Haring Richard I ng Britain • Haring Philip Augustus ng France • Emperador Frederick Barbarossa ng Banal na Imperyong Romano • Nakuha nila ang lupain ng Cyprus at lungsod ng Acre. • Sa isang kasunduan, pinayagan ang mga Kristiyano na dumalaw sa Jerusalem. Ikaapat na Krusada 1202-1204 Konde Bonifacio ng Monserrat Naagaw ang Zara, ang lungsod sa baybayin ng Adriatic at karibal ng Venice sa kalakalan.
  15. Mga Krusada Petsa Taong Nangunga Mga Kaganapan Inatake ang Constantinople noong 1204. nanatili sa Constantinople at nagtatag ng maliit na kahariang pyudal para sa pansariling pangkabuhayan. Ikalimang Krusada 1217-1221 • Leopold Vi ng Austria • Andrew II ng Hungary Napunta ang Jerusalem sa kamay ng mga krusador sa pamamagitan ng kasunduan at diplomasya. Ikaanim na Krusada 1228-1229 Haring Frederick ng Imperyong Romano Napakiusapan ang mga Muslim na isuko ang Jerusalem sa mga Kristiyano.
  16. Natutuhan ang paggamit ng pana at kalapati sa paghahatid ng mensahe sa larangan ng pakikidigma. Mula naman sa mga Muslim, natutuhan ng mga Kristiyano ang paggamit ng pulbura, kaalaman sa astronomiya at algebra. Mga Bunga ng Krusada Pinalakas ng krusada ang monarkiya sa France at England at pinahina naman nito ang kapangyarihang piyudal.marami sa mga hari na sumama sa krusada ay namatay at ang iba naman ay nagbenta ng kanilang mga lupa upang magkaroon ng pribilehiyo na makasama sa krusada. Nabawasan ang katanyagan ng Simbahan dahil sa pandarambong ng mga ilang sumama sa krusada. Sa iba, nagsilbi naman itong inspirasyon na gumawa ng mga dakilang bagay sa ngalan ng Kristiyanismo. Nakilala ang mga produktong nagmula sa silangan, tulad ng rekado, seda, pabango at gamot.sa panahon ng Krusada,
  17. Ang Buhay sa Europe noong Gitnang Panahon  Ang Piyudalismo -ay isang Sistemang political at military sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon. -ito ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng panginoon (lord) at kanyang basal- yo (vassal). Dalawang Dahilan ng Pinag-ugatan ng Piyudalismo 1. Ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe noong Gitnang Panahon. 2. Ang pagsumpa ng katapatan sa kanilang pinuno hanggang sa kamatayan kung kinakailangan.  Ang Lipunan sa Sistemang Piyudal
  18. Tatlong Pangkat ng Tao sa Lipunang Piyudal 1. Noble – kabilang dito ang mga hari, kanilang basalyo, at ang mga nakakababang panginoon. - namamana ang kanilang katayuan. - sa lipunang piyudal, ang hari ang tanging nagmamay-ari ng mga lupain. Ang salita niya ay ay pinakikinggan at sinusunod lamang sa bahagi ng kanyang kaharian na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. 2. Klerigo – ang mga mahihirap na naging kleriko ay naging pari sa mga nayon. Ang bawat pari ay naka- tira sa isang maliit na dampa, malapit sa kanyang Simbahan. 3. Pesante – ang mga magsasaka na nasa pinakamababang antas ng lipunan. Sila ang bumubuo ng pinakamalaking bahagdan ng populasyon. Ang isang magsasaka ay kailanman ay hindi maaaring maging panginoon.
  19. Ang Manoryalismo  Ito ay sistemang agricultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor.  Ang manor ay lupaing sakop ng isang panginoong may lupa na binubuo ng kanyang kastilyo, simbahan at pamayanan.  Sa ilalim nito, tungkulin ng isang panginoong maylupa na bigyan ng pabahay, lupang sakahan at proteksiyon ang mga naninirahan sa manor. Kapalit nito ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong maylupa.  Sa pusod ng manor, makikita ang palasyo ng panginoon. Ang lupaing kinatatayuan ng palasyo ay tinawag na demesne.  Sa loob ng manor ay may simbahan, ang tirahan ng pari at kung saan nakahilera ang mga bahay ng mga magsasaka.
  20. Mga Rutang Pangkalakalan  Muling nabuhay ang komersiyo sa peninsula ng Italy dahil sa maganda ang lokasyon nito. Ang mga produkto sa silangan ay dinadala pakanluran ng mga mangangalakal na Tsino at Muslim sa pamamagitan ng tatlong ruta: 1. Mula sa daungan sa Black Sea ay nagtungo sila sa Constantinople sakay ng mga barkong pangkalakal. 2. Mula sa Indian Ocean at Red Sea hanggang marating ang mga daungan sa Egypt. 3. Mula sa Persian Gulf ay naglakbay ang mga mangangalakal hanggang marating ang patungo sa mga daungan sa Silangang Mediterranean. 4. Ang mga Italyano ang naging tagapamagitan ng mga mangangalakal galing sa Asya at ng mga mangangalakal buhat sa Gitna at Hilagang Europe.
  21. Epekto at Kontribusyon Dulot ng mga Bayan at Lungsod  Ang mga bayan at lungsod ang sentro ng kalakalan at industriya at dahil dito, ang kalakalang pandaigdig ay nalinang na ngayon ay bahag ng ating kabuhayan.  Umunlad ang mga guild noong Gitnang Panahon.  Nagkaroon din ng samahan ng mga may espesyalisasyon, ang crafts guild na binubuo ng mga sapatero, platero, samahan ng mga gumagawa ng baril at iba pa.  Naging sentro ng kultura ang mga bayan at lungsod tulad ng pagpipinta, eskultura at arkitektura.  Yumabong ang kalayaan sa politika sa mga bayan at lungsod.  Sumigla ang tao sa kanilang pagtatamasa ng malayang kaisipan na naging daan upang umusbong ang kaunlarang intelektuwal sa mga bayan at lungsod.
Publicidad