108
Magandang araw sa iyo! Sana’y maayos ang pakiramdam mo
ngayon at handa mong kilalanin ang mga salitang naghuhudyat
ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Sige simulan na
natin.
Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang wastong
pagsusunud-sunod ng mga pangyayari.
Basahin mo nang maayos ang maikling talata at sagutin ang
mga sumusunod na mga tanong:
Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pagdating ng Bagyo
Unang una ay sundan sa radyo o telebisyon ang
mahahalagang balita sa pagsama ng panahon. Pangalawa ay mag-
imbak ng mga pagkain sa bahay lalong lalo na iyong mga de lata
upang hindi magutom. Pagkatapos ay mag-imbak din ng
posporo, kandila, flashlight, at baterya na maaaring magamit
kung kinakailangan. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling
mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na
sakuna. At panghuli, kailangang makinig sa mga balita tungkol
sa pagbabago ng panahon.
Subukin Natin
Sa Mag-aaral
Mga Dapat Matutuhan
109
Maraming dapat gawin kapag dumating ang malakas na
bagyo. Makapag-iingat ka kaya? Basahin ang sumusunod na
kwento. Unawain at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Pag-aralan Natin
Mga Tanong:
1. Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo anu-ano ang mga
dapat gawin?
Una: ____________________________________________________
Pangalawa: ______________________________________________
Pangatlo: ________________________________________________
Pang-apat:_______________________________________________
Panglima: _______________________________________________
2. Anu-ano ang mga ginamit na salitang naghuhudyat ng
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari?
Una: _____________________________________________________
Pangalawa: ______________________________________________
Pangatlo: ________________________________________________
Pang-apat:_______________________________________________
Panglima: _______________________________________________
110
Batay sa nabasa mong maikling kwento, sikapin mong
masagot ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Bakit napakahimbing ng pagkatulog ni Andrea nang araw na
iyon?
2. Ano ang dahilan at nagising siya?
3. Kailan idideklarang walang pasok sa elementarya at haiskul
kapag may bagyo?
May Babala ang Bagyo
(Pinaikling kwento galing sa Hiyas sa Pagbasa IV, pahina 158-160)
Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
Napakalamig kasi ng panahon. Ang lakas-lakas ng hangin at walang
katigil-tigil ang malakas na ulan.
Nagising si Andrea. Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi ang
makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan.
“Signal number two,” ang sabi ng tagapagbalita sa radyo. “Ang
ibig sabihin, sa loob ng 24 na oras, papalapit ang masamang panahon.
Ang dumating na hangin ay may lakas na 80 hanggang 100 kilometro
bawat oras. Walang pasok sa mga paaralan, elementarya at haiskul.
Ang lahat po ay pinag-iingat.”
Nag-isip siya. Naalala niya ang napag-aralan nila sa paaralan
tungkol sa bagyo. Kapag signal number one, sa loob ng 36 na oras ay
maaaring dumating ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60
kilometro bawat oras. Kapag signal number two, ang hangin ay may
lakas na 60 hanggang 100 kilometro bawat oras. Kapag signal
number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras, maaaring dumating
ang hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat oras.
Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang tuluyan
ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan at siya’y
bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
upang ganap silang makapag-ingat.
111
4. Ano ang naalala ni Andrea na napag-aralan nila tungkol sa
bagyo?
5. Sa palagay mo, saan madaling makakuha ng mahahalagang
balita tungkol sa pagsama ng panahon?
- Paano inaayos ang mga pangyayari sa isang seleksiyon?
Dapat mong isaisip na ang pangyayari o hakbang ay inaayos
nang may pagkasunud-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang
kahalagahan ng isang ideya, gawain, o pangyayari sa isang
kwento, isang resipe sa paggawa ng lutuin, o sa isang hulwaran
ng pagsasaayos.
Madali lang namang kilalanin o tukuyin ang mga
pagkasunud-sunod dahil sa mga salitang naghuhudyat na
ginagamit. Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng
isang hulwaran ng pagkasunud-sunod ay:
una, pangalawa nang nalaunan sa wakas
sumunod nagsimula ang pinakahuli
pagkatapos unang-una
pinakamahalaga
Kumuha ka ng isang papel at gawin mo ang sumusunod.
Lagyan ng bilang 1-5 ang mga pangyayari ayon sa wastong
pagkakasunud-sunod ng mga ito sa kwento.
______1. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo.
______2. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.
______3. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
______4. At sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na
kumot at patuloy na nakinig ng balita.
______5. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan
tungkol sa bagyo.
Gawin Natin
112
Tingnan mo sa “Gabay sa Pagwawasto” ang tamang mga
sagot. Iwasto ang iyong mga hindi tamang sagot at ilagay sa
bandang itaas ng iyong papel ang iyong iskor.
1. Balikan mo ang unang talatang nabasa at itala sa kwaderno
ang mga dapat gawin kapag may paparating na bagyo ayon sa
nabasa.
1. Unang-una ____________________________________________.
2. Pangalawa ____________________________________________.
3. Sumunod _____________________________________________.
4. Pinakamahalaga _______________________________________.
5. Panghuli ______________________________________________.
2. Sa gawaing ito maaari mong tanungin ang iyong mga
magulang o kaya’y magpaturo sa mga nakakatandang kapatid.
a. Gumuhit ka sa kwaderno ng dalawang hugis pabilog.
b. Isulat sa bawat dulo ang pagkakaiba ng mga dapat gawin
kapag dumarating ang bagyo sa dalawang sitwasyong naitala
sa dalawang hugis pabilog.
c. Isulat din ang pagkakatulad ng mga dapat gawin sa gitna ng
dalawang hugis pabilog.
Mga Dagdag na Gawain
Pagkakaiba PagkakaibaPagkakatulad
Nakatira sa mababang
lugar.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Nakatira mataas
na lugar.
1.
2.
3.
113
Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may
pagkakasunud-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang
kahalagahan ng isang ideya, gawain, o pangyayari sa isang
kwento, isang resipe sa paggawa ng lutuin, o sa isang
hulwaran ng pagsasaayos.
Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng
isang hulwaran ng pagkakasunud-sunod ay:
una, pangalawa nang malaunan sa wakas
sumunod nagsimula ang pinakahuli
pagkatapos unang-una pinakamahalaga
Basahin mo nang maigi ang maikling talata sa ibaba at
gawin ang sumusunod na gawain.
Sariling Pagsusulit
Tandaan Natin
Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato at
lahat ng ginamit sa pagkain at pinaglutuan nito. Sinalansan ni
Margie ang mga baso at pitsel. Pinagsama-sama niya ang
mga kutsara, tinidor at kutsarita. Sinalansan niya ang mga
plato at platito ayon sa laki. Pagkatapos ay inihanay niya ang
mga kaldero at kawali. Sa wakas ay inilagay niya ang ,mga ito
sa kani-kanilang lalagyan, matapos sabunin, banlawan, at
patuyuin, ayon sa ayos nito.
114
Pag-aralan nang mabuti ang mga sumusunod na larawan.
Tiyakin kung ano ang tamang pagkakasunud-sunod, ayon sa
paghuhugas ni Margie ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno. Titik a sa una, b sa pangalawa, c pangatlo at d sa
pang-apat, at buong salita sa bilang lima.
___1. __2.
Mga kaldero at kawali
___3. ___4.
Mga kutsara at tinidor Mga plato at platito
___________5. Ano ang salitang nagpapahiwatig ng huling
pangyayari na ginamit sa talataan?
Mga Batayan:
Kung ang iyong iskor ay apat ( 4 ) maaaring tumuloy na
sa susunod na leksyon.
Kapag ang iyong iskor ay tatlo ( 3 ) gawin ang susunod na
gawain.
Kapag ang iyong iskor ay bumaba sa tatlo ( 2, 1 o kaya ay
0) balikan uli ang buong modyul. Sikaping mapaghusayan
ang pagbasa at pag-unawa ng iyong binasa, at sagutin
nang may pag-iingat ang bawat tanong.
Mga baso at pitsel
115
Ang isang insekto, kagaya ng isang paru-paro ay dumaraan
sa isang paghali-halili o tinatawag na “life cycle”. Pag-aralan ang
mga larawang-guhit at buuin ang sumusunod na talataan. Maaari
mong pagyamanin ang iyong talata sa pamamagitan ng
pagbibigay ng impormasyon sa bawat yugto ng buhay ng isang
paru-paro.
Ang isang paru-paro ay dumaraan sa isang paghali-halili.
Unang-una ____________________________________________.
Pangalawa ____________________________________________.
Pagkatapos _____________________________________________.
Sa wakas _____________________________________________.
Pagyamanin Natin
Itlog
Higad
Pupa
Paru-paro
116
Subukin Natin:
1. Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo anu-ano ang mga
dapat gawin?
Una: Sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balita
sa pagsama ng panahon
Pangalawa: Mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong lalo
na iyong mga de lata upang hindi magutom.
Pangatlo: Mag-imbak din ng posporo, kandila, flashlight, at
baterya na maaaring magamit kung kinakailangan.
Pang-apat:Manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang
makaiwas sa dagdag na sakuna.
Panglima: Makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng
panahon
2. Anu-ano ang mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari?
Una: unang-una
Pangalawa: pangalawa
Pangatlo: pagkatapos
Pang-apat: pinakamahalaga
Panglima: panghuli
Pag-aralan Natin:
1. Bakit napakahimbing ng pagkatulog ni Andrea nang araw
na iyon?
Sagot: Napakahimbing ng tulog ni Andrea, kase,
napakalamig ng panahon.
Gabay sa Pagwawasto
117
2. Ano ang dahilan at nagising siya?
Sagot: Nagising siya, dahil ginaw na ginaw siya, sa
pagkatanggal ng kumot na bumabalot sa kanyang katawan.
3. Kailan idideklarang walang pasok sa elementarya at
haiskul kapag may bagyo?
Sagot: Idideklarang walang pasok sa elementarya at
haiskul kapag “Signal Number Two.”
4. Ano ang naalala ni Andrea na napag-aralan nila tungkol sa
bagyo?
Sagot: Naalala niya na kapag signal number one, sa
loob ng 36 na oras ay maaaring dumating ang hanging may
lakas na hindi hihigit sa 60 kilometro bawat oras. Kapag
signal number two, ang hangin ay may lakas na 60
hanggang 100 kilometro bawat oras. Kapag signal number
three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras, maaaring dumating
ang hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat
oras.
5. Sa palagay mo, saan madaling makakuha ng
mahahalagang balita tungkol sa pagsama ng panahon?
Sagot: Madaling makakuha ng mga mahahalagang balita
tungkol sa pagsama ng panahon sa radyo o kaya ay sa
telebisyon.
Gawin Natin:
___2___ 1. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo.
___3___ 2. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.
___1___ 3. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
___5___ 4. At sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na
kumot at patuloy na nakinig ng balita
___4___ 5. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan
tungkol sa bagyo.
118
Mga Dagdag na Gawain:
1. Mga Dapat Gawin Kapag Paparating ang Bagyo:
1. Unang-una ay sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang
balita sa pagsama ng panahon.
2. Pangalawa ay mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong-lalo
na iyong mga de lata upang hindi magutom.
3. Pagkatapos ay mag-imbak din ng posporo, kandila, flashlight,
at baterya na maaaring magamit kung kinakailangan.
4. Pinakamahalaga ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandali
upang makaiwas sa dagdag na sakuna.
5. Panghuli ay makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng
panahon.
2. Mga Dapat Gawin kung may Bagyo
Nakatira sa Mababang Nakatira sa Matataas
Lugar na Lugar
1. Huwag gumagala sa tabi 1. Maghanda ng 1. Maglagay ng pabigat
ng ilog o dagat. makakain. sa bubongan.
2. Lumayo sa mga bumu- 2. Maghanda ng 2. Maglagay ng
buwal na bagay. mga gamit. pananggalang sa
hangin.
3. Kumubli sa loob ng 3. Maging maingat 3. Iwasan ang pagtambay
ligtas na lugar. at mahinahon. sa may pampang.
Sariling Pagsusulit:
1. d 2. a 3. b 4. c 5. Sa wakas
Pagyamanin Natin:
Ang isang paru-paro ay dumaraan sa isang paghali-halili.
Unang-una, ito ay nagmula sa isang itlog. Pangalawa, ito ay
nagiging higad na kumakain ng dahon ng mga tanim.
Pagkatapos, ito ay nagiging pupa na nagkukubli sa isang bahay
nito na kung tawagin ay “cocoon”. Sa wakas, matapos ang
mahimbing na pagkakatulog ay lalabas ito sa kanyang bahay at
nagiging isang napakagandang paru-paro.
Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba