SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 41
Pormalistikong Pagdulog
sa Pelikulang
Way back Home
FELY N. VICENTE
MAED-FILIPINO
BB. ERNA SALAS
GURO SA FIL 505
PAMANTASAN NG XAVIER-
ATENEO DE CAGAYAN
KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Balangkas ng Pagsusuri
I. Introduksyon
II. Buod
III. Sangkap ng Dula
IV. Mga Bisa ng Akda
V. Kongklusyon
I. Introduksyon
Ang pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulog
na nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o paglalapat sa
mga napapaloob sa isang akda. Ito ay nakatuon sa paraan
ng pagkakabuo ng akda, pagpili ng mga salita at wika o
dayalogong ginamit at ang iba‟t ibang kabuluhan nito.
Ang pagdulog na ito ay hindi nakabatay sa
sino, ano, kailan, saan o bakit kundi sa paano. Ito ay
tinatawag na ngayon makabagong panunuri o new
criticism.
Sa pagsusuring ito sa pelikulang pinamagatang
“Way Back Home”, ang manunuri ay nakatuon sa anyo
ng pagkakagawa nito. Sa kung paano ang mga
pangyayari ay nagkawil-kawil, kung paano ang mga pag-
uugali ng mga pangunahing tauhan ay nagbago o
magbabago sa pagsulpot ng isang suliranin, kung paano
ang suliranin ay nagbunga pa ng iba pang suliranin at
kung paano binigyang solusyon ang suliranin sa pelikula.
II. Buod
Ito ay kwento ng dalawang magkapatid, si Joanna
(Kathyrn Bernardo) at Jessie (Julia Montes). Nagkahiwalay
ang dalawa noong sila ay mga bata pa lamang. Di
sinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna nung siya‟y
nagkukumahog na matingnan ang mga maliliit na pagong.
Naiwanan sa may dalampasigan si Joanna na nagtungo
naman sa ibang direksyon na inaakalang doon pumunta
ang kanyang kapatid.
Lumipas ang labing-dalawang taon, nahanap ni Amy
(Agot Isidro) si Joanna sa pamamagitan ng “Lukso ng
Dugo”. Hindi matanggap ni Jessie ang pagbabalik ng
kanyang nakababatang kapatid na siya namang
inaasahan sana ng kanyang mga magulang. Nabuhay
siyang may dinaramdam na insekyuridad at mga
kabiguan. Ginagawa niya lahat magalak lamang ang
kanyang ina. Nagsimula ang hidwaan nilang
magkapatid, nanatiling mapagkumbaba at
mapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin at
malupit si Jessie.
Ang kanyang kalupitan ay nagwakas nang sila‟y
nagkasubukan ng paunahang makarating sa paglangoy sa ibayong
bundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay patatahimikin na niya ito.
Sa kasamaang palad, hindi nakasanayan ni Jessie ang paglangoy sa
dagat. Nalunod si Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy.
Nananalo na sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalik
upang matulungan ang kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, at
napagpasyahan ni Joanna na bumalik sa pamilyang kumupkop sa
kanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni Jessie ang kanyang
pagkakamali at humingi ng kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuo
ulit ang kanilang pamilya.
III. Pagsusuri
Tagpuan
Ang naging tagpuan sa pelikulang ito ay sa dalampasigang
may mga maliliit na pagong kung saan aksidenteng nabitawan ni
Jessie ang nakababatang kapatid na si Joanna. Malaki ang naging
kinalaman ng lugar na ito sapagkat dito nagsimulang magkalamat
ang samahan ng pamilya Santiago.
Julia Montes bilang
Jessica Lorraine S.
Santiago
Tauhan
 Nakatatandang kapatid ni
Joanna na may malaking inggit
rito. Hinahanap-hanap niya ang
pagmamahal at atensyon ng
kanyang mga magulang lalong lalo
na ang kanyang ina na si Amy. Sa
kalaunan, nagbago ang kanyang
pag-uugali at mas naging mainitin
pa ang kanyang ulo nang bumalik
ang kanyang kapatid.
Kathryn Bernardo bilang
Anna Bartolome /
Joanna Liezl S. Santiago
Nakababatang anak nina
Amy at Ariel at kapatid ni
Jessie na nawala sa
dalampasigan. Nahirapan
siyang makibagay sa mga
taong kailan lang niya
nakilala. Mas naging mahirap
sa kanya ang pakitunguhan
ang kanyang nakatatandang
kapatid na si Jessie.
Agot Isidro bilang
Amelia "Amy" Santiago
Ina ng magkakapatid na sina
Jessie at Joanna. Hindi nawalan
ng pag-asa na balang araw
makikita niya ang kanyang
bunsong anak na nawala sa
dalampasigan. Sa kagustuhan
niyang makita ang anak, ginugol
niya ang kanyang atensyon rito at
hindi inalintana na may mga anak
pa siyang nangangailangan ng
kalinga at pagmamahal niya.
Tonton Gutierrez bilang
Ariel Santiago
Asawa ni Amy na siyang
walang sawang umintindi rito.
Hindi niya pinapakita na siya‟y
nahihirapa‟t napapagod rin. Mas
pinili niyang ituloy ang kanilang
buhay kahit pa nawala ang
kanilang bunsong anak.
Mapagmahal na ama at pantay
ang turing sa kanyang mga
anak.
Sam Concepcion bilang
AJ
Nanligaw kay Jessie na
nung una‟y pinagtawanan
lamang nito. Itinago niya ang
kanyang nararamdaman ng sa
ganun hindi na siya mapahiya
pang muli. Sa kalaunan ay
hindi pa rin niya ito maikubli
kahit pa napahiya na siya.
Nagpatuloy pa rin ang
kanilang ugnayan.
Enrique Gil bilang
Michael
 Matalik na kaibigan ni
Joanna na sa pamamagitan
ng kanyang mga fish jokes
napagagaan niya ang
pakiramdam nito. Matagal
ng may lihim na pagtingin
kay Joanna ngunit hindi
lang niya ito masabi sabi sa
dalaga.
Lotlot De Leon bilang
Lerma
 Kinilalang ina ni Joanna na
siyang kumupkop rito‟t itinuring
na parang tunay na anak.
Inang hindi alintana kung sa
kanyang sinapupunan
nanggaling o hindi man si
Joanna. Ang mahalaga sa
kanya ay maipakita rito ang
kanyang wagas na
pagmamahal.
Sulyap sa Suliranin
Sa pamamagitan ng
pagbabalik-tanaw o
flashback nailahad ang
naging sanhi ng
pagkawalay ng bunsong
anak nina Amy at Ariel na
kung saan ay aksidenteng
nabitawan ni Jessie ang
kamay ni Joanna dahilan
upang magkaiba ang daan
na tinungo ng dalawa.
Banghay
Saglit na Kasiglahan
Nagkrus ang landas ni Amy at Joanna nang kapwa lumahok sa
kompetisyon sa paglangoy ang kanyang anak na si Jessie at ang nooy hindi pa
niya nakikilalang anak na si Joanna. Nagkataon na narinig ni Amy ang pagkanta
ni Joanna na siyang nagpalukso ng kanyang dugo dahil sa iyon ang kantang
kanyang inaawit sa tuwing inihehele niya ang kanyang bunsong anak. Agad
niyang nabatid na ito na ang matagal niyang hinahanap na nawawalang anak.
Hindi naman lubos maisip ni Ana (Joanna) na magkakaroon ng kapalit ang
kanyang pagkapanalo sa kompetisyon.
Nasambit pa nga niya:
“ Kung ang kapalit ng pagkapanalo
ko, ang pagkawala ng pagkatao at
pamilya ko, sana hindi na lang ako
nanalo”.
Sa kabilang dako naman, nagkaroon ng pagtatalo sina Amy at Ariel
dahil sa paggiit ng una na si Ana ang kanilang nawawalang anak. Narito ang
bahagi ng kanilang pagtatalo:
“At kung hindi siya „yon? Then what? Hindi
pa ba sapat na minsan ng nawala sayo ang
anak mo? Paulit-ulit na lang ba tayong
aasa‟t masasaktan? Why wouldn‟t you allow
yourself to be happy? Why wouldn‟t you
allow this family to be happy?” pahayag ni
Ariel.
“ Im sorry kung naging hadlang ako sa kaligayahan ninyo.
And im sorry kung hindi ako katulad ninyo na kayang kalimutan
si Joanna ng ganun-ganun lang. And im so sorry Ariel, kung
hanggang ngayon mahal ko pa rin ang anak ko. At gagawin ko
ang lahat para maibalik lang siya” tugon ni Amy.
“So ako? Dahil pinili kong ituloy ang buhay ko, hindi ko na
minahal si Joanna? Ganun? Dahil hindi ako umiyak sa harapan
ninyo hindi ako nasaktan nung nawala si Joanna. Ganun ba „yon?
Ganun ba „yon? “ Huling pahayag ni Ariel.
Naging malaking katanungan naman para kay Jessie ang
pangyayaring iyon at naihayag niya ang kanyang saloobin.
Sa kabuuan naging simula „yon ng pag-inog muli ng
buhay ni Amy. Natagpuan niya ang kanyang anak na
matagal ng nawala sa kanila. Ngunit ang naging kapalit
naman nito ay ang pagkalamat ng kanilang mga relasyon.
“ Dad, kung siya nga po talaga si
Joanna, kung pwede pa pong mabuo ang
pamilya natin, kahit ilang beses pa po
niya akong talunin, okey lang po. Dad
please pagbigyan niyo na po si Mommy”.
Tunggalian
Sa pelikulang ito, makikinita natin na tatlo ang naging
tunggulian. Ito ay tao laban sa sarili, tao laban sa tao at
tao laban sa pagkakataon.
Tao laban sa Sarili
Naging mahirap para sa mga pangunahing tauhan na
tanggapin ang katotohanan. Lalong lalo na ang
magkapatid na sina Jessie at Joanna.
Pinipigilan ko „yong nararamdaman ko. Kaya ako mismo „yong pumilit kay
Daddy na sunduin si Joanna. I thought my feelings would change. I wanted
my feelings to change. It never change. Naiinis ako AJ. Naiinis ako kasi nakikita
ko ang saya-saya ng Mommy ko. She never smiled at me or look at me the way
she does at Joanna. Galit na galit ako sa kanya nun. Kasi ayaw niyang sumama
sa amin. Kasi nakita ko ang lungkot ulit ni Mommy ehh.. Alam mo ba ang
ayokong maramdaman ulit?.. Guilt! Nagiguilty ako kasi natutuwa ako kasi pinili
ni Joanna na huwag ng bumalik sa buhay namin” Madamdaming pahayag ni
Jessie kay AJ.
“ Nakita na si Joanna… Yeah! Dapat…
Akala ko nga ehh.. Ilang taon akong
nagdarasal na sana makita na namin
siya na makumpleto na kami. So that
everything will be okey again. Pero
bakit hindi ganun? Alam mo hindi nga
ako natuwa nung makita namin siya eh.
(akmang iiyak) Ang sama ko no?
“ Pasensya na po huwag ninyo po sanang mamasamain ang
sasabihin ko sa inyo pero hindi po ako makakasama sa inyo.
Nagpapasalamat po ako dahil nagkita tayo ulit. Salamat po dahil
hindi ninyo ako nakalimutan. Pero nandito po kasi ang buhay ko
eh.. nandito po ang pamilya ko” Mahinahong paliwanag ni Joanna
sa harapan ng kanyang mga magulang.
Sa naibigay na dayalogo sa itaas, makikita na nag-aalab ang
mga damdamin nina Jessie at Joanna. Hindi nila matanggap sa
kanilang sarili ang katotohanang sila‟y magkapatid. Gusto nilang
kumawala sa katotohanan nang sa ganun hindi na sila
makaramdam pa ng kahungkagan.
Tao laban sa Tao
Malinaw na nailahad sa pelikulang ito ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid, mag-
ina, mag-asawa at maging sa magkakaibigan.
Hidwaang Mag-ina
“ Yes Mom can we please don‟t talk about her. Cause they don‟t want to be here”
Pagsusumamo ni Jessie.
“ Wala rito ang kapatid mo dahil…” Putol na pahayag ni Amy
“ Kasalanan ko! Common say it, it‟s my fault. Kung di ko sana kayo sinuway eh di
sana nandito pa si Joanna. Ako may kasalanan di ba? Eh di sana nandito pa siya hanggang
ngayon. Ano? Kasalanan ko di ba? Kasalanan ko. No! Sige na! Sabihin niyo na sa akin na
kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit niya tayo kinalimutan. Kasalanan ko kung bakit
hindi siya sumama sa atin. Kasalanan ko kung bakit ibang pamilya ang pinili niya. Kasalanan
ko ito! Kasalanan ko „tong lahat! Ayan Mommy inamin ko na. Ehhh „kaw? Kailan mo aaminin
na ikaw ang dahilan kung bakit nagkandaletsi-letsi ang pamilyang ito?” Naibulalas ni Jessie
sa tindi ng nadarama.
Pagkatapos niya iyong maibulalas ay isang sampal ang
natanggap niya mula sa ina. Mahihinuha natin sa sagutan
ng mag-ina na matagal ng ikinukubli ni Jessie ang bigat sa
dibdib dahil alam niyang siya ang sinisisi ng kanyang ina sa
pagkawala ni Joanna. Kaya nabigyan siya ng pagkakataong
mailabas ang tunay na saloobin sa ina. Sa kabilang banda
naman, ayaw naman direktang sabihin ni Amy sa anak na
siya ang sinisisi nito. Ngunit magkaganun pa
man, naipakikita naman niya rito sa pamamagitan ng
kanyang mga kilos ang matamlay na pagtrato niya rito.
Hidwaang magkaibigan
“Hassle ka sa buhay alam mo „yon? Everyone asking me where you are”
Saad ni AJ.
“ Pasensya ka na huh? There was a time naman na hindi ako hassle sa
buhay mo” Tugon ni Jessie.
“ Yeah! There was a time that I was foolish enough to think that when I tell
you that I love you, you just say back. Pero pinagtawanan mo lang ako” Giit ni
AJ.
“ AJ” Tawag ni Jessie.
“ Am not gonna give you a chance to do that again” Huling pahayag ni AJ.
Sa dayalogong iyon nina AJ at Jessie, malalaman natin na may dati na
silang naging alitan. Ang palitan nila ng mga salita ay patama nila sa isa‟t isa.
Hidwaang magkapatid.
“ Ana! I told you not to touch my things” pagalit na saad ni Jessie.
“ Ate sandali. Ate sorry… gusto ko lang naman…” Putol na pahayag ni
Joanna.
“ Gusto mong agawin lahat sa akin!” ani Jessie.
“ Hindi ate! Wala akong balak agawin…” Pagsusumamo ni Joanna.
“ Sinungaling ka talaga. Alam mo bang bata pa lang tayo mang-aagaw
ka na hanggang ngayon mang-aagaw ka pa rin!” dagdag ni Jessie.
“ Akala ko kasi ate matutuwa ka ehh..” nanginginig na sambit ni
Joanna.
“ Mukha ba akong natutuwa? Pakialamira ka ehh. Ginugulo mo
lahat. Gusto mo kasama ka sa lahat. You want to be friends with my
friends? You can‟t! Because they don‟t like you. You want to be part of
the swimming team? You can‟t! Because hindi ka namin kailangan! You
want to be part of everything I am? You can‟t! Dahil ayoko!” tuloy-tuloy
na pahayag ni Jessie.
“ Jessie, puwede bang kumalma ka lang? Ganyan ka ba magalit
dahil sa isang laruan lang? Ang O.A mong mag-react. Puwede bang easy
ka lang okey?” Awat ng kanilang nakatatandang kapatid na lalaki.
“ Don‟t tell me to take it easy. Because you don‟t know how I feel”
Huling pahayag ni Jessie.
Sa batuhan ng mga pahayag ng
magkakapatid, makikita natin ang tindi ng galit na
nararamdaman ni Jessie sa kanyang kapatid na si Joanna
dahil iniisip nitong nais agawin ng huli ang kung ano man
ang mayroon siya. Mapapansin rin natin na nais lang naman
sana ni Joanna na mapasaya ang kapatid ngunit iba pala
ang magiging kapalit nito. Umawat naman ang kanilang
kuya sa kanila ng sa ganun maibsan nang kaunti ang
tensyon sa pagitan nila.
Tao laban sa Pagkakataon
Makikita rin natin sa pelikula na bunga lamang ng
pagkakataon ang mga naging suliranin. Nagkaroon ng
pagbabago sa pag-uugali ng mga pangunahing tauhan dala
na rin sa katotohanang nais nilang maikubli. Ang naging
dahilan ng suliranin at ang nag-udyok pa sa iba pang
suliranin ay pawang hindi naman inaasahan. Nagkataon
lamang na magiging ganun kasalimuot ang kanilang mga
buhay.
Ang naging kasukdulan sa pelikula ay nung magkaroon sila ng retreat sa
may isla na kung saan nagpustahan ang magkapatid na lumangoy sa dagat.
Kung sino ang unang makalangoy patungo sa isla ang siyang mananalo at
maaari makamit ang hiling o gusto. Narito ang bahagi ng kanilang pustahan.
“ Ate bakit ba hindi mo ako mapatawad? Ate? Ano ba ang naging
malaking kasalanan ko sayo?” tanong ni Joanna.
“ Nabuhay ka. Nabuhay ka‟t lahat ng pagmamahal ni Mommy binigay
niya sayo. Wala na siyang tinira sa akin.” Direktang sagot ni Jessie.
Kasukdulan
“ Hindi totoo yan! Mahal ka ni Mommy.” Giit ni Joanna.
“ Hindi! Araw-araw pinagbabayaran ko yong pagkawala mo. Araw-
araw nakikipagkompetensya ako sa multo mo. At araw-araw natatalo
ako. Sana ako na lang ang nawala. Ang daya daya ehh.. ikaw dalawang
nanay ang nagmamahal sayo. Bakit napakadali ng lahat para sayo.”
Tugon ni Jessie.
“ Akala mo ganun lang kadali yun. Ang iwan ang nakasanayang
kong pamilya? Ang isantabi si Ana para maging si Joanna? At subukang
makipagsabayan sa buhay ninyo? At anong kapalit nun ate? Lahat ng
pananakit at pang-iinsulto mo sa akin ate. Hindi yon madali. Araw-araw
mong pinagbabayaran ang pagkawala ko? Ehh ako? Hanggang kailan
mo ako sisingilin sa pagbabalik ko ate? Sabihin mo? Anong kailangan
kong gawin para mapatawad mo na ako? Ano ang kailangan kong gawin
para matanggap mo na ako?” may pagpapakumbabang sabi ni Joanna.
“ Nakikita mo „yon? Talunin mo ako!” ani ni Jessie.
“ Ate hindi ka sanay lumangoy sa dagat, delikado.” Awat ni
Joanna.
“ Wala akong pakialam. Kung matalo mo ako patatahimikin
na kita. Kapag nanalo ako maglalaho ka na nang tuluyan sa
buhay ko.” Hamon ni Jessie.
Sa pustahang yaon ng magkapatid, muntikan ng malunod si
Jessie dahil nga hindi siya sanay lumangoy sa dagat. Habang siya
ay nalulunod na, paulit ulit na nasambit ni Jessie ang pangalan ni
Joanna upang siya ay matulungan nito.Nangibabaw naman ang
pagkaawa ng huli sa kanyang kapatid kung kaya‟t iniligtas niya
ito.
Kakalasan
Dahil sa muntikang pagkalunod ni Jessie, napagtanto ni Joanna na
kailangan na siyang magpakalayo layo upang matahimik na ang kanyang ate.
Narito ang bahagi ng kanyang pahayag.
“ Sorry po Mommy. Sorry po.” Paumanhin ni Joanna.
“ Sorry for what?” tanong ni Amy.
“ Hindi po dapat ako pumayag sa hamon ni Ate” Paliwanag ni Joanna.
“ Okey na anak. Im just glad you were there to save your sister.” Tugon
ni Amy.
“ Puwede po bang umuwi na ako sa Zambales? Dun na lang po ako.
Sana po maintindihan niyo. Gustong gusto ko po kayong makasama. Pero
ayaw ko na pong nakikitang nasasaktan si Ate” ani Joanna.
“ Labing dalawang taon po tayong nagkahiwalay pero
mas napalayo po kayo kay ate. Hindi po ako „yong totoong
nawala. Si Ate Jessica po. Kasama niyo po siya pero nawala
po siya sa paningin niyo. Kaya baka kailangan po na mawala
ulit ako para si Ate Jessica naman po „yong mahanap niyo”
Diin ni Joanna.
Ito ang nakitang paraan ni Joanna upang nang sa
ganun ay matahimik na ang kanyang buhay. Nais niyang
maipakita naman ng kanyang ina ang pagmamahal at
atensyon na ibinibigay nito sa kanya sa kanyang kapatid.
Wakas
Nagtapos ang pelikula ng masaya sapagkat napagtanto
na ni Jessie ang kanyang pagkakamali at natanggap na niya
si Joanna bilang kapatid. Binigyang-halaga na rin siya ng
kanyang inang si Amy. Naipakita na rin nito ang
pagmamahal at atensyong kanyang hinahanap simula‟t
sapol. Naging magkasundo na rin silang magkapatid.
Nanumbalik din ang pagtitinginan nina AJ at Jessie, at mas
lumalim pa ang samahan nina Joanna at Michael. Nabuong
muli ang kanilang pamilya.
Ito yaong palasak na wakas sa mga pelikulang
Pilipino, ang tinatawag nating “happy ending”. Ito ang
kinagigiliwan nating uri ng wakas sapagkat nais natin na
maging masaya ang mga pangunahing tauhan sa huli
matapos nilang mabigyang-solusyon ang kanilang
naging suliranin. Kung kaya‟t masasabi nating naging
predictable ito sa mga manonood sapagkat alam na
natin ang kasunod.
IV. Bisa ng Akda
Bisang Damdamin
Paulit ulit ko nang pinanuod ang pelikulang ito. Nabigyang-katarungan ng
mga karakter ang kanilang papel na ginagampanan. Bawat isa sa kanila ay
maayos na naipakita ang pag-uugali mayroon ang karakter na kanilang
ginagampanan. Nailahad rin nila ng mabisa at mahusay ang damdaming nais
nilang maipakita at maramdaman ng mga manonood. Ang kanilang mga
emosyon ay akma sa kanilang mga ikinikilos.
Naiparating sa akin ang walang kapalit na pagmamahal ng isang ina sa
kanyang anak. Ang hindi pagkawala ng paniniwala na mahahanap at
mahahanap rin niya ang kanyang anak. Para na ring ako ang isa sa mga
karakter sa pelikula dahil naramdaman ko rin ang kanilang naramdaman. Ang
galit, tuwa, inis at poot, ilan lamang yan sa mga damdaming nangibabaw sa
pelikula. Damdaming maging ang mga manonood ay makahinuha rito.
Bisang Kaisipan
Naipakita sa pelikula ang tinatawag nating close family
ties na kung saan isa „yan sa ating pagkakakilanlan bilang
mga Pilipino. Nakagawian na natin ang pagiging malapit
natin sa ating pamilya. Pinapahalagahan natin ang
pananatiling buo ng ating pamilya kahit pa sa mga pagsubok
na dumarating sa atin.
Naging positibo rin ang pananaw na naipakita ng pelikula
dahil sa kabila ng mga suliranin naranasan ng mga
pangunahing tauhan ay nananatiling buo ang kanilang
paniniwala na sa huli ay magiging kumpleto rin ang kanilang
pamilya.
VI. Kongklusyon
Mabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari sa
ating lipunan ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya. Ang
mga di maiwasang palitan ng mga maaanghang na mga salita sa
pagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang nangyayari
sa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng away-bati ng
magkakaibigan. Magkagayon man, naipakita pa rin sa pelikula na
kahit anong mangyari, ang pagmamahal ng isang ina ay wagas at
hindi mapapantayan. At ang pananatiling buo ng isang pamilya
ang pinakamahalaga sa lahat kahit pa marami ng pagsubok ang
dumaan.
Ginamit naman nila ang fish jokes upang nang sa ganun
mapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang nagsilbing
pampagaan ng mga naglalagablab na damdamin ng mga tauhan.
Naipakita rin sa pelikula ang pagpapatawad at pagtanggap.
Na kung saan maihahalintulad natin sa kasabihang, “Kakambal ng
pagpapatawad ay ang paglimot”.
Kung tayo ay nagpapatawad ay nangangahulugang ito na
natanggap na natin ang katotohanan at handa tayong lumimot sa
mga masasamang nangyari sa atin at maaari na tayong
makapagsimulang muli.

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoMae Garcia
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikancieeeee
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Teoryang imahismo
Teoryang imahismoTeoryang imahismo
Teoryang imahismoEdleyte0607
 
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ JUN-JUN RAMOS
 
Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionAira Fhae
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysayAlLen SeRe
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Kilusang propaganda
Kilusang propagandaKilusang propaganda
Kilusang propagandaJay R Lazo
 
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanMga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanJohn Jarrem Pasol
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikanyahweh19
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Karen Fajardo
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskursoabigail Dayrit
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Haponesmenchu lacsamana
 

La actualidad más candente (20)

Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikan
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Teoryang imahismo
Teoryang imahismoTeoryang imahismo
Teoryang imahismo
 
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
 
Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng komposition
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
Kilusang propaganda
Kilusang propagandaKilusang propaganda
Kilusang propaganda
 
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKALTEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
 
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanMga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Hapones
 

Destacado

"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)clumsychik
 
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikulaModyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikuladionesioable
 
BALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURIBALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURIEmilyn Ragasa
 
Mga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng PelikulaMga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng PelikulaVangie Algabre
 
Bahagi ng balangkas kwento
Bahagi ng balangkas  kwentoBahagi ng balangkas  kwento
Bahagi ng balangkas kwentoAlma Reynaldo
 
Panlahat na gamit ng wika
Panlahat na gamit ng wikaPanlahat na gamit ng wika
Panlahat na gamit ng wikaMartin Celino
 
Suring pantanghalan at banghay
Suring pantanghalan at banghaySuring pantanghalan at banghay
Suring pantanghalan at banghayDona Baes
 
Munting tinig
Munting tinigMunting tinig
Munting tinigamicus89
 
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoFilipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoJuan Miguel Palero
 
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahanGabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahanBaita Sapad
 
Maikling katha sa panahon ng hapon
Maikling katha sa panahon ng haponMaikling katha sa panahon ng hapon
Maikling katha sa panahon ng haponChristine Reforba
 
BALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURIBALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURIEmilyn Ragasa
 

Destacado (20)

Way back home script
Way back home scriptWay back home script
Way back home script
 
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
 
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikulaModyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
Modyul 11 pagsulat ng isang suring pelikula
 
BALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURIBALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURI
 
Mga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng PelikulaMga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng Pelikula
 
Bahagi ng balangkas kwento
Bahagi ng balangkas  kwentoBahagi ng balangkas  kwento
Bahagi ng balangkas kwento
 
Panlahat na gamit ng wika
Panlahat na gamit ng wikaPanlahat na gamit ng wika
Panlahat na gamit ng wika
 
Suring pantanghalan at banghay
Suring pantanghalan at banghaySuring pantanghalan at banghay
Suring pantanghalan at banghay
 
Munting tinig
Munting tinigMunting tinig
Munting tinig
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoFilipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
 
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahanGabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
Gabay sa-guro baitang-7-unang-markahan
 
Maikling katha sa panahon ng hapon
Maikling katha sa panahon ng haponMaikling katha sa panahon ng hapon
Maikling katha sa panahon ng hapon
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Parabula ng banga
Parabula ng bangaParabula ng banga
Parabula ng banga
 
Anak
AnakAnak
Anak
 
Unit 4 3.2
Unit 4 3.2Unit 4 3.2
Unit 4 3.2
 
Anak
AnakAnak
Anak
 
BALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURIBALANGKAS NG PAGSUSURI
BALANGKAS NG PAGSUSURI
 
Suring basa sa filipino
Suring basa sa filipinoSuring basa sa filipino
Suring basa sa filipino
 

Similar a Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Similar a Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home (8)

The untold story
The untold storyThe untold story
The untold story
 
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
 
Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
 
Q2-Aralin5- Sarsuwela.pptx
Q2-Aralin5- Sarsuwela.pptxQ2-Aralin5- Sarsuwela.pptx
Q2-Aralin5- Sarsuwela.pptx
 
H fil3
H fil3H fil3
H fil3
 
Madulang Diyalogo.docx
Madulang Diyalogo.docxMadulang Diyalogo.docx
Madulang Diyalogo.docx
 
Sa tamang panahon, for slide share
Sa tamang panahon, for slide shareSa tamang panahon, for slide share
Sa tamang panahon, for slide share
 
Diary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosaDiary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosa
 

Último

digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...Gerlyn Villapando
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxEumariePudadera1
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................LovelyPerladoRodrinR
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfcompwatch556
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxLoudimsMojica
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 

Último (20)

digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
edukasyon kaugnayan sa pag-aaral, kahalagahan nito at magagawang tulong sa ki...
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdf
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 

Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

  • 1. Pormalistikong Pagdulog sa Pelikulang Way back Home FELY N. VICENTE MAED-FILIPINO BB. ERNA SALAS GURO SA FIL 505 PAMANTASAN NG XAVIER- ATENEO DE CAGAYAN KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM DEPARTAMENTO NG FILIPINO
  • 2. Balangkas ng Pagsusuri I. Introduksyon II. Buod III. Sangkap ng Dula IV. Mga Bisa ng Akda V. Kongklusyon
  • 3. I. Introduksyon Ang pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulog na nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o paglalapat sa mga napapaloob sa isang akda. Ito ay nakatuon sa paraan ng pagkakabuo ng akda, pagpili ng mga salita at wika o dayalogong ginamit at ang iba‟t ibang kabuluhan nito. Ang pagdulog na ito ay hindi nakabatay sa sino, ano, kailan, saan o bakit kundi sa paano. Ito ay tinatawag na ngayon makabagong panunuri o new criticism.
  • 4. Sa pagsusuring ito sa pelikulang pinamagatang “Way Back Home”, ang manunuri ay nakatuon sa anyo ng pagkakagawa nito. Sa kung paano ang mga pangyayari ay nagkawil-kawil, kung paano ang mga pag- uugali ng mga pangunahing tauhan ay nagbago o magbabago sa pagsulpot ng isang suliranin, kung paano ang suliranin ay nagbunga pa ng iba pang suliranin at kung paano binigyang solusyon ang suliranin sa pelikula.
  • 5. II. Buod Ito ay kwento ng dalawang magkapatid, si Joanna (Kathyrn Bernardo) at Jessie (Julia Montes). Nagkahiwalay ang dalawa noong sila ay mga bata pa lamang. Di sinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna nung siya‟y nagkukumahog na matingnan ang mga maliliit na pagong. Naiwanan sa may dalampasigan si Joanna na nagtungo naman sa ibang direksyon na inaakalang doon pumunta ang kanyang kapatid.
  • 6. Lumipas ang labing-dalawang taon, nahanap ni Amy (Agot Isidro) si Joanna sa pamamagitan ng “Lukso ng Dugo”. Hindi matanggap ni Jessie ang pagbabalik ng kanyang nakababatang kapatid na siya namang inaasahan sana ng kanyang mga magulang. Nabuhay siyang may dinaramdam na insekyuridad at mga kabiguan. Ginagawa niya lahat magalak lamang ang kanyang ina. Nagsimula ang hidwaan nilang magkapatid, nanatiling mapagkumbaba at mapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin at malupit si Jessie.
  • 7. Ang kanyang kalupitan ay nagwakas nang sila‟y nagkasubukan ng paunahang makarating sa paglangoy sa ibayong bundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay patatahimikin na niya ito. Sa kasamaang palad, hindi nakasanayan ni Jessie ang paglangoy sa dagat. Nalunod si Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy. Nananalo na sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalik upang matulungan ang kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, at napagpasyahan ni Joanna na bumalik sa pamilyang kumupkop sa kanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni Jessie ang kanyang pagkakamali at humingi ng kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuo ulit ang kanilang pamilya.
  • 8. III. Pagsusuri Tagpuan Ang naging tagpuan sa pelikulang ito ay sa dalampasigang may mga maliliit na pagong kung saan aksidenteng nabitawan ni Jessie ang nakababatang kapatid na si Joanna. Malaki ang naging kinalaman ng lugar na ito sapagkat dito nagsimulang magkalamat ang samahan ng pamilya Santiago.
  • 9. Julia Montes bilang Jessica Lorraine S. Santiago Tauhan  Nakatatandang kapatid ni Joanna na may malaking inggit rito. Hinahanap-hanap niya ang pagmamahal at atensyon ng kanyang mga magulang lalong lalo na ang kanyang ina na si Amy. Sa kalaunan, nagbago ang kanyang pag-uugali at mas naging mainitin pa ang kanyang ulo nang bumalik ang kanyang kapatid.
  • 10. Kathryn Bernardo bilang Anna Bartolome / Joanna Liezl S. Santiago Nakababatang anak nina Amy at Ariel at kapatid ni Jessie na nawala sa dalampasigan. Nahirapan siyang makibagay sa mga taong kailan lang niya nakilala. Mas naging mahirap sa kanya ang pakitunguhan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jessie.
  • 11. Agot Isidro bilang Amelia "Amy" Santiago Ina ng magkakapatid na sina Jessie at Joanna. Hindi nawalan ng pag-asa na balang araw makikita niya ang kanyang bunsong anak na nawala sa dalampasigan. Sa kagustuhan niyang makita ang anak, ginugol niya ang kanyang atensyon rito at hindi inalintana na may mga anak pa siyang nangangailangan ng kalinga at pagmamahal niya.
  • 12. Tonton Gutierrez bilang Ariel Santiago Asawa ni Amy na siyang walang sawang umintindi rito. Hindi niya pinapakita na siya‟y nahihirapa‟t napapagod rin. Mas pinili niyang ituloy ang kanilang buhay kahit pa nawala ang kanilang bunsong anak. Mapagmahal na ama at pantay ang turing sa kanyang mga anak.
  • 13. Sam Concepcion bilang AJ Nanligaw kay Jessie na nung una‟y pinagtawanan lamang nito. Itinago niya ang kanyang nararamdaman ng sa ganun hindi na siya mapahiya pang muli. Sa kalaunan ay hindi pa rin niya ito maikubli kahit pa napahiya na siya. Nagpatuloy pa rin ang kanilang ugnayan.
  • 14. Enrique Gil bilang Michael  Matalik na kaibigan ni Joanna na sa pamamagitan ng kanyang mga fish jokes napagagaan niya ang pakiramdam nito. Matagal ng may lihim na pagtingin kay Joanna ngunit hindi lang niya ito masabi sabi sa dalaga.
  • 15. Lotlot De Leon bilang Lerma  Kinilalang ina ni Joanna na siyang kumupkop rito‟t itinuring na parang tunay na anak. Inang hindi alintana kung sa kanyang sinapupunan nanggaling o hindi man si Joanna. Ang mahalaga sa kanya ay maipakita rito ang kanyang wagas na pagmamahal.
  • 16. Sulyap sa Suliranin Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw o flashback nailahad ang naging sanhi ng pagkawalay ng bunsong anak nina Amy at Ariel na kung saan ay aksidenteng nabitawan ni Jessie ang kamay ni Joanna dahilan upang magkaiba ang daan na tinungo ng dalawa. Banghay
  • 17. Saglit na Kasiglahan Nagkrus ang landas ni Amy at Joanna nang kapwa lumahok sa kompetisyon sa paglangoy ang kanyang anak na si Jessie at ang nooy hindi pa niya nakikilalang anak na si Joanna. Nagkataon na narinig ni Amy ang pagkanta ni Joanna na siyang nagpalukso ng kanyang dugo dahil sa iyon ang kantang kanyang inaawit sa tuwing inihehele niya ang kanyang bunsong anak. Agad niyang nabatid na ito na ang matagal niyang hinahanap na nawawalang anak. Hindi naman lubos maisip ni Ana (Joanna) na magkakaroon ng kapalit ang kanyang pagkapanalo sa kompetisyon.
  • 18. Nasambit pa nga niya: “ Kung ang kapalit ng pagkapanalo ko, ang pagkawala ng pagkatao at pamilya ko, sana hindi na lang ako nanalo”. Sa kabilang dako naman, nagkaroon ng pagtatalo sina Amy at Ariel dahil sa paggiit ng una na si Ana ang kanilang nawawalang anak. Narito ang bahagi ng kanilang pagtatalo: “At kung hindi siya „yon? Then what? Hindi pa ba sapat na minsan ng nawala sayo ang anak mo? Paulit-ulit na lang ba tayong aasa‟t masasaktan? Why wouldn‟t you allow yourself to be happy? Why wouldn‟t you allow this family to be happy?” pahayag ni Ariel.
  • 19. “ Im sorry kung naging hadlang ako sa kaligayahan ninyo. And im sorry kung hindi ako katulad ninyo na kayang kalimutan si Joanna ng ganun-ganun lang. And im so sorry Ariel, kung hanggang ngayon mahal ko pa rin ang anak ko. At gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya” tugon ni Amy. “So ako? Dahil pinili kong ituloy ang buhay ko, hindi ko na minahal si Joanna? Ganun? Dahil hindi ako umiyak sa harapan ninyo hindi ako nasaktan nung nawala si Joanna. Ganun ba „yon? Ganun ba „yon? “ Huling pahayag ni Ariel.
  • 20. Naging malaking katanungan naman para kay Jessie ang pangyayaring iyon at naihayag niya ang kanyang saloobin. Sa kabuuan naging simula „yon ng pag-inog muli ng buhay ni Amy. Natagpuan niya ang kanyang anak na matagal ng nawala sa kanila. Ngunit ang naging kapalit naman nito ay ang pagkalamat ng kanilang mga relasyon. “ Dad, kung siya nga po talaga si Joanna, kung pwede pa pong mabuo ang pamilya natin, kahit ilang beses pa po niya akong talunin, okey lang po. Dad please pagbigyan niyo na po si Mommy”.
  • 21. Tunggalian Sa pelikulang ito, makikinita natin na tatlo ang naging tunggulian. Ito ay tao laban sa sarili, tao laban sa tao at tao laban sa pagkakataon. Tao laban sa Sarili Naging mahirap para sa mga pangunahing tauhan na tanggapin ang katotohanan. Lalong lalo na ang magkapatid na sina Jessie at Joanna.
  • 22. Pinipigilan ko „yong nararamdaman ko. Kaya ako mismo „yong pumilit kay Daddy na sunduin si Joanna. I thought my feelings would change. I wanted my feelings to change. It never change. Naiinis ako AJ. Naiinis ako kasi nakikita ko ang saya-saya ng Mommy ko. She never smiled at me or look at me the way she does at Joanna. Galit na galit ako sa kanya nun. Kasi ayaw niyang sumama sa amin. Kasi nakita ko ang lungkot ulit ni Mommy ehh.. Alam mo ba ang ayokong maramdaman ulit?.. Guilt! Nagiguilty ako kasi natutuwa ako kasi pinili ni Joanna na huwag ng bumalik sa buhay namin” Madamdaming pahayag ni Jessie kay AJ. “ Nakita na si Joanna… Yeah! Dapat… Akala ko nga ehh.. Ilang taon akong nagdarasal na sana makita na namin siya na makumpleto na kami. So that everything will be okey again. Pero bakit hindi ganun? Alam mo hindi nga ako natuwa nung makita namin siya eh. (akmang iiyak) Ang sama ko no?
  • 23. “ Pasensya na po huwag ninyo po sanang mamasamain ang sasabihin ko sa inyo pero hindi po ako makakasama sa inyo. Nagpapasalamat po ako dahil nagkita tayo ulit. Salamat po dahil hindi ninyo ako nakalimutan. Pero nandito po kasi ang buhay ko eh.. nandito po ang pamilya ko” Mahinahong paliwanag ni Joanna sa harapan ng kanyang mga magulang. Sa naibigay na dayalogo sa itaas, makikita na nag-aalab ang mga damdamin nina Jessie at Joanna. Hindi nila matanggap sa kanilang sarili ang katotohanang sila‟y magkapatid. Gusto nilang kumawala sa katotohanan nang sa ganun hindi na sila makaramdam pa ng kahungkagan.
  • 24. Tao laban sa Tao Malinaw na nailahad sa pelikulang ito ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid, mag- ina, mag-asawa at maging sa magkakaibigan. Hidwaang Mag-ina “ Yes Mom can we please don‟t talk about her. Cause they don‟t want to be here” Pagsusumamo ni Jessie. “ Wala rito ang kapatid mo dahil…” Putol na pahayag ni Amy “ Kasalanan ko! Common say it, it‟s my fault. Kung di ko sana kayo sinuway eh di sana nandito pa si Joanna. Ako may kasalanan di ba? Eh di sana nandito pa siya hanggang ngayon. Ano? Kasalanan ko di ba? Kasalanan ko. No! Sige na! Sabihin niyo na sa akin na kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit niya tayo kinalimutan. Kasalanan ko kung bakit hindi siya sumama sa atin. Kasalanan ko kung bakit ibang pamilya ang pinili niya. Kasalanan ko ito! Kasalanan ko „tong lahat! Ayan Mommy inamin ko na. Ehhh „kaw? Kailan mo aaminin na ikaw ang dahilan kung bakit nagkandaletsi-letsi ang pamilyang ito?” Naibulalas ni Jessie sa tindi ng nadarama.
  • 25. Pagkatapos niya iyong maibulalas ay isang sampal ang natanggap niya mula sa ina. Mahihinuha natin sa sagutan ng mag-ina na matagal ng ikinukubli ni Jessie ang bigat sa dibdib dahil alam niyang siya ang sinisisi ng kanyang ina sa pagkawala ni Joanna. Kaya nabigyan siya ng pagkakataong mailabas ang tunay na saloobin sa ina. Sa kabilang banda naman, ayaw naman direktang sabihin ni Amy sa anak na siya ang sinisisi nito. Ngunit magkaganun pa man, naipakikita naman niya rito sa pamamagitan ng kanyang mga kilos ang matamlay na pagtrato niya rito.
  • 26. Hidwaang magkaibigan “Hassle ka sa buhay alam mo „yon? Everyone asking me where you are” Saad ni AJ. “ Pasensya ka na huh? There was a time naman na hindi ako hassle sa buhay mo” Tugon ni Jessie. “ Yeah! There was a time that I was foolish enough to think that when I tell you that I love you, you just say back. Pero pinagtawanan mo lang ako” Giit ni AJ. “ AJ” Tawag ni Jessie. “ Am not gonna give you a chance to do that again” Huling pahayag ni AJ. Sa dayalogong iyon nina AJ at Jessie, malalaman natin na may dati na silang naging alitan. Ang palitan nila ng mga salita ay patama nila sa isa‟t isa.
  • 27. Hidwaang magkapatid. “ Ana! I told you not to touch my things” pagalit na saad ni Jessie. “ Ate sandali. Ate sorry… gusto ko lang naman…” Putol na pahayag ni Joanna. “ Gusto mong agawin lahat sa akin!” ani Jessie. “ Hindi ate! Wala akong balak agawin…” Pagsusumamo ni Joanna. “ Sinungaling ka talaga. Alam mo bang bata pa lang tayo mang-aagaw ka na hanggang ngayon mang-aagaw ka pa rin!” dagdag ni Jessie. “ Akala ko kasi ate matutuwa ka ehh..” nanginginig na sambit ni Joanna.
  • 28. “ Mukha ba akong natutuwa? Pakialamira ka ehh. Ginugulo mo lahat. Gusto mo kasama ka sa lahat. You want to be friends with my friends? You can‟t! Because they don‟t like you. You want to be part of the swimming team? You can‟t! Because hindi ka namin kailangan! You want to be part of everything I am? You can‟t! Dahil ayoko!” tuloy-tuloy na pahayag ni Jessie. “ Jessie, puwede bang kumalma ka lang? Ganyan ka ba magalit dahil sa isang laruan lang? Ang O.A mong mag-react. Puwede bang easy ka lang okey?” Awat ng kanilang nakatatandang kapatid na lalaki. “ Don‟t tell me to take it easy. Because you don‟t know how I feel” Huling pahayag ni Jessie.
  • 29. Sa batuhan ng mga pahayag ng magkakapatid, makikita natin ang tindi ng galit na nararamdaman ni Jessie sa kanyang kapatid na si Joanna dahil iniisip nitong nais agawin ng huli ang kung ano man ang mayroon siya. Mapapansin rin natin na nais lang naman sana ni Joanna na mapasaya ang kapatid ngunit iba pala ang magiging kapalit nito. Umawat naman ang kanilang kuya sa kanila ng sa ganun maibsan nang kaunti ang tensyon sa pagitan nila.
  • 30. Tao laban sa Pagkakataon Makikita rin natin sa pelikula na bunga lamang ng pagkakataon ang mga naging suliranin. Nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng mga pangunahing tauhan dala na rin sa katotohanang nais nilang maikubli. Ang naging dahilan ng suliranin at ang nag-udyok pa sa iba pang suliranin ay pawang hindi naman inaasahan. Nagkataon lamang na magiging ganun kasalimuot ang kanilang mga buhay.
  • 31. Ang naging kasukdulan sa pelikula ay nung magkaroon sila ng retreat sa may isla na kung saan nagpustahan ang magkapatid na lumangoy sa dagat. Kung sino ang unang makalangoy patungo sa isla ang siyang mananalo at maaari makamit ang hiling o gusto. Narito ang bahagi ng kanilang pustahan. “ Ate bakit ba hindi mo ako mapatawad? Ate? Ano ba ang naging malaking kasalanan ko sayo?” tanong ni Joanna. “ Nabuhay ka. Nabuhay ka‟t lahat ng pagmamahal ni Mommy binigay niya sayo. Wala na siyang tinira sa akin.” Direktang sagot ni Jessie. Kasukdulan
  • 32. “ Hindi totoo yan! Mahal ka ni Mommy.” Giit ni Joanna. “ Hindi! Araw-araw pinagbabayaran ko yong pagkawala mo. Araw- araw nakikipagkompetensya ako sa multo mo. At araw-araw natatalo ako. Sana ako na lang ang nawala. Ang daya daya ehh.. ikaw dalawang nanay ang nagmamahal sayo. Bakit napakadali ng lahat para sayo.” Tugon ni Jessie. “ Akala mo ganun lang kadali yun. Ang iwan ang nakasanayang kong pamilya? Ang isantabi si Ana para maging si Joanna? At subukang makipagsabayan sa buhay ninyo? At anong kapalit nun ate? Lahat ng pananakit at pang-iinsulto mo sa akin ate. Hindi yon madali. Araw-araw mong pinagbabayaran ang pagkawala ko? Ehh ako? Hanggang kailan mo ako sisingilin sa pagbabalik ko ate? Sabihin mo? Anong kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako? Ano ang kailangan kong gawin para matanggap mo na ako?” may pagpapakumbabang sabi ni Joanna.
  • 33. “ Nakikita mo „yon? Talunin mo ako!” ani ni Jessie. “ Ate hindi ka sanay lumangoy sa dagat, delikado.” Awat ni Joanna. “ Wala akong pakialam. Kung matalo mo ako patatahimikin na kita. Kapag nanalo ako maglalaho ka na nang tuluyan sa buhay ko.” Hamon ni Jessie. Sa pustahang yaon ng magkapatid, muntikan ng malunod si Jessie dahil nga hindi siya sanay lumangoy sa dagat. Habang siya ay nalulunod na, paulit ulit na nasambit ni Jessie ang pangalan ni Joanna upang siya ay matulungan nito.Nangibabaw naman ang pagkaawa ng huli sa kanyang kapatid kung kaya‟t iniligtas niya ito.
  • 34. Kakalasan Dahil sa muntikang pagkalunod ni Jessie, napagtanto ni Joanna na kailangan na siyang magpakalayo layo upang matahimik na ang kanyang ate. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag. “ Sorry po Mommy. Sorry po.” Paumanhin ni Joanna. “ Sorry for what?” tanong ni Amy. “ Hindi po dapat ako pumayag sa hamon ni Ate” Paliwanag ni Joanna. “ Okey na anak. Im just glad you were there to save your sister.” Tugon ni Amy. “ Puwede po bang umuwi na ako sa Zambales? Dun na lang po ako. Sana po maintindihan niyo. Gustong gusto ko po kayong makasama. Pero ayaw ko na pong nakikitang nasasaktan si Ate” ani Joanna.
  • 35. “ Labing dalawang taon po tayong nagkahiwalay pero mas napalayo po kayo kay ate. Hindi po ako „yong totoong nawala. Si Ate Jessica po. Kasama niyo po siya pero nawala po siya sa paningin niyo. Kaya baka kailangan po na mawala ulit ako para si Ate Jessica naman po „yong mahanap niyo” Diin ni Joanna. Ito ang nakitang paraan ni Joanna upang nang sa ganun ay matahimik na ang kanyang buhay. Nais niyang maipakita naman ng kanyang ina ang pagmamahal at atensyon na ibinibigay nito sa kanya sa kanyang kapatid.
  • 36. Wakas Nagtapos ang pelikula ng masaya sapagkat napagtanto na ni Jessie ang kanyang pagkakamali at natanggap na niya si Joanna bilang kapatid. Binigyang-halaga na rin siya ng kanyang inang si Amy. Naipakita na rin nito ang pagmamahal at atensyong kanyang hinahanap simula‟t sapol. Naging magkasundo na rin silang magkapatid. Nanumbalik din ang pagtitinginan nina AJ at Jessie, at mas lumalim pa ang samahan nina Joanna at Michael. Nabuong muli ang kanilang pamilya.
  • 37. Ito yaong palasak na wakas sa mga pelikulang Pilipino, ang tinatawag nating “happy ending”. Ito ang kinagigiliwan nating uri ng wakas sapagkat nais natin na maging masaya ang mga pangunahing tauhan sa huli matapos nilang mabigyang-solusyon ang kanilang naging suliranin. Kung kaya‟t masasabi nating naging predictable ito sa mga manonood sapagkat alam na natin ang kasunod.
  • 38. IV. Bisa ng Akda Bisang Damdamin Paulit ulit ko nang pinanuod ang pelikulang ito. Nabigyang-katarungan ng mga karakter ang kanilang papel na ginagampanan. Bawat isa sa kanila ay maayos na naipakita ang pag-uugali mayroon ang karakter na kanilang ginagampanan. Nailahad rin nila ng mabisa at mahusay ang damdaming nais nilang maipakita at maramdaman ng mga manonood. Ang kanilang mga emosyon ay akma sa kanilang mga ikinikilos. Naiparating sa akin ang walang kapalit na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Ang hindi pagkawala ng paniniwala na mahahanap at mahahanap rin niya ang kanyang anak. Para na ring ako ang isa sa mga karakter sa pelikula dahil naramdaman ko rin ang kanilang naramdaman. Ang galit, tuwa, inis at poot, ilan lamang yan sa mga damdaming nangibabaw sa pelikula. Damdaming maging ang mga manonood ay makahinuha rito.
  • 39. Bisang Kaisipan Naipakita sa pelikula ang tinatawag nating close family ties na kung saan isa „yan sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Nakagawian na natin ang pagiging malapit natin sa ating pamilya. Pinapahalagahan natin ang pananatiling buo ng ating pamilya kahit pa sa mga pagsubok na dumarating sa atin. Naging positibo rin ang pananaw na naipakita ng pelikula dahil sa kabila ng mga suliranin naranasan ng mga pangunahing tauhan ay nananatiling buo ang kanilang paniniwala na sa huli ay magiging kumpleto rin ang kanilang pamilya.
  • 40. VI. Kongklusyon Mabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari sa ating lipunan ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya. Ang mga di maiwasang palitan ng mga maaanghang na mga salita sa pagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang nangyayari sa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng away-bati ng magkakaibigan. Magkagayon man, naipakita pa rin sa pelikula na kahit anong mangyari, ang pagmamahal ng isang ina ay wagas at hindi mapapantayan. At ang pananatiling buo ng isang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat kahit pa marami ng pagsubok ang dumaan.
  • 41. Ginamit naman nila ang fish jokes upang nang sa ganun mapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang nagsilbing pampagaan ng mga naglalagablab na damdamin ng mga tauhan. Naipakita rin sa pelikula ang pagpapatawad at pagtanggap. Na kung saan maihahalintulad natin sa kasabihang, “Kakambal ng pagpapatawad ay ang paglimot”. Kung tayo ay nagpapatawad ay nangangahulugang ito na natanggap na natin ang katotohanan at handa tayong lumimot sa mga masasamang nangyari sa atin at maaari na tayong makapagsimulang muli.