Se ha denunciado esta presentación.
Se está descargando tu SlideShare. ×

SHS-Demo Teaching (HuMMS B)

Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio

Eche un vistazo a continuación

1 de 10 Anuncio

Más Contenido Relacionado

Presentaciones para usted (20)

Similares a SHS-Demo Teaching (HuMMS B) (20)

Anuncio

Más reciente (20)

SHS-Demo Teaching (HuMMS B)

  1. 1. Republic of the Philippines Department of Education Caraga Administrative Region DIVISION OF AGUSAN DEL SUR Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Senior High School Demonstrador: Emely L. Toliao Teacher 1 Applicant –SHS HuMMS B
  2. 2. Masusing Banghay Aralin sa Filipino I. Layunin: Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a) nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng wika; b) nakapaglalahad ng pagkakaiba ng bawat teorya ng pinagmulan ng wika; c) nakapagbabahagi ng kanilang mga pananaw tungkol sa mga teorya ng pinagmulan ng wika; at d) nakakagawa ng sarili nilang teorya tungkol sa pinagmulan ng wika. II. Paksang Aralin: Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika Sanggunian: Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasaan). Bernaldez, et al. Mutya Publishing House, Valenzuela City. 2000. pp.8-9. Kagamitan: mga tsart, mga larawan III. Pamamaraan A. Tuklasin Gawain ng Guro Panimulang Gawain 1. Panalangin Maaari bang magsitayo ang lahat para sa isang maikling panalangin. Kristine, pakipangunahan ang panalangin. Magandang araw, klas! Maaari na kayong magsiupo. 2. Pagtsetsek ng Atendans Pakitingnan ang inyong mga katabi at sabihin kung sino-sino ang mga liban ngayon. Mabuti kung gayon! 3. Pagganyak May mga larawan akong idinikit sa pisara, ang gagawin ninyo sa mga ito ay kailangan niyong kilalanin o alamin kung ano-ano ang ipinapakita sa bawat larawan. Gawain ng Mag-aaral (Nagsitayo ang lahat para sa panalangin.) Magandang araw rin po, Bb. Emely! Maraming salamat po, Bb. Emely. Wala po, Ma‟am. Ang lahat po ay naririto.
  3. 3. Ano-ano ba ang mga nakikita at napapansin niyo sa mga larawang nasa pisara? Magaling! Ang lahat ng iyan ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin natin ngayon. B. Linangin 1. Paglalahad ng Aralin Ayon sa mga propesor sa komunikasyon na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating iparating sa ibang tao. Kung kayo ang tatanungin, ano para sa inyo ang kahulugan ng wika? Magaling! Napakahusay ng inyong sinabi. Saan nga ba nagmula ang wika? Walang nakakaalam kung paano ito nagsimula ngunit may mga teoryang nakalap ang mga linggwista na maaaring magbigay-linaw sa pinagmulan ng wika. Ang mga larawan po na makikita sa pisara ay: 1. Isang tore na may mga tao sa labas. 2. Doorbell 3. Mga kababaihan na sumasayaw 4. Lalaking may pasan na sako ng bigas 5. Mga Aso 6.Mga batang masaya 7. Iba‟t ibang kumpas ng kamay Para sa akin po, ang wika ay isa sa mga instrumento na maaaring gamitin upang magkaintindihan ang dalawang tao o higit pa. Ang wika po ay isa sa mga tulay para masabi natin sa mga minamahal natin kung gaano natin sila kamahal.
  4. 4. 2. Presentasyon Tulad nga ng aking sinabi kanina, ang bawat larawan na nasa pisara ay may kaugnayan sa tatalakayin natin ngayon tungkol sa Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika. Ngunit bago natin simulan ang pagtatalakay ay papangkatin ko muna kayo sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ko ng tigdadalawang teorya ng pinagmulan ng wika at ako naman ang magtatalakay sa isa pang teorya ng pinagmulan ng wika. Ang gagawin ninyo sa teoryang ibibigay sa inyo ay pag-aaralan ninyo ang kahulugan nito pagkatapos ay ididikit ninyo ito sa pisara katabi ng larawan na sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa ng nasabing teorya. Pumili rin ng isa o dalawang representante para ipaliwanag ang nasabing teorya maging ang larawan na nagsisilbing halimbawa nito. Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto para gawin ang mga bagay na iyan. At pagkatapos ng inilaang oras ay magsisimula na tayo sa ating pagtatalakay. Tapos na ang ibinigay na oras, idikit niyo na sa pisara ang teoryang nasa inyo group 1 katabi ng larawan na sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa nito. 3. Pagtatalakay Paano niyo nasabi na ang larawang iyan ang siyang halimbawa ng Teoryang Bow-wow? Tama! Ano ba ang tunog ng mga aso na maaring maging isa sa mga dahilan ng pagkakaroon natin ng wika? Tama! Bukod sa mga asong nariyan sa larawan, ano-ano pa kaya ang maaaring halimbawa ng teoryang bow-wow? Teoryang Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Dahil ang aso po ay nagmula sa kalikasan at mayroon po itong tunog na maaari nating gayahin. Aw! Aw! Aw! Pusa, ibon, kambing at marami pang iba.
  5. 5. Magaling! Para naman sa isa pang teorya na nasa inyo, alin kaya sa mga larawang naririto ang sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa nito? Paano niyo nasabing ang larawang iyan ang halimbawa ng teoryang dingdong? Tama! At ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna‟y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba‟t ibang kahulugan. Ano-ano pa kaya ang halimbawa ng teoryang dingdong bukod sa doorbell? Magaling! Ang mga iyan ay halimbawa ng teoryang dingdong sapagkat ang mga ito ay mga bagay na likha ng tao na naglilikha rin ng tunog na maari nating gayahin. Maraming salamat sa inyong naging presentasyon group 1! Bigyan natin ng Angel‟s clap ang group 1! Para naman sa Ikalawang pangkat, idikit na sa pisara ang inyong teorya katabi ng larawan na sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa nito. Teoryang Dingdong - Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Dahil sa ang larawang ating nakikita ay isang doorbell. At ang doorbell ay isang bagay na likha ng tao na tumutunog at maaari natin itong gayahin. Electric fan, orasan at iba pa. Teoryang Pooh-pooh - Ayon sa teoryang ito, unang natutong magsalita ang mga tao nang hindi sinasadya. Napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
  6. 6. Ano ba ang kaugnayan ng larawan sa teoryang Pooh-pooh? Magbigay ng iba pang halimbawa ng teoryang Pooh-pooh bukod sa larawang ipinakita. Magaling! Ang mga iyan ay halimbawa ng teoryang Pooh-pooh sapagkat ang mga iyan ay mga masisidhing damdamin na maaari nating maramdaman. Para naman sa isa pang teorya na nasa inyo, alin kaya sa mga larawang naririto ang sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa nito? Paano niyo nasabi na ang nasa larawan ang siyang halimbawa ng teoryang Yo-he-ho? Tama! At ang iba pang halimbawa ng Teoryang Yo-he-ho ay ang mga tunog na nalilikha natin kapag tayo‟y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo„y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak. Maraming salamat sa inyong naging presentasyon group 2! Bigyan natin ng fireworks clap ang group 2! Para naman sa ikatlong pangkat, idikit na sa pisara ang inyong teorya katabi ng larawan na sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa nito. Ipinapakita po sa larawan na ang mga kabataan ay masaya kung sama- sama. At ang kasiyahan ay isang halimbawa ng teoryang Pooh-pooh dahil ito ay isang halimbawa ng masidhing damdamin na maaari nating maramdaman. Umiiyak, natatakot at iba pa. Teoryang Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Kung mapapansin po natin ang lalaki sa larawan, siya po ay pumapasan ng isang sakong bigas. At sa pagpasan mo po ay kailangan mong gumamit ng pwersang pisikal. Kapag gumagamit po kasi tayo ng pwersang pisikal ay may mga kataga po tayo na nababanggit.
  7. 7. Paano niyo nasabi na ang nasa larawan ang siyang halimbawa ng teoryang Ta-ra-ra-boom- de-ay? Tama! Likas na sa mga sinaunang tao noon ang paggawa ng mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Para naman sa isa pang teorya na nasa inyo, alin kaya sa mga larawang naririto ang sa tingin ninyo ay ang siyang halimbawa nito? Paano niyo nasabi na ang nasa larawan ang siyang halimbawa ng teoryang Ta-ta? Tama! Alam niyo rin ba klas na ang teoryang ito ay tinawag na ta-ta, sa wikang Pranses, na nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta. Ano-ano pa ba ang maaaring halimbawa ng teoryang ta-ta? Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay — Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na kalauna'y nagpabago-bago at nilapatan ng iba‟t ibang kahulugan. Ang nasa larawan po kasi ay mga kababaihan na sumasayaw habang gumagawa ng isang ritwal. Teoryang Ta-ta —Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna‟y magsalita. Ipinapakita po kasi sa larawan ang iba‟t ibang kumpas ng kamay. Kapag tumatawid po tayo sa kalye, ma‟am! Maaari po nating gamitin ang ating mga kamay upang gawing senyas na tayo ay tatawid. At dahil sa senyas o
  8. 8. Magaling! Maraming salamat sa inyong naging presentasyon group 3! Bigyan natin ng Aling Dionisia clap ang group 3! Para naman sa panghuli larawan, ito ay isang halimbawa ng teorya ng Tore ng Babel. Alam niyo ba ang kwento tungkol sa Tore ng Babel na makikita natin sa Genesis 11:1-8 klas? Tore ng Babel - Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa- hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8) Ano-ano nga ulit ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ang tinalakay natin ngayon? Magaling! Talagang kayo nga ay nakikinig. C. Paglalahat Ang wika ay totoong mahalaga sa ating pang araw-araw na pamumuhay sapagkat ito ang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan. Bagaman at hindi pa rin matiyak kung saan at paano ito kumpas na ginawa natin ay mangangahulugan itong “stop” o kaya naman ay dadahan-dahanin ng mga nagmamaneho ang kanilang pagpapatakbo. (Ikwi-kwento ng mag-aaral na may alam tungkol sa pangyayari sa tore ng babel. Kung wala ay ang guro na mismo ang pagko-kwento tungkol rito) Teoryang bow-wow, teoryang dingdong, teoryang pooh-pooh, teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay, teoryang tata, teoryang yo-he-ho at teorya ng tore ng babel.
  9. 9. nagsimula, isang katotohanan na ang wika ay umuunlad at nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon at lipunan. Sa inyong pananaw naman, alin sa mga teoryang tinalakay ang pinaka malapit sa katotohan? At bakit? Magaling! Ako‟y lubos na napahanga sa iyong naging kasagutan. D. Paglalapat(Aplikasyon) Kung bibigyan kayo ng pagkakataong gumawa ng sarili ninyong teorya tungkol sa wika, ano ang ipapangalan niyo dito at bakit? Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto sa paggawa nito. At mamarkahan kayo base sa pamantayan: Kaayusan--------------10 Kaugnayan------------- 5 Gamit ng wika------- --5 Kabuuan---------------20 Para po sa akin, mas malapit sa katotohanan ang teorya ng tore ng Babel sapagkat dahil sa katigasan ng ulo ng mga sinaunang tao, nilito ng diyos ang kanilang wika. Kaya tayo ngayon ay nagkaroon ng iba‟t ibang wika sa daigdig. GRASP Rubrics: Pamantayan: Lubos na naipamalas Naipamalas Hindi-gaanong naipamalas Kaayusan 10 9 8 Kaugnayan 5 4 3 Gamitngwika 5 4 3 Goal Ang mga mag-aaral ay makakagawa ng sarili nilang teorya tungkol sa wika. Role Tagagawa ng teorya sa pinagmulan ng wika. Audience Guro, kapwa mag-aaral Situation Gagawa ng sariling teorya ng pinagmulan ng wika ang mga mag-aaral para sa gaganapin research summit tungkol sa wika. Product/Performance Sariling gawa na teorya ng pinagmulan ng wika. Standard Pamantayan: Kaayusan--------------10 Kaugnayan------------5 Gamit ng wika------- 5 Kabuuan--------------25

×