1. SALAWIKAIN
Ang mga salawikain[1][2], kawikaan[1], kasabihan[1], wikain[1], o sawikain[1] ay mga maiiksing pangungusap na
lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito
ng mga karunungan.
Salawikain:Pagkahaba-haba manng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
-Kahulugan:Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan,sa bandang huli ay humahantong din ito sa
kasalan.
-Salawikain: Ang taong nagigipit,sa patalimman ay kumakapit.
-Kahulugan:Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring
maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan,tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang
mangailangan ng pera.
KAWIKAAN
Ang kawikaan,kasabihan at salawikain ay mga kasabihan na may malalim na kahuluganat nagbibigay patnubay at
payo sa ating pangaraw-araw na pamumuhay isinasaad sa mga maiikling pangungusap lamang subalit ang mga ito
ay makahulugan at makabuluhan.
1. KAWIKAAN 3:5 " Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong
sariling kaunawaan:"
2. KAWIKAAN 3:13 "Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng
kaunawaan."
KASABIHAN
Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito ay ipinasa sa atin ng ating mga ninuno, ang
kasabihan ay nagbibigay ng paalala at mabutiing aralsa atin.
Kung ano ang itinanim, siya rinang aanihin.
Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa,kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rinnila.
Kung ano ang puno,siya rinang bunga.
Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkatang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawanng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang.Ang mabuti(o masamang) anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
BULONG
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas. Sa
kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang
tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang panalangin ang
bulong binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayario pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari
sa kapalaran. Mga halimbawa ng uri ng bulong na nagtataboy ng masasamang diwa o maligno ay ang Xristac Ortac
Aminatac at " umalayu deketam e pesan a ore ni kamalotan de tabiang ni makedepat".
1.Tabi, tabi po, Ingkong.
2. Makikiraan po lamang.
BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong:mga
talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong),mga suliraning ipinapahayag sa isang
metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa
kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa
sagot.
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO (SHADOW)
2. Hindi hayop,hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon (belt)
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sapatos (shoes)
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – langgam (ant)