Pababa
1. Pangunahing
produktong pang-
agrikultura sa Central
Luzon.
3. Produktong magagawa
mula sa niyog.
4.Ipinagmamalaking
produkto ng Davao;
may kakaibang amoy
ngunit mainam ang
lasa.
5. Yamang namimina at
karaniwang
ginagawang alahas.
Pahalang
2. Magandang uri ng
bato na namimina sa
Romblon.
6. Pangunahing
produkto ng Quezon na
maaaring gawing
langis.
7. Produktong nahuhuli
sa dagat, ilog, o lawa.
8. Napakahalagang
yaman na nakukuha sa
mga punongkahoy sa
kagubatan
Pakinabang sa Kalakal at
Produkto
Ang Pilipinas ay sagana sa likas
na yaman. Kung kaya, ang Pilipino
ay karaniwan nang umaasa rito
upang matugunan ang kaniyang
mga pangangailangan. Maraming
produktong nakukuha sa mga
yamang ito. Ang mga ito rin ang
nagdudulot ng pag-angat ng antas
ng ekonomiya ng bansa
Pakinabang sa Turismo
Bukod sa mga kalakal at produkto,
likas na yaman ding maituturing ang
maraming lugar at tanawin sa bansa.
Malakas itong atraksiyon sa mga
turista buhat sa mga karatig-lalawigan
at maging sa labas ng bansa. Ilan sa
mga atraksiyong ito ang mga
dalampasigan, talon, ilog, kabundukan,
bulkan, kagubatan, at maging ang
ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga
turista ang mga makasaysayang lugar
sa bansa. Bunga nito, malaki ang
naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng
ekonomiya.
Pakinabang sa Enerhiya
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas
na yaman ng bansa. Isa itong malaking
bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya
dahil hindi na natin kailangang umangkat
pa ng maraming krudo o langis.
Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa
pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa
talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya,
at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte
sa pamamagitan ng windmill.
Ilan lamang ang mga ito sa kapakina-
bangang nakukuha sa ating mga likas na
yaman.
Sagutin.
1. Sa anong mga likas na yaman
sagana ang ating bansa?
2. Paano nakatutulong ang mga
likas na yaman sa pag-angat ng
ating kabuhayan?
3. Bukod sa mga produkto at
kalakal, sa anong mga likas na
yaman pa sagana at tanyag ang
ating bansa? Magbigay ng
halimbawa ng mga ito at kung
saan matatagpuan.
Gawain A
Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon.
Isulat ang sagot sa notbuk.
LIKAS NA YAMAN PAKINABANG NA PANG
EKONOMIKO
PRODUKTO;
TANAWIN;
ENERHIYA
Gawain B
Magpangkat ang klase sa
dalawang grupo. Magkaroon ng
debate
hinggil sa paksang: “Alin ang higitna
nakatutulong sa pag-angat ng
ekonomiya: magagandang
impraestruktura at kalakalan o ang
masaganang likas na yaman?” Ang
isang grupo ang tatalakay sa
impraestruktura at kalakalan at ang
isa masaganang likas na yaman.
Gawain C:
Lumikha ng isang
poster na nagpapakita
ng pakinabang na pang-
ekonomiko mula sa likas
na yaman ng bansa.
Ipaliwanag sa klase ang
kahulugan ng nilikhang
poster.
TANDAAN MO
• Ang mga likas na yaman ay
nakapagdudulot ng maraming
kapakinabangan sa ating
ekonomiya.
• Ilan sa mga pinagmumulan ng
kapakinabangang
pangekonomiko ay ang mga
produkto at kalakal mula sa mga
likas na yaman, turismo, at
kalakalan.
Pagtataya:
Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang mga
pakinabang na pang-ekonomiko mula sa mga
sumusunod:
______ 1. Taniman ng strawberry sa Baguio
______ 2. Lungsod ng Tagaytay
______ 3. Puerto Galera
______ 4. marmol
______ 5. Bulkang Mayon
______ 6. ginto, pilak, at tanso
______ 7. Puerto Princesa Underground River
Takdang Aralin:
• 1. Magsagawa ng
pananaliksik sa inyong lugar
tungkol sa likas na yaman na
nagdudulot ng
kapakinabangan at di
kapakinabangan sa
ekonomya ng bansa.
• 2. Magtanong sa mga taong
nakatatanda at may
kinalaman tungkol dito.