Se ha denunciado esta presentación.
Se está descargando tu SlideShare. ×

Banghay Aralin sa Filipino V

Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Próximo SlideShare
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
Cargando en…3
×

Eche un vistazo a continuación

1 de 2 Anuncio

Más Contenido Relacionado

Presentaciones para usted (20)

Similares a Banghay Aralin sa Filipino V (20)

Anuncio

Más de Emilyn Ragasa (20)

Más reciente (20)

Anuncio

Banghay Aralin sa Filipino V

  1. 1. BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I. Layunin a. Nagagamit ang angkop na pang-uri sa pangngalan o panghalip b. Nakapaglalarawan ng pangngalan o panghalip c. Nakikilala ang uring pamilang d. Natutukoy kong ang pang-uri ay may kaugnay sa pandama, panlasa, paningin, pang-amoy, o pandinig II. Paksang Aralin A. Paksa: Pang-uri  Paglalarawan  Pang-uring Panlarawan at Pang-uring Pamilang B. Sangguniang Aklat: Diwang Kayumanggi, pp. 177-179 C. Kagamitan: manila paper, pentlepen, larawan III. Pamamaraan Tanungin ang mga mag-aaral *Paano kayo magmahal sa inyong ina? A. Pagganyak Basahin ang talata Maituturing na dakila ang isang ina. Mula sa kanyang sinapupunan ay isinilang ang karugtong ng kanyang buhay – ang kanyang mga anak. Wala nang hihigit pa sa pag-aarugang ibinibigay niya sa kanyang anak. Hindi nagtatapos sa pagsilang ng isang sanggol ang tungkuling ginagampanan ng isang ina, kundi kaakibat nito ang pagiging matiisin, maunawain, matiyaga, mapagmalasakit, at mapagmahal. Iyan ang inang may dalisay na puso ng pagpapahalaga sa kanyang mga anak. 1. Ano-ano ang paglalarawang binanggit tungkol sa ina? 2. Ano ang tawag sa paglalarawang ito?4 B. Paglalahad ALAMIN Tinatawag na pang-uri ang mga salitang naglalarawan. Maaaring ang inilalarawan nito ay katangian ng pangngalan opanghalip. May dalawang uri ang pang-uri: ang pang-uring panlarawan at ang pang-uring pamilang.  Ang pang-uring panlarawan ay naglalarawan ng anyo, hugis, kulay, at iba pang katangiang kaugnay ng pandama, pang-amoy, paningin, panlasa at pandinig. Halimbawa: Magaspang ba ang kamay mo? Ang boses niya ay mahina.  Ang pang-uring pamilang ay naglalarawan ng bilang, dami at halaga. Ito ay maaring tiyak o di-tiyak. Halimbawa ng Tiyak ng Pang-uring Pamilang. Isa lamang ang kanyang sapatos. Wala siyang pamasahe kahapon. Halimbawa ng Di-Tiyak ang Pang-uring Pamilang. Kaunti ang papel na binili ng babae. Marami silang panauhin. Hayaang magbigay ng halimbawa ang mga mag-aaral.
  2. 2. C. Paglalahat Ano ang pang-uri? Ano ang dalawang uri ng pang-uri? D. Pangwakas na Gawain Paglalapat Ipagawa ang mga pagsasanay sa pp. 178-179 A. Bilugan ang pang-uring ginamit sa pangungusap. 1. Lanta na ang bulaklak sa plorera. 2. Mabaho na ang amoy ng isda. 3. Masangsang ang amoy ng pabango niya 4. Sampung katao ang dumating kanina. 5. Sandaang panauhin ang inaasahan nilang dadalo sa handaan. 6. Makipot ang daang ito. 7. Bilasa na yata ang isdang binili mo. 8. Napakatayog ng kanyang pangarap. 9. Malamig na ang simoy ng hangin. 10.Mahapdi iayan sa balat. IV. Pagtataya Panuto: Isulat kung ang mga pang-uri sa bawat bilang ay kaugnay ng pandama, panlasa, paningin, pang-amoy, o pandinig. 1. Makulimlim _______________ 8. Matalas ______________ 2. Mataginting _______________ 9. Maganda ______________ 3. Mapakla _______________ 10. Matamis ______________ 4. Maasim _______________ 5. Maliwanag _______________ 6. Mabango _______________ 7. Mahapdi _______________ V. Takdang Aralin Punan ng pang-uring panlarawan ang pangungusap. 1. Kailangan ko ng _________________ na gunting para sa papel na ito. 2. ________________ ang batang iyan kaya naiiwan sa lakaran. 3. ________________ na ba ang ytong mata kaya hindi mo Makita ang butas ng karayom? 4. Nakapaglaba sila na _________________ na batis. 5. ________________ ang tunog ng radio kaya’t pakilakasan mo. Inihanda ni: Emilyn R. Ragasa Aplikanteng Guro

×