5. YAMANG LIKAS
Ang yamang likas ay ang pangunahing
pinagmumulan ng yaman at batayan ng
kaunlarang pangkabuhayan
Yaman na biyaya ng kalikasan.
Mga likas na yaman
- kagubatan, anyong tubig, anyong lupa,
mineral, mga isda at hayop.
6.
7. YAMANG LUPA
Ang lupain sa ating bansa ay may sukat na
300,000 na kilometro kuwadrado. Ito ay binubuo
ng iba’t ibang anyong lupa
Ang lupa ay pinanggagalingan ng mga hilaw na
materyales na kailangan sa paglikha ng mga
produkto.
Mahigit sa 50% ng ating lupain ay kagubatan.
Ang natitira ay alienable at disposable lands o mga
lupain na maaring ipamana o ipamahagi tulad ng
mga lupaing residensyal, komersyal at lupang
agrikultural.
8.
9. YAMANG GUBAT
Mahigit kalahati ng ating kalupaan ay mga kagubatan.
Mahigit 50% naman ng kagubatan sa bansa ay matatagpuan
sa Mindanao.
Ang CARAGA ay katatagpuan ng virgin forests.
Ang mga kagubatan tulad ng mangrove, beach, at molave ay
matatagpuan sa mababang lugar.
Ang dipterocarp, pine at mossy ay sa matataas na lugar.
Ang ating kagubatan ay puros mga tropical forests.
10. MGA URI NG PUNO NA MATATAGPUAN
SA ATING KAGUBATAN.
Pinanggagalingan ng
matitibay na kahoy at
ginagawang
muwebles.
11. dipterocarp
Kilala bilang Philippine
Mahogany, ito ay ginagawang
herbal na gamot
bamboo
Isang mataas na halamang
tropikal at uri ng damo na
walang halaman ang tangkay,
ginagawa itong basket, bahay,
tulay at muwebles
12. MANGROVES
Nagsisilbing bakod
sa mga mababang
bahagi ng katubigan
NIPA PALMS
Pinanggagalingan ng
materyal sa paggawa ng
bahay sa lalawigan o
bahayy kubo
13.
14. Ang mabilis ang pagkasira at
pagkaubos ng ating kagubatan
ay isang malaking suliranin ito ay
dahil sa ilegal na pagtotroso,
pagputol sa mga batang
punongkahoy at pagkakaingin.
19. GLOBAL WARMING
Ito ay ang pag-init ng ating kapaligiran
kaya ang climate change ay ating
nararanasan.
Ang “Climate Change” ang biglaang
pagbabago ng klima o panahon mula
sa malamig hanggang sa mainit na
panahon.
20. BAHAGING GINAGAMPANAN NG PAMAHALAAN SA
PAGSAGIP NG ATING KAGUBATAN
Ang One Manila at Green Peace
Environment ay sinusulong ang
reforestation.
Ang reforestation ay ang pagtatanim muli ng
mga puno sa kagubatan isinasagawa upang
mapalitan ang mga nawalang puno.
Mahalaga rin magkaroon ng political will
ang pamahalaan upang ipatupad ang log
ban.
21. Ang ating ekonomiya, ekolohiya at ang susunod na
henerasyon ay maapektuhan kapag hindi nabigyang
pansin ang kalagayan ng ating kagubatan.
Bawat isa sa atin ay may pananagutan sa
pangangalaga ng ating kagubatan dahil tayo rin ang
gumagamit nito.
Mahalaga na tayo ay magkaisa, magmalasakit at
magtulungan upang malinang at mapagyaman muli
ang ating kagubatan.
22. PRIORITY PROTECTED AREAS
MOUNT ISAROG NATIONAL PARK
- Ang Mount Isarog ang pangalawang pinakamataas
na bulkan na may sukat na 1,996 meters above sea
level sa Bicol Region
23. PALANAN WILDERNESS AREA (SIERRA MADRE,
NORTHERN LUZON)
- Ang pinakamalaking protected areas sa Pilipinas na
kumakatawan sa sampung bahagdan ng natitirang pangunahing
kagubatan sa ating bansa.
25. MOUNT GUITING-GUITING NATURAL PARK
(ROMBLON)
- Ang kagila-gilas na dalisdis ng bulubunduking
kagubatan na ito, ang dahilan kung bakit
napangalagaan at napagyaman ang lugar na ito.
Matatagpuan dito ang malalaking unggoy, fruit bats at
mahigit na 100 na kilalang specie ng ibon.
26. EL NIDO MARINE RESERVE (PALAWAN)
- Isa sa pinakatanyag na tourist spot sa ating bansa.
27. CORON ISLAND
-ang isla na katatagpuan ng virgin forests na
nakamamanghang dalisdis. Ang Tagbanua, ang
mga katutubong residente ng Coron, ay tinatayang
isa sa mga pinakamatandang pangkat-etniko sa
ating bansa
37. YAMANG TUBIG
Ang ating territorial water ay may sukat na 1.67 milyon
kilometro kwadrado na dahilan upang kilalanin ang bansa na
isa sa mga sentro ng pangisdaan.
Ang ating karagatan, dagat, ilog, sapa at iba pang anyong
tubig ay pinagkukunan ng iba’t ibang pagkaing dagat.
Humigit sa 70% ng produksiyon ng isda ay buhat sa Gitnang
Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon kasama na rin ang
baybayin ng Sulu, Zamboanga at Maynila.
38. MGA SULIRANIN NG YAMANG TUBIG
POLUSYON
PAGKASIRA NG
CORAL REEFS
PAGKAUBOS NG
YAMANG DAGAT
39. KAWALAN NG DISIPLINA
Ang pagtatapon ng basura sa estero, ilog, sapa at
karagatan ay nagpapakita ng kawalan ng disiplina dahil
sa mga anyong tubig na ito kumukuha ng hanapbuhay
ang mga tao.
Dahil sa pagtatapon natin dito ay nagkakaroon ng red
tide dahil sa microorganism na tinatawag na
dinoflagellates.
Ang paggamit ng pinong lambat at dinamita ay
nakakapinsala rin sa mga yamang dagat.
40. KAKULANGAN SA KAALAMAN
Ang mga mangingisda ay walang sapat na
kaalaman tungkol sa pagpapaunlad ng industriya
ng pangingisda.
Ang paggamit ng makabagong teknolohiya at
kasanayan sa modernong pamamaraan ng
pangingisda at pangangalaga sa yamang dagat
ay dapat maturo sa kanila upang
maproteksiyonan at mapagyaman nila ang mga
yamang dagat.
41. HINDI PAGPAPATUPAD NG MGA BATAS UKOL SA
PANGANGALAGA NG YAMANG DAGAT.
Ang polusyon sa tubig ay lalong lumalala at
nagbubunga ng cyanide poisoning.
Ang sodium cyanide ay isang kemikal na
ginagamit sa panghuhuli ng pulutong na
isda para foreign at domestic na pamilihan.
42. MGA BATAS NA DAPAT IPATUPAD UPANG
MAPANGALAGAAN ANG YAMANG TUBIG.
Republic Act 7160
- Tinatawag na Local Government Code ng
Pilipinas na nagpapatupad ng batas sa
sanitasyon at kalinisan sa kapaligiran.
Republic Act 3931
-Tinatawag rin na National Water and Air
Pollution Control Commission. Ang batas na
nagbabawal at nagpaparusa sa sinumang
nagtatapon sa tubig na nagdudulot ng
polusyon sa likas na yaman.
43. Presidential Decree 948
- Batas na sumusulong sa R.A 3931 at
nagbibigay daan sa pagtatag ng Pollution
Control Law na nagsasagawa ng
pangongolekta ng mga solidong bagay na
itinatapon sa ilog at iba pang anyong tubig.
Executive Order 54 ( SAGIP PASIG)
- Ang nagtatag ng Pasig River Rehabilitation
Commission na ang pangunahing layunin ay
linisin, sagipin, at buhayin muli ang Ilog
Pasig na isang makasaysayang ilog sa ating
bansa.
44. KAGAWARAN NG KAPALIGIRAN AT
LIKAS NA YAMAN ( DENR)
Ang pangunahing ahensiya ng
pamahalan na may pananagutan sa
pangangalaga at pagbibigay
proteksiyon sa mga likas na yaman.
Naglulunsad din ito ng mga programa
at proyekto upang iligtas ang iba’t
ibang uri ng yamang tubig.
45. BUREAU OF AQUATIC RESOURCES
Ang mga lokal na pamahalaan,
print at broadcast media at ang
mga komunidad ay
nakikipagtulungan sa
pagsasagawa ng rehabilitasyon
ng Ilog Pasig.
49. YAMANG MINERAL
Ito ang yaman na nakukuha sa kailaliman ng lupa. Ang
lupaing sumasakop sa yamang ito ay kabilang sa mga
lupaing pag-aari ng bayan.
Ito ay isa sa pinakamahalagang yaman ng bansa, kaya
kailangang mapangalagaan at maproteksiyonan ito mula sa
mapang-abuso na tao.
Sa pamamagitan ng Republic Act 7942 ( An Act Instituting a
New System of Mineral Resources Exploration, Development,
Utilization and Conservation) ay itinaguyod ang
pagpapaunlad ng mineral.
50. MGA URI NG MINERAL
METAL DI-METAL
GINTO
TANSO
COPPER
PILAK
NIKEL
BAKAL
MARMOL
ASBESTOS
JADE
ASOGE
LIMESTONE
ALUMINYO
CLAY
SULPHUR
PETROLYO
GAS
KARBON
51. Sa Isla ng Nonoc, Surigao matatagpuan ang
mayamang deposito ng nikel na ginagamit sa
paggawa ng baterya.
52. Ang gintong minimina sa Benguet, Paracale,
Camarines Norte at Masbate ay kailangan sa
paggawa ng mga mamahaling alahas.
53. Ang bakal na nakukuha sa Zamboanga del Sur,
Davao Oriental at Camarines Norte ay
pinapakinabangan sa paglikha ng asero na
kailangan asa proyektong imprastraktura.
54. Ang marmol ay isang di-metal na mineral na
may pinakamalaking deposito sa Romblon.
Ginagamit ito sa paggawa ng sahig, dingding ng
bahay at gusali at mga kagamitang
pandekorasyon.
55. Ang jade naman ay ginagawang alahas at
pandekorasyon ay makukuha sa sa Sta.
Cruz, Zambales.
56. Ang gas at petrolyo ay mga di-metal
na mineral na mahalaga sa
ekonomiya.
58. Ang malaking deposito ng langis ay natuklasan sa mga
bahagi ng Palawan. Ang Malampaya Oil Project sa
Palawan ay isinasagawa upang makakuha ng langis at
gas na maisu-supply sa pangangailangan ng ekonomiya
at inaasahan na magbabawas ng pagkakadepende ng
ating bansa sa mga imported fuel
59.
60. YAMANG ENERHIYA
Ito ang pinagkukunan ng lakas at
kakayahan sa paggawa.
Sa ating bansa, may iba’t ibang
pinagkukunan ng enerhiya na
makatutulong sa atin kapag
nagkaroon ng krisis sa enerhiya.
61. HYDROELECTRIC ENERGY
Galing sa ating mga yamang tubig tulad ng Maria
Cristina Falls sa Lanao del Norte na nagsu-supply
ng elektrisidad sa Mindanao
62. GEOTHERMAL ENERGY
Isa sa mga enerhiya nakapag-aambag sa
operasyon sa industriya. Ito ay nagmumula sa
ilalim ng lupa.
63. DENDROTHERMAL ENERGY
Ang enerhiya na buhat sa singaw na likha
ng mga nasusunog na kahoy tulad na
lamang ng Ipil-ipil.
66. WIND ENERGY
Enerhiya na galing sa mga windmills, ito ay
pinapatakbo sa pamamagitan ng wind turbines. Ang
blades na ito ang tumutulak sa generator na
lumilikha ng elektrisidad.
69. YAMANG KAPITAL
Ang yamang kapital ay tumutukoy sa lahat ng mga bagay na
ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang
mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong
produkto.
Kabilang dito ang mga kagamitan, makinarya, kasangkapan,
pabrika, imbakan, transportasyon at iba pang ga pasilidad na
ginagamit sa proseso ng produksyon.
Ang kalakal na capital ay kakaiba sa mga kalakal na pang-
konsumo
70.
71. YAMANG TAO
Mahalaga ang sa salik ng produksiyon
ang tao sapagkat siya ang gumagamit
ng lakas at nagpaunlad sa mga
yamang likas
Ang yamang tao ay batayan din sa
pag-unlad. Tao ang naghahawan ng
landas patungo sa kaunlarang
pangkabuhayan at hangaring
panlipunan ng bansa.