2. Michael P. Untalan
Mahusay na mananalastas. Isang talento na biyaya sa
kanya at kitang kita na ito sa kanya mula pa ng kanyang pagka
bata. Makailang beses na ginawaran ng pagkilala ng elementarya
dahil sa husay sa larangan ng akademika at ekstra kurikular.
Unang nagpakita ng interes sa pulitika at larangan ng
serbisyo publiko ng tumakbo bilang Sangguniang Kabataan
Chairman taong 1996.
Unang Kagawad
Chairman, Committee on Bilang isang SK Chairman, marami ang kanyang
Education, Labor and nagawang programa sa larangan ng Youth and Sports
Employment Development para sa mga kabataan. Sa kanyang panunungkulan
ay higit na naging aktibo ang mga kabataan sa larong Basketball,
Chairman, Committee on
Forms and Revision Volleyball, Table Tennis, Dart at Chess. Binuksan sa publiko ang
SK Hall kung saan ito ay nagsilbing sentro ng komunikasyon ng
Chairman, Committee on mga kabataan sa barangay.
Blue Ribbon
Area of Responsibility Napaganda rin nya ang pasilidad ng barangay tulad ng
Sitio – 5 Volleyball, Tennis Court at ang Sta. Lucia Covered Court na
siyang pinagdarausan ng iba’t ibang programang pampalakasan
J. Abad Santos St (Portion)
para sa kainaman ng mga kabarangay.
A Mabini St (portion)
A Bonifacio St (Portion)
T Alonzo St Pagkatapos ng kanyang termino bilang Chairman ng
P Paterno St Sanguniang Kabataan ay pinasok naman nya ang pagiging
Natividad St
Kagawad. Taong 2002 ng una syang nanalo bilang Kagawad. At
Rajah Soliman St
J. P. Rizal St (Portion) dahil pangalawa sa pinaka mataas ang kanyang botong nakamit
mula sa tao tinumbasan nya ito ng walang humpay at di
matatawarang serbisyo. Sya ay naging isang mahusay na
kagawad ng ating barangay, patunay dito ang kanyang pagkakaluklok ng ikalawang beses, una
sa panahon ng dating kapitan Jun Jumadiao at ngayon naman ay bilang unang kagawad.
Isa sa mahusay na taga balangkas ng usaping pananalapi ng barangay, iniatang sa kanya
ang Committee on Appropriations. Ayon sa mga bago at maging mga datihan ng kagawad,
marami ang maaaring maibahagi ni Kagawad Mike Untalan sa paglago ng bawat isa.
47
3. oong nakalipas na taon, sa pamagitan ng
kanyang Committee on Education ay
inilunsad nya ang Barangay E-Library.
Isang pasilidad ng barangay na naglalayon na
magbigay ng libreng Internet Services at libreng gamit
ng computer maging mga libro upang makatulong sa
pag-aaral ng ating mga estudyanteng kabarangay.
Itinaguyod ang Community Based Alternative
San Gabriel Elementary School
Learning System (ALS) para sa mga Out of School
Youth (OSY) ng ating barangay. Ito ay programa ng
Department of Education na nagbibigay pagkakataon
sa mga OSY na makapagtapos ng kanilang pag-aaral
sa elementarya at sekondarya. Si Manny Pacquiao ay
nakapagtapos ng High School dahil sa ALS. Sa ating
barangay, marami rin ang nakinabang sa programang
ito. Edukasyon ang solusyon!
Ang buhay ng ating kagawad ay nakamulatan na ng karamihan sa ating barangay. Siya
ay palakaibigan, mapagmahal sa kapwa at magalang sa matatanda. Nagsimula bilang bata,
nagbinata at hanggang sa nagkaroon ng asawa at sariling anak.
Ngayon, mas higit ang kanyang kagustuhan na mapaganda ang barangay para sa
kinabukasan ng mas maraming kabataan kabilang na ang kanyang anak. Ang kanyang husay
sa talastasan, pananalapi at pamumuno ang syang naging haligi ng kanyang pagseserbisyo sa
ating barangay.
Sa kanyang murang edad ay napakarami pa ang pwedeng patunayan at napakarami
pa rin ng kanyang pwedeng tunguhin upang lumago. Bilang Unang Kagawad lubos din ang
tiwala na ibinibigay ng ating komunidad sa kanya upang patuloy na maisulong ang pag-
unlad ng ating minamahal na Barangay Sta. Lucia. /noeme
48
5. Narciso G. Lamoglia
Ang mga LAMOGLIA ang isa sa mga tinuturing na mga unang
pamilya na nanirahan sa ating barangay. Bilang patunay ay naging isa
sa mga naging konsehal ng lugar ang kanyang ama na si G. Jose
Lamoglia at naging kaagapay sa pagpoproseso upang maging isang
ganap na barangay ang ating lugar.
1959 ng unang tumuntong sa Bgy Sta. Lucia si Kgd Narsing,
kasama ang kanyang mga magulang mula sa Sta. Mesa, Lungsod ng
Maynila. Dito na rin sila nagkakilala ni Myrna Santos na naging
kanyang maybahay at nagsimula ng mag pamilya ng 1966 at na
biyayaan ng apat na anak na babae. 1979 dala ng pangangailangan na
Ikalawang Kagawad maitaguyod ang lumalaking pamilya at pag-aaral ng kanyang mga
anak ay nagpasyang tumungo sa dayuhang lupain si Kgd Narsing
Chairman, Committee on upang kumita. Namasukan sya sa ilang malalaking kumpanya tulad
Finance Arieb Enterprises sa Riyadh Saudi Arabia. Mahabang panahon din ang
nagugol ni Kgd Narsing sa dayuhang lupain. Sa pamamagitan nito ay
Chairman, Committee on napagtapos nya ang kanyang apat na anak.
Justice and Human Rights
Pagkalipas ng ilang taon ay nakapagpasya ang ating kagawad
Area of Responsibility na muling bumalik sa kanyang lupang sinilangan at muling mamuhay
Sitio – 3 kasama ng kanyang mga mahal sa buhay. Noon pa man, ay isa na sa
mga takbuhan ng ating mga kababayan si Kgd Narsing. Dala na rin
J. P. Rizal St (Portion) marahil ng paglilingkod na ipinakita ng kanyang ama, sya rin ay
Visayas Avenue nagkaroon ng bukas na loob sa mga taong nangangailangan sa ating
Francisco Park lugar. Ang kanyang likas na kababaang loob at masayahing
P. Bukaneg St. personalidad ang naglapit sa kanya sa mas nakakaraming tao sa Sta.
Lucia. Hindi pa man sya kagawad ay naging matunog na ang kanyang
F. Balagtas St.
pangalan sa kanilang lugar bilang “Mang Narsing” o “Ninong” sa
E. Aguinaldo
karamihan.
Panday Pira St.
Lakandula
Ang kanyang mahigit na labing anim (16) na taong paglilingkod
M. Aquino
bilang kagawad ng barangay ay isang patunay ng malaking tiwala at
Lopez Jaena St. pagkilalang ipinagkaloob ng mga taumbayan sa kanyang mahusay at
maayos na serbisyo. Nagsimula sa paglilingkod si Kgd Narsing ng
Homeowner’s Associations 1986, kasabay ng sapilitang pagbaba sa pwesto ni dating Presidente
Marcos, ng nagtatag ng Revolutionary Government ang dating
Pinagpala Ka Inc. Pangulong Cory Aquino. Kasama ng dating Kapitan del Barrio Arturo
David, si Kgd Narsing ay isa sa mga napiling mai appoint bilang isa sa
Francisco Balagtas HOA mga konsehal ng barangay.
Samahan ng Melchora At ng March 28, 1989 dahil sa kagalingang kanyang ipinakita
Aquino Neigborhood bilang appointee noong Revolutionary Government, muli syang
Association (SAMANA) naihalal bilang kagawad kasama ng nanalong si Kapitan Ernesto “Boy
Mamaw” Linga. 1994 Makatapos ang termino ng dating Kapitan Linga
ay naluklok naman sa pwesto si Kapitan Juan Arreza.
50
6. atulad ng inaasahan ay muli na naman namayagpag ang pangalan ni Kgd Narsing sa
eleksyon at muling napabilang sa liga ng mga bagong kagawad. Ng taong 1997, at sa
kanyang ika-3 termino bilang Kagawad ng Sta Lucia naging kasama naman nya sa
paglilingkod si dating Kapitan Luciano Galvez. Mas higit na ibayo ang ibinigay ni Kgd
Narsing sa kanyang huling termino bilang pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya sa mahabang
panahon.
Pagkatapos ng kanyang termino bilang kagawad ay sumubok din syang tumakbo bilang Punong
Barangay ng Sta. Lucia, subalit hindi pinalad ng panahong iyon. Ganun pa man ay hindi ito naging
hadlang sa kanyang adhikain na makatulong sa ating mga kabarangay.
Binansagang “Ninong” ng mga taga Sitio 3 dahil sa kanyang
kabutihang loob na akuin ang ibang responsibilidad at kahandaang
tumulong sa oras ng pangangailangan. Ang mga nangangailangan ng
gamot at mga naulila ay kanyang inaaalalayan.
Minsan na ring nabigyan ng papuri ng simbahan si Kgd Narsing
Jeepney Terminal
ng sya ay bumuo ng isang “Foot Patrol “ sa kanilang lugar upang
labanan ang mga nakawan at mga masasamang tao noong 1990’s.
Matapang niyang sinusuong ang mga lugar kasama ang kanyang grupo
ng kalalakihan sa Sitio 3 upang mapanatili ang katahimikan sa kanilang
lugar. Naging napakalawak na nga ng kanyang pagsisilbi sa ating lugar.
Ang pagbibigay serbisyo sa nakararami at mga naghihirap nating mga
kabarangay ay sadyang nakatatak na sa puso at isipan ng ating
Kagawad.
Business Establishment
Kaya ng 2007 muling tumakbo sa halalan si Kgd Narsing at tulad ng dati mainit na tinanggap ng
mga residente ang kanyang pagbabalik. Naging pangalawa sya sa nagkamit ng pinakamataas na boto sa
hanay ng mga bagong kagawad. Isang pagsisilbi na tunay na hinanap hanap ng nakararami. At sa
kanyang pagpapasalamat sa muling pagtanggap ay hindi nabigo ang ating kabarangay. Nagawa nyang
isulong ang pagsasaayos ng mga sirang daan sa Sitio 3, sa tulong na rin ng ating Mayor Sonny Belmonte
ang mga kalye ng P. Bukaneg, Francisco Park, Aguinaldo at Panday Pira ay napasemento na.
At ngayon, bilang bagong halal na Presidente ng Senior Citizens ng Bgy Sta. Lucia, si Kgd Narsing
ay bumabalangkas na ng mga programa na magbibigay tulong sa ating mga nakatatandang miyembro na
hikahos sa buhay ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal.
Subok na maaasahan na ipaglalaban ang bawat karapatan ng kanyang nasasakupan ng hindi
tumitingin sa edad, kasarian o antas ng pamumuhay dahil, noon at ngayon, sa puso ni Kgd Narsing ay
nakatatak na ang pagbibigay ng tapat na serbisyo at pagmamahal sa sinumpaang tungkulin at mga
kabarangay na nangangailangan. /noeme
51
8. Lourdes A. Arreza
Work! Work! Work! ito ang salitang madalas banggitin
ni Kagawad Lourdes Aquino-Arreza. Simpleng salita ngunit
may bigat at puno ng mensahe nyang ipinaaabot ang ibig
sabihin nito. Magtrabaho ng may pagmamahal at may
malasakit, magtrabaho ng tapat at walang reklamo o paninilip
sa iba.
Si Kagawad Lou ay anak nina G. Arsenio E. Aquino at
Ikatlong Kagawad
Segunda Zabala-Aquino, sya ipinanganak noong November
Chairman, Committee on 21, 1937 sa Camarines Norte. Bilang anak siya ay mapagmahal,
Health and Social magalang at masunuring bata. At dahil naman sa katangiang
Services ito mas lalo pa syang minahal ng kanyang mga magulang at
Area of Responsibility mga kaibigan. Nakapagtapos ng Kursong Edukasyon sa
Sitio – 7 National Teachers College noong 1960.
Tarhaville
J. Palma Dahil likas sa kanya ang kagustuhang makapagturo at
Calderon St magbahagi ng kaalaman sa kabataan nagtrabaho sya bilang
Lapu Lapu St guro sa mababang paaralan ng Sison, Pangasinan. Nagtrabaho
rin siya bilang Animal Technician sa Bureau of Animal
Homeowner’s Associations
Industry.
Tarhaville Homeowners
Association (TARHOA)
Siya ikinasal kay G. Angel P. Tamondong at nagkaroon
J. Palma Neighborhood sila ng apat na anak si Angelito, Ricardo, Cresilda, at Cecilia.
Associtaion (JPNAI) Sa kasawiang palad ay namatay ang kanyang asawa na si
Angel dahil sa sakit na colon cancer.
Samahan ng mga
Kababaihan ng F. Calderon
Sa Ikalawang pagkakataon, sya ay umibig at ikinasal
Samahan ng mga noong May 31, 1987 kay dating kapitan Juan Y. Arreza. Tapat
Kababaihan ng Lapu Lapu
na asawa, maalalahanin, maasikaso at mapagmahal ilan
lamang yan sa mga katangian ng ating mahal na Kagawad
Arreza.
53
9. aging kagawad ng panahon ni Mayor Ismael Mathay Jr., kung saan ipinakita nya
ang kanyang kasipagan at dedikasyon sa tungkulin. Naging Pangulo ng
Federation of Senior Citizens Affair, Sta. Lucia Chapter (FSCAP, Inc.) noong 1989 –
2009. Muli syang nailuklok bilang Kagawad Noong taong 2002 hanggang sa kasalukuyan.
Bilang nag-iisang bulaklak ng konseho ng Sta. Lucia kilala rin si Kgd Arreza sa tawag
na nanay ng Barangay. Sa kabila ng kanyang edad mahusay nyang ginagampanan ang
kanyang tungkulin bilang Public Servant. Huwaran ng kababaihan, dahil matapang nyang
hinaharap ang anumang responsibilidad sa buhay.
Si Kagawad Lou Arreza ay isang buhay na saksi sa pag-unlad ng barangay Sta. Lucia,
mula sa dating maputik at madilim na kalsada hanggang naging sementado at kaaya-ayang
lakaran, sa mga pasilidad at imprastraktura naitayo ito sa barangay Sta. Lucia dito ko mas
nauunawaan ang simple niyang mensahe sa ating lahat “Work! Work! Work!”. /april
Yakap Day Care Center, Tarha Ville.
54
11. Francisco P. Niñal
Friend ng lahat. Yan si Kgd Frank Niñal, binansagang
“Small But Terrible” ng konseho. Hindi matatawaran ang
husay ng maliit na mamang ito pagdating sa trabaho. Bagamat
hindi kapansin pansin dahil sa kanyang payak na
pamumuhay, magiging isang rebelasyon na tuklasin ang
buhay na pinanggalingan ng isang Frank Niñal. Ang buhay ni
Kgd Frank ay parang isang kwento na nababasa lamang sa
mga komiks o di kaya ay napapanood sa mga Tagalog Movies.
Ika-Apat na Kagawad Tubong Negros Oriental ang ina ni Kgd Frank
Chairman, Committee on samantalang Cebuano naman ang kanyang ama. Bilang bata ay
Public Works and tumatak sa isip ng batang Frank na ang kaginhawahan ay
Infrastructure matatagpuan sa Maynila kaya bitbit ang lakas ng loob at ilang
tropa ng kaibigan sinuong ni Kgd Frank ang Maynila ng taong
Chairman, Committee on
Appropriations, 1973 upang matagpuan ang katuparan ng kanyang pangarap.
Ways and Means
Matapang
Area of Responsibility
Sitio – 1 Ngunit katulad ng ilang minsang nangarap, nasadlak sa
J. P. Rizal St (Portion) isang di kagandahang trabaho si Kgd Frank bilang
Castro St ordinaryong trabahador sa isang Factory sa Kaliraya Tatalon,
Paguio St
Riveraville St dumanas ng hirap sa mapang aping amo. Maliit pero buo ang
Cursillista St loob na lumaban, sinampahan ng kaso ni Kgd Frank ang
Amityville kanyang amo laban sa maliit na pasahod nito. Kulang man ang
Cursillista
tiwala ng mga kasamahan dahil na rin sa kanyang kaliitan ay
Galvez St
Sta. Marcela nagbigay pa din ng suporta ang ilang nyang kasamahan.
Plainville Naging lider ng manggagawa upang isampa ang kaso ng
“Unfair Labor Practices” sa kanilang amo, nakadanas man ng
Homeowner’s Association
Pamana HOA pananakot ay hindi natinag ang ating probinsyano.
Fourteenville HOA
Magika Makalipas ang ilang usapin laking gulat nila ng isang
Plainville HOA
Amityville HOA ordinaryong probinsyano ay naipanalo ang matagal na nilang
Happyville laban. Ito ang nagbigay karagdagan ng lakas ng loob kay Kgd
SUNA Frank upang patuloy na suungin ang hamon ng Maynila.
Paguio HOA
Teacher’s Ville
56
12. aasahan
Pagkatapos na magtrabaho sa isang factory ay
naging Inspector naman ng bus ng DM Transit
byaheng Monumento - Muntinlupa si Kgd Frank ng 1980.
Nakatanim sa puso at isip ang obligasyon na
matulungang maitawid sa kahirapan ang mga magulang,
di sya nakakalimot na padalhan ang mga ito ng tulong
pinansyal. At ng maging maayos na ang kanyang Yakap Daycare Plain Ville
katayuan sa Maynila ay pinilit nyang kunin ang ilan sa
kanyang mga kapatid upang makasama at matulungan.
Dala na rin marahil ng kanyang husay sa pakiki-
pagkapwa ay nailuklok sya upang maging lider ng tatalon
Neighborhood Association at kinatawan nya ang kanyang
mga kapitbahay sa kanilang hiling na magkaroon ng
disenteng tirahan na maari nilang bayaran.
Mapagkakatiwalaan Pamana Chapel
Dahil may likas na tapang na taglay, nakilala sya ng
mga tauhan ng dating Alkalde bilang isang mahusay na lider na hindi basta basta sumusuko
at handang ipaglaban ang kanyang mga kasamahan. Lubos ang paniniwala ng kanyang mga
kasamahan na kaya silang ipaglaban ng kanilang lider na
si Frank. Kaya naman ang tiwala nila sa taong ito ay hindi
matatawaran.
Naging maralita man ang kanyang pamumuhay sa
probinsya hindi ito naging balakid upang maging matatag
sa kanyang mga paniniwala. Kaya naman sya ay
Welcome Arc J. P. Rizal St.
pinagkatiwalaan na maging lider ng mga NGO ng 1986
panahon ni dating Pangulong Marcos at naging lider din ng dating Mayor Mathay simula
1992 at hanggang sa panahon ng ating Mayor Sonny Belmonte. Huminto lamang sya ng
taong 2007 ng pumasok sya sa pulitika. Kinakatawan ni Kgd Frank ang isang tunay na
kaibigan. Maliit man at payak, di man nakakatawag pansin ang labas na kaanyuan, ngunit
sapat na ang magkaroon ka ng isang matapang, maaasahan, mabait na kaibigan. Yan ang
Friend Natin… yan si Kagawad Frank Niñal. /noeme
57
14. Conrado T. Arias Jr.
Babes o Kagawad Sec. mas kilala si Kagawad Conrado
Arias Jr. Isinilang sa Baay, Lingayen, Pangasinan noong Pebrero
26, 1965. Siya ay bunso sa apat na anak ni Conrado J. Arias Sr.
isang manananggol at ni Lucita S. Tamayo na isang guro. Siya ay
nagtapos ng elementarya sa Baay Elementary School at ng
secondarya sa St. Columbians College. Sa murang edad na 14,
siya ay naulila sa ama. Sa kabila nito, at sa pagtataguyod ng
kanyang ina, siya ay nagpursiging mag-aral sa Pamantasan ng
Ika-Limang Kagawad Silangan (University of the East) at kumuha ng kursong “AB
Polical Science.” Pinalad siyang makaabot sa ikaapat na taon ng
Chairman, Committee on
Bidding & Awards abogasya.
Chairman, Committee on
Transportation Ang kanyang butihing may bahay ay si Dra. Esperanza
Escaño-Arias at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng
Area of Responsibility dalawang supling na si Rachelle Catherine E. Arias, at si Fatima
Sitio – 4
Charlene E. Arias.
J. Abad Santos St (Portion)
A. Mabini (Portion)
Siya ay nagsilbi bilang Lupong Tagapamayapa mula 2002
Humabon
P. Burgos hanggang 2005. Noong 2005 siya ay tinalagang kalihim ng dating
P. Zamora Punong Barangay Leonito John B. Jumadiao. Dahil na rin sa
P. Gomez
A. Bonifacio (portion)
kagustuhang makapaglingkod sa Barangay Sta. Lucia siya ay
J. Basa tumakbo at pinalad na manalo bilang kagawad ng Barangay Sta.
N. Ponce St. Lucia noong Oktubre 2007 kung saan naman sya ay naatasan na
Homeowners’ Association katawanin ang mga residente ng Sitio 4.
Sana Manalo Neighborhood
Association Kagawad Trivia isa rin sa taguri kay Kagawad Babes dahil
Interior 4 J. Abad Santos sa tuwing flag ceremony lagi syang may baong trivia o kaalaman
Neighborhood at magiliw niya ibinabahagi ito sa kanyang mga tagapakinig.
Puno ng dedikasyon pagdating sa paglilingkod, dahil para kay Kagawad Babes ang
paglilingkod at pagtulong ay dapat nagmumula sa puso. Para sa kanya Isang malaking
oportunidad ang magsilbi at tumulong sa kapwa. Katuwang ang kanyang mabait na maybahay
na si Dra. Esperanza Anita Escaño-Arias o mas kilala sa tawag na Dra. Panchit ay buong pusong
ipinagkakaloob ang kanilang tulong tuwing may nangangailangan.
59
15. ahil dito naging panata na kay Kgd Arias na magsagawa ng mga Blood Donation
Drive para na rin sa benepisyo ng ating mga kabarangay. At dahil nga kumuha ng
kursong abogasya naging malaking tulong ang kanyang kaalaman sa pagpapa-
lawig at pagsasaayos ng mga batas dito sa ating barangay.
Likas na matapang, hindi umuurong si Kgd Arias sa anumang laban, sinisiguro nya na
ang benepisyo ay maibibigay sa taong nangangailangan. Hindi nya iniinda na sya masabihan
ng iba, mas higit ang kanyang paniniwala na kung ano ang tama ang syang dapat sundin.
Ang unti-unting pagsasaayos ng mga
kalye na nasasakupan ng Sitio 4 ay isa sa mga
patunay ng kanyang kasipagan, dahil kasama
ng ating kapitan, hindi sya tumigil na hingin
ang tulong ng pamahalaang lokal na maisaayos
ang mga daan na nasasakupan ng Sitio 4.
Ilan sa mga kalye na naisaayos na ay ang
Jose Abad Santos, Humabon, Bonifacio at
Naning Ponce St. Habang iba pang kalye
katulad ng Gomez, Burgos, Zamora ay patuloy
pa nyang ihinihingi ng pondo upang maipa semento. Sta. Lucia Welcome Arc, A. Mabini St.
Ang kanyang pagtingin sa Sta. Lucia ay tunay na maipagmamalaki. Tunay nga na ang
pagtulong ay wala sa kung nasaan ang ugat, ang tunay na pagtulong ay sa puso nagmumula.
Kung nasaan ang puso nandoon ang paglilingkod at kung nasaan ang paglilingkod ay
naroon din ang puso.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagseserbisyo at pag-tulong na binibigay ni
Kagawad Conrado “Babes” Arias sa ating mga kabarangay. /leny
60
17. David A. Cornejo
Isang tubong Ilokano, na kilalang masipag at
matiyagang lahi. Pinanganak noong Abril 5, 1943, pang-lima
(5) sa walong (8) anak nina G. Ramon Cornejo at Gng.
Victoriana Ayson. Nagkamit ng iba’t ibang parangal sa
Elementarya at Secondarya. Nagtapos ng Auto Mechanic sa
Guzman Technology. Naging huwarang ama sa walong (8)
anak.
Ika-Anim na Kagawad Taong 1964 nang manirahan sa ating Barangay na noon
ay isa pang undeveloped at nasasakop pa ng San Bartolome.
Chairman, Committee on
Livelihood and Cooperative
Enterprise Dahil sa anking kasipagan, kagalingan at maka-Diyos
tinuon niya ang panahon at oras sa pagsisilbi sa ating Parokya.
Area of Responsibility
Sitio – 6
1975, naging miyembro ng Cursillo. 1976-1978, Table
J. Abad Santos (Portion) Professor ng Cursillo at Vice-President ng Legion of Mary.
T. Alonzo (Portion) 1979-1982, naging Vice-Rector at 1985 na maging Rector.
P. Paterno St
Villa Veronica
F. Agoncillo Nang itatag ang Knights of Columbus noon 1986 si
David Cornejo ay isa sa mga naging haligi at naging Financial
Homeowners’ Association Secretary. 1991, Treasurer Sining ng Panginoon (Franciscan
Pag Asa HOA
Veronica Villa Carmen Community).
HOA
Samag HOA 1992, naging Deputy Grand Knight at Program Director
ng Knights of Columbus. 1997-2000, Grand Knight ng Knights
of Columbus.
62
18. reasurer, Sta. Lucia Parish 1998. Habang naninilbihan sa Simbahan ay naging isa
rin Lupon Tagapamayapa sa Administrasyon ni dating Kapitan Leonito John
Jumadiao at hinirang din na Representative ng Liga ng mga Lupon
Tagapamayapa sa buong District II noong 2002.
2004-2005, muli ay naging Grand Knight. Nagdesisyon tumakbong Kagawad noon
2007, upang mapalawak ang pagtulong at pagsisilbi sa kapwa.
At dahil na rin sa dami ng kanyang nakasalamuha si David A. Cornejo ay nanalo
bilang ika-anim na Kagawad sa Administrasyon ng ating Kapitan William R. Bawag.
Sa husay sa kalakalan ng pagnenegosyo siya ngayon ang Chairman ng Committee on
Livelihood and Cooperative Enterprise na tumutulong sa mamamayan ng Sta. Lucia na
magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo. /cecil
Yakap Daycare Center
J. Abad Santos St., Sitio 6
Villa Veronica
63
20. Nestor M. Sierra
Nagtagumpay sa kanyang pangalawang ulit na pagtakbo
bilang isang kagawad ng ating Barangay. Bagamat lumipas ang
ilang panahon bago sumubok uli sa larangan ng pulitika, kailanman
ay hindi nasiphayo si Kgd Nestor na sundin ang tawag ng
pangangailangan na magkaroon ng isang batang kagawad na
magtataguyod para sa kapakanan ng mga kabataan.
Kabilan sa kaalaman ng iba, taong 1991 ng nagsimulang
mamuhay si Kgd Nestor sa Sta Lucia bilang Coordinator ng Quezon
City Youth Welfare Council sa panunungkulan ng dating Mayor Jun
Simon. Si Kgd Nestor kasama ang iba pang kabataang lingkod noon
ang naatasan na maghahagilap at nangangalap ng mga Out School
Ika-Pitong Kagawad
Youth (OSY) na gustong ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral
Chairman, Committee on bilang mga scholars ng gobyerno. Ang pagmamahal sa kabataan ay
Housing, Planning, Land isa ng adbokasya kay Kgd Nestor, bilang isang panganay na anak,
Issues, NGO and Peoples’ tinulungan nyang itaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga
Participation nakababatang kapatid.
Chairman, Committee On Dahil sa tagal ng pakikipamuhay ni Kgd Nestor sa mga
Inspection lansangan, nakita niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
taong magtataguyod at magbibigay ng inspirasyon para sa mga
Area of Responsibility kabataan. Dito rin nya nakilala ang kanya ngayong maybahay na si
Sitio – 2 Ma. Victoria Barlin kung saan sila ay biniyayaan ng 3 anak na sina
Karl Chistian 13, John Paulo 10, Ma. Cristina Pauline 9.
Juan Luna
J. P. Rizal (Portion)
M. H. Del Pilar Dahil na rin sa pinakitang husay kinilala rin sya ng panahon
E. Jacinto St ng dating Mayor Ismael Mathay Jr. upang maging HEAD ng
Diego Silang St NOVACOMCEN ng likhain ang Pusong Makabayan Foundation ng
Gen. Malvar St taong 1995. Ng panahong ito ay pinasok naman nya ang usapin ng
Panganiban St palupa, livelihood at basic services. Muli syang bumaba sa mga
A Dela Cruz barangay upang pangunahan at tulungan ang mga tao na mapasa
F. Balagastas (Portion) kanila ang lupang tinitirikan ng kanilang mga tahanan. at
magkaroon ng pagkakataon at karapatan na makatanggap ng mga
Homeowner’s Association
batayang serbisyo sa komunidad.
Sitio 2 Damayan Lagi HOA
DISENAI
Marco Polo HOA Nagtrabaho rin sya sa Novaliches Community Center, na
Samahan ng may ngayon ay mas kilala bilang Novaliches District Center o Mini City
Magagandang Simulain Hall bilang OIC o hepe ng traffic na syang nagmomonitor ng daloy
ng mga sasakyan sa buong Distrito dos at Novaliches area.
65
21. a haba at tagal ng kanyang pagseserbisyo sa taong bayan bilang, coordinator, founder at OIC,
subok na ang husay ng isip at tatag ng kanyang paninindigan bilang isang lider. Kapansin pansin
rin ang kanyang husay sa pag hihimok ng mga tao na maging isa at kabutihang loob na
makatulong sa lahat ng mga kabataang nangangailangan, lalong lalo na sa edukasyon. (SYDP
SCHOLAR)
October 2007, nanumpa si Nestor M. Sierra bilang isa sa
mga kagawad na nagtagumpay sa eleksyon. Bagamat naging
katanungan noong una ang kanyang kakayanan dahil sa
kanyang murang edad at dahil na rin sa kakulangan ng
impormasyon ng ibang tao sa kanya, nagawa nyang mapasama
sa listahan ng pitong kagawad.
Nakilala sya bilang isa sa pinaka masipag na kagawad.
At ngayon dahil na rin sa kanyang pagpupunyagi kasama ng
ilang miyembro ng konseho nagawa nyang mailapit sa butihing
Mayor ang pagpapa semento ng kahabaan ng Diego Silang St.,
na mahigit kumulang 2 dekada ng hindi nagagawa.
Nakapagbuo din ng ilang mga organisasyon katulad ng:
PINASALU – Pinagbuklod na mga samahan sa Sta. Luacia, Sitio
Sta. Lucia High School
2 Damayan Neighborhood Association, Barangay Watch sa
lahat ng Sitio, M. Aquino Neighborhood Association, Diego
Silang Neighborhood Association, Salupama St. Francis,
President PTA – NOH 2009-2010 at President PTA ng San
Gabriel Elementary School 2010.
Ang mga taga Sitio 2 ay naging mapalad na maging
kaagapay sya sa kanilang Sitio. Dahil sa kanya ay naging buhay
muli ang mga samahan at nagkaroon ng kasiyahan ang
pagdiriwang ng kapistahan.
Nag akda ng ilang batas na kapaki pakinabang sa
komunidad katulad ng : 1)Ordinansa – Diciplinary Hours
(CURFEW ORDINANCE) 2)Ordinansa – Mural Painting 2010 sa
lahat ng pang publikong eskwelahan, theme: “Kalinisan At Kalikasan Pangalagaan Para Sa Kinabukasan”
3)Resolusyon – Pag-oorganisa ng “BARANGAY WATCH” upang maging katuwang ng barangay sa
implementasyon ng mga proyekto at programa sa komunidad. Kung sya hahanapin nyo, ay hindi kayo
mahihirapan, dahil siya mismo ang magtutungo sa inyo.
Yan si Kagawad Nestor M. Sierra, noon at ngayon… Nakahandang Maglingkod sa Barangay Sta.
Lucia. /noeme
66
22. Noeme Diaz-Salonga
Bilang Kalihim ng Barangay, sa kanya nakaatang ang
responsibilidad ng pag-iingat ng mga importanteng doku-mento,
paglalagom at pagtatala ng mga pinag uusapan tuwing may
pagpupulong ang mga miyembro ng konseho.
Kasama rin sa responsibilidad nya ang pag-gawa ng mga
kalatas papunta sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Kalakip din
ng kanyang trabaho ang pagsisiguro na tamang naisasagawa ang
mga proyekto at programa ayon sa konseho.
Kalihim
Bata pa lang ay naging aktibo na sya sa komunidad.
Nagsimula ng kanyang aktibong pakikilahok sa simbahan bilang Volunteer Catechist noong
kanyang kabataan at miyembro ng Light of Peace Choir. Ngunit naging mas mahaba ang
paglilingkod bilang miyembro ng Lectors and Commentators Ministry sa Santa Lucia Parish
hanggang sa makapag asawa.
Nagtapos ng kursong Bachelors of Arts in Mass Communication sa Trinity College of
Quezon City, sya ay nakapagtrabaho na sa iba’t ibang kumpanya na naaayon sa kursong
kanyang natapos tulad ng Nation Broadcasting Corporation, Barbie-Richwell, Uniwide Sales
Corporation at Convergys Philippines.
Nagsimula bilang Advertising and Promotions Coordinator, Radio Announcer, Customer
Service Specialist hanggang maging Human Resource and Organizational Development Training
Officer, naging sandata nya ang kanyang kasanayan sa iba’t ibang uri ng komunikasyon upang
maging bihasa sa kanyang tungkulin.
Ipinanganak sa Bulacan sa mag-asawang Agapita Antonio at Rolando Diaz at
nakababatang kapatid ni Nestor Antonio Diaz, na syang naghikayat upang maging aktibo sya sa
mga gawaing pang komunidad. 2004 ng nagsimula naman syang magkaroon ng sariling
pamilya, ikinasal kay Jaron C. Salonga at nagkaroon ng dalawang anak na sina Gabriel at
Therese.
Makalipas ang ilang taon na pagtatrabaho sa iba’t ibang malalaking kumpanya, ipinag
papasalamat nya na sya ay nabigyan ng pagkakataon na makapag lingkod sa ating barangay sa
sarili nyang pamamaraan at makapagbahagi ng kanyang talento at kasanayan sa mas nakararami
at nangangailangan.
67
23. Stella Marie A. Cabildo
Siya ang Ingat Yaman ng ating Barangay. Sa kanya
nakatalaga ang maayos na pagdudokumento ng mga usaping
pananalapi ng ating barangay. Sya ang tumitingin ng maayos
na daloy ng mga pumapasok at lumalabas na pondo ng
barangay.
Si Stella Marie ay anak nina Federico Abalos, Sr at
Florentina Abalos, mga lehitimong taga J. Abad Santos St., at
Ingat Yaman bunso sa limang magkakapatid.
Nagtapos siya ng elementarya sa San Gabriel Elementary School at secondarya naman
sa Sta. Lucia High School. Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Banking and Finance
sa Philippine Women’s University (PWU).
Sa Sta Lucia na rin sya nakabuo ng pamilya ng ikasal sya kay Melchor Cabildo at
magkaroon ng apat na anak na sina Sarah, Kariza, Joan at Neil. Dati na ring naging
empleyado ng gobyerno ang ating Ingat Yaman na si Stella, namasukan sya bilang Clerk sa
Department of Agriculture (DA), isa sa mga malalaking sangay ng gobyerno.
Taong 2002 ng nagsimula syang magsilbi sa barangay, kinuha sya bilang Ingat Yaman
sa pamunuan ng dating Kapitan Leonito Jumadiao. At ng matapos ang termino ng dating
kapitan, dahil sa kahusayang kanyang ipinakita sa pamamalakad ng usaping pananalapi, ay
kinuha muli ang kanyang serbisyo ng kasalukuyang pamunuan ni Kapitan William R.
Bawag.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging Ingat Yaman ay katulong nya ang kanyang esposo
na si Melchor Cabildo sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Kasama na dito ang
Daddy’s Canteen at pambiyaheng sasakyan na patuloy nilang pinauunlad upang
maitaguyod ang kanilang pamilya.
Sa kanyang masinop na pagtingin at pagdudokumento ay mahusay nyang
natutulungan ang pangangailangan ng ating Kapitan sa paghahanda ng ating Barangay
Budget upang makagawa ng maayos na programa sa ating barangay. /noeme
68
24. Dionie C. Bawag
Si Dionie “Dave” Calderon Bawag ay lihitimong taga
Sta. Lucia. Ipinanganak noong ika-14 ng Nobyembre, 1990.
Pangalawa sa tatlong (3) anak nina Victorino Bawag at
Dionisia Calderon.
Nagsimula sa kanyang pag aaral sa Yakap Day Care sa
Sitio 5 at nagtapos ng elementarya sa San Gabriel Elementary
School, nagpatuloy ng pag aaral sa Santa Lucia High School at
ngayon ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Information Technology sa Informatics Computer Institute.
SK Chairman
Hindi man sya nabigyan ng sapat na galing at talino, sya
Chairman,
naman ay pinagkalooban ng lubos na sinseridad sa
Committee on Sports
paglilingkod. Isang naiibang katangian na hindi lahat ng tao ay
SK Council Members nabibiyayaan. Malayo din ang kursong pinili sa landas na
Marjorie Albis
tinahak ngunit hindi naging hadlang upang maglingkod sa
Zhilla Mendi
James Chiong kapwa niya kabataan.
Joana Marie Cabildo
Riercan Carandang
Nagsimula ang kanyang panata na maglingkod ng sya
Kimberly Anne Ola
Madel Zagum ay naging mulat at aktibo sa mga pangyayari sa ating
barangay. Naging mapagtanong, mapagmasid at nakialam sa
mga usapin ng pambarangay particular na sa sector ng kabataan. Dahil sa pagnanais na
mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan ay nagdesisyon sya
na tumakbo bilang pinuno ng Sanguniang Kabataan.
Sa kabila ng mga bagay na kanilang nagawa, may mga tao pa din na pilit sinisira at
maalis ang tiwala sa mga proyektong nais nilang ipatupad. Ngunit hindi ito isinaalang ng
samahan, nagpatuloy silang gumawa ng proyekto na makatulong sa kapwa kabataan.
Proyektong hindi lang para sa isang grupo o iilang samahan lang ang nakikinabang kung
hindi lahat ng mamamayan ng Sta. Lucia.
69
25. lam ng lahat na ang sektor ng kabataan ang isa sa may pinaka maraming isyu at
usapin na dapat tugunan kaya’t sa abot ng kanilang makakaya ay ginagawa nila
ang lahat upang ang mga isyung ito ay malutas.
Sanguniang Kabataan Miyembro ng Konseho
Marjorie Albis Zhilla Mendi James Chiong Joana Marie Cabildo
Riercan Carandang Kimberly Anne Ola Madel Zagum
70
26. ilang pinuno ng Sports Committee mas binigyan pansin ng Sanguniang Kabataan
ang pagpapaganda ng Basketball Court. Bilang sentro ng patimpalak at mga
okasyon, ninais ng SK na pagandahin at gawing kaaya aya ang lugar upang mas
maging kapaki-pakinabang sa ating barangay. /dave
71
28. ADMINISTRATIVE STAFF
Banaba, April Lane P. Abalos, Leny M. Felicilda, Ma. Cecilia E. Villaruz, Orlando
Buhayo, Laura V. Vergara, Carmencita Abejuela, Editha
BARANGAY HEALTH WORKER
Ortega, Romana A. Lampano, Jacqueline M. Bombita, Nancy
Navasa, May Coronel, Jrson
73
29. LUPON TAGAPAMAYAPA
Allorde, Julieta Arriola, Mario P. Barlin, Rolando A. Barrera, Lolita A. Baun, Virginia B.
De Leon, Ruben S. Dela Cruz, Sergio C. Encinas, Lucio O. Gamayo, Benedicto V. Go, Gerardo G.
Granada, Anita P. Gutierrez, Lucina M. Labrador, Reinaldo M. Mendoza, Jose P. Nebrida, Digna R.
Nieto, Carlos C. Ocampo, Jose T. Sansaet, Arnel B. Sta. Cruz, Liliosa R. Tamayo, Diosdado
GENDER AND DEVELOPMENT
Castro, Jocelyn G
74
30. BARANGAY PUBLIC SAFETY OFFICER
Roque, Santiago Ex-O Roque, Eduardo Araza, Antonio
Agulay, Benjamin Bebita, Hermito Buraga, Pedro Cagang, Allan Gabua, Jun
Gamayo, Antonio Hablero, Jovencia Laoit, Ildefonso Macaraeg, Eduardo Monera, Rolando
Noquiz, Marlon Ortego, Ernesto Sorrel, Leopoldo Tatad, Domingo Ventura, Michael Edison
TRAFFIC ENFORCER
Añasco, Ronaldo Niñal, Jessie Flores, Jesus Fajardo, Francisco Domagtoy, Fe
75
31. STREET SWEEPERS
Ador, Elenor Albeza, Haydee Braganza, Delia Buraga, Josephine Corneta, Gregorio
Facto, Lucy Jaud, Elvira Lirio, Josephine Mabutin, Salvacion Manuzon, Grace
Malabunga, Norma Perez, Teresita Salas, Delio Santos, Annabelle Tuaño, Rufina
Delos Santos, Rowena Llaneta, Marie Jean Matias, Melinda Mabini, Rogelio Bulos, Victoria
Valdez, Dionisio
MAINTENANCE CREW
Celestino, Jayson Delgado, Lauro Leyes, Ranien Magdales, Arthur Perez, Marcelo
76
33. mprastraktura
Sa nakalipas na dalawang taon ay napakarami ng naitalang pagbabago sa ating
Barangay. Ang dating maputik at madilim na lugar ay naging patag at sementadong
daan na. Nakapagtayo na rin ng napakaraming poste ng ilaw bilang patunay ng tuloy tuloy
nitong pag-unlad.
Renovation of Covered Court
Barangay Hall Facade
Improvement of Covered Court
78
34. Covered Walk SGES Covered Walk SLHS
Extension of BPSO Office
Parks and Playground
79
35. Mga Pangunahing Kalye, Pathwalk, Asphalting at Riprapping
Upper Bukaneg St. Naning Ponce St.
Homabon St. A. Bonifacio St.
Lower Bukaneg St., Francisco Park T. Alonzo St. (Sitio 5)
80
36. Pathwalk Interiors
J. Abad Santos St. J. Abad Santos St.
Pathwalk (Sitio 6)
J. Abad Santos St. Asphalting Plain Ville St.
Asphalting Sta.Lucia Ave. Rip rapping
On Going Projects…
Diego Silang St. F. Balagtas St. J.P. Rizal St.
81
38. isikal na Katangian
Malawak ang kapatagang bahagi ng Barangay Sta. Lucia. Napapaligiran din ito ng
sapa o Tullahan River sa Hilaga. Pasong Putik at North Fairview sa bandang
Silangan. San Bartolome at Gulod sa bandang Kanluran. At San Bartolome ulit sa bahaging
Timog. May kabuuang lawak ng lupa na humigit kumulang sa 51.9 hektarya na may gamit
na residensiyal at industriyal, nahahati ito sa pitong (7) sitio.
SITIO 1 J.P. RIZAL ST. (PORTION) CASTRO ST.
PAGUIO ST. RIVERA VILLE.
CURSILISTA ST. AMITY VILLE.
GALVEZ ST. PLAIN VILLE.
PAMANA ST. STA. MARCELA ST.
SITIO 2 J. LUNA ST. GEN. MALVAR ST.
J.P. RIZAL ST. (PORTION) PANGANIBAN ST.
M.H. DEL PILAR ST. A. DELA CRUZ ST.
E. JACINTO F. BALAGTAS ST. (PORTION)
DIEGO SILANG ST.
SITIO 3 J.P. RIZAL ST. (PORTION) E. AGUINALDO ST.
VISAYAS AVE. PANDAY PIRA ST.
FRANCISCO PARK LAKANDULA ST.
P. BUKANEG ST. M. AQUINO ST.
F. BALAGTAS ST. (PORTION) LOPEZ JAENA ST.
SITIO 4 J. ABAD SANTOS ST. (PORTION) A. BONIFACIO ST. (PORTION)
A. MABINI ST. (PORTION) P. GOMEZ ST.
HUMABON ST. P. BURGOS ST.
J. BASA ST. P. ZAMORA ST.
NANING PONCE ST.
SITIO 5 J. ABAD SANTOS ST. (PORTION) P. PATERNO ST. (PORTION)
A. MABINI ST. (PORTION) NATIVIDAD ST.
A. BONIFACIO ST. (PORTION) RAJAH SOLIMAN ST.
T. ALONZO ST. (PORTION) J.P. RIZAL ST. (PORTION)
SITIO 6 J. ABAD SANTOS ST. (PORTION) VERONICA ST.
T. ALONZO ST. (PORTION) F. AGONCILLO ST.
P. PATERNO ST. (PORTION)
SITIO 7 TARHAVILLE ST. J. PALMA ST.
F. CALDERON ST. LAPU-LAPU ST.
83
40. SELYO NG BARANGAY STA. LUCIA
at ang sagisag nito:
PITONG SINAG
Sinasagisag nito ang pitong (7) Sitio ng barangay
MGA TAO
Sinasagisag nito ang Pagkakapit bisig
at Walang Katapusang Pagkakaisa
KORONA
Sinasagisag nito ang Lakas at Kapangyarihan
TELANG ASUL
Sinasagisag nito ang Kapayapaan at Pananampalataya
LIBRO AT SULO
Sinasagisag nito ang Karunungan at Liwanag
85
41. Mga Pasilidad ng Barangay
Ang mga pasilidad na ito ay matatagpuan sa ating barangay.
86
42. Senior Citizen’s Building San Gabriel Elementary School Sta. Lucia High School
BSDO Office Police Block e-Library
Super Health Center Lying-In Center Day Care Center
Covered Court Tennis Court Parks and Playground
87
43. ri ng Pampublikong Transportasyon
Dyip ang karaniwang makikitang pampublikong sasakyan dito maging noong
una pang panahon. Ngayon ay mayroon na ring mga trysikel na bumibyahe dito.
Institusyong Pautangan
Novaliches Development Cooperative Incorporated (NOVADECI)
Tubig, Elektrisidad At Komunikasyon
Ang pampayanang sistema ng patubig ay pinamamahalaan ng Maynilad Water, Meralco
naman ang sa Elektrisidad. May bukas na linya ng komunikasyon mula sa iba’t ibang
kumpanya tulad ng Bayantel, PLDT maging mga serbisyo ng Broad Band at DSL ay pinasok
na rin tayo ng Smart at Globe Telecommunications.
88
44. amamahala ng Basura
Taong 2008, pinangunahan ni Kapitan William ang pagtatayo ng Materials
Recovery Facility. Sa tulong ng ating mga masisipag na Maintenance Crew at
Street Sweepers ay patuloy na isinusulong ang kalinisan at pagpapaganda ng ating barangay.
89
45. apayapaan At Kaayusan
Naging maayos ang kalagayan ng kapayaan at kaayusan sa Barangay sa nakalipas
na dalawang taon. Bilang katunayan ay nagawaran tayo ng pagkilala bilang BEST
IN PEACE IN ORDER ng taong 2008. Ito ay dahil sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan
para sa ganap na kapayapaan. Idagdag na rin na mayroon tayong mga Barangay Public
Safety Officer (BPSO) at mga Volunteer Barangay Tanods na tumutulong sa ating konseho na
panatilihing mapayapa ang ating kapaligiran.
90
46. emograpiya
Taong 2000, ang barangay ay nagtala ng populasyon na 18,724 ito ay base sa
survey na ginawa ng National Statistics Office (NSO) ng nasabing taon. At ng 2007
ay nagsagawa muli ng survey kung saan nagtala naman ng populasyon na 24,050 ang ating
barangay.
Kalagayang Pantao, Tubig At Kalinisan
Mapalad ang barangay na mabiyayaan ng tuloy tuloy na supply ng tubig mula sa
Maynilad. Sa kasalukuyan ay halos 100 porsyento na ng mga naninirahan dito ang
nakararanas ng malinis na supply ng tubig mula sa Maynilad. Mula sa mga dating poso at
balon, ang barangay ngayon ay may maayos na daloy ng tubig na syang ginagamit ng mga
kabahayan sa kanilang pang araw araw na gawain. Masipag na naipapatutupad ang
pagkakaroon ng malinis na palikuran sa bawat kabahayan. Ang mga walang tamang
palikuran ay maaring makakuha o makahingi ng tulong sa ating Health Center upang
makapagtayo ng kanilang palikuran.
Tirahan
Karaniwan ng mga tirahan o bahay dito sa Sta. Lucia ay yari sa konkreto at bungalow
type. Ngunit meron mangilan ngilan pa rin na gawa sa pinaghalong kahoy at konkreto.
91
47. dukasyon
Ang barangay ay mayroong mga pampublikong paaralan tulad ng:
San Gabriel Elementary School - tinatanggap nito ang
mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade VI.
Mayroon din itong Special Education (SPED) para sa
mga batang may mga espesyal na pangangailangan
tulad ng mga mentally challenged, hearing at speaking
disability.
Sta. Lucia High Shool
Sta. Lucia High School – Pampublikong paaralan na
tumatanggap ng mga estudyante mula First Year hanggang
Fourth Year High School.
NOH School for Crippled Children – Ang paaralang
ito ay isa ring pampublikong paaralan na nagnanais
magbigay ng pantay na karapatan sa edukasyon ng mga
kabataang may kapansanan. Sila ay bukas sa mga
gustong mag-aral mula elementarya hanggang High
School.
NOH School for Crippled Children
Day Care Center – Sa kasalukuyan ay mayroon po
tayong apat na mga Day Care Centers na pinanga-
ngasiwaan ng ating mga Social Service Development
Department (SSDD) Social Worker. Ito ay matatagpuan
sa F. Balagtas, Abad Santos, Tarhaville at Bgy Covered
Court.
Day Care Center
92
48. ga Natalang Pag-Unlad At Antas Ng Pamumuhay
Kung dati ang Sta. Lucia ay isang lugar na kilala bilang tampisawan ng kalabaw at
taniman ng palay. Ngayon ay napakarami ng mga kabuhayan ang mga residente
dito. Maliban sa mga namamasukan sa mga pribadong kumpanya karamihan din ay nagtayo
na ng kanilang mga personal na pinagkakakitaan.
93
49. ula sa mga maliliit hanggang sa malakihang mga negosyo ang makikita dito tulad
ng sari sari store, hardware, water station, recreation center, mini resort, eateries,
computer shop, convenience store, pagawaan ng foam, capiz, gasolinahan, sounds
system rental, botika at marami pang iba.
94
50. ag Taas Ng Kita Ng Barangay
Ang patuloy na pagtaas ng kita ng barangay ang naging susi upang patuloy na
makita ang kaunlaran sa ating lugar. Pagpapakita ng mahusay na pamamahala ng
ating mga konseho sa responsibilidad na iniatang natin sa kanila. At dahil na rin sa tamang
pagbabayad ng buwis ay nakakaipon ang ating gobyerno ng sapat na pondo upang
maitaguyod ang patuloy na pag unlad ng ating barangay.
Sa ibaba ay makikita ang naitalang pagtaas ng kita ng pondo ng ating barangay pati na
ang Projected Budget ng barangay sa susunod na taon.
14000000 13,000,000.00
12000000 11,166,980.00
9,528,375.00
10000000
7,495,192.00
8000000
6000000
4000000
2000000
2008 2009 2010 2011
0 1 2 3 4
Series1 2008 2009 2010 2011
Series2 7,495,192.00 9,528,375.00 11,166,980.00 13,000,000.00
95
52. Joy Belmonte
Ang Inspirasyon Ng Kababaihan Ng Quezon City
Makalipas ang ilang taon ng tahimik na pagsisilbi
bilang Presidente ng Quezon City Ladies Foundation ay
nasilayan natin ang maamong mukha sa likod nito. Ang nag
iisang anak na babae ng ating Mayor Belmonte, and ligaya at
ilaw ng Quezon City… Ms. Joy Belmonte.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa si Ms. Joy
Belmonte na laging sumusuporta sa ilang mga proyekto ng
barangay katulad ng mga Medical Missions, Fiesta Activities,
Foundation Day Activities, Nutrition Month-Mass Feeding,
Anti VAWC at GAD Activities.
Tahimik nyang pinadadaloy ang tulong sa ating barangay bilang tugon sa ating mga
hiling. Napakadaling kausap at may malambot na puso para sa mga nangangailangan at lalung
lalo na sa mga kabataan. Ayon nga sa mga nakakarami, hindi iisiping anak ng Mayor si Joy, dahil
sa kanyang napaka payak na pamumuhay at pananalita.
Nagtapos sa Ateneo si Joy Belmonte sa kursong AB Social Science, ngunit minabuti nitong
maglingkod bilang isang Jesuit Volunteer, kung saan mahigit sa isang taon syang nakipamuhay
ng simple at nagturo sa mga batang taga Bukidnon. Sa kanyang paniniwala ang sinumang
biniyayaan ng marami ay dapat din na makapagbalik ng marami. Kaya hindi nakakapagtaka
kung madalas natin syang makita na tumutulong at nagbibigay ng lubos sa kanyang makakaya
dahil na rin sa kanyang magandang paniniwala.
Bilang isang babae ay kinakitaan sya ng tatag sa kanyang piniling larangan. Ilang beses na
rin nakatanggap ng mga pagkilala at ang lahat ng ito ang syang nagsilbi upang maging
inspirasyon sa kanya na makapag lingkod pa sa mas nakararami. Dahil sa kanya, ay muling
naitaas ang pagtingin sa mga kababaihan sa larangan ng pulitika, pang kabuhayan at maging sa
pamilya.
97
53. GAWAD PARANGAL SA KABABAIHAN
sa sa mga maituturing na highlight ng taong 2010 ay ang pagsisimula ng
pagbibigay pagkilala sa mga Kababaihan ng Sta. Lucia. Una itong nalikha sa
isipan ng ating Bgy Capt. William R. Bawag upang pasalamatan ang anak ng ating
butihing Mayor Feliciano R. Belmonte, na si Ms. Joy Belmonte-Alimurung.
At bunsod nito ay naging inspirasyon sya sa ating barangay upang tayo ay magbigay
pugay din sa mga natatanging kababaihan sa ating lugar. At katulad ni Joy Belmonte, may
mga kababaihang din ang Sta. Lucia na handang maglingkod ng buong puso at magbigay ng
pagmamahal upang maging kaagapay sa ating tagumpay.
Emma Lansangan Roque
Isa sa mga kinikilalang haligi ng Parokya ng Sta.
Lucia, ginawaran ng Pagkilala ni Pope John Paul II,
tatlong ulit na binigyan papuri ng Caritas Manila sa
kanyang “selfless service” o walang pag iimbot na
pagbabahagi ng kanyang sarili upang maitaguyod
ang kapakanan ng mananampalatayang katoliko sa
ating lugar. Aktibong miyembro ng Mother Butler’s
Guild, isa sa mga nagtayo ng ating parokya.
Ma. Cristina Bañaga Encinares
Isang babaeng matapang ngunit may puso sa
kanyang mga kinasasakupan. Kinikilalang ate ng
kanyang mga miyembro sa J. Palma Neighborhood
Association. Inilarawan ng mga kasama bilang isang
taong madaling lapitan sa oras ng kagipitan. Umani
ng respeto sa kanyang mga kasamahan dahil sa
kahandaang tumulong para sa pangangailangan ng
iba.
98
54. Felicidad Abalos Pura
Napakabait, napakasipag at napakahusay na guro
kung ilarawan sya ng kanyang mga estudyante. Siya
ang kasalukuyang Assistant Principal ng San Gabriel
Elementary School. Mahusay na taga pakinig sa
kanyang mga kasamahan. Isang butihing ina at
asawa. Isang ulirang laykong lingkod ng simbahan sa
napakahabang panahon.
Teresita Monera
Kilala sa pagiging maingay na Barangay Health
Worker, ngunit sa ingay nya naibabahagi ang mga
kapaki-pakinabang na kaalaman tungkol sa tamang
kalusugan. Kinagigiliwan ng marami dahil sa
kanyang masayahing pananaw sa buhay. Nagbigay
ng kanyang buong oras upang maglingkod hanggang
sa naisang tabi ang kanyang personal na panganga-
ilangan, napakadaling lapitan at maasahan.
Miguela De Leon Punzal
Ang kinikilalang pinakamatanda sa ating lugar, sa
edad na 98 anyos ay modelo sya ng maayos na
pamumuhay. Tinatawag na “Nanay Gelay” ng
karamihan at laging may handang ngiti sa kahit na
sinong estranghero. Biniyayaan ng magandang
kalusugan at kalakasan ginagamit nya ito upang
tuluyang gabayan ang kanyang pamilya.
99
55. Lolita Alemania Barrera
Tagapagtangkilik ng mga naaping kababaihan,
tagapagpaliwanag ng kanilang karapatan. Sa
kanyang mahabang taong paninilbihan sa barangay,
nakaukit na sa kanyang puso ang tunay na
paglilingkod. Handang magbigay ng kanyang oras
at panahon hindi lamang kung kinakailangan kundi
dahil na rin sa kanyang bukas na loob na maibahagi
ang kanyang mga kaalaman.
Maria Rebecca Alberto Garcia
A woman of few words... hindi madalas na madinig
ang kanyang tinig subalit mas madalas na makita sa
mga Medical Missions at libreng konsultasyon para
sa iba. Handang ipagkaloob ng libre ang kanyang
serbisyo sa mga nangangailangan sa kahit anong
oras. Mahusay na ina sa kanyang mga anak at mabait
na kaagapay ng kanyang asawa.
Anita Granada
Kilala bilang isa sa mga nanay ng St. Vincent
Foundation. Maayos nyang inaasikaso ang
pangangailangan ng bawat bata na kasama sa
organisasyon. Bukod dito ay maayos din nyang
ginagampanan ang kanyang papel bilang isa sa mga
mahuhusay na miyembro ng Lupon Tagapamayapa.
Sa lahat ng papel na kanyang ginagampanan,
nangunguna pa rin ang kanyang pagiging mabuting
ina.
100
62. Compliments of Compliments of
#16 J. P. RIZAL ST., STA. LUCIA,
NOVALICHES, QUEZON CITY
#63 T. Alonzo St., Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City (at the back of San Gabriel Elem School) - 09394680717
GNT FORCE COMPUTER SHOP
SERVICES OFFERED
Computer Rentals Fast Internet Surfing (2mbps)
CD/DVD Burning Printing/Scanning/Research
Invitations/Brochures/Flyers/Design & Lay-Out Audio Mixing/Video Editing
WE ALSO ACCEPT COMPUTER TUTORIAL, COMPUTER REPAIRS & UPGRADES
107
63. Compliments of Compliments of
MRS. NIEVES MENDI
MS. NEDIE DOMACENA & FAMILY PURPLE CROSS
MS. SAMANTHA IMRAY-UNAY & FAMILY PHARMACY
MR JAME PEREZ & MRS. JUVY PEREZ
#32 J. P. Rizal St., Sta. Lucia, Novaliches, Q.C.
MIC-MAR DRUG STORE Tel. No. 4186086
RICKY MARTHY STORE Ms. Genie T. Miraflor
Proprietor
BRYLE STORE
TONY SARI SARI STORE
AREX HEALTH CORP
Compliments of Compliments of
piw@yan internet shop
No. 003 G. Lopez Jaena St
Barangay Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City
SERVICES OFFERED
Computer Rentals
Fast Internet Surfing
Printing/Scanning/Encoding
CONVENIENCE STORE Clear Photocopy (Xerox)
Fax Machine
#53 A. Mabini St., Sta. Lucia,
Novaliches, Quezon City ID Lamination (10.00 Pesos Only)
108
64. Compliments of Compliments of
#33 J. P. Rizal St., Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City
Ms. CRISTINA VALENZUELA
Owner
Compliments of Compliments of
MADMAN’S Bailador Family
COMPUTER DOMAIN
Monico D. Bailador, Sr.
#47 A. MABINI ST., STA. LUCIA, NOVALICHES, QC
Edna C. Bailador
Eugenio C. Bailador
Mr. ROLDAN BAUTISTA
Owner Jennylyn C. Bailador
Monico C. Bailador, Jr.
109
66. Editorial Staff
EDITOR-IN-CHIEF MANAGING EDITOR
B/Capt. William R. Bawag Sec. Noeme Diaz-Salonga
GRAPHIC & LAYOUT ARTISTS CONTRIBUTORS
Aprilane Banaba Jaron Salonga Leny Magno Cecilia Felicilda
FINANCE PRODUCTION ASSISTANTS
Treas. Stella Laura Buhayo Edith Abejuela Carmelita Vergara
Marie Cabildo
PHOTOGRAPHERS
Francisco Fajardo Marlon Noquiz Jun Gabua Ronald Añasco
111
67. TAOS PUSONG PASASALAMAT SA LAHAT NG NAKIISA UPANG MAGING MATAGUMPAY
ANG PAGLALAHAD NG KASAYSAYAN NG ATING BARANGAY:
Ms. Emma Roque
Kgd. Narciso Lamoglia
Kgd. David Cornejo
Ex-O. Eduardo Roque
Mr.& Mrs. Rolando & Agapita Diaz
Mr.& Mrs. Kit & Mellie Salonga
Mr.& Mrs. Jacinto Rivera
Ms. Vicky Reyes & Family
BPSO Marlon Noquiz
PHOTO CREDITS
Sta Lucia Parish
San Gabriel Elementary School
Sta. Lucia High School
NOH School for Crippled Children
Gawad Kalinga
Artan Garden
Mr. Jun Jumadiao
Mr. Al Delicana
Ms. Jane Reyes
Briñas Family
Gagui Family
De Vega Capiz Maker
Sitio 7 – Foam Maker
Castro Compound
Kgd. Lourdes Arreza
Higit sa lahat lubos na pasasalamat sa ating Poong Maykapal
at sa ating Patrona na si Santa Lucia sa kanilang patuloy na pag gabay
at pagbibigay biyaya sa ating munting Barangay.
MARAMING SALAMAT PO!
112