Naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa
ay ang kabuuangdami ng ginto at pilak na mayroon ito.
Merkantilismo ay ang prinsipyong pang ekonomiya. noong
ika 16 na siglo,naniniwala ang mga bansang europa na
ang ekonomiya ay maaaring maging instrumento ng
pagtaas ng pambansang kapangyarihan.
Ang merkantilismo rin ang naghaharing doktrinang pang-ekonomiya
noon sa europa.
• Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya
ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang
tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami
ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan
nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at
pilak ang makukuha ng isang bansa, mas
maraming pera ang malilikom nito bilang buwis.
Nangangahulugan ito na mas magiging
mayaman at makapangyarihan ang naturang
bansa.
• Ang ideyang ito ay hango sa karanasan ng spain na
yumaman at naging makapangyarihan dahil sa
mahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa
South America at Crentral America. Samakatuwid, dahil
sa merkantilismo, kinailangan ng mga bansang Europeo
na humanap ng ligtas, mablis at kontrolado nilang ruta ng
kalakalan. Gayundin, kinailangan nila ng mga kolonyang
magkakaloob ng mga ginto at pilak.
• Ang isang bansang walang kakayahang
makakuha ng ginto at at pilak nang
madalian ay dapat na mas paunlarin pa
ang kalakalan nito sa iba pang bansa.
Kung titiyakin lamang na pamahalaan na
mas marami ang iniluluwas kaysa
inaangkat, mas maraming ginto at pilak
ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan,
mapapanatili nito ang kalamangan sa
balanse ng kalakalan.
• Isang elemento ng merkantilismo na
nakatulong sa pagkabuo at paglakas
ng mga nation-state ay ang tinatawag
na nasyonalismong ekonomiko. Ibig
sabihin nito, kayang tustusan ng isang
bansa ang sarili nitong
pangangailangan. Sa pamamagitan
ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na
produkto, hindi na aasa ang bansa sa
mga produktong dayuhan.
• Kaakibat ng merkantilismo ang konsepto ng
paternalismo. Isa itong Sistema ng
pamamahala kung saan ang pamahalaan ay
namamahala na parang ama sa kanyang
mamamayan. Derogatoryo din ito sapagkat
nagsulong ang pamahalaan ng mga
patakaran na sa unang tingin ay ikakabuti ng
mamamayan subalit sa kabuuan ay hindi para
sa kanilang interes. Halimbawa, kailangang
pangalagaan ng pamahalaan ang kapakanan
ng mga mamamayan, lalo na sa kalusugan.
Ito ay hindi bilang kawanggawa kundi upang
makatiyak ang estado na magiging produktibo
ang mga mamamayan. kailangan sila ng hari
sa panahon ng digmaan.
Submitted by:
• Alfred B. Anero
• Marshall Fhilindo C. Gavan
• Angelo C. Hernandez
• Franklin Godwin M. Lanojan
• Adrian Joshua O. Martinez
• Rowaine Nicar L. Lozano
• Charla Sean A. Villanueva
Submitted to:
Mrs. Marilou Alvarez Belarmino