Se ha denunciado esta presentación.
Se está descargando tu SlideShare. ×

Makulay na paglalarawan

Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Próximo SlideShare
Pang - ukol
Pang - ukol
Cargando en…3
×

Eche un vistazo a continuación

1 de 16 Anuncio

Más Contenido Relacionado

Presentaciones para usted (20)

Similares a Makulay na paglalarawan (20)

Anuncio

Más reciente (20)

Makulay na paglalarawan

  1. 1. MAKULAY NA PAGLALARAWAN
  2. 2. •Noon ay mataimtim na minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa kanyang pagkakahigang walang katinang-tinang. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na katulad sa isang bangkay at walang kakilus-kilos, maliban marahil, sa paminsan-minsang pagkibot ng kanyang mga labing
  3. 3. •Ano kaya ang silbi ng mga salitang may salungguhit sa maikling talatang ito? •Ang mga salitang may salungguhit ay mga Pang-uri. Nagsasaad ang mga ito ng katangiang o uri ng tao, bagay,
  4. 4. •A. Panuring Panggalan •1.Masusuring na mga kamay ang nakalahad sa kanyang harapan. •2.Sanlibong hirap ang kanyang tiniis makita lamang muli ang nawalay na bunso. •B.Panuring sa Panghalip •1.Kayong mahihirap ay pagkakalooban ng tulong ng pamahalaan. •2.Silang mga mapagtiis ang gagantimpalaan sa kalangitan.
  5. 5. • Bukod sa direktang paglalarawan ng mga pang-uri sa mga pangngalan o panghalip sa mga pangungusap, ang pang-uri ay maaari ring tumayong isang simunong pangngalan sa pangungusap. • Halimbawa: Kinagigiliwang palagi ang mga magagalang. Ang mararangal ay pinagpipitaganan. Maari ring gamitin bilang kaganapang pansimuno ang isang pang-uri. Halimbawa: Ang mga Pilipino ay masayahin. Mapupusok ang mga kabataan.
  6. 6. Sa pag-uugnay ng mga pang-uri sa pangngalan o panghalip, gumamit tayo ng mga pang-angkop. Suriin ang mga pang-angkop sa mga halimbawang ito 1.mapalad na nilalang 2.gabing maaliwalas 3.susun-susong problema Kailan natin ginagamit ang na? ang ng? Mababanggit na ang –g ay hindi maituturing na pang-angkop sapagkat ang digrapong ng ay hindi binubuo ng mga ponemang n at g. A ng ay kumakatawan sa isang ponema lamang – sa ponemang n. Kayat kapag inaangkupan ang salitang nagtatapos sa n, ang nangyayari ay hindi inaangkupan ng g ang salita kundi ang n ay napapalitan ng n.
  7. 7. KAYARIAN NG PANG-URI Ang pang-uri ay maaaring payak, maylapi, inuulit, o tambalan. 1. Payak ang pang-uri kapag ito’y binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi. Ang mundo ay bilog. Pula ang kulay ng himagsikan. 2.Maylapi ang pang-uri kapag ito’y binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Ang mga panlaping ikinakabit sa pagbubuo ng mga pang-uri ay tinatawag na panlaping makauri. Madalas na gamiting panlaping makauri ang ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-. Halimbawa: ka- kalahi kasunod Ang panlaping ka- ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa isang taong binabanggit sa pangungusap. kay- kayganda kaysaya Ang panlaping kay- ay nagpapakita ng katangian ng bagay na inilalarawan. ma- matalino mahusay Ang panlaping ma- ay nagpapakita rin ng katangian ng pangngalan o panghalip na binabanggit.
  8. 8. maka- makabayan maka-Diyos Ang maka- ay nagpapakilala ng pakikiayon o pakikisama. mala- malarosas malasutla Nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad ng salitang-ugat. 3. Inuulit ang pang-uri kung ito’y binubuo ng salitang inuulit. Maaring ang pag-uulit ay ganap o di-ganap. Ito’y ganap kapag inuulit nang buong-buo ang salita-ugat. Di-ganap naman ang pag-uulit kapag isang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.
  9. 9. Pag-uulit na ganap: sira-sira maganda-ganda Pag-uulit na di-ganap: matatamis ang tatamis 4. Tambalan ang pang-uri kapag ito’y binubuo ng dalawang salitang-ugat na pinag-iisa. Ang pang-uring tambalan ay maaaring magbigay ng kahulugang karaniwan o patalinghaga. Halimbawa ng tambalang pang-uring may karaniwang kahulugan: Masayang-malungkot ang kaarawang iyon ni Tessa. Halimbawa ng mga tambalang pang-uring may patalinghagang kahulugan: Ang kanyang buhay ay isang pasang-krus.
  10. 10. KAILANGAN NG PANG-URI Ang pang-uri ay maaring isahan, dalawahan, o maramihan. Ito ay isahan kung iisa lamang ang inilalarawan, dalawahan kung dalawa ang inilalarawan at maramihan kung higit sa dalawa ang inilalarawan. Ang anyong isahan ng pang-uri ay maipakikita sa paggamit ng panlapaing ma-, ka-, pang-, atb. nang walang pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat o walang panandang mga, o iba pang salitang nagsasaad ng bilang na higit sa isa. Halimbawa:. Matalino si Andres. Kapalagayang-loob ko si Anita. Pampaganan ang atsara
  11. 11. Ang anyong dalawahan ay naipakikita naman sa paggamit ng panlaping magka-, magsing-, magkasing- o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng salitang kapwa. Halimbawa: Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy. Magsimbagsik ang leon at ang tigre. Magkasing-asim ang sampalok at mangga. Dalawang malalaking lalaki ang humarang sa daraanan niya. Kapwa maginoo sina Ruel at Tony. Samantala ang anyong maramihan ng pang-uri ay naipakikita sa pamamagitan ng pantukoy na mga, sa pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat, o sa pag-uulit ng pantig na ka sa mga panlaping magka- o magkasing- o sa paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa. Halimbawa: Mga sikat na artista ang gumanap sa benefit show. Mga mayayaman ang kaagad na nagpadala ng tulong sa mga biktima ng lahar. Magkakasingganda ang nanalo sa Mutya ng Pilipinas. Magkakaedad sina Rosita, Elmer, at Susan.
  12. 12. KAANTASAN NG KASIDHIAN NG PANG-URI May tatlong kaantasan ng kasidhian ang pang-uri: lantay o pangkaraniwan, katamtaman, at masidhi. Lantay ang karaniwang anyo ng pang-uri, tulad ng sumusunod: Mapula ang rosas. Palabati si Aida. Ang katamtamang antas ay maipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti, atb. Medyo maalinsangan ang panahon. Hinog na nang bahagya ang napitas mong bayabas. Masaya nang kaunti ang wakas ng dula.
  13. 13. Ang ikatlong antas ng pang-uri ay nagpapakilala ng kasidhian o kasukdulan. Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng: 1. pag-uulit ng salita Maputing-maputi na ang buhok ni Lola. Pulang-pula ang mga hinog na kamatis. 2. paggamit ng mga panlaping napaka-, pagka- + pag-uulit, kay- + pag- uulit; Napakaginaw sa Amerika. Pagkataba-taba ng kapatid niyang bunso. Kaysipag-sipag ni Rosanna. 3. paggamit ng mga salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay, atb. Lubhang masakit para sa kanya ang nangyari. Masyadong mahirap ang mga tanong sa nakaraang eksamen.
  14. 14. HAMBINGAN NG MGA PANG-URI Nagkaroon din ng iba’t-ibang anyo ang pang-uri kung ito ay naglalarawan ng dalawa o higit pa. Kapag dalawa lamang ang pinaghahambing ng pang-uri, tinatawag itong pahambing. May dalawang uri ang pang-uring pahambing: (a) pahambing na magkatulad at (b) pahambing na di magkatulad. Ang pahambing ay magkatulad kung ang mga katangiang pinaghahambing ay pareho o magkapatas. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping kasing-, magsing-, magkasing- o kaya’y sa paggamit ng mga salitang panulad, tulad ng gaya, tulad, pares, kapwa, pareho, atb. Kasimbango ng sampagita ang rosas. Mahinhin si Rebecca tulad ni Zenaida. Kapwa matulungin ang magkaibigang Nena at Delia.
  15. 15. Kapag di-magkapatas ang mga katangian pinaghahambing, gumagamit tayo ng pahambing na di-magkatulad. Gumagamit tayo ng salitang pahambing, tulad ng kaysa, di-tulad, di-gaya di-gaano, di-hamak, atb. Mataas ang puno ng lansones kaysa puno ng santol. Matataas na ang kanyang mga marka ngayon, di-katulad noon. Mahirap ang eksamen sa Matematika, di-gaya ng sa Agham. Samantala, ang panukdulan ng mga pang-uri ay naipakikita sa pamamagitan ng panlaping pinaka-, ka-… -ani-han, at ng pinagsamang salitang walang at kasing-. Pinakasikat na artista ang kanyang idolo. Dumalangin siya sa kabanal-banalang puso ni Hesus. Walang kasinlubha ang pinsalang ginawa ng pagputok ng Bulkang Pinatubo.
  16. 16. MARAMING SALAMAT SA IYONG PAGBASA NAWA’Y PAGPALAIN KA NG DIYOS.

×