Se ha denunciado esta presentación.
Se está descargando tu SlideShare. ×

AP 8 Modyul 3 Summary

Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Anuncio
Próximo SlideShare
National monarchy
National monarchy
Cargando en…3
×

Eche un vistazo a continuación

1 de 3 Anuncio

Más Contenido Relacionado

Presentaciones para usted (20)

Anuncio

Similares a AP 8 Modyul 3 Summary (20)

Anuncio

Más reciente (20)

AP 8 Modyul 3 Summary

  1. 1. MODYUL 3: PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG: TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN PAG-USBONG NG BOURGEOISIE  Bourgeoisie – inuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval france na binubuo ng mga artisan at mangangalakal.  Artisan – mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.  Ang mga bourgeoisie ay naiiba sa pamumuhay ng mga aristokrasya, magsasaka at mga pari.  Ang daigdig ng mga bourgeoisie ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan.  Hindi nakatali ang mga kasapi sa panginoong lupa.  Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi industriya at kalakalan.  Sa huling bahagi ng 17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang mga ito sa Europe.  Binubuo sila ng mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing namumuhunan, at mga negosyante.  Hindi na kabilang ang mga artisan sa panahong ito sapagkat sila ay maiuuri na sa mga manggagawa.  Ang kapangyarihan ng mga bourgeoisie ay bungang kayamanan atpakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord.  Ang kanilang kapangyarihan ay pang-ekonomiya lamang.  Maiuugat sa EnglishRevolution,AmericanRevolution,at French Revolutionsa pagnanais ng bourgeosie napalayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari.  Noong 19 siglo, nagkaroon ng politikal na karapatan ang mga bourgeoisie.  Sa pamamgitan ng pagtataguyod ng liberalismo, nagkamit sila ng karapatng politikal, panrelihiyon at sibil. MERKANTILISMO  Nakatulong ito sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe.  Nabuo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal sa isang bansa.  Bagama’t kadalasang kinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal.  Ang layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko,mapondohanang kanyang hukbo,at magkakroonng pamahalaang katatakutan at rerespetuhinng buong daigdig.  Ang doktrinang bullionism ay isang sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansaay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.  Kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Ibig sabihin ay ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa.  Mula ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America.  Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pag bansa.  Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan.
  2. 2.  Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko.  Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan. PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY  Malaki ng naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe.  Noong panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan.  Mahina ang kapangyarihan ng hari.  Noble ang tawag sa mga naghahari na siyang mga panginoong may lupa.  Dahil sa tulong ng bourgeoisie, nabago ang katayuan ng monarkiya, sapagkat ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatg na sentralisadong pamahalaan.  Humirang siya ng mga mamamayang nagpatupad ng batas at nagsagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo.  Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila.  Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.  Dahil sa buwis, nagkaroon ng pondo ang hari na magbayad ng sundalo.  Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa.  Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan.  Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador. PAG-USBBONG NG MGA NATION-STATE  Sa pagbabago ng konsepto ng monarkiya, naitatag rin ang batayan ng mga nation-state sa Europe.  Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na panananahanan ng mga mamayanan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan.  Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi.  Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang may soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa.  Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan.  May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.  Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng digmaan.  Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisya atkawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at pagkakaloob ng hustisya.  Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe.  Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya.  Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya.  Naganap ito sa panghihimasok atpananakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, atnang kinalaunan, sa Africa. PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE
  3. 3.  Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon.  Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa.  Sa pagsapitng 1073, naging mas makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos.  Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina.  Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapatna mapasailalim sa kanya,gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyano.  May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi tumupad ang hari sa kanyang obligasyong Kristiyano.  Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII.  Hindi nagustuhan ng Haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII.  Para kay Henry,ang relihiyong panatisismoni Papa Gregory VIIay tuwirang nakaapekto sa mgakaugalian atusaping politikal sa Germany.  Dahil dito, humingi ng tulong si Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa.  Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko.  Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya.  Nang hindi ito gawin ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italya ng tatlong araw noong 1077.  Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry V.  Ito ang tinatawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider- espiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa.  Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papana hindi napapasailalim sa sinumang hari.  Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon Middle Ages.  Malawak ang lupang pag-aari nito.  Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad.  Ito din ang namamhala sa edukasyon.  Maging ang hari ay kaya niyang utusan o pasunurin.  Sa pangunguna ng simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.  Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay lumakas.  Lumaki ang populasyon ay nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas ang kapangyariham ng simbahan.  Ang mga salik na ito ay ang nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan sa mga susunod na panahon.

×