Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)

196.203 visualizaciones

Publicado el

Teacher’s Guide in ARALING PANLIPUNAN Quarter 1 to 4

Publicado en: Educación
  • Inicia sesión para ver los comentarios

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)

  1. 1. 4 Araling Panlipunan Patnubay ng Guro Ang aklat sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  2. 2. ii Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon 2015 ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD Direktor III: Marilette R. Almayda, Phd Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro Konsultant: Florisa B. Simeon Tagasuri at Editor: Aurea Jean A. Abad Mga Manunulat: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval Illustrator: Peter D. Peraren Florian F. Cauntay, Belinda A. Baluca Punong Tagapangasiwa: Anna Lourdes Abad-Falcon Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
  3. 3. iii Paunang Salita Ang Patnubay ng Guro 4 ay inihanda upang maging gabay ng guro sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa ikaapat na baitang. Tulad ng aklat para sa mga mag-aaral, nahahati ang Patnubay sa apat na yunit. Nakapaloob sa bawat aralin ng yunit ang layunin, paksang aralin, pamamaraan ng pagtuturo, at pagtataya. Bawat yunit ay nagtatapos sa lagumang pagsusulit. Ang nilalaman ng patnubay ay naaayon sa pangangailangan na nakasaad sa kompetensi. Mahalagang ihanda ng guro nang mas maaga ang mga kagamitang kailangan sa pagtuturo na nakasaad sa bawat aralin. Datapwat masasabing buo ang pagtalakay sa mga aralin, ang mga guro ay may layang magdagdag o magbago ng mga kagamitan, halimbawa, o paraan ng talakayan, ayon sa pangangailangan ng aralin. Inaasahang ang Patnubay na ito ay makatutulong sa pagiging lalong malikhain ng mga guro, at magsilbing gabay nila sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga May-akda
  4. 4. iv
  5. 5. v Mga Nilalaman YUNIT I ANG AKING BANSA ................................. 1 ARALIN 1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa...................................... 1 2 Ang Kinalalagyan ng Pilipinas.................................... 4 3 Ang Teritoryo ng Pilipinas........................................... 9 4 Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal............................. 12 5 Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa..... 16 6 Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa Pilipinas .............................. 18 7 Ang Pilipinas bilang Isang Bansang Insular .............. 22 8 Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa .......................................... 24 9 Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa ........... 28 10 Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng Bansa................................... 31 11 Ang Topograpiya ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Bansa........................................................................ 35 12 Ang Populasyon ng Bawat Rehiyon sa Bansa............. 38 13 Ang Pilipinas bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire .................................................. 41 14 Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa................................................. 44 Lagumang Pagsusulit............................................................................. 48
  6. 6. vi YUNIT II LIPUNAN, KULTURA, AT EKoNomIYA NG AKING BANSA..................................... 51 ARALIN 1 Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng Hanapbuhay .. 52 2 Mga Produkto at Kalakal sa Iba’t Ibang Lokasyon ng Bansa ....................................................................... 55 3 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na Yaman ............................................. 57 4 Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa...................... 59 5 Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa........................................................................ 62 6 Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa ....... 65 7 Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-Yaman ng Bansa........................................................................ 66 8 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa..................................... 71 9 Pagtangkilik sa Sariling Produkto para sa Pag-unlad at Pagsulong ng Bansa.................. 75 10 Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa ........................................... 79 11 Likas Kayang Pag-unlad.............................................. 82 12 Kulturang Pilipino........................................................ 86 13 Mga Pamanang Pook.................................................... 89 14 Pagsulong at Pag-unlad ng Kultura............................ 90 15 Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakilanlang Pilipino .......................................................................... 93 16 Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanlang Pilipino ............ 96 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa ..................................... 98 18 Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino ................................................... 101 Lagumang Pagsusulit……………………………………… ....................... 103
  7. 7. vii YUNIT III ANG PAmAmAhALA SA AKING BANSA ..................................... 109 ARALIN 1 Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng Sangay Nito ............................................................. 109 2 Mga Antas ng Pamahalaan.......................................... 111 3 Ang mga Namumuno sa Bansa.................................... 113 4 Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa...................................... 115 5 Paghihiwalay ng Kapangyarihan at Check and Balance sa mga Sangay ng Pamahalaan............................................................. 118 6 Epekto ng Mabuting Pamumuno sa Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Bansa....... 120 7 Kahulugan ng mga Simbolo at Sagisag ng Kapangyarihan ng Pamahalaan............................. 122 8 Mga Programang Pangkalusugan ............................... 125 9 Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa ............................................... 126 10 Mga Programang Pangkapayapaan ............................ 128 11 Paraan ng Pagtataguyod sa Ekonomiya ng Bansa..... 130 12 Mga Programang Pang-impraestruktura ng Pamahalaan............................................................. 132 13 Tungkulin ng Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Karapatan ng Bawat Mamamayan ........................ 135 14 Iba pang Gawain ng Pamahalaan para sa Kabutihan ng Lahat........................................ 136 15 Pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal at Iba pang Tagapaglingkod ng Pamayanan .............. 138 Lagumang Pagsusulit……………………………………… ....................... 141
  8. 8. viii YUNIT IV AKo SA PAG-UNLAd NG AKING BANSA .................................... 145 ARALIN 1 Ang Pagkamamamayang Pilipino ............................... 145 2 Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino................. 149 3 Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino ................. 153 4 Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino ............................................ 158 5 Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko.................................................. 162 6 Mga Gawain at Epekto ng Gawaing Pansibiko .......... 164 7 Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang Kaunlaran............. 166 8 Pagpapaunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan..... 169 9 Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan ......... 173 10 Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Pilipino sa Daigdig .......................................... 175 11 Pakikilahok sa mga Programa at Proyekto na Nagtataguyod ng mga Karapatan .......................... 177 Lagumang Pagsusulit............................................................................. 181 Talahuluganan ....................................................................................... 186
  9. 9. ix K to 12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN Baitang 4 Marso 25, 2014
  10. 10. x
  11. 11. xi mGA KAKAYAhAN 1. Pagsisiyasat 2. Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos 3. Pagsusuri at Interpretasyon ng Impormasyon 4. Pagsasaliksik 5. Komunikasyon 6. Pagtupad sa Pamantayang Pang-etika PANGUNAhING PAmANTAYAN NG YUGTo (4–6) Naipamamalas ang mga kakayahan bilang batang produktibo, mapanagutan at makabansang mamamayang Pilipino gamit ang kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman at pakikipag- talastasan at pag-unawa sa mga batayang konsepto ng heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, pamamahala, sibika at kultura tungo sa pagpapanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa. PAmANTAYAN SA PAGKATUTo Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas nang may pagpa- pahalaga sapagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas. SAKLAW ANG BANSANG PILIPINAS Pagpapahalaga sa pambansang pagkakakilanlan at ang mga kontribusyon ng bawat rehiyon sa paghubog ng kulturang Pilipino at pambansang pag-unlad gamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.
  12. 12. xii Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina38ng120 BAITANG4 PAMANTAYANSAPAGKATUTO:Naipagmamalakiangpagka-PilipinoatangbansangPilipinasnamaypagpapahalagasapagkakaiba-ibangmgakulturangPilipinobataysa paggamitngmgakasanayansaheograpiya,pag-unawasakulturaatkabuhayan,pakikilahoksapamamahalaatpagpapahalagasamga mithiinngbansangPilipinas. NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS UNANGMARKAHAN-AngAkingBansa A.PagkilalasaBansaAngmag-aaralay… naipamamalasangpag- unawasakonseptong bansa. Angmag-aaralay… naipapaliwanagnaang Pilipinasayisangbansa 1.Natatalakayangkonseptong bansa 1.1Nakapagbibigaynghalimbawa ngbansa 1.2Naiisa-isaangmgakatangian ngbansa AP4AAB-Ia-1 2.Nakapagbubuongkahuluganng bansa AP4AAB-Ib-2 3.NaipapaliwanagnaangPilipinasay isangbansa AP4AAB-Ib-3 B.AngKinalalagyanng AkingBansa Batayangheograpiya 1.direksyon 2.relatibonglokasyon 3.distansya Uringmapa 1.mapangPilipinassa mundo 2.mapangmgalalawigan atrehiyon 3.mapangpopulasyon Naipamamalasangpang- unawasa pagkakakilanlanngbansa ayonsamgakatangiang heograpikalgamitang mapa. Naipamamalasang kasanayansapaggamit ngmapasapagtukoyng iba’tibanglalawiganat rehiyonngbansa 4.Natutukoyangrelatibonglokasyon (relativelocation)ngPilipinas bataysamganakapaligiddito gamitangpangunahinat pangalawangdireksyon AP4AAB-Ic-4 MISOSALesson#1 (GradeIV) 5.Natutukoysamapaang kinalalagyanngbansasarehiyong Asyaatmundo AP4AAB-Ic-5 6.Nakapagsasagawang interpretasyontungkolsa kinalalagyanngbansagamitang mgabatayangheograpiyatuladng iskala,distansyaatdireksyon AP4AAB-Id-6 MISOSALesson#1 (GradeIV) 7.Natataluntonangmgahangganan atlawakngteritoryongPilipinas gamitangmapa AP4AAB-Id-7 8.Naiuugnayangklimaatpanahon salokasyonngbansasamundo. 8.1NakikilalanaangPilipinasay isangbansangtropikal AP4AAB-Ie-f-8 MISOSALesson#9 (GRADEIV)
  13. 13. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina39ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS 8.2Natutukoyangibapangsalik (temperatura,damingulan) namaykinalamansaklima ngbansa 8.3Nailalarawanangklimasaiba’t ibangbahagingbansasa tulongngmapangpangklima 8.4Naipapaliwanagnaangklima aymaykinalamansauri ngmgapananimathayopsa Pilipinas 9.Naipaliliwanagangkatangianng Pilipinasbilangbansangmaritime oinsular AP4AAB-Ig-9 MISOSALesson #13(GradeVI) C.AngKatangiangPisikalng AkingBansa UringMapa 1.Mapangpisikal 2.Mapangpangklima 3.Mapangtopograpiya 3.1lokasyon 3.2klima/panahon 3.3anyongtubig/ anyonglupa 10.Nailalarawanangbansaayonsa mgakatangiangpisikalat pagkakakilanlangheograpikalnito 10.1Napaghahambingangiba’t ibangpangunahinganyong lupaatanyongtubigng bansa 10.2Natutukoyangmga pangunahinglikasnayaman ngbansa 10.3Naiisa-isaangmga magagandangtanawinat lugarpasyalanbilang yamanglikasngbansa 10.4Naihahambingang topograpiyangiba’tibang rehiyonngbansagamitang mapangtopograprapiya 10.5Naihahambingangiba’t ibangrehiyonngbansaayon sapopulasyongamitang mapangpopulasyon AP4AAB-Ig- h-10 MISOSALessons 15-22(GradeVI) xiii
  14. 14. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina40ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS 11.Nailalarawanangkalagayanng Pilipinasnanasa“PacificRingof Fire”atangimplikasyonnito. AP4AAB-Ii-11 12.Nakagagawangmgamungkahi upangmabawasanangmasamang epektodulotngkalamidad 12.1Natutukoyangmgalugarsa Pilipinasnasensitibosa panganibgamitanghazard map 12.2Nakagagawangnang maagapatwastong pagtugonsamgapanganib AP4AAB-Ii-j- 12 13.Nakapagbibigayngkonlusyon tungkolsakahalagahanngmga katangiangpisikalsapag-unladng bansa AP4AAB-Ij-13 IKALAWANGMARKAHAN-Lipunan,KulturaatEkonomiyangAkingBansa A.GawaingPangkabuhayan ngBansa 1.Likasyaman 2.Kahalagahanat pangangalaga 3.Kabuhayanat pinagkukunangyaman UringMapa 1.mapangpisikal 2.mapangpangklima 3.mapangmgaprodukto Angmag-aaralay… nasusuriangmgaiba’t ibangmgagawaing pangkabuhayanbataysa heograpiyaatmga oportunidadathamong kaakibatnitotungosa likaskayangpag-unlad. Angmag-aaralay… nakapagpapakitang pagpapahalagasaiba’t ibanghanapbuhayat gawaingpangkabuhayan nanakatutulongsa pagkakakilanlangPilipino atlikaskayangpag-unlad ngbansa. 1.Nailalarawanangmgagawaing pangkabuhayansaiba’tibang lokasyonngbansa 1.1Naiuugnayangkapaligiransauri nghanapbuhay 1.2Naihahambingangmga produktoatkalakalna matatagpuansaiba’tibang lokasyonngbansa(Hal: pangingisda,paghahabi, pagdadaing,pagsasaka,atbp.) 1.3Nabibigyang-katwiranangpang- aangkopnaginawangmgatao sakapaligiranupangmatugunan angkanilangpangangailangan AP4LKE-IIa-1 2.Naipaliliwanagangiba’tibang pakinabangpangekonomikong mgalikasyamanngbansa AP4LKE-IIb-2 xiv
  15. 15. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina41ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS 3.Nasusuriangkahalagahanng matalinongpagpapasyasa pangangasiwangmgalikasna yamanngbansa 3.1Natatalakayangilangmga isyungpangkapaligiranngbansa 3.2Naipaliliwanagangmatalinoat di-matalinongmgaparaanng pangangasiwangmgalikas nayamanngbansa 3.3Naiuugnayangmatalinong pangangasiwanglikasnayaman sapag-unladngbansa 3.4Natatalakayangmga pananagutanngbawatkasapisa pangangasiwaatpangagalaga ngpinagkukunangyamanng bansa 3.5Nakapagbibigayngmungkahing paraanngwastong pangangasiwanglikasyaman ngbansa AP4LKE-IIb-d- 3 4.Naiuugnayangkahalagahanng pagtangkiliksa sarilingproduktosapag-unladat pagsulongngbansa AP4LKE-IId-4 5.Natatalakayangmgahamonat oportunidadsamgagawaing pangkabuhayanngbansa. AP4LKE-IId-5 6.Nakalalahoksamgagawaing lumilinangsapangangalaga,at nagsusulongnglikaskayangpag- unlad(sustainabledevelopment) ngmgalikasyamanngbansa AP4LKE-IIe-6 B.PagkakilanlangKultural Uringmapangkakailanganin Angmag-aaralay… naipamamalasangpag- Angmag-aaralay… naipagmamalakiang 7.Nailalarawanangmga pagkakakilanlangkulturalng Pilipinas AP4LKE-IIe-f- 7 xv
  16. 16. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina42ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS 1.relihiyon 2.panahanan 3.KatutubongPamayanan (indigenouspeoples/ IndigenousCultural Community) 4.pangkatetno- linggwistiko 5.Kaugalian,tradisyon, paniniwala 6.PamanangPook unawasapagkakilanlang Pilipinobataysa pagpapahalagasa pagkakaiba-ibangmga pamayanangpang- kultural. pagkakakilanlangkultural ngPilipinobataysapag- unawa,pagpapahalagaat pagsusulongngpangkat kultural,pangkatetno- linggwistikoatibapang pangkatpanlipunanna bungangmigrasyonat “inter-marriage”. 7.1Natutukoyangilang halimbawangkulturang Pilipinosaiba’tibangrehiyon ngPilipinas(tradisyon, relihiyon,kaugalian, paniniwala,kagamitan,atbp.) 7.2Natatalakayangkontribusyon ngmgaiba’tibangpangkat (pangkatetniko,pangkatetno- linguistikoatibapangpangkat panlipunannabungang migrasyonat“inter-marriage”) sakulturangPilipino 7.3Natutukoyangmgapamanang pookbilangbahaging pagkakakilanlangkulturang Pilipino 7.4Nakagagawangmungkahisa pagsusulongatpagpapaunlad kulturangPilipino 8.Nasusuriangpapelna ginagampananngkulturasa pagbuongpagkakakilanlang Pilipino AP4LKE-IIg-8 9.Naipapakitaangkaugnayanng heograpiya,kulturaat pangkabuhayanggawainsa pagbuongpagkakilanlangPilipino AP4LKE-IIg-9 10.Natatalakayangkahuluganng pambansangawitatwatawat bilangmgasagisagngbansa AP4LKE-IIh- 10 11.Nakabubuongplanona magpapakilalaatmagpapakitang pagmamalakisakulturangmga rehiyonsamalikhaingparaan. AP4LKE-IIi-11 xvi
  17. 17. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina43ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS 12.Nakasusulatngsanaysayna tumatalakaysapagpapahalagaat pagmamalakingkulturangPilipino AP4LKE-IIj-12 IKATLONGMARKAHAN–AngPamamahalaSaAkingBansa A.AngPambansang Pamahalaan 1.Balangkas 2.MgaKapangyarihanng mgaSangay 3.Sagisagngbansa Angmag-aaralay… naipamamalasangpang- unawasabahaging ginagampananng pamahalaansalipunan, mgapinunoatibapang naglilingkodsa pagkakaisa,kaayusanat kaunlaranngbansa Angmag-aaralay… nakapagpapakitang aktibongpakikilahokat pakikiisasamgaproyekto atgawainngpamahalaan atmgapinunonitotungo sakabutihannglahat (commongood) 1.Natatalakayangkahuluganat kahalagahanngpambansang pamahalaan AP4PAB-IIIa- 1 MISOSALesson#26 (GRADEVI) 2.Nasusuriangbalangkaso istrukturangpamahalaanng Pilipinas 2.1Natatalakayang kapangyarihanngtatlong sangayngpamahalaan (ehekutibo,lehislaturaat hudikatura) 2.2Natatalakayangantasng pamahalaan(pambansaat lokal) 2.3Natutukoyangmga namumunongbansa 2.4Natatalakayangparaanng pagpiliatangkaakibatna kapangyarihanngmga namumunongbansa AP4PAB-IIIa- b-2 MISOSALesson#28 (GradeVI) 3.Nasusuriangmgaugnayang kapangyarihanngtatlongsangay ngpamahalaan 3.1Naipaliliwanagang “separationofpowers”ng tatlongsangayng pamahalaan 3.2Naipaliliwanagang“check andbalance”ng kapangyarihansabawat isangsanga AP4PAB-IIIc- 3 xvii
  18. 18. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina44ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS B.AngPamahalaanat SerbisyongPanlipunan Naipapaliwanagang tungkulinngpamahalaan naitaguyodang karapatanngmga mamamayan 4.Natatalakayangepektong mabutingpamumunosapagtugon ngpangangailanganngbansa AP4PLR-IIId- 4 5.Natatalakayangkahuluganng ilangsimboloatsagisagng kapangyarihanngpamahalaan (ei.executive,legislative, judiciary) AP4PAB-IIId- 5 6.Nasusuriangmgapaglilingkodng pamahalaanupangmatugunan angpangangailanganngbawat mamamayan 6.1Naiisaisaangmga programangpangkalusugan 6.2Nasasabiangmga pamamaraansa pagpapaunladngedukasyon sabansa 6.3Nakakapagbigayhalimbawa ngmgaprograma pangkapayapaan 6.4Nasasabiangmgaparaanng pagtataguyodngekonomiya ngbansa 6.5Nakakapagbigayhalimbawa ngmgaprogramangpang- inprastrakturaatbpng pamahalaan AP4PAB-IIIf- g-6 MISOSALesson #29(GradeVI) 7.Nasusuriangtungkulinng pamahalaannaitaguyodang karapatanngbawat mamamayan AP4PAB-IIIh- 7 xviii
  19. 19. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina45ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS 8.Nasusuriangmgaproyektoat ibapanggawainngpamahalaan sakabutihannglahato nakararami AP4PAB-IIIi-8 9.Nasusuriangiba’tibangparaan ngpagtutulunganng pamahalaangpambayan, pamahalaangpanlalawiganat ibapangtagapaglingkodng pamayanan AP4PAB-IIIj-9 IKAAPATNAMARKAHAN-KabahagiAkosaPag-unladngAkingBansa MgaKarapatanatTungkulinng MamamayangPilipino 1.Kagalingangpansibiko 2.KarapatangPanlipunan 3.KarapatangPantao 4.Karapatangpambansa Angmag-aaralay naipamamalasngmag- aaralangpang-unawaat pagpapahalagasa kanyangmgakarapatan attungkulinbilang mamamayangPilipino Angmag-aaralay nakikilahoksamga gawaingpansibikona nagpapakitangpagganap sakanyangtungkulin bilangmamamayanng bansaatpagsasabuhay ngkanyangkarapatan. 1.Natatalakayangkonseptong pagkamamamayan 1.1.Natutukoyangbatayanng pagkamamamayangPilipino 1.2.Nasasabikungsinoangmga mamamayanngbansa AP4KPB-IVa- b-1 2.Natatalakayangkonseptong karapatanattungkulin 2.1Natatalakayangmga karapatanngmamamayang Pilipino 2.2Natatalakayangtungkulinng mamamayangPilipino AP4KPB-IVc-2 3.Natatalakayangmgatungkuling kaakibatngbawatkarapatang tinatamasa. AP4KPB-IVc-3 4.Natatalakayangkahalagahanng mgagawaingpansibikongbawat isabilangkabahagingbansa 4.1Naibibigayangkahuluganng kagalingangpansibiko(civic efficacy) 4.2Natatalakayangmgagawaing nagpapakitangkagalingan pansibikongisangkabahaging bansa(hal.Pagtangkilikng AP4KPB-IVd- e-4 MISOSALessons 44-48(GradeVI) xix
  20. 20. Kto12BASICEDUCATIONCURRICULUM Kto12AralingPanlipunanGabayPangkurikulumDisyembre2013Pahina46ng120 NILALAMAN (Content) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (ContentStandard) PAMANTAYAN SAPAGGANAP (PerformanceStandard) PAMANTAYANSAPAGKATUTO (LearningCompetencies) CODE LEARNING MATERIALS produktongPilipino,pagsunod samgabatasngbansa, tumulongsapaglilinisng kapaligiran). 4.3Nahihinuhaangepektong kagalingangpansibikosapag- unladngbansa. 5.Nabibigyanghalagaangbahaging ginagampananngmga mamamayansapagtataguyodng kaunlaranngbansa 5.1Naipaliliwanagkungpaano itinataguyodng mgamamamayanang kaunlaranngbansa 5.2Naipaliliwanagkungpaano makatutulongsapagunladat pagsulongngbansaang pagpapaunladsasariling kakayahanatkasanayan 5.3Naibibigayangkahuluganat katangianngpagiging produktibongmamamayan AP4KPB-IVf- g-5 6.Napahahalagahanangmga pangyayariatkontribusyonngmga Pilipinosaiba’t-ibangpanigng daigdigtungosakaunlaranng bansa(hal.OFW) AP4KPB-IVh-6 7.Naipakikitaangpakikilahoksamga programaatproyektong pamahalaannanagtataguyodng mgakarapatanngmamamayan AP4KPB-IVi-7 8.Nakapagsusulatngsanaysay tungkolsapagka-Pilipinoatsa Pilipinasbilangbansa AP4KPB-IVj-8 xx
  21. 21. 1 Yunit I Ang Aking Bansa Pananaw Sa simulang aralin ng yunit ay tatalakayin ang pagkilala sa bansa. Nakapaloob dito ang pagtalakay sa konsepto ng bansa, pagbuo ng kahulugan nito, at pagpapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa. Kasunod nito ay ang pagtatampok sa relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon. Tutukuyin din sa mapa ang kinalalagyan ng Pilipinas sa rehiyong Asya at sa mundo. Sa bandang huli ay ipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime o insular, at tatalakayin ang katangiang pisikal ng bansa. Ilalarawan ang bansa ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito. Isusunod ang paglalarawan sa kalagayan ng Pilipinas na nasa Pacific Ring of Fire at ang mga implikasyon nito. Itatampok din ang mga mungkahi upang mabawasan ang masamang epektong dulot ng kalamidad. Sa dakong huli ay ilalahad ang konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa. ARALIN 1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa Layunin 1. Natatalakay ang konsepto ng bansa 2. Nakabubuo ng kahulugan ng bansa 3. Naipaliliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa Paksang Aralin Paksa : Ang Pilipinas ay Isang Bansa Kagamitan : mapa ng Asya at mundo, panulat Sanggunian : Learner’s Material, p. 2–7 K to 12 – AP4AAB-Ia-1; AP4AAB-Ib-2; AP4AAB-Ib3 Pamamaraan A. Panimula 1. Ipalaro ang “Sakay, Lakbay, Salakay!” (likhang laro ni Ynnos Azaban) a. Sabihin sa mga mag-aaral na kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel. Pasulatan ito ng pangalan ng bansa na alam nila maliban sa Pilipinas. Tanggapin kung may magkapare-parehong bansa. b. Sabihan silang bumuo ng malaking bilog na ang bawat isa ay nakaharap sa loob nito. Ipalapag sa sahig sa tapat nila ang mga papel na may nakasulat na pangalan ng bansa.
  22. 22. 2 c. Pupuwesto ang guro sa loob ng bilog. Sabihan sila na kapag sinabi ng guro na “Sakay!” kailangan nilang tumalikod at kapag sinabing “Lakbay!” kailangang lumakad paikot sa kanan ang mga mag-aaral (habang ginagawa ito ng mga mag-aaral, magbabawas ng isang papel ang guro). Kapag sinabi ng guro ang “Salakay!” kailangang huminto ang mga mag-aaral at tatapat sa mga papel na may nakasulat na bansa. Ang mag-aaral na walang matatapatang papel ay hindi na kasali sa laro at uupo na. d. Maaaring gawin ang laro sa loob ng 3–4 na minuto. e. Bigyan ng mas mataas na puntos sa pakikilahok at palakpak ang mga mag-aaral na matitira sa laro. 2. Itanong: a. Ano-ano ang mayroon sa laro na inyong ginawa? b. Kung wala ang mga bagay na bumubuo sa laro, magagawa kaya ang laro? c. Sa mga natanggal sa laro, ano ang naramdaman ninyo? d. Sa mga nanatili sa laro, ano ang naramdaman ninyo? e. Bakit mahalagang makapuwesto ka sa tapat ng papel na may nakasulat na bansa? 3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Mga maaaring sagot… a. Tao o manlalaro, papel na may nakasulat na salitang bansa, sahig kung saan nakapuwesto ang papel. b. Maaaring hindi, dahil kailangan ng manlalaro at ng papel na nakalagay sa sahig. c. Nalungkot dahil hindi na ako kasali sa laro. d. Masaya dahil may puwesto ako lagi. Masaya dahil may bansa ako na napuwestuhan. e. Kasi hindi ako natatanggal sa laro. Kasi may puwesto ako lagi. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin. Tulad ng ating nilaro, may mahahalagang bagay na kailangan upang matawag na bansa ang isang lugar. Iyan ang pag-aaralan natin ngayon. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 2. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng sagot nila. 3. Ipabasa ang tekstong nagpapaliwanag sa kahulugan at mga elementong bumubuo sa isang bansa. 4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM, p. 4. 5. Ipagawa ang mga sumusunod: Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 5. Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk.
  23. 23. Magpabuo ng pangkat na may tatlong kasapi lamang (triad). Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM, p. 5. Ipakopya sa papel ang saranggola at ipasulat ang sagot dito. Gamitin ang kaparehong pangkat sa Gawain B. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, pahina 5. Ipabasa ang tula tungkol sa bansa. Ipagawa ang isinasaad ng panuto sa gawain. Sabihin sa mga kasapi ng pangkat na triad na ibahagi sa isa’t isa ang ginawang pagbilog sa mga salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Pag-usapan kung ang kanilang sagot ay ayos na bago ipawasto sa guro. 6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 6 at talakayin ang sagot. Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, p. 6. Takdang Gawain Magdala ng mapa ng Asya at ng mundo na nagpapakita ng kinalalagyan ng Pilipinas. Susi sa Pagwawasto 2, 3, 4, 5 1–4. Tao, Teritoryo, Pamahalaan, at Soberanya. Maaaring hindi sunod-sunod. Ang mga may bilog ay ang mga salita/pariralang tao, malaya, mayroong namamahala, at may teritoryo. Natutuhan Ko I. Ang mga may tsek ay ang bilang 1, 3, 4, at 5. II. 1. 2. 3. 4. 5. J III. Ang sagot ay maaaring: Sa itaas na bahagi ng bandila: Ang bansa ay binubuo ng tao, teritoryo, may pamahalaan, at may kalayaaan. Sa ibabang bahagi ng bandila: Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga taong nakatira dito, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at malaya. Maaaring may ibang sagot ang mga mag-aaral. Tanggapin kung malapit sa sagot na ibinigay sa itaas.
  24. 24. 4 Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi. Magpagawa ng islogan tungkol sa pagiging isang bansa ng Pilipinas. Sikaping maipakita ang katangian ng pagiging bansa nito. Gawing gabay ang rubric sa ibaba. 8–10 5–7 3–4 1–2 Nilalaman 10 puntos Ang mensahe ay mabisang naipakita. Di gaanong naipakita ang mensahe. Medyo magulo ang mensahe. Walang mensaheng naipakita. Pagkamalikhain 8 puntos Napakaganda at napakalinaw ng pagkakasulat ng mga titik. Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng mga titik. Maganda ngunit di gaanong malinaw ang pagkakasulat ng mga titik. Di maganda at malabo ang pagkakasulat ng mga titik. 6–7 4–5 2–3 1 Kaugnayan sa Paksa 7 puntos May malaking kaugnayan sa paksa ang islogan. Di gaanong naipakita ang kaugnayan sa paksa ang islogan. Kaunti lamang ang kaugnayan ng islogan sa paksa. Walang kaugnayan sa paksa ang islogan. 4–5 3 2 1 Kalinisan 5 puntos Malinis na malinis ang pagkakabuo. Malinis ang pagkakabuo. Di gaanong malinis ang pagkakabuo. Marumi ang pagkakabuo. Kabuang Puntos = 30 Itanghal ang mga nagawang islogan sa likuran ng silid-aralan. Hikayatin ang mga mag-aaral na tingnan at basahin ang mga nakapaskil na islogan. ARALIN 2 Ang Kinalalagyan ng Pilipinas Layunin 1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon 2. Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at sa mundo Paksang Aralin Paksa : Ang Kinalalagyan ng Pilipinas Kagamitan : globo at mga mapa ng Asya at mundo, panulat Sanggunian : Learner’s Material, pp. 8–14 K to 12 – AP4AAB-Ic-4; AP4AAB-Ic5
  25. 25. 5 Pamamaraan A. Panimula 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Pasagutan ang worksheet na naglalaman ng sumusunod: 2. Itanong: a. Mula sa gitna ng silid-aralan, ano ang makikita sa gawing hilaga? Silangan? Timog? Kanluran? b. Ano ang masasabi ninyo sa puwesto ninyo na isinasaad sa worksheet? c. Bakit mahalagang malaman ang mga nakikita sa inyong paligid? 3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Maaaring sagot: a. Kisame, dekorasyon, sahig, silya, at bintana. b. Maaaring makatulong ang mga nasa paligid upang malaman kung nasaan ang isang lugar. 4. Ipagawa ito sa kaparehong pangkat. Hanapin sa globo ang kinalalagyan ng Pilipinas. Sagutin ang mga tanong: a. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas? b. Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas? c. Ano ang masasabi mo sa kinalalagyan ng Pilipinas? 5. Iugnay ang mga sagot sa aralin. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 10. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot. 3. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa lokasyon ng Pilipinas at sa mga nakapaligid dito. 4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM, p. 10. 5. Ipagawa ang mga gawain. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 11. Ipakopya sa notbuk ang mga grapikong pantulong sa LM, p. 12 at ipasulat dito ang sagot ng mga mag-aaral. Teacher’s table Column 1 Row 1 2 3 4 2 3 4 5
  26. 26. 6 Magpabuo ng pangkat na may 10 kasapi. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM, pahina 12. Ipagawa ang gawain. 6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 13. Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 13–14 ng LM. Takdang Gawain Magdala ng ruler na may panukat na sentimetro at mapa ng Asya at mundo. Susi sa Pagwawasto Mga Pangunahing Direksiyon Taiwan Dagat Celebes Dagat Kanlurang Pilipinas Karagatang Pasipiko Mga Pangalawang Direksiyon Dagat PilipinasParacel Islands Malaysia Palau
  27. 27. 7 Gawing gabay ang rubrik na ito para sa pagbibigay ng puntos para sa MAPA- TAO. Rubrik para sa MAPA-TAO 20 15 10 5 Katumpakan ng ginawa 20 Tamang-tama ang pagkaka- puwesto ng mga mag-aaral sa pagpapakita ng mga nakapaligid sa bansa. Tama ang pagkaka- puwesto ng mga mag-aaral bagamat may ilang hindi eksakto. May ilang mali ang pagkaka- puwesto ng mga mag-aaral sa pagpapakita ng mga nakapaligid sa bansa. Marami ang nagkamali sa pagpuwesto sa pagpapakita ng tamang direksiyon. 15 10 5 3 Kaayusan 15 Naging napakaayos ng mga mag- aaral habang nagtatanghal. Maayos ang mga mag-aaral habang nagtatanghal. Maayos ang pagtatanghal ngunit may mga mag-aaral na nag-iingay. Hindi naging maayos ang pagtatanghal at maingay ang mga mag-aaral. 15 10 5 3 Kooperasyon 15 Buong pusong nakikilahok sa gawain. Nakikilahok ngunit nagdadalawang- isip. Hindi kusang nakikilahok. Hindi nakikilahok at walang pakialam. Sabihin sa kaibigan mo sa Estados Unidos: Kumuha ka ng mapa ng mundo. Tingnan mo kung nasaan ang bansang Estados Unidos. Mula sa Estados Unidos, tumingin ka sa malayong kanan sa gawing silangan. Madadaanan ng iyong tingin ang kontinente ng Asya. Sa kontinente ng Asya, hanapin mo ang bansang nasa silangan ng China, kanluran ng Pacific Ocean, hilaga ng Indonesia, at timog ng Taiwan. Kapag nasunod mo ang itinuturo ng mga direksiyong nabanggit, at nakita ang parang babaeng nakaupo sa mapa, iyon na ang Pilipinas. Natutuhan Ko I. 1. T 4. H 7. T 2. K 5. T 8. H 3. T 6. S II. 1. HS – Philippine Sea 3. HK – Paracel Island 2. TS – Palau Islands 4. TK – Borneo III. Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya sa kontinente ng Asya.
  28. 28. 8 Isagawa ang larong . Panuto: 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. 2. Sabihing may kailangan silang gamit o bagay na dapat makuha. 3. Makukuha nila ang mga gamit o bagay kung matutukoy nila ang direksiyon ng bagay na ipinahahanap. 4. Sa silid, ikalat ang mga salitang Taiwan, Karagatang Pasipiko, Indonesia, Vietnam, Dagat Pilipinas, Palau Islands, Paracel Islands, at Borneo ayon sa mga direksiyong kinalalagyan nito kung ang batayan ay Pilipinas. 5. Ibigay ang task card sa bawat pangkat: Pangkat 1 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa timog, timog- silangan, at kanluran ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa lugar na tinukoy.) Pangkat 2 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa silangan, timog- kanluran, at hilaga ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.) Pangkat 3 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa hilagang-silangan, hilagang-kanluran, at kanluran ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.) Pangkat 4 – Ang mga bagay na hahanapin ninyo ay nasa timog-hilaga, at timog-silangan ng Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.) 6. Sa ilalim ng mga salita ay makikita ang mga bagay na dapat kunin ng bawat pangkat ayon sa direksiyong ibinigay sa kanila. Lugar Lokasyon Bagay na Hahanapin Taiwan hilaga lapis Karagatang Pasipiko silangan bolpen Indonesia timog papel Vietnam kanluran tsok Dagat Pilipinas hilagang-silangan krayola Palau Islands timog-silangan pantasa Paracel Islands hilagang kanluran pambura Borneo timog-kanluran panyo Mungkahi Gawing dalawang piraso lagi ang bilang ng mga bagay. Maaari ding isulat na lamang sa mga strip ng kartolina ang mga pangalan ng bagay o kaya’y iguhit ang mga larawan nito. 7. Ito ang inaasahang makukuhang mga bagay ng bawat pangkat: Pangkat 1 – papel, pantasa, at tsok Pangkat 2 – bolpen, pambura, at lapis Pangkat 3 – pantasa, pambura, at tsok Pangkat 4 – papel, lapis, at pantasa
  29. 29. 9 8. Bigyan ng 10 puntos ang mga pangkat na makakukuha ng tatlong tamang bagay, 5 puntos sa makakakuha ng dalawang tamang bagay, at 3 puntos sa makakukuha ng isang tamang bagay lamang. ARALIN 3 Ang Teritoryo ng Pilipinas Layunin 1. Nakagagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansiya, at direksiyon 2. Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa Paksang Aralin Paksa : Ang Teritoryo ng Pilipinas Kagamitan : lapis, ruler, at mga mapa ng Asya at mundo Sanggunian : Learner’s Material, pp. 15–20 K to 12 – AP4AAB-Id-6; AP4AAB-Id-7 Pamamaraan A. Panimula 1. Ipakita ang ilustrasyon sa mga bata. Sabihing ipagpalagay nila na may bata sa gitna ng Pilipinas at kaniyang mga kamag-anak o kaibigan sa palibot nito. Sabihin na karamihan sa mga Pilipino ay may kamag-anak o kaibigang nakatira sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng mapa at mga batayang heograpiya, matutulungan mo silang malaman o matalunton ang kinalalagyan ng Pilipinas at maging ang hangganan at lawak nito. a. Pabuuin ang mga mag-aaral ng pangkat na may limang kasapi. b. Ipalabas ang kanilang mga ruler at lapis. c. Gamit ang mapa at ruler, ipasulat ang distansiya mula sa Pilipinas patungo sa mga bansang nakapaligid dito. 2. Itanong: a. Batay sa inyong ginawa, ano ang napansin ninyo sa distansiya o layo ng mga kamag-anak at kaibigan ng bata? b. Taga-saang lugar ang pinakamalapit sa bata?
  30. 30. 10 c. Taga-saang lugar naman ang pinakamalayo? d. Ano ang ginawa ninyo para masukat ang layo o distansiya ng bata mula sa mga kamag-anak o kaibigan niya sa ibang bansa? 3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Maaaring sagot: a. Magkakaiba ang layo ng mga kaibigan o kamag-anak ng bata. b. Malaysia c. USA d. Gumamit ng ruler at lapis sa pagsukat ng linya. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin. Alam ba ninyo na maaaring sukatin ang layo ng Pilipinas sa ibang lugar sa mapa na parang ito talaga ang totoong distansiya o layo nila sa isa’t isa? Iyan ang aalamin natin sa araling ito. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina 15. 2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang mga sagot nila. 3. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa teritoryong sakop ng Pilipinas at ang distansiya ng mga nakapaligid dito. 4. Ipagawa ang mga gawain. Sabihan ang mga mag-aaral na kumuha ng kapareha. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 17. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang notbuk. Ipagawa sa magkaparehang mag-aaral ang Gawain B sa LM, p. 17. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, pahina 18. Gamit ang dating magkakapareha ipagawa ang isinasaad ng panuto sa Gawain C. Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 18. Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, p. 19. Takdang Gawain Magdala ng mapang pangklima ng Asya o ng mundo.
  31. 31. 11 Susi sa Pagwawasto Ang sagot ay depende sa mapang gagamitin. Gumamit ng ruler sa pagwawasto ng sagot ng mga mag-aaral gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km. Ang sagot ay depende sa mapang gagamitin at sa bansa o lugar na mapipili ng mag-aaral. Gumamit ng ruler sa pagwawasto ng sagot ng mga mag-aaral gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km. Maaaring sagot: Napakaganda ng lokasyon at teritoryo ng Pilipinas dahil napapalibutan ito ng iba’t ibang anyong lupa. (Maaaring may iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.) Natutuhan Ko I. 1. D 2. C 3. D 4. C 5. B II. Ang sagot ay depende sa mapang gagamitin ng mag-aaral o ipagagamit ng guro. Gumamit ng ruler sa pagwawasto ng sagot ng mga mag-aaral gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km. III. Ang may tsek (3) ay ang sumusunod: 1. tubig 2. napakalayo sa Pilipinas 3. medyo malayo 4. mas maliit 5. mainam sa kalakalan at mayaman sa yamang likas 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. 2. Bigyan sila ng task card na naglalaman ng sumusunod: Gamit ang mapa ng Asya at ruler na nakabatay sa iskalang 1 cm = 5 000 km, ibigay ang mga lugar na tinutukoy sa sukat na distansiya sa iskala. a. Anong lugar ang nasa 50,000 kilometrong layo sa kanluran ng Pilipinas? b. Anong lugar ang nasa 20,000 kilometrong layo sa hilaga ng Pilipinas? c. Anong lugar ang nasa 60,000 kilometrong layo sa silangan ng Pilipinas? d. Anong lugar ang nasa 10,000 kilometrong layo sa timog ng Pilipinas? 3. Isulat ang sagot sa ika-apat na bahagi ng papel at kapag nasagot na lahat ng apat na tanong, pumunta ang lahat ng kasapi ng pangkat sa harapan ng klase. Sabihin ang mga lugar na isinagot.
  32. 32. 12 4. Bigyan ng puntos ang mga pangkat batay sa bilang ng kanilang tamang sagot. 4 na tamang sagot = 20 puntos 3 tamang sagot = 15 puntos 2 tamang sagot = 10 puntos 1 tamang sagot = 5 puntos ARALIN 4 Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal Layunin 1. Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo 2. Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal Paksang Aralin Paksa : Ang Pilipinas ay Isang Bansang Tropikal Kagamitan : mapang pangklima ng mundo, tsart ng Loop-A-Word sa manila paper, at panulat Sanggunian : Learner’s Material, pp. 21–26 K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8 Pamamaraan A. Panimula 1. Ipaskil ang tsart ng Loop-A-Word sa pisara. 2. Pabilugan sa mga mag-aaral ang salitang inilalarawan sa bawat bilang sa LM, p. 21. 3. Itanong: a. Ano-anong klima at panahon ang natukoy sa pagbilog sa mga salita? b. Alin sa mga natukoy ang panahong nararanasan sa Pilipinas? c. Ano kaya ang klimang nararanasan sa Pilipinas? 4. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. 5. Iugnay ang mga sagot sa aralin. B. Paglinang 1. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa pagiging bansang tropikal ng Pilipinas sa p. 22 ng LM. 2. Ipagawa ang mga gawain. Pangkatin ang klase sa lima. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 24.
  33. 33. Ipagawa sa magkaparehang mag-aaral ang Gawain B sa LM, p. 24. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng gawain. Ipabahagi sa kapareha ang nagawa. Bumuo ng pangkat na may 3-5 kasapi. Ipagawa ang isinasaad ng panuto sa Gawain C sa LM, p. 24. Ipasulat sa papel ang nalikhang awit. Ipaawit ito sa klase. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 25. Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 25–26 ng LM. Takdang Gawain Magdala ng mapang pangklima. Susi sa Pagwawasto Mga maaaring sagot: Pilipinas, India, Yemen, Omman, Malaysia, at Indonesia Ang sagot ay depende sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Rubric sa Paglikha ng Awit 3 2 1 Kaangkupan sa Paksa – 3 Napalutang o naipakita nang ganap ang paksa o tema sa awit. Napalutang o naipakita ang paksa o tema sa awit. Hindi lumutang o naipakita ang paksa o tema sa awit. Pagkamalikhain – 3 Naipakita ang pagiging malikhain sa paglikha ng awit. Nakapagpakita ng kaunting pagka- malikhain sa awit. Hindi masyadong malikhain ang pag- kakagawa ng awit. Kooperasyon – 3 Bawat isa ay nakibahagi sa paglikha at pagtatanghal ng awit. Karamihan ay nakibahagi sa paglikha at pagtatanghal ng awit. May mga hindi naki- bahagi sa paglikha at pagtatanghal ng awit. Nilalaman – 3 Ang awit ay kawili-wili at makahulugan. Ang awit ay makahulugan ngunit di gaanong kawili-wili. Ang awit ay kawili- wili ngunit hindi makahulugan. Paglalapat ng musika – 3 Napakaganda ng himig ng awit. Maganda ang himig ng awit. May maayos na himig ang awit.
  34. 34. 14 Natutuhan Ko I. Ang mga dapat may tsek: Ang bansa ay bahagi ng Asya. Kadalasang mainit ang panahon sa bansa. Malapit na malapit sa ekwador ang bansa, Nabibilang ang bansa sa mga lugar sa mababang latitud. Nakararanas ng matinding init ng panahon ang bansa. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa. II. III. May kani-kaniyang sagot ang mga mag-aaral. Maaaring sagot: Maganda Hindi Maganda Masarap maligo sa dagat o beach. Maaaring magkasakit sa sobrang init. 1. Pangkatin ang klase sa lima. 2. Ibigay sa bawat pangkat ang papel na may word hunt. 3. Ibigay ang panuto: a. Hanapin ang mga salita o pahayag sa loob ng kahon na may kaugnayan sa pagiging tropikal ng isang bansa. b. Pabilugan ang makikitang mga salita o pahayag. c. Bibigyan lamang kayo ng limang minuto para gawin ang task. d. Ang pinakamaraming mabilugang tamang salita o pahayag ang panalo at tatanggap ng 20 puntos at masigabong palakpakan.
  35. 35. 15 e. Ang ibang pangkat naman ay maaaring bigyan ng 5 hanggang 15 puntos ng guro depende sa dami ng kanilang nabilugang tamang salita o pahayag. WORD HUNT BOX a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t l d f g a q t e y I a aj a c k e t u y o d e t e p a y o n g e q u y o a s k n n k l z a g h a d t k l z a c b n k o p q a t r s n a q k t w x b z m s n o w h a s a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t l d f g a q t e y I a a d e p a m a y p a y q y e l o a q e r w q y w l h a l o h a l o m a c z v b a h r t y u a z v n m a b c d e f g h i j k m a z x c v w i n t e s x a a q a a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t l d f g a a z d g a e q l j s t a g- i n i t a z x v b n a q k b a g y o f u r c o a t a q w a z v h j a s g q a a s d a f g a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t e y I a a b a h a y k u b o q e a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t l d f g a q t e y I a a h a q s d p o l a r b e a r d a z b j k l q p o q r y a d g j a m a i n i t n a p a n a h o n a w e t q j s k l q b k l q h e r y a n k a r g s h k a l m q e u I a a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t l d f g a q t e b d a k l a n q m j k a l q a r a n m q f j k l o o p a e u o q t l d f g a q t e a d f g q w e a z v b n m j k a l q a r a n m a h a l u m i g m i g d q a g e t a q r a e t u i k l o o p a e u o q t l k l o o p a e u o q t l k l o o p a e u o q t l
  36. 36. 16 ARALIN 5 Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa Layunin 1. Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansa 2. Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapang pangklima Paksang Aralin Paksa : Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa Kagamitan : globo, thermometer, malaking mapang pangklima ng Pilipinas (ilagay sa manila paper), at larawan ng takbo ng hangin kapag may bagyo Sanggunian : Learner’s Material, pp. 27–37 K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). MISOSA Lesson #9 (Grade IV) www.gov.ph/crisis-response/the-philippine-public-storm- warning-signals/ Pamamaraan A. Panimula 1. Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa “Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal.” a. Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas. b. Ipasabi sa mga bata ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo. c. Sabihin sa mga bata na magbigay ng patunay na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. 2. Maghanda ng apat na thermometer na ipagagamit sa bawat pangkat. Pangkatin sa apat ang klase at ipakuha ang temperatura sa silid- aralan, sa isang silid na may aircon, sa labas ng silid-aralan, at sa bagong kulong tubig. Ipaliwanag sa mga bata ang wastong paggamit ng thermometer at ang pagsulat ng temperatura nito. Ipalahad sa klase ang ginawa ng bawat pangkat. Itanong: a. Ano ang temperatura ng silid-aralan? ng silid na may aircon? sa labas ng silid-aralan? sa bagong kulong tubig? b. Mataas ba ito o mababa? c. Ano ang nadarama kapag mataas ang temperatura? d. Ano ang nadarama kapag mababa ang temperatura? 3. Magpabalita sa harapan ng klase tungkol sa klima ng bansa. Iugnay ang mga kasagutan ng bata sa aralin.
  37. 37. 17 B. Paglinang 1. Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang iba pang salik na may kinalaman sa klima ng bansa. Tanggapin ang lahat ng sagot. Isulat sa pisara. Gamitin ang tanong sa simula ng bahaging Alamin Mo sa LM sa p. 27. 2. Talakayin at pag-usapan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa: a. Temperatura b. Dami ng ulan 3. Ipakita sa mga bata ang malaking mapang pangklima ng Pilipinas. Talakayin ang mga panandang ginamit sa mapa. 4. Talakayin din ang mga babala ng bagyo sa p. 33 ng LM. 5. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, pp. 34–35. 6. Bigyang diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo sa p. 35 upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman. Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 36–37 ng LM. Takdang Gawain 1. Gumawa ng isang linggong talaan ng temperatura sa inyong lugar sa tuwing 12:00 ng tanghali. Itala sa tsart gamit ang tsart tulad ng nasa ibaba. Lunes Martes Miyerkoles Huwebes Biyernes Sabado Linggo 2. Kapanayamin ang ilang opisyal ng inyong barangay tungkol sa ginagawa nilang kahandaan tuwing may paparating na bagyo. Susi sa Pagwawasto 1. I 3. G 5. E 7. A 9. B 2. H 4. F 6. J 8. C 10. D (Hinahayaan sa guro ang pagpapasiya. Gamitin ang inihandang malaking mapang pangklima. Ipalit ang kulay sa mga panandang ginamit—pula para sa unang uri, dilaw para sa ikalawang uri, asul para sa ikatlong uri, at berde para sa ikaapat na uri.) 1. Ang climate change o pagbabago sa klima ay pinaniniwalaang sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera. Nakaaapekto ito sa lalo pang pagtaas ng temperatura kung panahon ng tag- araw na hindi pangkaraniwang pangyayari sa ating kalikasan.
  38. 38. 18 2. May mga pagkakataon kasi na ang kakaibang pag-ihip ng malakas na hangin ay nagpapatuloy hanggang sa ito ay maging isang bagyo. 3. May mga lalawigang nakararanas ng maulang klima sa buong taon dahil sa kalapitan ng mga ito sa baybayin at kawalan ng mga bundok na hahadlang sa ulang dala ng hanging amihan at habagat. 4. Hihikayatin ko ang aking mga magulang at kasambahay na lumikas na at pumunta sa ligtas na lugar o evacuation center upang makasiguro sa aming kaligtasan. (Hinahayaan sa guro ang pagpapasiya dahil maaaring magkakaiba ang kasagutan ng mga bata.) Natutuhan Ko I. 1. D 3. B 5. C 7. A 9. A 2. A 4. B 6. C 8. D 10. C II. 1. Hanging amihan 2. Hanging habagat 3. Unang Uri – kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan 4. Ikalawang Uri – umuulan sa buong taon 5. Ikatlong Uri – maulan at may maikling panahon ng tag-araw 6. Ikaapat na Uri – pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon 7. Babala Bilang 1 – kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras 8. Babala Bilang 2 – kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 na oras 9. Babala Bilang 3 – kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras 10. Babala Bilang 4 – kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras ARALIN 6 Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa Pilipinas Layunin Napapaliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ng mga pananim at hayop sa Pilipinas Paksang Aralin Paksa : Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa Pilipinas Kagamitan : mapa ng Pilipinas, malaking larawan ng kagubatan, mga ginupit na larawan ng mga piling pananim at hayop na nakikita at di- nakikita sa bansa, scotch tape o masking tape
  39. 39. 19 Sanggunian : Learner’s Material, pp. 38–47 K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). MISOSA Lesson #9 (Grade IV) Doblada, E.A. (1998) J.C. Palabay Enterprises, Inc. Pamamaraan A. Panimula 1. Bilang pagbabalik-aral muling pag-usapan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa. Magdaos din ng maikling drill sa pagbibigay-kahulugansasumusunodnamgakaisipanatterminolohiya— temperatura, climate change, mga hanging monsoon (hanging amihan, hanging habagat), apat na uri ng klima, bagyo, at mga babala ng bagyo. 2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa. 3. Maghanda ng malaking larawan ng isang kagubatan. Ipaskil ito sa pisara. Mamigay sa mga bata ng mga ginupit na larawan ng mga piling pananim at hayop na nakikita at di-nakikita sa bansa. Ibigay ang larawan ng mga pananim sa mga babae at sa mga lalaki naman ang mga larawan ng mga hayop. Ipasuri sa mga bata ang larawan. Ipadikit sa malaking larawan ang mga pananim at hayop na sa Pilipinas lamang makikita. Iugnay ang pambungad na gawaing ito sa tatalakaying aralin. B. Paglinang 1. Pukawin ang kawilihan ng mga bata. Itanong: Ano ang kinalaman ng klima sa uri ng pananim at hayop na mayroon sa bansa? 2. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo sa mga pp. 38–44 ng LM. Bigyang-diin sa pagtatalakay ng aralin ang kinalaman ng klima sa pagkakaroon ng mga pananim at hayop na sa Pilipinas lamang makikita. Patunghayan din sa LM ang mga nakalarawang halimbawa ng tinutukoy na mga pananim at hayop sa bansa upang madali nilang makilala ang mga ito. 3. Bilang pagpapahalaga sa mga pananim at hayop sa Pilipinas, kunin ang kanilang mga mungkahi sa pagpapanatili at pangangalaga sa mga pananim at hayop na mayroon sa ating bansa. Himukin din silang magbigay ng mungkahi tungkol sa pagkasira at pagkawala ng likas na kapaligirang matitirahan ng mga hayop na nanganganib nang maubos. 4. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, pp. 45–46. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo sa LM, p. 46 upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman at isabuhay.
  40. 40. 20 Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa p. 47 ng LM. Takdang Gawain 1. Gumawa ng talaan ng mga pananim at hayop na makikita sa inyong lugar. (Ipasulat sa tsart gaya ng nasa ibaba.) Mga Pananim Mga Hayop 2. Sumulat ng isang talata na may kinalaman sa mga paraan kung paano masasagip ang mga hayop na unti-unti nang nawawala o nauubos. Susi sa Pagwawasto P X K A L A W T A I M A M A G A L Y L B R N P L A Z R A U V T I Y Q M C N Z U S W A S A T D B A T N I Y O G O Y B A K A W A N K 1. palay 6. talisay 2. niyog 7. tamaraw 3. tubo 8. mamag 4. abaca 9. pilandok 5. bakawan 10. kalaw
  41. 41. 21 1. Kinakailangan ang temperaturang hindi bababa sa 21°C at hindi naman tataas sa 32°C. 2. Katamtamang patubig lamang at kailangang mataba ang lupang pagta- taniman ng abaka. Kailangan ding nakakubli ito sa hangin dahil may kababawan lamang ang ugat nito. 3. Kinakailangan ang katamtamang dami ng ulan sa pagpapalaki ng tubo. Hindi dapat bababa sa 30 ang temperatura upang matiyak ang paglaki nito. 4. Mamasa-masa at makapal na lupa ang kinakailangan upang mabuhay ang mga punongkahoy. Kinakailangan nito ang maulan at diretsong sikat ng araw upang lalong yumabong. 1. Mas maiksi ang sungay ng tamaraw kaysa sa kalabaw. Bahagyang matambok ang gawing itaas ng mukha nito at may kalakihan ang tainga. 2. Ang mukha nito ay inihahambing sa daga kaysa sa itsura ng usa. Maihahalintulad ang mga paa nito sa baboy at katulad ng sa baboy-ramo ang mga pangil nito. 3. Inihahambing sa daga ang itsura at laki nito. Ang pagkakaiba nga lamang ay malaki at bilugan ang mga mata nito. Idagdag pa rito ang kahabaan ng mga daliri nito sa kamay at paa. 4. Ito ay may malaking tuka, pinagsamang kulay abo at tsokolate ang katawan nito at kulay asul ang kaniyang mga mata. Mamuti-muti ang leeg at tiyan nito. Umaabot sa tatlong talampakan hanggang isang metro ang laki nito. Natutuhan Ko I. 1. Tama 6. Mali – niyog 2. Tama 7. Tama 3. Tama 8. Tama 4. Tama 9. Tama 5. Mali – tubo 10. Tama II. 1. Sapagkat ang palay ay tumutubo sa lahat ng dako ng bansa lalo na sa mga lupang di-gaanong malagkit kung magputik. 2. Ang maulan at mainit na klima sa bansa ay nakatutulong sa mabilis na paglaki ng palay. 3. Unti-unting nauubos ang ilang hayop sa bansa dahil sa pagkasira ng kanilang likas na kapaligiran gaya ng kagubatan na nagsisilbing tirahan nila.
  42. 42. 22 ARALIN 7 Ang Pilipinas bilang Isang Bansang Insular Layunin Napapaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime o insular Paksang Aralin Paksa : Ang Pilipinas bilang Isang Bansang Insular Kagamitan : mapa ng Pilipinas, larawan ng mga daungan ng mga sasakyang pandagat, larawan ng mga turista sa baybay-dagat Sanggunian : Learner’s Material, pp. 48–52 K to 12 – AP4AAB-Ig-9 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). MISOSA Lesson #13 (Grade VI) Pamamaraan A. Panimula 1. Bilang pagbabalik-aral, muling pag-usapan ang kinalaman ng klima sa mga uri ng mga pananim at hayop sa bansa. 2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa. 3. Bilang pangganyak sa pagsisimula ng aralin, pasagutan sa mga bata ang sumusunod na mga tanong: a. Ano ang pagkakaunawa ninyo sa salitang maritime o insular? b. Ano ang dahilan ng pagiging bansang maritime o insular ng Pilipinas? Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata at ipasulat ito sa pisara. Sabihing babalikan ito pagkatapos ng pagtatalakay sa aralin upang mapagtibay ang kawastuhan ng kanilang mga sagot. B. Paglinang 1. Itanong sa mga bata kung bakit tinawag na kapuluan ang bansa. Ipalarawan ang bansa bilang isang kapuluan. 2. Ipaskil ang mapa ng Pilipinas sa pisara. Ipasuri sa mga bata ang mga katubigang nakapaligid sa bansa bilang isang kapuluan. 3. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo sa p. 48 ng LM. Bigyang-diin sa pagtatalakay ng aralin ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime o insular. Pag-usapan din ang kapakinabangan ng pagiging maritime o insular ng bansa.
  43. 43. 4. Bilang pagpapahalaga sa katubigan ng bansa, kunin ang kanilang mga mungkahi sa pagpapanatili at pangangalaga sa mga katubigan ng bansa. 5. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, p. 50. 6. Bigyang-diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman. Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa p. 51 ng LM. Takdang Gawain Magsaliksik pa ng mga karagdagang kapakinabangan ng pagiging bansang maritime o insular ng Pilipinas. Susi sa Pagwawasto 1. Ang maritime o insular ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa. Dahil sa pagiging kapuluan ng bansang Pilipinas, asahan itong napapalibutan ng mga dagat at karagatan. 2. — Akmang-akma ang mga baybaying-dagat sa pagpapatayo ng Tanggulang Pambansa. — Ang kainaman ng mga daungan sa bansa ay nagsisilbi ang mga itong daanan ng mga sasakyang pandagat. — Nagsisilbi rin itong daanan ng mga kalakal mula sa ibang bansa. — Sa mga dagat na nakapaligid sa bansa nakakukuha ng mga yamang dagat na nakatutulong sa kabuhayan ng bansa. — Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito. Hinahayaan sa guro ang pagwawasto. Tiyaking nasa iginuhit na mapa ang tamang kinalalagyan ng Karagatang Pasipiko (gawing silangan), Bashi Channel (hilaga), West Philippine Sea o Kanlurang Dagat Pilipinas (gawing hilaga at kanluran), at Dagat Celebes (timog). Natutuhan Ko I. 1. F 2. D 3. E 4. B 5. C II. 1. B 2. A 3. D 4. B 5. A
  44. 44. 24 ARALIN 8 Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa Layunin Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa Paksang Aralin Paksa : Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa Kagamitan : mapang pisikal ng Pilipinas, malaking mapa ng Pilipinas na blangko, larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa, flashcards na may mga pananda ng mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa, scotch tape/masking tape Sanggunian : Learner’s Material, pp. 53–66 K to 12 – AP4AAB-Ig-h10 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: . Quezon City: Instructional Materials Development Center (IMDC). Miranda, N.P. (2013). Ang Pamayanang Pilipino. Valenzuela City: Jo-Es Publishing House, Inc. MISOSA Lesson #16 & #17 (Grade VI) Pamamaraan A. Panimula 1. Bilang pagbabalik-aral, muling pag-usapan ang pagiging bansang maritime o insular ng Pilipinas. Ipaisa-isa ang mga dagat at karagatang nakapaligid sa bansa. 2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa. 3. Bilang pangganyak sa pagsisimula ng aralin, magpakita ng mga larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa mga bata. Ipatukoy sa kanila ang mga larawang ipakikita. B. Paglinang 1. Talakayin at pag-usapan ang nilalaman ng bahaging Alamin Mo sap.53ngLM.Bigyang-diinsapagtatalakayngaralinangpaghahambing sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa. 2. Ipakilala sa mga bata ang mapang pisikal ng bansa upang lubusan nilang malaman ang kinalalagyan ng mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa. 3. Ipaskil ang blangkong mapa ng Pilipinas sa pisara. Ipamahagi sa mga bata ang mga flashcard ng mga pananda para sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa. Magbigay ng halimbawang pangalan ng mga anyong lupa at anyong tubig. Itanong kung saan ito matatagpuan.
  45. 45. 25 Tumawag ng isang bata na magdidikit nito. Ipagpatuloy ang gawain hanggang sa makabuo ng mapang pisikal. 4. Ipaliwanag sa mga bata ang panuto sa bawat gawain sa bahaging ng LM, pp. 63–64. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipang natutuhan sa aralin. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Tandaan Mo sa p. 65 upang mapagtibay ang mga kaisipang dapat nilang malaman. Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging Natutuhan Ko sa pp. 65–66 ng LM. Takdang Gawain GumawangmapangpisikalngPilipinasgamitangmgapanandangnatutuhan para sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa. Susi sa Pagwawasto Z A M B A L E S S P I U C H O C O L A T E H I L L S E I R U L N R E G A R A Y A T B A M E Y M A Y O N S E D N R A G A Y E 1 9 2 10 3 5 4 6 7 8
  46. 46. 26 1. Kapatagan at talampas Pagkakatulad : Parehong may malawak na patag na lupa Pagkakaiba : Ang kapatagan ay patag na lupa samantalang ang talam- pas ay mataas na anyong lupa na patag ang ibabaw. 2. Bundok at burol Pagkakatulad : Parehong mataas na anyong lupa Pagkakaiba : Mas mataas na anyong lupa ang bundok kaysa sa burol. 3. Kipot at tsanel Pagkakatulad : Parehong nagdurugtong sa dalawang malaking anyong tubig Pagkakaiba : Ang kipot ay isang makipot na anyong tubig samantalang ang tsanel ay malalim na anyong tubig na bahagi ng isang kanal o ilog. 4. Look at golpo Pagkakatulad : Parehong bahaging tubig na naliligid ng lupa. Pagkakaiba : Ang look ay bahagi ng dagat samantalang ang golpo ay bahagi ng karagatan. Punan ang tsart sa ibaba. Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa Anyong Lupa Paglalarawan Halimbawa 1. Kapatagan Patag at malawak na lupain Gitnang Kapatagan ng Luzon 2. Bundok Pinakamataas na anyong lupa Bundok Apo, Bundok ng Sierra Madre, Bundok Arayat, Bundok Caraballo, Bundok Cordillera, Bundok Samat, Bundok Mariveles, Bundok Natib, Bundok Pulog, Bundok Silay, Bundok Madalangan, at Bundok Diwata 3. Burol Mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok at pabilog ang hugis ng itaas nito Chocolate Hills, mga burol sa lalawigan ng Rizal, Batangas, Samar, Leyte, at Gitnang Luzon 4. Talampas Mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw Lungsod ng Baguio, Talampas ng Lanao, at Bukidnon
  47. 47. 27 Mga Pangunahing Anyong Tubig sa Bansa Anyong Tubig Paglalarawan Halimbawa 1. Karagatan Pinakamalalim, pinakamalawak, at pinakamalaki sa lahat ng mga anyong lupa Karagatang Pasipiko 2. Dagat Bahagi ng karagatan, ang tubig dito ay mas mainit kaysa sa karagatan West Philippine Sea, Dagat Celebes, Dagat Pilipinas, Dagat Visayas, Dagat Mindanao, at Dagat Sulu 3. Tsanel Nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig; malalim na anyong tubig na bahagi ng isang kanal o ilog Bashi Channel 4. Kipot Makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang malalaking anyong tubig Kipot ng San Bernardino, Kipot ng Iloilo, Kipot ng Biliran, Kipot ng Basilan, at Kipot ng Sarangani 5. Golpo Tulad ng look na halos naliligid ng lupa at ito ay bahagi rin ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat. Golpo ng Lingayen, Golpo ng Ragay, Golpo ng Albay, Gulpo ng Leyte, at Golpo ng Sibuneg 6. Look Isang bahagi ng dagat na nakapasok sa baybayin nito Look ng Maynila Natutuhan Ko I. 1. Wasto 2. Wasto 3. Hindi wasto – Ang bulkan ay tulad din ng bundok, ang pagkakaiba nga lamang ay ang bunganga ng tuktok nito. 4. Wasto 5. Wasto 6. Hindi wasto – Ang tsanel ay bahagi ng isang kanal o ilog. 7. Wasto 8. Wasto 9. Wasto 10. Wasto II. 1. I 3. J 5. G 7. D 9. E 2. C 4. H 6. B 8. A 10. F
  48. 48. 28 ARALIN 9 Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa Layunin 1. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa 2. Nailalarawan ang yamang lupa, yamang tubig, at yamang mineral 3. Nalalaman ang kahalagahan ng likas na yaman 4. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng likas na yaman Paksang Aralin Paksa : Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa Kagamitan : mga larawan ng anyong lupa at anyong tubig, manila paper Sanggunian : Learner’s Material, pp. 67–72 K to 12 competencies Pamamaraan A. Panimula 1. Magpakita ng magagandang larawan ng yamang-tubig tulad ng ilog na may malinis na dumadaloy na tubig, malinis na baybay-dagat, bundok na marami pang punong nakatanim at pamayanan na maayos at ang mga nakatira doon ay masasayang nag-uusap. Maaari ding ipakita sa mga mag-aaral ang larawan sa ibaba. Pagkatapos, ipalarawan sa kanila ang tungkol sa nilalaman ng larawan. 2. Itanong: Ano-ano ang nakita ninyo sa mga larawan? Paano nakatutulong sa atin ang mga binanggit ninyo tulad ng mga ilog, karagatan, at bundok? 3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral. 4. Iugnay ang mga ito sa aralin.
  49. 49. 29 B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 67. 2. Magkaroon ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. 3. Talakayin isa-isa ang mga likas na yaman ng bansa sa bahaging ito. a. Yamang lupa b. Yamang mineral c. Yamang tubig 4. Bigyang-diin ang sagot ng mga mag-aaral na angkop sa aralin. a. Ano ang kahulugan ng likas na yaman? b. Anong mga likas na yaman ang matatagpuan sa inyong lugar? c. Paano nakatutulong sa inyo ang mga likas na yamang ito? d. Ano ang maaaring mangyari kung pababayaan ang mga likas na yaman sa inyong lugar? e. Bakit kailangan ang pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa? 5. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Bumuo ng limang pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, pahina 69. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Pasagutan ang mga tanong 1–3. Ipaulat sa mga mag-aaral ang natapos na gawa ng kanilang pangkat. Gamitin ang kaparehong pangkat sa naunang gawain. Ipaliwanag na sasagutin ang Gawain B, p. 70 ng LM. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na magbibigay pa sila ng mga halimbawa ng likas na yaman na makukuha sa: 1. lupa 2. minahan 3. tubig Sabihin sa bawat pangkat kung saan nila maaaring ipaskil ang kanilang natapos na mga gawain. Magsagawa ng Gallery Walk kung saan ang bawat pangkat ay maglilibot at titingnan ang ginawa ng ibang pangkat. Isusulat nila ang kanilang mga puna sa ibaba ng nakapaskil kung mayroon.
  50. 50. Gamitin ang parehong pangkat sa mga naunang gawain. Ipaliwanag ang pamamaraan sa Gawain C. Ipahanda ang mga kagamitan. Magbigay ng paalaala sa mga mag-aaral sa pagiging maayos at malinis sa paggawa ng gawain. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 70. Ipadikit sa bulletin board ang natapos na gawain ng mga pangkat. 7. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 71. Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko, pp. 71–72 ng LM. Takdang Gawain Magdala ng mga larawan ng magagandang tanawin na madalas nilang puntahan. Gagamitin ito sa susunod na aralin. Susi sa Pagwawasto Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Yamang lupa Yamang mineral Yamang tubig abaka goma kapok waling-waling tubo enerhiyang geothermal bakal carbon chromite sulphur tanso enerhiyang geothermal korales sinarapan perlas pandaka pygmaea Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Natutuhan Ko I. Tama o Mali 1. Tama 6. Mali 2. Tama 7. Tama 3. Mali 8. Tama 4. Mali 9. Tama 5. Mali 10. Tama II. Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
  51. 51. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Magpagawa ng mga poster na nagpapakita ng mga paraan sa wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa. Pangkat 1 — Yamang lupa Pangkat 2 — Yamang mineral Pangkat 3 — Yamang tubig Ipaskil sa bulletin board ng paaralan ang ginawang poster upang makita ng mga kapuwa mag-aaral. Hikayatin ang mga magulang nila na tingnan ang mga ginawang poster ng kanilang mga anak. ARALIN 10 Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng Bansa Layunin 1. Naiisa-isa ang magagandang tanawin at pook-pasyalan sa bansa 2. Nailalarawan ang katangian ng magagandang tanawin at pook-pasyalan sa bansa 3. Natutukoy ang kahalagahan ng magagandang tanawin at pook-pasyalan bilang bahagi ng likas na yaman ng bansang Pilipinas 4. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng magagandang tanawin at pook-pasyalan bilang bahagi ng likas na yaman ng bansang Pilipinas Paksang Aralin Paksa : Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng Bansa Kagamitan : mapa ng Pilipinas at mga larawan ng magagandang tanawin sa bansa Sanggunian : Learner’s Material, pp. 73–79 K to 12 Pamamaraan A. Panimula 1. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-anong magagandang tanawin at pook-pasyalan ang makikita sa kanilang pamayanan. Ipalarawan ito at itanong kung bakit pinupuntahan nila ito at maging ng mga taga- ibang pamayanan. 2. Ipakita isa-isa ang magagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa. Tanungin ang mga mag-aaral kung sino sa kanila ang nakapunta na sa mga lugar na ito. Ipalarawan at ipasabi kung ano ang mga naramdaman nila nang makita nila ang magagandang tanawin at pook- pasyalang ito.
  52. 52. 3. Ipaliwanag sa kanila na ang magagandang tanawin at pook-pasyalan ay bahagi ng likas na yaman ng bansa. 4. Sabihin din sa kanila na karamihan sa magagandang tanawin at pook- pasyalang ito ay nakikilala na sa buong mundo kaya maraming Pilipino at dayuhang turista na ang nagpupunta sa mga lugar na ito. 5. Iugnay ang mga ito sa aralin. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang maiksing artikulo sa Alamin Mo sa LM, pahina 74. 2. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. 3. Talakayin ang mga ibinigay na magagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa. 4. Bigyang-diin ang sagot ng mga mag-aaral na angkop sa aralin. 5. Itanong: a. AnoangisloganngKagawaranngTurismotungkolsamagagandang tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa? b. Paano inilarawan ang mga tanawin at pook-pasyalan? 6. Ipakita ang mga larawan. Tumawag ng mag-aaral sa bawat tanawin at magpasabi ng nalalaman nila tungkol sa magagandang tanawin at pook-pasyalan. a. Puerto Prinsesa Subterranean River b. Talon ng Maria Cristina c. Vinta sa Zamboanga d. Bundok Apo e. Philippine Eagle National Center f. Rizal Shrine g. Boracay Beach h. Chocolate Hills i. Tulay ng San Juanico j. Hagdan-hagdang Palayan k. Bangui Windmills l. Hundred Islands m. Bulkang Mayon n. Bulkang Taal 7. Tanungin ang mga mag-aaral ng mga dahilan kung bakit kahanga- hanga ang mga tanawing ito. Ipasulat ang mga dahilan sa pisara. 8. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Bumuo ng tatlong pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa p. 77 ng LM. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Pasagutan ang mga inihandang tanong. Ipaulat sa klase ang nabuong sagot.
  53. 53. Hayaang magbigay ng puna ang mga mag-aaral. Ipasulat sa pisara ang mga puna ng mga bata. Talakayin ang mga ito. Gamitin ang kaparehong pangkat sa naunang gawain. Hatiin ang magagandang tanawin at pook-pasyalan ayon sa pangkat. Ipagawa ang isinasaad sa talahanayan. Magpagupit sa bond paper ng mga pangalan ng magagandang tanawin at pook-pasyalan. Ipadikit ang mga ito sa mapa kung saan matatagpuan ang magagandang tanawin at pook-pasyalan. Ipaulat sa klase ang kanilang output. Hayaang magbigay ng puna ang mga mag-aaral. Ipasulat sa pisara ang kanilang mga puna. 9. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 78. Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa p. 79 ng LM. Takdang Gawain Magdala ng mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng mga rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Susi sa Pagwawasto Maaaring iba-iba ang sagot. Magagangdang Tanawin at Lugar Pasyalan sa Bansa Lugar kung Saan ito Matatagpuan Natatanging Katangian nito Vinta Sa karagatan ng Zamboanga, Mindanao Isang tradisyunal na bangka na may makukulay na banderitas. Bulkang Taal Sa Lawa ng Taal sa lalawigan ng Batangas sa Luzon Magandang bulkan na nasa gitna ng isang lawa Bulkang Mayon Sa lalawigan ng Albay sa rehiyong Bicol sa Luzon May hugis perpektong kono ang bunganga ng bulkang ito. Rizal Shrine Sa lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte sa Mindanao Tirahan ng bayani na si Jose Rizal
  54. 54. Chocolate Hills Sa lalawigan ng Bohol sa Kabisayaan Tumpok-tumpok na mga burol, kapag tag-araw, kulay tsokolate ang mga halaman sa mga burol. Tarsier Sa lalawigan ng Bohol sa Kabisayaan Pinakamaliit na unggoy Hundred Islands Sa Golpo ng Lingayen, Pangasinan sa Luzon Tumpok-tumpok na mga pulo na nagkalat sa Golpo ng Lingayen Boracay Beach Sa lalawigan ng Aklan sa Kabisayaan Pinong-pino ang maputing buhangin nito. Bundok ng Apo Sa pagitan ng mga lalawigan ng Davao at Hilagang Cotabato sa Mindanao Pinakamataas na bundok sa bansa at tahanan ng mga haribon, ang pambansang ibon ng Pilipinas Bangui Windmills Sa Bangui, Ilocos Norte sa Luzon Malalaking elise na pinagkukunan ng lakas-enerhiya mula sa hangin Tulay ng San Juanico Mga lalawigan ng Samar at Leyte sa Kabisayaan Pinakamahabang tulay sa bansa na pinabibilis ang paglalakbay ng mga tao at pagdadala ng mga produkto sa maraming lugar Talon ng Maria Cristina Sa Lanao del Norte, Mindanao Isa sa pinakamataas na talon, ang lakas nito ay nagtutustos sa malaking bahagi ng Mindanao Hagdan-hagdang Palayan Sa Banaue, Ifugao sa Luzon Hinubog ang palayang ito ng ating mga ninuno na isang patunay ng sipag at tiyaga ng mga Pilipino. Napasama ito sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites. Philippine Eagle National Center Sa Malagos, lalawigan ng Davao Sentro kung saan kinukupkop at pinararami ang nanganganib na maubos na mga agila sa ating bansa Krus ni Magellan sa Lungsod ng Cebu Isang pananda ng kasaysaysan ng Pilipinas Sto. Niño Shrine sa Lungsod ng Cebu Dinarayo ng mga relihiyoso tuwing kapistahan nito ng Enero Puerto Prinsesa Subterranean River Sa Puerto Prinsesa sa Palawan Mahabang ilog sa ilalim ng yungib na may mga batong stalactites at stalagmites. Napasama ito sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites.
  55. 55. Natutuhan Ko I. 1. J (Puerto Prinsesa Subterranean River) 2. I (Talon ng Maria Cristina) 3. H (Tulay ng San Juanico) 4. D (Bundok Apo) 5. E (Chocolate Hills) 6. F (Hagdan-hagdang Palayan) 7. B (Bulkang Mayon) 8. C (Bulkang Taal) 9. A (Boracay Beach) 10. G (Vinta) II. Maaaring iba-iba ang sagot. Gamitin ang parehong pangkat sa mga naunang gawain. Magpagawa ng isang pangako sa wastong pangangalaga sa magagandang tanawin at pook-pasyalan bilang bahagi ng likas na yaman ng bansa. Ipaskil ito sa bulletin board ng paaralan na nakikita ng kapuwa mag-aaral, mga magulang, at bisita. ARALIN 11 Ang Topograpiya ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Bansa Layunin 1. Nasasabi ang kahulugan ng topograpiya 2. Nailalarawan ang topograpiya ng sariling pamayanan at mga karatig- pamayanan sa sariling rehiyon 3. Naihahambing ang topograpiya ng iba’t ibang rehiyon gamit ang mapa ng topograpiya Paksang Aralin Paksa : Ang Topograpiya ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Bansa Kagamitan : mapa ng Pilipinas Sanggunian : Learner’s Material, pp. 80–88 K to 12 Pamamaraan A. Panimula 1. Tumawag ng mga mag-aaral at itanong ang uri ng kapaligiran sa kanilang pamayanan. 2. Tanggapin lahat ng sagot ng mga mag-aaral. Isulat ang mga ito sa pisara.
  56. 56. 3. Ipangkat ang mga sagot ayon sa sumusunod: a. malapit sa mga ilog, tabing-dagat o iba pang anyo ng tubig b. malapit sa mga bundok o iba pang anyong lupa c. pamayanang urban o mga lungsod 4. Sabihin sa mga mag-aaral na ang mga ibinigay nilang sagot ay bahagi ng topograpiya at matutuhan nila sa araling ito ang kahulugan at kahalagahan ng topograpiya ng isang lugar. B. Paglinang 1. Sa pamamagitan ng mapa ng topograpiya ng Pilipinas, ipagawa ang isinasaad sa Alamin Mo sa LM, p. 81. 2. Maaaring ipaguhit ang hugis ng mapa ng Pilipinas sa kanilang kuwaderno. 3. Ipalista ang mga anyong tubig at anyong lupa na makikita sa bawat rehiyon ng bansa. 4. Ipagawa ang sumusunod: Bumuo ng limang pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa p. 86 ng LM. Pasagutan ang mga tanong 1–3. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Ipaulat ang ginawang output. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng puna. Ipasulat ang mga puna nila sa pisara. Talakayin ang mga puna. Iwasto kung kinakailangan. Gamitin ang kaparehang pangkat sa naunang gawain. Bigyan ng kani-kaniyang rehiyon ang bawat pangkat. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa p. 86 ng LM. Ipasagot at ipasulat sa manila paper ang sagot sa talahanayan sa gamit ang mapa ng topograpiya ng bawat rehiyon. Ipasulat din ang mga tanyag na anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa bawat rehiyon. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Ipaulat ang ginawang output. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng puna. Ipasulat ang mga puna nila sa pisara. Talakayin ang mga puna. Iwasto kung kinakailangan.
  57. 57. Gamitin ang parehong pangkat sa mga naunang gawain. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nang maayos ang gawain. Paghambingin ang mga ginawang mapa ng topograpiya ng bawat lugar sa inyong rehiyon. Ipasulat sa pisara ang mga puna sa ginawang paghahambing ng topograpiya ng kani-kaniyang rehiyon. Ipaskil sa nakalaang lugar sa silid-aralan. 5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 87. Pagtataya Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa LM, pp. 87–88. Takdang Gawain Itanong sa mga miyembro ng iyong pamilya: “Kung kayo ay papipiliin, saang rehiyon ninyo nais manirahan? Bakit?” Susi sa Pagwawasto Maaaring iba-iba ang mga sagot. Maaaring iba-iba ang mga sagot. Maaaring iba-iba ang mga sagot. Natutuhan Ko I. 1. Bulkang Taal Rehiyon IV–A 2. Talon ng Pagsanjan Rehiyon IV–A 3. Bundok Banahaw Rehiyon IV–A 4. Golpo ng Lingayen Rehiyon I 5. Lawa ng Laguna Rehiyon IV–A 6. Hundred Islands Rehiyon I 7. Ilog Cagayan Rehiyon II 8. Lawa ng Taal Rehiyon IV–A 9. Bulkang Mayon Rehiyon V 10. Look ng Maynila Rehiyon (NCR) II. 1. Pangasinan 2. Lambak ng Cagayan 3. Rehiyon III 4. Bundok Banahaw 5. Tangway
  58. 58. 6. Lambak 7. Bundok Apo 8. Rehiyon II 9. Rehiyon XII 10. National Capital Region ARALIN 12 Ang Populasyon ng Bawat Rehiyon sa Bansa Layunin 1. Natutukoy ang mga rehiyon at bilang ng populasyon nito gamit ang demographic map 2. Naihahambing ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon sa dami ng populasyon nito 3. Nasasaliksik kung bakit may mga rehiyon na napakarami at napakaliit na bilang ng populasyon Paksang Aralin Paksa : Ang Populasyon ng Bawat Rehiyon sa Bansa Kagamitan : demographic map, mga istrip ng kartolina Sanggunian : Learner’s Material, pp. 89–94 K to 12 AP4AAB-Ig-h-10 Pamamaraan A. Panimula 1. Magpalaro ng Blockbuster. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Magpaunahan sa paghula sa mga salitang nagsisimula sa mga letrang LAPOSYOPUN na itatanong ng guro. Gumupit ng tig-1/4 na bond paper (Maaari ding kartolina) at isulat ang bawat letra, kapag nasagot ang tanong, ididikit sa pisara ang letra. Pagkatapos, ipabuo ang jumbled letters. (POPULASYON) Mga tanong: Anong L ang tawag sa anumang biyaya ng kalikasan? (Likas yaman) Anong A ang kontinenteng kinabibilangan ng Pilipinas? (Asya) Anong P ang lalawigang katatagpuan ng Underground River? (Palawan) Anong O ang bagyong nanalanta sa Kamaynilaan at nagpalubog sa malaking bahagi nito? (Ondoy) Anong S ang rehiyong katatagpuan ng Samar, Leyte at Biliran? (Silangang Visayas)
  59. 59. Anong Y ang pinakahilagang isla ng Pilipinas? (Y’ami) Anong O ang lungsod na matatagpuan sa Zambales? (Olonggapo City) Anong P ang prutas na may isang korona at maraming mata? (Pinya) Anong U ang isang bayan sa Pangasinan? (Urdaneta) Anong N ang tinatawag na tree of life? (Niyog) Itanong kung ano ang nabuong salita? (Populasyon) B. Paglinang 1. Itanong: Ano ang populasyon? 2. Talakayin ang nilalaman ng Alamin Mo sa LM, p. 89 gamit ang tsart at demographic map. Mas makabubuti na makapaghanda ng malaking mapa ng populasyon. 3. Cooperative Learning Technique (CLT). Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa ang Gawain A sa LM, p. 91 at ipaulat sa buong klase. Bigyang-pansin ang mga ginawang paghahambing ng bawat pangkat, Pagkatapos ng pag-uulat, muli itong balikan. 4. Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 92 (individual). Ipasulat ang sagot sa notbuk. Pagkatapos, talakayin ito sa klase. Bigyang-pansin ang sagot ng mga mag-aaral at ipasuri kung bakit ang mga ito ang may pinakamarami at pinakakaunting bilang ng populasyon. Isulat sa pisara ang mga sagot. 5. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 92. Magsaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit ang mga rehiyon sa Gawain B ang may mga pinakamalalaki at pinakamaliliit na bilang ng mga naninirahan. Isulat o i-print ang sagot sa maikling bond paper. Magtakda ng mag-aaral na mag-uulat sa buong klase. Ipaisa-isang muli ang mga pangunahing rehiyon na may pinakamalaki at pinakamaliit na populasyon. Habang nag-uulat, papunuan ang tsart. Mga rehiyong may pinakamalaking populasyon Mga dahilan o sanhi ng pagiging malaking populasyon Mga rehiyong may pinakamaliit na populasyon Mga dahilan o sanhi ng pagiging maliit na populasyon 6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa p. 92 ng LM. Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa pp. 93–94 ng LM.
  60. 60. 40 Susi sa Pagwawasto CALABARZON 12.61 M NCR 11.86 M CAR 1.52 M CARAGA 2.42 M LUZON LUZON Unang Limang Rehiyon na May Pinakamalaking Populasyon Pangkat ng Pulo na Kabilang Ito Unang Limang Rehiyon na May Pinakamaliit na Populasyon Pangkat ng Pulo na Kabilang Ito 1. CALABARZON 2. NCR 3. Gitnang Luzon 4. Kanlurang Visayas 5. Gitnang Visayas 1. Luzon 2. Luzon 3. Luzon 4. Visayas 5. Visayas 1. CAR 2. CARAGA 3. MIMAROPA 4. Lambak ng Cagayan 5. Tangway ng Zamboanga 1. Luzon 2. Mindanao 3. Luzon 4. Luzon 5. Mindanao Natutuhan Ko I. 1. CALABARZON 2. CAR 3. Luzon 4. 11.80 milyon 5. Dahil dito matatagpuan ang maraming pagkakakitaan II. 2 – Silangang Visayas 3 – Rehiyon ng Ilocos 1 – Tangway ng Zamboanga 4 – Rehiyon ng Bicol 5 – Gitnang Visayas
  61. 61. 41 III. Maaaring magkaroon ng iba-ibang sagot. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka. Pamantayan 3 2 1 Iskor Nilalaman/ Makatotohanan (2 puntos) Punung-puno ng mga ideya at makatotohanan (6) Maganda ang ideya ngunit hindi makatotohanan (4) Nagbanggit ng isang ideya ngunit hindi makatotohanan (2) Organisasyon (1 punto) Napakaayos ng pagkakalahad (3) Maayos ang pagkakalahad (2) Magulo ang pagkakalahad (1) Kabuuang Puntos = 9 ARALIN 13 Ang Pilipinas bilang Bahagi Layunin 1. Nailalarawan ang lokasyon o kalagayan ng Pilipinas sa mapa ng mundo 2. Natutukoy ang implikasyon ng pagiging bahagi ng bansa sa Pacific Ring of Fire 3. Natutukoy ang mga lugar sa bansa na sensitibo sa panganib 4. Nagagawa ang maagap at wastong pagtugon sa mga panganib Paksang Aralin Paksa : Ang Pilipinas bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire Kagamitan : mapa ng mundo, iba’t ibang uri ng hazard map Sanggunian : Learner’s Material, pp. 95–107 K to 12 AP4AAB-Ii-11 http://funny.picsource.biz/63155-world-map-political-map-of-the- world http://www.worldatlas.com/aatlas/infopage/ringfire.htm www.pagasa.dost.gov.ph www.ncsb.gov.ph http://www.maps.nfo.ph/philippines-tsunami-prone-areas www.phivolcs.dost.gov.ph 2014. Disaster Risk Reduction Management. Mandaluyong City. HYDN Publishing Agno, L.N. 1998. Edukasyong Araling Panlipunan. Quezon City. JMC Press, Inc.
  62. 62. 42 Pamamaraan A. Panimula 1. Magpakita ng mapa ng mundo. 2. Ipahanap sa mapa ng mundo ang lokasyon ng Pilipinas. Ipaturo ito sa pamamagitan ng arrow strip. 3. Talakayin ang lokasyon ng Pilipinas gamit ang drill board. Ang klase ay hahatiin sa 4–5 pangkat, bawat miyembro ay bibigyan A – bilang 1, B – bilang 2... hanggang mabigyan ang lahat ng takdang bilang. Ang bawat tanong ng guro ay sasagutin sa drill board ng tatawaging numero. Ang makakuha ng tamang sagot ang siyang magkakapuntos. Bigyang-pansin ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire. B. Paglinang 1. Itanong: Ano ang Pacific Ring of Fire? Ano ang iba pang tawag dito? Pabigyang-pansin ang mapa ng Pacific Ring of Fire. Maghanda at ipakita ang malaking mapa ng Pacific Ring of Fire. 2. Talakayin ang mga impormasyon tungkol sa Pacific Ring of Fire. Bigyang-pansin ang implikasyon nito sa mga tao, likas na yaman, at teritoryo. 3. Ibigay bilang Takdang Aralin. Pag-usapan ang sagot sa ginawang pananaliksik at ilahad sa klase. Cooperative Learning Technique. Hatiin ang klase sa 4-5 pangkat. Magsaliksik sa maaaring maging implikasyon sa tao/mamamayan, likas na yaman, at teritoryo ng pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire. Pagkatapos magbigay ng sariling opinyon hinggil dito. Implikasyon Pananaliksik Opinyon Sa Tao/Mamamayan Sa Likas na Yaman Sa Teritoryo 4. Ipagawa ang Gawain A sa p. 104 ng LM. 5. Ipagawa ang Gawain B sa p. 104 ng LM mula sa ibinigay na Takdang Aralin. Ilahad sa klase at magkaroon ng malayang talakayan. 6. Talakayin ang epekto ng kalagayan ng Pilipinas sa Pasipiko at iba pang mga panganib na lugar dahil sa kalamidad. 7. Ipakita ang hazard map ng lindol, landslide, tsunami, bagyo, storm surge, at baha. Ipasuri at ipatukoy ang mga lugar na panganib sa mga kalamidad na ito. Talakayin ang nilalaman ng bawat hazard map at
  63. 63. ang mga paghahanda na dapat gawin gayundin ang mga ahensiya ng pamahalaan na namamahala o responsable sa mga ganitong pagkakataon. 8. Ipagawa ang Gawain C sa p. 105 ng LM. Tandaan ang mga hakbang sa pagsasagawa ng sociodrama: a. Paglalahad ng suliranin b. Paghahanda ng pangkat c. Pagpili sa mga magsisiganap d. Paglalahad ng mga gawain ng aktor e. Pagtulong sa mga mag-aaral sa magaling na pakikinig at pagsusuri f. Pagsasadula ng sitwasyon g. Pagsusuri at talakayan tungkol sa sitwasyon 10. Ipagawa ang Gawain 4. Pagkatapos, kumuha ng kapareha. Ibahagi ang sagot (dyad). Tumawag ng 3–4 na mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa klase. Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa p. 106 ng LM. Susi sa Pagwawasto I. 1. Pacific Ring of Fire 2. Phivolcs 3. Signal no. 4 4. coastal 5. Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration II. Sitwasyon Nararapat Gawin Babala ng Bagyo Bilang 3 Ang mga nasa mabababang lugar ay kailangang lumikas sa matataas na lugar. Lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog. Tsunami Alert Level 1 Ang mga komunidad malapit sa tabing dagat ay kailangang maging alerto sa posibilidad ng paglikas. Lumilindol sa Paaralan Duck, cover, at hold Manatili rito hanggang matapos ang pagyanig. Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas na lugar. Maging kalmado, huwag mag-panic. Masyadong Malakas ang Ulan na Maaaring magdulot ng Pagbaha Lumikas patungo sa mataas na lugar. Maghanda ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, damit, at gamot.
  64. 64. 44 III. Maaaring magkakaiba-iba ang sagot. Tunghayan ang rubrik sa pagmamarka. Siguraduhing naibigay ang rubrik sa pagmamarka. Kraytirya Natatangi (4) Natutupad (3) Nalilinang (2) Nagsisimula (1) Paksa Malinaw ang pahayag at magkakaugnay. Magkakaugnay ang mga pahayag. May kaugnayan ang ilang pahayag sa paksa. Walang kaugnayan ang mga pahayag sa paksa. Nilalaman Maganda at maayos, may kahulugan at kaugnayan ang simula at katapusan ng hakbang/ proyektong ginawa. Maayos ngunit may ilang pahayag ang walang kaugnayan sa hakbang o proyektong ginawa. Hindi maliwanag ang simula at katapusan ng nabuong proyekto. Hindi makahulugan ang mga detalye sa proyekto. Pagkamaka- totohanan Lubhang makatotohanan ang mga hakbang na binuo. Makatotohanan ang mga hakbang na binuo. Hindi gaanong makatotohanan ang mga hakbang na binuo. Walang katotohanan ang mga hakbang na binuo. ARALIN 14 Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa Layunin 1. Naiisa-isa ang katangiang pisikal ng bansa 2. Naiuugnay ang kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa Paksang Aralin Paksa : Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa Kagamitan : larawan ng mga tanawin/katangiang pisikal, mapa ng Pilipinas, mga istrip (kartolina kung saan nakasulat ang mga katangiang pisikal) Sanggunian : Learner’s Material, pp. 108–114 K to 12, AAAP4AAB-Ii-j-12; AP4AAB-Ij-13 http://www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx http://www.8thingstodo.com/banaue-rice-terraces-philippines
  65. 65. 45 https://www.google.com.ph/search?q=pagsanjan+falls http://commons.wikimedia.org/wiki/Atlas_of_the_Philippines https://www.google.com.ph/search?q=underground+river+in+ palawan&client http://www.trekearth.com/gallery/Asia/Philippines/Central_ Visayas/Bohol/Loboc/photo336245.htm http://achividaryan.wordpress.com/mayon-volcano-2/ http://traveldelights.wordpress.com/2012/01/18/the-philippines- 7-107-islands-7-107-adventures/ http://www.fabulousphilippines.com/banaue.html http://www.boracayrates.net/fridays_boracay.htm http://reviews.visitpinas.com/203/pagsanjan-falls/ http://www.philippinebeaches.net/2010/05/mount-pinatubo-and- its-beauty-after-the-eruption/ http://lucbanhistoricalsociety.blogspot.com/2013/08/history-of- banahaw-volcano-eruption.html http://www.philippinen-reisen.com/amainen/index.php/places/ luzon-northern/benguet/baguio-city/ http://worldcometomyhome.blogspot.com/2013/08/0786- philippines-visayas-chocolate.html http://rbs.gtatravel.com/hk/promo/A4A/images/man/Tagaytay.jpg http://billyjawboiles.wordpress.com/2014/01/20/ https://c2.staticflickr.com/8/7009/6785000709_f5b2122f34_z.jpg http://www.hotelcaritabanten.com/foto_berita/27banana1.jpg http://1.bp.blogspot.com/-fbqNtEFEEng/UkwNDW9ROxI/ AAAAAAAAAB4/zxxCg9BaM24/s1600/brp.jpg Pamamaraan A. Panimula 1. Paint Me A Picture. Hatiin ang klase sa 4–5 pangkat. Bilang balik- aral, magpa-Paint Me A Picture tungkol sa kalagayan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire at ibang panganib na lugar sa bansa. Magbigay ng mga katanungan, halimbawa: Bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire, paano mo ilalarawan ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar? Magbigay ng isang minutong paghahanda. Pagkatapos ng isang minuto, kinakailangang lahat ng pangkat ay naka-freeze saka iisa- isahin ng guro ang pagkakalarawan ng bawat pangkat. Ang may pinaka-angkop na paglalarawan ang siyang makakukuha ng puntos. Bigyang-pansin din ang mga paghahandang dapat gawin ng mga tao kapag may paparating na kalamidad.
  66. 66. 46 Paglinang 1. Itanong: Paano mo ilalarawan ang Pilipinas? Pabigyang-kahulugan ang salitang arkipelago. 2. Talakayin ang mga katangiang pisikal na binanggit sa panimula bilang 2. Bigyang-pansin ang mga kilalang anyong lupa at tubig na nagpapasigla sa turismo ng bansa. Isa-isahin at ipatukoy ang mga larawan habang ipinakikita o idinidikit sa pisara ang mga ito. Itanong din ang lugar kung saan ito matatagpuan. Itanong kung gaano kahalaga ang turismo sa bansa. Pabigyang-pansin ang datos mula sa Kagawaran ng Turismo. Talakaying mabuti ang mga ito at iugnay sa pag-unlad ng bansa. Gayundin ang iba pang kapakinabangan na maaaring makuha sa lupa at tubig. Bigyang-pansin ang mga larawan. 3. Itanong: Maliban sa pagkakakitaan o kabuhayan na napapakinabangan ng ating bansa dahil sa katangiang pisikal nito, ano naman kayang katangian ng mga Pilipino ang napaunlad nito? Magpa-role play tungkol sa mga katangian ng mga Pilipino na napaunlad dahil sa iba’t ibang katangiang pisikal nito. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang ugali/ katangiang napaunlad. Halimbawa: Pagiging matatag – dahil sa iba’t ibang uri ng kalamidad na dumarating sa bansa. 4. Ipagawa ang Gawain A. Gumamit ng rubric para dito. 5. Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipagawa ang isinasaad sa Gawain B. Patnubayan ang mga bata sa pag-a-upload ng patalastas sa social media. Gumamit ng rubrik para sa gawain. 6. Ipaisa-isa ang nilalaman ng Tandaan Mo sa LM, p. 111. Pagtataya Pasagutan ang Natutuhan Ko sa p. 112 ng LM. Susi sa Pagwawasto I. 1. Underground River 2. Banawe Rice Terraces 3. Pagsanjan Falls 4. Mayon Volcano 5. Windmill Rubric para sa Islogan 8–10 5–7 3–4 1–2 Nilalaman 10 puntos Ang mensahe ay mabisang naipakita. Di gaanong naipakita ang mensahe. Medyo magulo ang mensahe. Walang mensaheng naipakita. Pagkamalikhain 8 puntos Napakaganda at napakalinaw ng pagkakasulat ng mga titik. Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng mga titik. Maganda ngunit di gaanong malinaw ang pagkakasulat ng mga titik. Di maganda at malabo ang pagkakasulat ng mga titik.
  67. 67. 47 6–7 4–5 2–3 1 Kaugnayan sa Paksa 7 puntos May malaking kaugnayan sa paksa ang islogan. Di gaanong naipakita ang kaugnayan sa paksa ang islogan. Kaunti lamang ang kaugnayan ng islogan sa paksa. Walang kaugnayan sa paksa ang islogan. 4–5 3 2 1 Kalinisan 5 puntos Malinis na malinis ang pagkakabuo. Malinis ang pagkakabuo. Di gaanong malinis ang pagkakabuo. Marumi ang pagkakabuo. Kabuang Puntos = 30 Rubric para sa Patalastas Pamantayan 3 2 1 Iskor Nilalaman/ Makatotohanan (2 puntos) Punung-puno ng mga ideya at makatotohanan (6) Maganda ang ideya ngunit hindi makatotohanan (4) Nagbanggit ng isang ideya ngunit hindi makatotohanan (2) Organisasyon (1 punto) Napakaayos ng pagkakalahad (3) Maayos ang pagkakalahad (2) Magulo ang pagkakalahad (1) Kabuuang Puntos = 9 II. Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na mga katangiang pisikal sa pag- unlad ng bansa. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo. Katangiang Pisikal Kahalagahan (mga posibleng sagot) Bulubundukin Nagsisilbing pananggalang sa mga parating na bagyo, pagsasaka at pagmimina, maaari ding sa turismo Dalampasigan Turismo, pangingisda Bulkan Turismo, pagsasaka Talon Turismo, hydropower Kapatagan Pagsasaka, Pagawaan, at Komersiyo
  68. 68. 48 Lagumang Pagsusulit UNANG YUNIT Sagutin ang mga tanong ayon sa hinihingi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. I. KAALAMAN (15%) Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng sagot. 1. Ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya ay ang ____________. a. Indonesia c. Pilipinas b. Malaysia d. Thailand 2. Ang samahang politikal na itinataguyod ng tao at may layuning tugunan ang kanilang mga pangangailangan ay tinatawag na ____________. a. bansa c. soberanya b. teritoryo d. pamahalaan 3. Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito ay ____________. a. amihan c. klima b. bagyo d. monsoon 4. Ang pagsasalarawan ng hugis pang-ibabaw ng isang lugar o rehiyon sa mapa ay tinatawag na ____________. a. tropikal c. populasyon b. arkipelago d. topograpiya 5. Ang mapa ng populasyon ay tinatawag ding ____________. a. climate map c. economic map b. physical map d. demographic map 6. Batay sa sensus ng 2010, ang rehiyon na may pinakamalaking sukat at ang may pinakamalaki ring bilang ng naninirahan ay ang ____________. a. CAR c. ARMM b. NCR d. CALABARZON II. PROSESO/KASANAYAN (25%) A. Gawin ang sumusunod: 7. Tingnan ang mapa ng mundo sa pahina 10 ng inyong LM. Ano ang masasabi mo sa lawak nito kung ihahambing sa China? 8. Ano ang kaibahan ng tsunami sa storm surge? 9. Suriing muli ang hazard map ng Pilipinas sa inyong LM. Aling mga lalawigan sa bansa ang may higit na panganib sa lindol? 10. Ano ang mga kailangang gawin kung may darating na bagyo sa inyong lugar?
  69. 69. 49 11. Ang Pilipinas ay isang arkipelago o kapuluan. 12. Nasa timog ng Indonesia ang Pilipinas. 13. Napakalapit ng bansang India sa Pilipinas kung ihahambing sa Taiwan. 14. Napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas. 15. Ang Pilipinas ay nasa kanluran ng Karagatang Pasipiko. A. Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (3) ang bilang ng dapat na gawin ng isang batang Pilipino batay sa iyong mga natutuhan. 16. Paanonakatutulongsapag-unladngpamumuhayngmamamayan ang mga likas na yaman ng bansa? 17. Ano ang ipinahihiwatig ng kinaroroonan ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire? 18. Ipaliwanag ang kahalagahan ng tao, teritoryo, pamahalaan, at kalayaan sa pagbubuo ng isang bansa. 19. Ilarawan ang katangiang pisikal ng inyong lalawigan. 20. Ipaliwanag kung paano maging handa sa pagdating ng bagyo. B. Tingnan ang sumusunod na mapa. Lagyan ng tsek (3) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng totoo tungkol sa bansang Pilipinas batay sa heograpiya nito.
  70. 70. 50 29–40. Paggawa ng Leaflet o Brochure Magkakaroon ng kumbensiyon tungkol sa turismo at kagandahan ng Asya upang palakasin pa ang turismo sa mga bansa rito. Dadalo sa kumbensiyong ito ang mga may-ari ng travel agency sa iba’t ibang bansa sa Asya at mga kinatawan ng Kagawaran ng Turismo. Bilang isang advertiser ng sikat na travel agency sa bansa, layunin mong ipagmalaki ang bansang Pilipinas kaya hihikayatin mo ang iba pang may-ari ng travel agency na isama ang Pilipinas sa Asia Tour Package na pinapatalastas nila. Gagawa ka ng leaflet o brochure na magpapakita ng lokasyon, topograpiya, at iba pang maipagmamalaki ng Pilipinas kasama ang klima at mga nararapat gawin o paghandaan sa pagtungo sa bansa. Sa pagsasagawa mo ng leaflet o brochure, isaalang-alang ang nilalaman at konsepto, presentasyon at kalinisan, at pagkamalikhain at organisasyon ng iyong gawa.

×