3. Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang
panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang
1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung
kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na
dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan
ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga
sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8,
1941.
4. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng
mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados
Unidos, Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras
sina Heneral Douglas MacArthur na kasama
ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay
nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok
ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2
1942.
5. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga
Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga
bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng
mga Hapones (ang tinatawag na Martsa
ng Kamatayan) papunta sa isang kampo
ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan
ng Tarlac.
6. Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si
MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan
Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang
sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw.
Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga
Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-
tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang
digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa
mga Hapones nang lumapag ang mga
puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway
ng Leyte. Naproklaman bilang bagong
pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang
mamatay si Manuel Quezon.
7. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng
Estados Unidos ang Maynila noong
Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano
ang mga puwersang militar ni Heneral
Homma sa Lalawigang
Bulubundukin (Mountain Province), na
napilitang sumuko noong mabigo ang mga
ito sa tinatangka nilang pagtakas.
8. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos
kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para
sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya
sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring
ito.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong
Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod
ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa.
9. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles
upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng
panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat
ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.
10. Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na
babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo
at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na
maka-feministang maikling-kwento.
• Ang isang manunulat ay likas na manunulat.
• Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa.
• Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino,
si Jose P. Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang
“pamatnubay.”
11. • Natutong gagarin ng mga manunulat ang
HAIKU.
• Maikling Tula
• Labimpituhing Pantig
• Tatlong Taludtod
• Unang taludtod ay lima
Gitna ay pito
Huli ay lima
12. Ang kagandahan ng uri ng tulang Haiku ay
nakasalalay sa mga ipinahihiwatig na imahen nito
at sa malalim na kahulugang taglay ng talinghaga.
Nagbalik din sa panulat ang matandang anyo ng
tulang Tagalog, ang tanaga na parang Haiku sa
ikli. Aapating taludtod lamang. Bawat taludtod ay
binubuo ng tigpipitong pantig. Ubod din ng
talinghaga.
Margielyn M. Aninon
Tinalakay ni:
13. Sa mga dula karaniwang ang buhay Pilipino, buhay lungsod o
nayon, at karaniwang ugali ng mga Pilipino.
Maraming pagtatanghal ang may mga paksang katawa-tawa
upang ikubli ang mga kapintasan ng mga hapones tulad ng
pangunguha ng ari-arian sa mga Pilipinong nabibilang o
nangungurakot.
14. Hindi umanlad ang nobela sa panahong ito dahil maraming
kakapusan sa papel.
Naglalarawan ng mga nalathalang dula,
tula, sanaysay, at maikling kwento ng
damdaming makabayan.
15. Matitimpi ang pagpapahayag ng paksa.
Nag sasalaysay ng madulang pangyayari.
Walang balangkas ang kwento.
Ang paksa ay nauukol sa iba’t-ibang
karanasan sa buhay ng tao.
Gumagamit ng mga payak na pangungusap
kaya madaling maunawaan.
16. Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o
pangingisda.
Ugali ng mga hapon na pagiging tapat sa kanilang
bansa at pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa.
Leslie Padua
Tinalakay ni:
17. Tulang may malayang taluturan na kinagigiliwan
ng mga hapones.
May labing pitong pantig
1st (tatultod): limang pantig
2nd(tatultod): Pitong pantig
3rd (tatultod): limang pantig
Karaniwang maiikli ngunit nagtataglay ng
matatalinghagang kahulugan.
20. May sukat at tugma.
Bawat taludtod ay may pitong pantig
Nagtataglay ng isang tugmaan A-A-A-A, ngunit
ang mga bagong tanaga ngayon ay kakikitaan
narin ng mga tugma na inipita –A-B-B-A, salitan
A-B-A-B, at sunran A-A-B-B.
21. Palay
Palay siyang matino
Nang Humangi’y yumuko,
Kabibi
Kabibi, ano kaba?
May perlas, maganda ka
Kung diit sa tainga
Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa- nagkabitak
Sa kahoy- nalugayak,
Sa puso, naglagablab! Ildelfonso Santos
Liwayway, Abril 10, 1943
22. Payak at simple at walang sukat at tugma.
May apat na taludtod sa isang saknong.
Celine Angelique Lero
Tinalakay ni:
23. Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang
ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig,
malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na
hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung
makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng
ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng
anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
ni Liwayway Arceo
24. Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang
nagmamakinilya,ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya
ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang
pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na
talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata
ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
ni Liwayway Arceo
25. Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na
masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at
hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa
anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang
pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang
larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina.Walang lagda ang
larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y
nakalimot”.
ni Liwayway Arceo
26. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat
sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak.
Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang
kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso
ay hindi pagibig tuwina.
ni Liwayway Arceo
27. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng
malay samantalangang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang
imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha
kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng
kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na
kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang
paraan.
ni Liwayway Arceo
28. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng
mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong
nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko
na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng
kanyang mahal.Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay
lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy
sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
ni Liwayway Arceo
29. Liwayway A. Arceo
Si Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista,
mananaysay, tagasalin-wika, editor), ayon sa isang kritikong
gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga katha ng
dekada 40, ay feminista na bago pa “nauso” ang katagang
iyon.
30. Liwayway A. Arceo
.Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbag na,
namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela, ang Canal de la
Reina (1985) na isinalin sa Japanese (1990) at dinaluhan ng
awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t
muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha,
ang klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943), na
itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling
kuwentong Tagalog.
31. Liwayway A. Arceo
Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay
nagsanga sa Panitikang relihiyoso at espiritwal nitong huling
13 taon, na nagbunga sa kanyang Catholic Author’s Award
(1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa
kanyang mga gawad ang Life Achievement Award sa Panitikan
(1994) mula sa Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP sa
Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane Letters,
honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman.
Ma. Myzel Abalos
Tinalakay ni:
32. • Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa
buhay.
• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng
damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.
• Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.
• May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
• Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
33. 1. TAUHAN
> Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga
pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
> Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa
iba't ibang panahon
kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
> Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa
mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan.
34. 4.SULIRANIN O TUNGGALIAN
> Tumutukoy ito sa Inihahanda sa bahaging ito ang mga
mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng
mga tauhan.
maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.
5. KASUKDULAN
> Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa
paglutas ng suliranin.
35. 6. KAKALASAN
> Ito ang kinalabasan ng paglalaban.Sumusunod eto agad
sa kasukdulan.
7. WAKAS
>Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian
ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing
tauhan.
Precelma V. Galve
Tinalakay ni:
36. Jose Ma. Hernandez
Manunulat at Guro.
Nag-aral ng pagsulat at pagtatanghal.
Panday Pira (may 3 yugto)
The olive Garden
Palanca Memorial Award in Letirature.
37. Francisco “soc” rodrigo
Politiko sa Pilipinas.
Ipinanganak sa Bulacan.
Pamantasang Ateneo de Manila
Namatay noong 1998 dahil sa kanser.
Dating pangulo ng Catholic ction.
Batas-Rizal.
38. Gervacio santiago
Hulyo 19, 1909
Panganay na lalaki
Leonor Dalisay
Namatay noong Agusto 14, 1993
39. Clodualdo l. delmundo sr.
Septiyembre 11, 1911
Naging co-founder ng unang pangulo ng panitikan
noong 1935.
Bituing Walang Langit.