Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Mga Alamat

33.641 visualizaciones

Publicado el

Mga alamat na nahahati sa dalawa: piksyon at di-piksyon. Mga Piksyon: Ang Leon At Ang Daga, Ang Alamat ng Pinya, Ang Alamat ng Mangga, ALAMAT NG MAKOPA, ALAMAT NG LANSONES. Mga di-piksyon: Karera atbp.

Publicado en: Educación
  • Sé el primero en comentar

Mga Alamat

  1. 1. ALAMAT NG LANSONES Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanongpumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao.Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walangnangahas kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae. Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.
  2. 2. ALAMAT NG MAKOPA Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silangnagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat. Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong. Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.
  3. 3. Ang Alamat ng Mangga Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait atmatulungin siya. Nagmana siya sa kanyang mga magulang namababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi angkinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto atpinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isangmatandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niyaito at binigyan ng damit.Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ngpagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha pa rinang kanyang kalagayan hanggang sa siya’y bawian na ng buhay.Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habangnakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hininginito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok.Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis- puso. Maramiang nakikinabang ngayon sa bungang ito. Ang Alamat ng Pinya Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, “Umaasa ako na magkaroon ka ng isang libong mata!” Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya.
  4. 4. Ang Leon At Ang Daga May isang Leyong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno nang may lumapit ditong isang Daga. Inakala ng Daga na tuyong damo ang buhok ng leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito. Nagising ang Hari ng kagubatan at mabilis na umiktad at dumamba-damba na ikinahulog ng pobreng Daga. Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng Leyon ang gumambala sa kaniyang pagtulog. “Pa… patawarin ninyo ako, mahal na Hari. Hindi ko sinasadya ang paggambala sa inyong pagtulog. Marami po ang mga anak ko na dapat pakainin. Kung mapapalaya ninyo ako ay tatanawin ko itong malaking pagkakautang. Makakabayad din po ako sa inyo sa hinaharap.” “Hindi man lang ako mabubusog kung kakainin kita. Sige, makalalaya ka na!” Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leyon. Naghahanap siya ng pagkain sa pananghalian. Nang matanawan ang nakabiting inihaw na tapa ng Usa sa isang puno ng akasya ay dali-dali itong nagtatakbo. Sa kasamaang palad, bitag pala iyon ng mga mangangaso. Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya makawala sa bitag. Pinilit niyang magdadamba pero napatali pati mga paa niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari. Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang kaniyang mga anak. Naisip ng Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran niya ang pinagkakautangan ng buhay. Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na lubid sa paa ng Leyon. Inutusan niya ang mga anak na ngatngatin naman ng mga ito ang makakapal na lubid sa ulunan ng Hari. Sa tulung-tulong na pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leyon. “Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,” pagpapakumbaba ng Leyon. “Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay makatutulong din ang maliliit sa isang higanteng katulad ko.” Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leyon magmula noon.
  5. 5. Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinongbayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2] Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag- aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomassa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ngLisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg. Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere,at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]
  6. 6. Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan niAndrés Bonifacio,[note 4] , isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidosang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tiehanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935
  7. 7. ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag- aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulatdin siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
  8. 8. Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor. Edukasyon Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging manlalakbay-dagat siya. Sa pamamgitan nito, nakita niya ang magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombo. Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academiade Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito. Noong nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang maging aprentis niya. Karera Noong 1881 nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La Muerta de Cleopatra sa pandaigdig na kumpetisyon na ang Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito naging pensionado siya ng Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na gumawa siya ng larawan para sa kanila. Ilang taong lumipas bago natapos niya ito—ang El Pacto de Sangre. Noong 1884, ang kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas Artes para sa taong iyon. Ang kanyang dalawang lahok sa Exposicion ng 1887, La Batalla de Lepanto at Rendicion de Granada at nagwagi rin.
  9. 9. Gregorio del Pilar y Sempio (November 14, 1875 – December 2, 1899) was one of the youngest generals in the Philippine Revolutionary Forces during the Philippine Revolution and the Philippine–American War. He is most known for his successful assault on the Spanish barracks of Cazadores in the municipality of Paombong, his victory on the first phase Battle of Quingua and his last stand at the Battle of Tirad Pass during the Philippine-American war. Because of his youth, he became known as the "Boy General."[1] Born on November 14, 1875 to Fernando H. del Pilar and Felipa Sempio of Bulacan, Bulacan, the fifth among six siblings.[2] He was the nephew of propagandist Marcelo H. del Pilar and Toribio H. del Pilar, who was exiled in Guam for his involvement in the 1872 Cavite Mutiny. "Goyong", as he was casually known, studied at the Ateneo Municipal de Manila, where he received his bachelor's degree in 1896, at the age of 20. When the Philippine Revolution against Spanish rule broke out in August under the leadership ofAndres Bonifacio, del Pilar joined the insurgency. He distinguished himself as a field commander while fighting Spanish garrisons in Bulacan.

×