1. Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng leksyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. maibibigay ang kahulugan ng pang-uri at
b. makabubuo ng pangungusap na may pang-uri.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Pang-uri
b. Sanggunian: Filipino IV, Pagsasalita, Manwal ng guro p. 11-13
c. Kagamitan: Mga Larawan
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
a. Panimulang gawain
Magsitayo ang lahat para sa
pagdarasal.
Bago magsiupo ang lahat, pulutin
niyo muna ang mga basura na
nasa ilalim ng inyon upuan it
itapon sa basurahan.
Magandang umaga mga bata?
Kumusta kayo sa araw na ito?
Maagaling!
Bago tayo magsimula sa
pagbalangkas sa ating leksyon
ngayong umaga ay magkakaroon
muna tayo ng kasunduan upang
matapos natin ang ating leksyon
ng maayos at matiwasay.
Ano naman ang inyong gagawin
kapag ang inyong guro ay
nagtuturo sa inyong harapan?
b. Pagganyak
Mga bata, bago tayo magsimula
sa atang talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng
gawain. Mayroon ako ditong
dalawang halaman. Ang gagawin
niyo lamang ay gumawa kayo ng
tig-iisang pangungusap basi sa
Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng
Ispirito Santo Amen…..
(Ang Mga bata ay namumulot ng
basura)
Magandang umaga po sir!
Okay lang po sir!
Makinig ng maigi sir.
Itaas ang kanang kamay kapag
gutong sumagot.
Huwag makipag dal-dalan sa
katabi.
2. mga halamang ito. Bigyan ko
lamang kayo ng dalawang minuto
para obserbahan niyo ang mga
halamang nasa inyong harapan.
(ang mga bata ay nagbibigay ng
pangungusap basi sa larawan na
nasa pisara)
Maraming salamat sa inyong
partisipasyon.
Mayroon din akong mga
pangungusap dito sa pisara.
Ano ba ang inyong napapansin sa
mga pangungusap na ito?
Magaling! Ang mga pangungusap
ay may salungguhit.
Basahin niyo nga ang mga
sinalungguhitang pangungusap.
c. Paglalahad
Basi sa mga sinalungguhitang
mga salita, ano sa tingin niyon
ang paksa na ating tatalakayin
ngayong umaga?
Magaling!
Ang paksa na ating tatalakayin
ngayong hapon ay tungkol sa
pang-uri
d. Pagtatalakay
Bago natin tatalakayin pang-uri
ay bigyan muna natin ng
kahulugan kung ano ang
May mga salitang nakasalungguhit sir.
(Ang mga bata ay nagbabasa)
3. pangungusap dahil ang pang-uri
ay parte ng isang pangungusap.
Sino ang makapagbigay ng
kahulugan ng Pang-uri?
Perpektong kasagutan!
Sino ba dito ang may ideya kung
ano ang Pang-uri?
Napakainam na kasagutan!
Ang pang-uri ay ang salitang
naglalarawan sa paksa. Ito rin
ang nagbibigay kulay kung ano
ang paksa.
Halimbawa, sa pangungusap na
ito ang pang-uri ay?
Bakit ang salitang maganda ang
pang-uri sa pangungusap na ito?
Magaling!
Ang mundong ito ay puno ng
napakaraming salitang
naglalarawan, sino ang makapag
bigay ng halimbawa ng pang-uri?
Maraming salamat!
Sino ang makabuo ng
pangungusap gamit ang mga
pang-uring nabanggit?
Mahusay!
e. Paglalahat
Kung naiintindihan inyo talaga
ang paksa nating ngayong umaga,
Ano nga ulit ang pang-uri?
Pang-uri po titser.
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na nagsasaad ng buong diwa.
Ang pang-uri ay ang mga salitang
naglalarawan sa paksa sa isang
pangungusap.
Maganda!
Dahil ang maganda ang naglalarawan
sa paksa na bulaklak.
Mabaho, matayog, mahaba, maliit ,
atbp.
4. Mahalaga ba na magamit nating
ng mabuti ang pang-uri sa pagbuo
nating ng mga pangungusap?
Bakit?
f. Paglalapat
Ngayon ay makakaroon tayo ng gawain.
Bigyan ko kayo ng inyong pares upang
magawa niyo ang gawaing ito ng
maayos.
Ang gagawin niyo lamang ay pumunta
kayo dito sa harapan at ilarawan ang
inyong kapares. Magbigay lamang
limang pangungusap.
Naiintindihan niyo ba mga bata?
Magaling!
Ngayon ay simulan na ng unang pares
ang paglalarawan ng inyong kapares.
Nasiyahan ba kayo sa ginawa ninyong
gawain mga bata?
Maraming salamat sa inyong
partisipasyon.
(ang mga bata ug bumubuo ng
pangungusap)
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan
sa paksa.
Upo! Dahil kung tama ang pagbuo
natin sa ating pangungusap ay maganda
itong pakinggan. Posible rin po na sa
maling paggamit natin ng mga pang-uri
sa paglalarawan ng isang tao, magiging
sanhi ito ng alitan at away.
Opo titser.
Opo titser.
5. IV. Pagtataya
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili lamang kayo ng inyong
kasagutan sa loob ng kahon.
1. Ang pusa ay __________.
2. Ang mga _________ na ibon ay nagsipagliparan ng marinig nila ang tahol ng aso.
3. Ang __________ na bundok ay inakyat ni Dido.
4. Kay __________ ng talon ni Ercel ng maapakan niya ang ahas.
5. Ang __________ ng lubid na dala ni Aeneas.
V. Takdang Aralin
Panuto: Bumuo ng limang pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-uri.
1. Masungit
2. Payat
3. Makitid
4. Masangsang
5. Mamula-mula
Malusog taas
Haba Maliliit
Matayog