SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 4
Descargar para leer sin conexión
W1
Asignatura Homeroom Guidance Baitang 7
Markahan Ika-apat na Kuwarter Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Inisyatibo ng Pagtulong sa Komunidad
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
Ipahayag ang inisyatibo sa pagtulong sa komunidad (Express initiative in
extending help to the community) HGJA-IVb-3
III. PANGUNAHING NILALAMAN Malilinang ang mga kasanayang pang-akademiko upang tumugon sa pag-
unlad ng pamayanan batay sa internasyonal na pamantayan
(Develop academic skills to respond to community development based on
international standards)
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 Minuto)
Sa mga nagdaang aralin, naunawaan mo kung paano matutugunan ang mga kasanayan na kinakailangan ng mga trabaho
at industriya ng negosyo. Habang lumalawak ang iyong kaalaman at pagkaunawa sa mga ito, mas magiging madali ang
pagpili ng iyong trabaho na nais pasukin sa hinaharap. Bukod sa paghahanda ng iyong sarili sa pagtatrabaho, mahalaga na
malinang sa iyo ang isang mahalagang kasanayan na iyong kailangan sa buhay at pakikitungo sa iyong kapwa.
Ang bansa sa kasalukuyan ay nakararanas ng matinding krisis dulot ng pandemyang COVID-
19. Bunsod nito, marami sa ating mga kababayan ang lubhang naapektuhan at nahihirapan
sa kanilang pamumuhay. Ngunit sa kabila nito, ay makikita pa rin ang espiritu ng bayanihan
ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Bata man o
matanda ay may magagawa para makatulong sa kapwa gaya ng isang viral story na hango
mula sa isang Facebook post ni John Christopher Lara at Philippine Star. Basahin at pag-aralan
kung paano naipahayag ng isang bata na si Don Don ang pagkukusa sa pag-papaabot ng
tulong sa kanilang komunidad.
Si Don Don Sinagmayan o mas kilala sa tawag na Ornelo, 9 na taong gulang ay isang
miyembro ng katutubong komunidad ng Barangay Pinagturilan sa Occidental Mindoro. Matapos malaman ni Don Don, na
ang Kilusang Nagmamalasakit ay magsasagawa ng community pantry sa kanilang lugar kung saan maaaring magbigay ng
pagkain ang mga nais makatulong, si Don Don ay nagbigay ng kalahating sako ng kamote. Aniya, “Bigay raw ito ng kanilang
pamilya”.
Marami ang naantig at humanga sa ginawa ni Don Don. Sabi pa ni Lara, “Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating
pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong”. Dala ng pagkaantig at kasiyahan
ng mga bahagi ng Kilusang Nagmamalasakit ay kanilang pinagkalooban ng scholarship si Don Don. Masayang-masaya si
Don Don dahil matutupad na niya ang kaniyang pangarap na maging ‘sir’ o guro. Pinatunayan din ng kanyang mga kapit-
bahay na si Don Don ay isang mabuting bata sapagkat kahit sila ay binibigyan nito ng kamote o mga huli nitong isda galing
sa ilog. Siya rin ay itinuturing na maasahang bata ng kanyang ina sa mga gawaing bahay habang nagtatrabaho ang
kanyang kuya at tatay.
Ang bawat isa sa atin ay maaaring makabahagi sa pagtulong sa ating komunidad, lalung-lalo na ang kabataang tulad mo.
Marahil gaya ni Don Don, ay nais mo rin makapagpa-abot ng tulong sa iyong komunidad, ngunit paano mo nga ba ito
maipapahayag at maisasagawa? Sa pamamagitan ng aralin na ito ay inaasahang maipapahayag mo ang pagkukusa o
inisyatibo na magpa-abot ng tulong sa inyong komunidad.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 Minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng tatlong (3) pangyayari sa inyong buhay kung saan naipahayag mo ang iyong
inisyatibo o pagkukusa na makatulong sa inyong komunidad. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Halimbawa:
Pangyayari: May panawagan sa aming barangay sa mga nais magbigay ng donasyon para sa mga biktima ng sunog.
Inisyatibong ginawa upang makatulong: Ako ay nag donate ng aking mga lumang damit.
Pangyayari: ________________________________________________________________________________________________________
Inisyatibong ginawa upang makatulong: ____________________________________________________________________________

Mga tanong:
1. Ano ang nag-udyok sa iyo upang magkusa na tumulong?
2. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
Ngunit paano nga ba maipapahayag ang inisyatibo upang makapag-abot ng tulong ang isang kabataan sa kaniyang
komunidad?
1. Pagiging mabuting mamamayan – Gawin mo para sa iba ang gusto mong gawin nila para sa iyo kung ikaw ang nasa
kalagayan nila. Kung nakakita ka ng isang taong humihingi ng limos, bigyang pansin mo siya at tulungan sa abot ng iyong
makakaya. Makibahagi sa pagsuporta sa mga produkto na ibinibenta ng inyong barangay. Sa pamamagitan ng pagbili
at pagpapakilala nito sa iba’t-ibang dako ng bansa. Maari ka ring makatulong sa pamamagitan ng pagrerecycle ng mga
basura, pagtitipid ng enerhiya at tubig.
2. Kilalanin ang iyong komunidad - Kung nais na makatulong sa inyong komunidad, maaaring umpisahan ito sa pagkilala at
pag obserba sa mga tao at pangangailngan ng inyong komunidad. Maaaring gumawa ng pagsasaliksik kung anu-anong
mga organisasyon ang nagsasagawa ng pagkakawang-gawa sa inyong komunidad. Ang pagsasaliksik ay maaring gawin
impormal sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga taong kakilala mo sa inyong komunidad o gumawa ng isang pormal
na sarbey na may mga tanong na kailangang sagutin ng mga makikilahok. Kapag may sapat ka ng impormasyon ukol sa
mga pangangailangan ng inyong komunidad, alamin kung sa paanong paraan ka makakatulong. I-ugnay ang iyong
pagtulong sa isyu ng komunidad na higit kang interado, suriin ang mga kakayahan at talento na magagamit mo upang
makatulong, mag-laan ng oras at panahon, at alamin kung ano ang mga kakailangain upang masimulan ang pagtulong.
3. Makisali at makibahagi – Pagkatapos na matukoy ang mga suliranin ng inyong komunidad na nais mo na malutas, ano
ang mga pagkilos na dapat mo na isagawa? Sa puntong ito, ay magtiwala ka na ikaw ay may magagawa kahit na sa
tingin mo ay parang imposible! Mag-umpisa kahit na sa maliliit na hakbang lamang. Tukuyin ang posibleng layunin ng
iyong gagawing pagkilos, maaring ang natukoy mo na problema ay hindi madaling malutas kung kaya ito ay
nangangailangan ng plano at sapat na panahon upang maisakatuparan. Magplano at magtakda ng layunin at
pamamaraan kung paano makakamit ang mga ito, ihanda ang mga kakailanganin, tukuyin ang mga taong
makakasama at kanino maaaring makakakuha ng suporta at pananalapi. Bukod dito ay maari ka rin mag boluntaryo sa
mga gawain ng ibang samahan na may layuning nakatuon sa pagpapabuti ng inyong komunidad. Ang
pagboboluntaryo ay kusang-loob na paglilingkod na makatulong na walang inaasahang kabayaran at kapalit. Ang
isang pangunahing elemento ng boluntaryong paglilingkod ay ang kalayaan ng tao na magpasya na makatulong na
walang hinihinging kapalit o iba pang kabayaran. Maaari kang makatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol
sa mga mabuting adbokasiya at panghihikayat sa mga tao na makilahok rin sa pamamagitan ng social media.
Ngayong panahon ng pandemya, paano ka makakatulong sa inyong komunidad? Narito ang ilan sa maaaring gawin ng
mga bata, ayon sa Save the Children.Org: pagsunod sa patnubay ng gobyerno, pagdistansyang pisikal sa mga tao,
magbigay ambag sa food pantry, kumustahin ang inyong mga kapit bahay, matatanda, lalo na ang mga namumuhay mga
isa, mga may karamdaman o mga kapwa mo bata na walang nag-aalaga, bumili ng mga produkto sa pamilihan ng inyong
komunidad, sumuporta at magpasalamat tumanaw ng utang na loob sa mga frontliners, mag donate ng dugo, tumulong sa
mga fundraising, manatiling maalam sa mga mahahalagang impormasyon, maging kalmado, maging handa sa mga
kalamidad, ingatan ang sarili at ang ibang tao, maging mapagpasensiya at hikayatin ang iba na gawin ang mga ito
Ang pandemya ay naka-apekto sa maraming aspeto ng pamumuhay ng tao. Ngunit sa kabila ng napakaraming suliranin,
ang Pilipino ay hindi nagpahadlang upang magkawangggawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto at
programa para sa kanilang komunidad at sa ibang bahagi pa ng bansa. Ang ilan sa mga kababayan natin ay nagtayo ng
community pantry kung saan ang mga tao ay maaaring kumuha ng pagkain ayon sa kanilang pangangailangan, clean-up
drives, relief-operations, tree-planting, pamimigay ng libreng school supplies, hygiene kits, mga iba’t-ibang adbokasiya bilang
suporta sa mga frontliners, pag-iwas sa COVID, pangangalaga sa mental health at marami pang iba.
Ikaw rin kagaya nila ay may magagawa para makatulong sa inyong komunidad. Anuman ang iyong edad at kalagayan sa
buhay, ikaw ay makapag-aambag. Handa ka na ba?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Sagutan ang mga ito sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang mensahe na pumukaw sa iyong kaisipan bilang kabataan na bahagi ng inyong komunidad?
2. Sa gitna ng pandemya na ating kinakaharap, handa ka ba sa hamon ng pagiging maagap at mapagkusa lalo na sa
pagtulong sa inyong komunidad? Ipaliwanag.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras:13 Minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel ay gawin ang graphic organizer na nasa ibaba. Itala sa bawat kahon
ang mga problema ng inyong komunidad sa kasalukuyan na nangangailangan ng tulong. Pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na tanong. Halimbawa: Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
Mga Tanong:
1. Ano ang iyong naging basehan upang matukoy ang mga problema ng inyong komunidad?
2. Bakit kailangan ang iyong kamalayan sa kalagayan ng inyong komunidad?
3. Mahalaga ba na ang kabataang gaya mo ay makilahok at makatulong sa paglutas ng mga suliraning natukoy?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pumili ng tatlo sa mga problema na iyong natukoy. Ipaliwanag kung bakit mo ito napili at
umisip ng inisyatibo na iyong magagawa upang makatulong sa mga problemang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 Minuto)
Pagkatapos mabasa at masagutan ang gawain sa pagkatuto sa aralin ito. Gamit ang salita sa kahon sa ibaba, buoin ang
mahalgang konsepto ng aralin.
Maituturing na ang isang tao ay may _____________kung kanyang nakikita ang mga bagay na kailangang bigyan ng aksyon.
Ang _______________ na may ____________ kahit walang nag-uutos o nagsasabi na gawin mo ang isang bagay ay magdudulot
ng mabuti di lamang sa iyong sarili kundi pati sa iyong kapwa sa inyong komunidad. Sa pagkakaroon ng inisyatibo sa
pagtulong, ang buhay ay magkakaroon ng ____________ at mas magiging ______________.
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 2 Minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
•
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2 Bilang 4
Problema
sa inyong
komunidad
__________________________________________________________________________________________________________________

Pagkukusa makabuluhan pagtulong pagkukusa inisyatibo direksyon
Hindi maayos na pagtatapon ng basura
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VII. SANGGUNIAN Philippine Star. “A Story of Goodness and Love for the community”. Facebook, May 11,2021.
https://web.facebook.com/PhilippineSTAR/posts/2216776655142670?_rdc=1&_rdr
Rawlings, Laura Jane. 2016. What Is Initiative And Why Is It Important? Youth
Employment.Org.Uk. https://www.youthemployment.org.uk/what-is-initiative-and-why-is-it-
important/
Prep, Ivy, “Parenting Tips: How to Teach Kids About Taking Initiative”, IVY PREP LEARNING
ACADEMY. Accessed: May 11, 2021. https://www.ivyprep.org/how-to-teach-kids-initiative/
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral,pp.9.
Liat Hasenfratz, Ariel Knafo. 2015. “Prosocial Behavior, Effect of Parenting and Family Structure”.
Interntational Encyclopedia of the Social and Behavioral Sciences (Second Edition), 2015.
https://www.sciencedirect.com/topics/social-sciences/prosocial-behavior
Duncan Muguku, “17 Tips on How to Take Initiative at Work”. ThriveYard.
https://www.thriveyard.com/17-tips-on-how-to-take-initiative-at
work/#:~:text=Taking%20initiative%20helps%20to%20build,initiative%20strengthens%20your%20p
ersonal%20brand.
Price-Mitchell, Marilyn. 2018. “How Kids Learn to Take Initiative and Overcome Challenges”.
Roots of Action. https://www.rootsofaction.com/take-initiative-kids/
Skidos. “Teaching Children to Take Initiative”. Accessed: May 11, 2021.
https://skidos.com/blog/teaching-children-to-
takeinitiative/?fbclid=IwAR1Gd8S2XAXTuKacM8LHTLHYeTo2FY29ToApui9yoBI_m6TpBkFUjJuGAp
A
Jensen, Kris. How to Help Your Community. WikiHow.Life. July 15, 2020.
https://www.wikihow.life/Help-Your-Community#References
Volunterism.Psychology.Iresearchnet.May11,2021.http://psychology.iresearchnet.com/social-
psychology/prosocial-behavior/volunteerism/
Inihanda ni: Eunice N. Quilaton
Bacoor National High School Tabing Dagat
Sinuri nina: Rachel C. Mondragon
Nereus V. Malinis
Rio G. Gan

Más contenido relacionado

Similar a Copy of Q4-HGP-7-Week1.pdf

K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)LiGhT ArOhL
 
Grade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteGrade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteR Borres
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LMAndrei Manigbas
 
Modyul 1 (2).pptx
Modyul 1 (2).pptxModyul 1 (2).pptx
Modyul 1 (2).pptxschool
 
Angkop na kilos o galaw ng tao
Angkop na kilos o galaw ng taoAngkop na kilos o galaw ng tao
Angkop na kilos o galaw ng taoMartinGeraldine
 
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docxErmaJalem1
 
COT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docxCOT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docxJoanBayangan1
 
Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10
Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10
Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10Juriz de Mesa
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxErmaJalem1
 
Pakikilahok at Bolunterismo
Pakikilahok at BolunterismoPakikilahok at Bolunterismo
Pakikilahok at BolunterismoEdna Azarcon
 
This is detailed lesso plan in aralin p.
This is detailed lesso  plan in aralin p.This is detailed lesso  plan in aralin p.
This is detailed lesso plan in aralin p.anaroseringor1
 
pakikilahok at bolunterismo.pptx
pakikilahok at bolunterismo.pptxpakikilahok at bolunterismo.pptx
pakikilahok at bolunterismo.pptxEvangelineRomano1
 
Pamayanan-ko-Mahal-ko.pptx
Pamayanan-ko-Mahal-ko.pptxPamayanan-ko-Mahal-ko.pptx
Pamayanan-ko-Mahal-ko.pptxNoorHainaCastro1
 
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptxmarlamilaviebc
 
Similar a Copy of Q4-HGP-7-Week1.pdf (20)

Esp 9
Esp 9Esp 9
Esp 9
 
Esp 9 lm
Esp 9 lmEsp 9 lm
Esp 9 lm
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
 
Esp leaners module 9
Esp leaners module 9Esp leaners module 9
Esp leaners module 9
 
Grade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteGrade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 9 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
 
Modyul 1 (2).pptx
Modyul 1 (2).pptxModyul 1 (2).pptx
Modyul 1 (2).pptx
 
HGP6_Q4_Week7.pdf
HGP6_Q4_Week7.pdfHGP6_Q4_Week7.pdf
HGP6_Q4_Week7.pdf
 
Angkop na kilos o galaw ng tao
Angkop na kilos o galaw ng taoAngkop na kilos o galaw ng tao
Angkop na kilos o galaw ng tao
 
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
 
COT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docxCOT- Grade 9 Esp.docx
COT- Grade 9 Esp.docx
 
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptxESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
 
Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10
Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10
Handoutmodyul10 -Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao -10
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
 
Pakikilahok at Bolunterismo
Pakikilahok at BolunterismoPakikilahok at Bolunterismo
Pakikilahok at Bolunterismo
 
This is detailed lesso plan in aralin p.
This is detailed lesso  plan in aralin p.This is detailed lesso  plan in aralin p.
This is detailed lesso plan in aralin p.
 
pakikilahok at bolunterismo.pptx
pakikilahok at bolunterismo.pptxpakikilahok at bolunterismo.pptx
pakikilahok at bolunterismo.pptx
 
Pamayanan-ko-Mahal-ko.pptx
Pamayanan-ko-Mahal-ko.pptxPamayanan-ko-Mahal-ko.pptx
Pamayanan-ko-Mahal-ko.pptx
 
EsP-DLL-9-Mod8.docx
EsP-DLL-9-Mod8.docxEsP-DLL-9-Mod8.docx
EsP-DLL-9-Mod8.docx
 
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
 
Último

worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay pptpacnisjezreel
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ferdinandsanbuenaven
 
Kabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxKabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxcompwatch556
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
Último (20)

worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
 
Kabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxKabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
Copy of Q4-HGP-7-Week1.pdf

  • 1. W1 Asignatura Homeroom Guidance Baitang 7 Markahan Ika-apat na Kuwarter Petsa I. PAMAGAT NG ARALIN Inisyatibo ng Pagtulong sa Komunidad II. MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs) Ipahayag ang inisyatibo sa pagtulong sa komunidad (Express initiative in extending help to the community) HGJA-IVb-3 III. PANGUNAHING NILALAMAN Malilinang ang mga kasanayang pang-akademiko upang tumugon sa pag- unlad ng pamayanan batay sa internasyonal na pamantayan (Develop academic skills to respond to community development based on international standards) IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 Minuto) Sa mga nagdaang aralin, naunawaan mo kung paano matutugunan ang mga kasanayan na kinakailangan ng mga trabaho at industriya ng negosyo. Habang lumalawak ang iyong kaalaman at pagkaunawa sa mga ito, mas magiging madali ang pagpili ng iyong trabaho na nais pasukin sa hinaharap. Bukod sa paghahanda ng iyong sarili sa pagtatrabaho, mahalaga na malinang sa iyo ang isang mahalagang kasanayan na iyong kailangan sa buhay at pakikitungo sa iyong kapwa. Ang bansa sa kasalukuyan ay nakararanas ng matinding krisis dulot ng pandemyang COVID- 19. Bunsod nito, marami sa ating mga kababayan ang lubhang naapektuhan at nahihirapan sa kanilang pamumuhay. Ngunit sa kabila nito, ay makikita pa rin ang espiritu ng bayanihan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Bata man o matanda ay may magagawa para makatulong sa kapwa gaya ng isang viral story na hango mula sa isang Facebook post ni John Christopher Lara at Philippine Star. Basahin at pag-aralan kung paano naipahayag ng isang bata na si Don Don ang pagkukusa sa pag-papaabot ng tulong sa kanilang komunidad. Si Don Don Sinagmayan o mas kilala sa tawag na Ornelo, 9 na taong gulang ay isang miyembro ng katutubong komunidad ng Barangay Pinagturilan sa Occidental Mindoro. Matapos malaman ni Don Don, na ang Kilusang Nagmamalasakit ay magsasagawa ng community pantry sa kanilang lugar kung saan maaaring magbigay ng pagkain ang mga nais makatulong, si Don Don ay nagbigay ng kalahating sako ng kamote. Aniya, “Bigay raw ito ng kanilang pamilya”. Marami ang naantig at humanga sa ginawa ni Don Don. Sabi pa ni Lara, “Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong”. Dala ng pagkaantig at kasiyahan ng mga bahagi ng Kilusang Nagmamalasakit ay kanilang pinagkalooban ng scholarship si Don Don. Masayang-masaya si Don Don dahil matutupad na niya ang kaniyang pangarap na maging ‘sir’ o guro. Pinatunayan din ng kanyang mga kapit- bahay na si Don Don ay isang mabuting bata sapagkat kahit sila ay binibigyan nito ng kamote o mga huli nitong isda galing sa ilog. Siya rin ay itinuturing na maasahang bata ng kanyang ina sa mga gawaing bahay habang nagtatrabaho ang kanyang kuya at tatay. Ang bawat isa sa atin ay maaaring makabahagi sa pagtulong sa ating komunidad, lalung-lalo na ang kabataang tulad mo. Marahil gaya ni Don Don, ay nais mo rin makapagpa-abot ng tulong sa iyong komunidad, ngunit paano mo nga ba ito maipapahayag at maisasagawa? Sa pamamagitan ng aralin na ito ay inaasahang maipapahayag mo ang pagkukusa o inisyatibo na magpa-abot ng tulong sa inyong komunidad. D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 Minuto) Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng tatlong (3) pangyayari sa inyong buhay kung saan naipahayag mo ang iyong inisyatibo o pagkukusa na makatulong sa inyong komunidad. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Halimbawa: Pangyayari: May panawagan sa aming barangay sa mga nais magbigay ng donasyon para sa mga biktima ng sunog. Inisyatibong ginawa upang makatulong: Ako ay nag donate ng aking mga lumang damit. Pangyayari: ________________________________________________________________________________________________________ Inisyatibong ginawa upang makatulong: ____________________________________________________________________________ Pangyayari: ________________________________________________________________________________________________________ Inisyatibong ginawa upang makatulong: ____________________________________________________________________________ Pangyayari: ________________________________________________________________________________________________________ Inisyatibong ginawa upang makatulong: ____________________________________________________________________________
  • 2. IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO Mga tanong: 1. Ano ang nag-udyok sa iyo upang magkusa na tumulong? 2. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili? Ngunit paano nga ba maipapahayag ang inisyatibo upang makapag-abot ng tulong ang isang kabataan sa kaniyang komunidad? 1. Pagiging mabuting mamamayan – Gawin mo para sa iba ang gusto mong gawin nila para sa iyo kung ikaw ang nasa kalagayan nila. Kung nakakita ka ng isang taong humihingi ng limos, bigyang pansin mo siya at tulungan sa abot ng iyong makakaya. Makibahagi sa pagsuporta sa mga produkto na ibinibenta ng inyong barangay. Sa pamamagitan ng pagbili at pagpapakilala nito sa iba’t-ibang dako ng bansa. Maari ka ring makatulong sa pamamagitan ng pagrerecycle ng mga basura, pagtitipid ng enerhiya at tubig. 2. Kilalanin ang iyong komunidad - Kung nais na makatulong sa inyong komunidad, maaaring umpisahan ito sa pagkilala at pag obserba sa mga tao at pangangailngan ng inyong komunidad. Maaaring gumawa ng pagsasaliksik kung anu-anong mga organisasyon ang nagsasagawa ng pagkakawang-gawa sa inyong komunidad. Ang pagsasaliksik ay maaring gawin impormal sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga taong kakilala mo sa inyong komunidad o gumawa ng isang pormal na sarbey na may mga tanong na kailangang sagutin ng mga makikilahok. Kapag may sapat ka ng impormasyon ukol sa mga pangangailangan ng inyong komunidad, alamin kung sa paanong paraan ka makakatulong. I-ugnay ang iyong pagtulong sa isyu ng komunidad na higit kang interado, suriin ang mga kakayahan at talento na magagamit mo upang makatulong, mag-laan ng oras at panahon, at alamin kung ano ang mga kakailangain upang masimulan ang pagtulong. 3. Makisali at makibahagi – Pagkatapos na matukoy ang mga suliranin ng inyong komunidad na nais mo na malutas, ano ang mga pagkilos na dapat mo na isagawa? Sa puntong ito, ay magtiwala ka na ikaw ay may magagawa kahit na sa tingin mo ay parang imposible! Mag-umpisa kahit na sa maliliit na hakbang lamang. Tukuyin ang posibleng layunin ng iyong gagawing pagkilos, maaring ang natukoy mo na problema ay hindi madaling malutas kung kaya ito ay nangangailangan ng plano at sapat na panahon upang maisakatuparan. Magplano at magtakda ng layunin at pamamaraan kung paano makakamit ang mga ito, ihanda ang mga kakailanganin, tukuyin ang mga taong makakasama at kanino maaaring makakakuha ng suporta at pananalapi. Bukod dito ay maari ka rin mag boluntaryo sa mga gawain ng ibang samahan na may layuning nakatuon sa pagpapabuti ng inyong komunidad. Ang pagboboluntaryo ay kusang-loob na paglilingkod na makatulong na walang inaasahang kabayaran at kapalit. Ang isang pangunahing elemento ng boluntaryong paglilingkod ay ang kalayaan ng tao na magpasya na makatulong na walang hinihinging kapalit o iba pang kabayaran. Maaari kang makatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa mga mabuting adbokasiya at panghihikayat sa mga tao na makilahok rin sa pamamagitan ng social media. Ngayong panahon ng pandemya, paano ka makakatulong sa inyong komunidad? Narito ang ilan sa maaaring gawin ng mga bata, ayon sa Save the Children.Org: pagsunod sa patnubay ng gobyerno, pagdistansyang pisikal sa mga tao, magbigay ambag sa food pantry, kumustahin ang inyong mga kapit bahay, matatanda, lalo na ang mga namumuhay mga isa, mga may karamdaman o mga kapwa mo bata na walang nag-aalaga, bumili ng mga produkto sa pamilihan ng inyong komunidad, sumuporta at magpasalamat tumanaw ng utang na loob sa mga frontliners, mag donate ng dugo, tumulong sa mga fundraising, manatiling maalam sa mga mahahalagang impormasyon, maging kalmado, maging handa sa mga kalamidad, ingatan ang sarili at ang ibang tao, maging mapagpasensiya at hikayatin ang iba na gawin ang mga ito Ang pandemya ay naka-apekto sa maraming aspeto ng pamumuhay ng tao. Ngunit sa kabila ng napakaraming suliranin, ang Pilipino ay hindi nagpahadlang upang magkawangggawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto at programa para sa kanilang komunidad at sa ibang bahagi pa ng bansa. Ang ilan sa mga kababayan natin ay nagtayo ng community pantry kung saan ang mga tao ay maaaring kumuha ng pagkain ayon sa kanilang pangangailangan, clean-up drives, relief-operations, tree-planting, pamimigay ng libreng school supplies, hygiene kits, mga iba’t-ibang adbokasiya bilang suporta sa mga frontliners, pag-iwas sa COVID, pangangalaga sa mental health at marami pang iba. Ikaw rin kagaya nila ay may magagawa para makatulong sa inyong komunidad. Anuman ang iyong edad at kalagayan sa buhay, ikaw ay makapag-aambag. Handa ka na ba? Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Sagutan ang mga ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang mensahe na pumukaw sa iyong kaisipan bilang kabataan na bahagi ng inyong komunidad? 2. Sa gitna ng pandemya na ating kinakaharap, handa ka ba sa hamon ng pagiging maagap at mapagkusa lalo na sa pagtulong sa inyong komunidad? Ipaliwanag.
  • 3. IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras:13 Minuto) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel ay gawin ang graphic organizer na nasa ibaba. Itala sa bawat kahon ang mga problema ng inyong komunidad sa kasalukuyan na nangangailangan ng tulong. Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na tanong. Halimbawa: Hindi maayos na pagtatapon ng basura. Mga Tanong: 1. Ano ang iyong naging basehan upang matukoy ang mga problema ng inyong komunidad? 2. Bakit kailangan ang iyong kamalayan sa kalagayan ng inyong komunidad? 3. Mahalaga ba na ang kabataang gaya mo ay makilahok at makatulong sa paglutas ng mga suliraning natukoy? Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pumili ng tatlo sa mga problema na iyong natukoy. Ipaliwanag kung bakit mo ito napili at umisip ng inisyatibo na iyong magagawa upang makatulong sa mga problemang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel. A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 Minuto) Pagkatapos mabasa at masagutan ang gawain sa pagkatuto sa aralin ito. Gamit ang salita sa kahon sa ibaba, buoin ang mahalgang konsepto ng aralin. Maituturing na ang isang tao ay may _____________kung kanyang nakikita ang mga bagay na kailangang bigyan ng aksyon. Ang _______________ na may ____________ kahit walang nag-uutos o nagsasabi na gawin mo ang isang bagay ay magdudulot ng mabuti di lamang sa iyong sarili kundi pati sa iyong kapwa sa inyong komunidad. Sa pagkakaroon ng inisyatibo sa pagtulong, ang buhay ay magkakaroon ng ____________ at mas magiging ______________. VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 2 Minuto) • Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. • Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:  - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. ✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. ? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay. Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Bilang 1 Bilang 3 Bilang 2 Bilang 4 Problema sa inyong komunidad __________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________ Pagkukusa makabuluhan pagtulong pagkukusa inisyatibo direksyon Hindi maayos na pagtatapon ng basura
  • 4. IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO VII. SANGGUNIAN Philippine Star. “A Story of Goodness and Love for the community”. Facebook, May 11,2021. https://web.facebook.com/PhilippineSTAR/posts/2216776655142670?_rdc=1&_rdr Rawlings, Laura Jane. 2016. What Is Initiative And Why Is It Important? Youth Employment.Org.Uk. https://www.youthemployment.org.uk/what-is-initiative-and-why-is-it- important/ Prep, Ivy, “Parenting Tips: How to Teach Kids About Taking Initiative”, IVY PREP LEARNING ACADEMY. Accessed: May 11, 2021. https://www.ivyprep.org/how-to-teach-kids-initiative/ Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral,pp.9. Liat Hasenfratz, Ariel Knafo. 2015. “Prosocial Behavior, Effect of Parenting and Family Structure”. Interntational Encyclopedia of the Social and Behavioral Sciences (Second Edition), 2015. https://www.sciencedirect.com/topics/social-sciences/prosocial-behavior Duncan Muguku, “17 Tips on How to Take Initiative at Work”. ThriveYard. https://www.thriveyard.com/17-tips-on-how-to-take-initiative-at work/#:~:text=Taking%20initiative%20helps%20to%20build,initiative%20strengthens%20your%20p ersonal%20brand. Price-Mitchell, Marilyn. 2018. “How Kids Learn to Take Initiative and Overcome Challenges”. Roots of Action. https://www.rootsofaction.com/take-initiative-kids/ Skidos. “Teaching Children to Take Initiative”. Accessed: May 11, 2021. https://skidos.com/blog/teaching-children-to- takeinitiative/?fbclid=IwAR1Gd8S2XAXTuKacM8LHTLHYeTo2FY29ToApui9yoBI_m6TpBkFUjJuGAp A Jensen, Kris. How to Help Your Community. WikiHow.Life. July 15, 2020. https://www.wikihow.life/Help-Your-Community#References Volunterism.Psychology.Iresearchnet.May11,2021.http://psychology.iresearchnet.com/social- psychology/prosocial-behavior/volunteerism/ Inihanda ni: Eunice N. Quilaton Bacoor National High School Tabing Dagat Sinuri nina: Rachel C. Mondragon Nereus V. Malinis Rio G. Gan