Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Ang alamat ng straw

20.983 visualizaciones

Publicado el

  • guys.. salamat po sa lahat ng sumuporta sa gawa ko.. sa mga hindi pa, paki click po ung link https://www.facebook.com/moonvampira?ref=tn_tnmn then click like sa inupload ko na 'Alamat ng Straw', leave a comment as many as u like, then share.. dun lng po dapat sa fb ko ung ililike and comment niu ha.. :D 5pts-share 2pts-comment 1pt-like.. yan po para sa grade ko yan sa PANITIKAN.. hirap mag earn ng grade!hahaha
       Responder 
    ¿Estás seguro?    No
    Tu mensaje aparecerá aquí

Ang alamat ng straw

  1. 1. Ang Alamat ng Straw 
  2. 2. Nakasanayan na nating lahat angpaggamit ng straw kapag tayo ay iinom ngsoftdrinks o kung ano pa mang inumin angnais nating gamitan nito. Napakasarapnaman kasi uminom gamit ang straw hindiba? Dahil kapag naka-straw tayo ang ibasinasabi pa, “wow sosyal naka-straw pa!”kahit ang iniinom ay tubig lang. Ang straway gawa sa plastic kaya kung ihahambingito sa tao, kapag nasabihan kang “para kangstraw!”, dalawa ang ibig sabihin nito.Maaaring ang nais iparating sa’yo ng taongnagsabi noon ay inihahambing ka sapagiging plastic at sipsip.
  3. 3. Sa modernong panahon naman natinngayon, may naimbento na rin na straw na kahitanong klaseng tubig kahit marumi ay maiinom mona gamit ang bagong teknolohiyang straw na ito.Nasasala nito ang maruruming elemento samaruming tubig upang maaaring mainom ng mgatao. Tinatawag itong “Life Straw Personal WaterFilter”.
  4. 4. Isinulat ni Kim Aira M. Duyag
  5. 5. Abalang abala ang lahat sa pagdidisenyoat paglilinis ng silid aralan. Dahil nagdeklaraang prinsipal ng Bagong Bato ElementarySchool na magkakaroon ng kumpetisyon salahat ng seksyon sa ikalima hanggang ikaanimna baitang. Na kung saan kailangan nilangpanatilihing malinis at pagandahin ang kanilangsilid aralan sa loob ng isang linggo. Dahil maymga bibisitang panauhin pagkalipas ng isanglinggo na magmumula pa sa Maynila kungkaya’t kailangan nila itong paghandaan.
  6. 6. “Lahat tayo ay magtutulungan na panatilihing malinis angating silid aralan, mga anak.” sabi ni Bb. Seiko, adviser ng grade VI-1.“Ma’am! Magdadala po ako ng trashcan bukas para hindi na po kamilalabas sa tuwing kami’y magtatapon.” sambit ni Traw. “Ako naman poay magdadala ng ilang basahan dahil magkakaubusan po tayo ngbasahan, sigurado iyan.” pagsambit naman ni Jan-Jan. natuwa angguro nila dahil may ilan siyang estudyante na may kusang-loob.Napapansin na ni Bb. Seiko ang laging unang pagpipresenta ni Trawsa tuwing may gagwin sila para sa klase o di kaya minsan aynagbibigay pa ito ng kung anu-anong pagkain sa kanya. Sina Jan-Janat Traw ang laging nangunguna sa kanilang klase, ang dalawang ito aylaging nagpapaligsahan sa pagiging top 1. Ngayon ay nasa ika-anim nabaitang na sila at masyadong mahigpit ang kumpitensya nilapagdating sa grado nila. Sa kabila ng lahat ay nanatili ang pagigingmatalik nilang pagkakaibigan. Nabiyayaan ng angking katalinuhan atkagandahan si Traw kung kaya’t marami siyang naging kaibigan attaga-hanga.
  7. 7. “Okay. Class dismissed! Mag-iingat kayopauwi ha. Maiiwan ang mga cleaners.”sabi ni Bb. Seiko. Agad siyang nilapitan niTraw at binigyan siya ng biskwit, “Ma’ampara sa’yo po. para hindi po kayonagugutom sa byahe pauwi.” sabayngumiti ito. “Maraming salamat Traw!Napaka-buti mo talagang bata ka.” sagotni Bb. Seiko. Tumulong maglinis si Traawkahit na hindi siya cleaners nung araw naiyon. “Lahat gagawin ko para magingvaledictorian ako sa graduation daynamin.” bulong ni Traw sa sarili.
  8. 8. Kinabukasan, abala uli sila sa pagdisenyo ng kanilang silid-aralan. Paikot-ikot siTraw sa kaniyang silid at lahat ng kamag-aral niya ay inaagawan niya ng gawain. Maramina ang naiinis dahil sinusumbatan niya ang mga kamag-aral kapag nakikita niyang walasilang ginagawa at isinusumbong niya ito sa kanilang guro. KKRRRIIIIIIIIINNNNNGGGGGGGGG!!! Tumunog ang bell, breaktime na!Lumabas na si Bb. Seiko at nagtungo na sa Faculty room. Ang grupo na kilalang bully sakanilang klase na sina KC, Niño, Renz, Al at Trisha ay agad tumungo sa kinauupuan ninaTraw at Jan-Jan. “Hoy Traw! Kala mo ba hindi naming pansin ang matagal mo nangpagpapakitang gilas kay ma’am! Lahat kami ay gusto mo malamangan lagi! Sipsip katalaga!” galit na pagsabi ni Trisha kay Traw. “Wala naman akong ginagawang masama ha?Sinasabihan ko nga kayo na tumulong dahil kumpetisyon itong ginagawa natin.”mahinahong sagot ni Traw. “Nagtitimpi lang kami sa’yo dati ka pa ganyan, grade 6 na tayohindi ka pa rin nagbago!” bulyaw ni Niño. Sumingit si Jan-Jan sa bangayan ng mga ito,“Kayo nga wala kayong ginawa kundi mambatas dito sa klase natin lalo na kila Ehm at Shena alam ninyong walang laban sa inyo! Mga naiinggit lang kayo kaya kayo ganyan! Hindiko hahayaan sigaw-sigawan ninyo itong bestfriend ko!”. Nang biglang dumating si Bb.Seiko ay nagsitahimik ang lahat.
  9. 9. “Uwian na sa wakas! Traw punta tayo saparke mamaya at tayo ay maglaro doon” masayangwika ni Jan-Jan. “Oo ba! Namiss ko ang paglalaronatin sa parke. Sandali lang hintayin mo ako,maglilinis lang ako sandali” sabi ni Traw. “Sige sa labasmuna ako” sagot naman ni Jan-Jan at tumungo siya samay pasilyo. Lumipas ang ilang minuto, nahulinglumabas sina Bb. Seiko at Traw. Habang naglalakad sapasilyo ay huminto sila sandali. “Traw, mataas angmga grado ninyo ni Jan-Jan. Nakatutuwa iyon, ngunitkanina ay nakita ko ang pagsigaw niya sa mga kamag-aral ninyo”, sabi ni Bb. Seiko. Nakangising sumagot siTraw, “Hindi ko nga po alam kung bakit bigla siyanakipagsigawan kanina kila KC ma’am eh” “Akala kopa naman katulad mo siya na hindi nakikipag-away,medyo na-disappoint ako sa kaibigan mo” malungkotna sambit ni Bb. Seiko. Nagpaalam na ito na mauunana siyang maglakad at pupunta pa siya sa Facultyroom.
  10. 10. Nakita ni Traw si Jan-Jan na nasa gate na. Tahimik si Jan-Jan habangnaglalakad sila patungo sa parke. Nakaupo sila sa may bench sa gitna ngdalawang malaking puno. Panay ang kuwento ni Traw kay Jan-Jan ngunitkataka-takang hindi ito kumikibo. “May problema ka ba friend?”nagtatakang tanong ni Traw kay Jan-Jan. Naiiyak na hinarap ni Jan-Jan siTraw, “Narinig ko ang usapan ninyo ni Ma’am Seiko kanina, naroon ako sagilid ng pader sa may pasilyo at hindi ninyo siguro ako napansin. Bagitganyan ka Traw? Alam mo ang totoong nangyari, bakit hindi mo man langako nagawang ipantanggol? Masyado kang sipsip kay Ma’am! Matagal konang pansin iyon pero hindi ko lang isinasambulat sa iyo dahil bakamasaktan ka. Pero ngayon, galit talaga ako sa iyo Traw! Hindi ka tunay nakaibigan!” Natahimik si Traw. Tumayo na si Jan-Jan, dahan-dahan itongnaglakad palayo habang umiiyak. Tinamaan si Traw sa sinabi ng kanyangbestfriend.
  11. 11. Biglang may malakas na hangin ang umihip sa parke.“TSK! TSK! TSK! Iyan na lang ang hinihintay kong gawin mo Traw!Matagal na kitang sinusubaybayan dahil hindi tama ang mgaginagawa mo. Dahil sa pagiging sipsip mo mapanatili lang anggrado mo at atensyon ng lahat, pati matalik mong kaibigan aynagawa mong pagtaksilan!” sabi ng isang diwata na gumagapangpalabas sa balong malalim sa gitna ng parke. Nakita at narinig nilaTraw at Jan-Jan ang sinabi ng diwata. Silang dalawa ay namutla sanakita at hindi na sila nakapagsalita. “Kailangan kang maparusahan! Ikaw lang ang kauna-unahang bata na todo kung sumipsip at magpasikat sa lahat paralang sa iyong sarili! Masyado kang makasarili Traw!” galit na wikang diwata. Biglang may lumitaw na liwanag na nagmula kay Trawna nagtagal ng sampung segundo. Maya-maya lang ay naglaho siTraw kasabay ng diwata na nagmula sa balong malalim, kumalmana ang paligid. Namutla si Jan-Jan sa nangyari. Tumungo siya sabench kung saan sila umupo ni Traw kanina lang. May nakitasiyang isang maliit na bagay at pinulot niya ito. Hindi niya napigilanat bigla na siyang humagulgol. Ito ang kaibigan niya! Hindi niyamatanggap ang nangyari kung kaya’t dinala niya ito kahit saan mansiya magpunta.
  12. 12. Kahit sa kanilang silid ay tinititigan lamang niya ang bagay nanag-iwan ng alaala ng kanyang matalik na kaibigan. Kapag tinatanongsiya ng mga kamag-aral kung ano ito hindi siya sumasagot. Lagi nasiyang tahimik at madalas tulala simula noon. Isang linggo na rin anglumipas, nanalo sa kumpitesyon ang kanilang klase. Isangaraw, inilagay ni Jan-Jan ang bagay na ito sa baon niyang tubig.Idinampi niya ang labi dito sapagkat hinahanap hanap na niya angkaniyang kaibigan. Sa gitna ng klase, biglang umiyak si Jan-Jan.Habang humihikbi, nasipsip niya ang tubig gamit ang bagay na iyon.Nilapitan siya ng guro at nagtanong, “Anong problema Jan-Jan? Bakitka umiiyak? Nasaan na nga pala si Traw isang linggo na siyanglumiban sa klase natin?” “Si Traw…… si Traw po Ma’am..” humihikbingtugon ni Jan-Jan. Hindi na niya maitago ang nararamdaman kungkaya’t sinabi na niya sa buong klase ang nangyari. Nalungkot anglahat sa pagkawala ni Traw. Paminsan minsa’y hinihiram ng ibangkamag-aral ang bagay na iyon kay Jan-Jan at nagamit din nila sapaghigop ng tubig.
  13. 13. Si Traw. Nang lumaon ay tinawagnilang “straw” ang bagay na iyon.Na minsa’y nagbigay ng mabuting aral at masamang karanasan sa buhay.
  14. 14. Kaya sa panahonngayon, marami na angkumakalat na “straw” hindiba? Maaaring ang mga ito rinay ang mga taongnaparusahan ng mahiwagangdiwata na nagmula sa balongmalalim.

×