SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
MABANGIS na KAMAY… MAAMONG KAMAY
ni Pedro S. Dandan
Nagising kay Battling Kulas sang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya nagtatayo ng bantayog ni
Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na
mawala siya sa pagmamasid sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay
nito, sa pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang pasiya kung nararapat sumuko sa
simbuyo ng kamalayang iyon.
Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang anak sa tambakan sa may puno
ng tulay. Itinuon niya ang kanyang paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis
at sa malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hila-hila ng bata ang isang
malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nag-aalimpuyong alikabok.
Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito… sumayaw
ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at inulan si Arya Ito ng pukol.
"Sasayaw na…kakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw siya.
Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa pagbaba-pagtaas ng mga balikat at
pag-imbay ng mga kamay; ang bilog ng mga matang animo'y palawit ng isang orasang pandingding
kung ibinababala ang hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y isang laruang may
kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang panghaharot ng kanyang kapwa bata.
Humihingal na ang kanyang anak. Naapuhap ni Battling Kula sang isang pamalo sa tabi ng kanilang
hagdanan at hinabol niya ang mga batang nangagsikarimot ng takbo. Bumagtas ang mga bata sa
tulay at Hindi na sumunod si Battling Kulas. Nang balikan niya si Arya Ito'y nakatukop sa mukha ang
dalawang bisig.
"Hindi po ako… sila po, sila…" Nasilip ni Arya Ito sa pagkakapuwang ng kanyang ma bisig na
napalis ang mga nambubuska at napangisii siya… ngising naging walang gatol na halakhak.
Umiiling na tinungo ni Battling Kula sang harapan ng kanilang bahay. Tumalungko siya at pinanood
si Arya Ito samantalang itinataas ang tiklis sa gabay ng tulay. Nakadadalawang hakot na si Arya Ito.
Nais niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't nagbabangon sa kanya ang isang pagtutol…
gayong batid niyang mapanganib magtapon nang basura sa ilug-ilugan, sapagkat pumuputi na ng
buhay sa kanilang pook ang magkasaping trangkaso't iti.
Isang lingo nang walang patlang ang inihahatid na patay sa libingan sa lunsod bunga ng tila ibig
kumalat na salot. Isang araw lamang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang anak ni aling
Bestrang nakatira sa ibayo ng ilog at di-iilang sanidad ang nakita niyang dumadalaw sa bahay-
bahay at binobomba ng agua pinicada ang mga pook na marurumi. NAtitigatig na rin siya ng usap -
usapang tila kolera ang kumakalat na sakit…
Narinig niya ang labusaw ng maruming tubig nang itaob ni Arya Ito ang laman ng tiklis. MAghapong
maghahakot ng basura ang kanyang anak… maghapon?
Nagtungo rin si Battling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang bahay na pawid at nahiga
siya. Hindi niya alumana ang mga insektong nagmumula sa mahalumigmig at nangangamoy na
paligid at sumisigid sa kanyang balat. Iniwawaksi niya sa isipan ang bagay sa kanyang anak.
Nguni… sa kanyang nakalipas ay makabubuo siya ng isang makatarungang pasiya…
makatarungan…
Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao: Pak… sapukin mo! Sige pa… sa bodega… sa panga…
Pak!... Dumaun… Isa..dalawa…tatlo…apat…Panalo na si Battling Kulas…Panalooo!
Nakaibis na siya ng ring ay natutulig pa rin siya sa sigawan, Aba, Hindi na yata gigising. Napatay
yata. Hindi na humihinga si Moro… Napatay ni Battling Kulas…
Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi sila'y kasabay niyang idinating
sa kanilang tahanan ang ekstrang pahayagan, "Napatay ni Battling Kulas si Moro." Ngunit lalong
matunog sa kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo."
Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati: sa kapirasong buhay na
nagmumula sa kanya….
Mabuhay! Anak ng kampyon…ito ang kahalili ko! Amang kampyon… anak ng
kampyon…Benito…Benito…Benito ang ibibigay kong pangalan sa aking bunso. Isusunod ko sa
tunay na pangalan ni Moro, bilang paggunita sa aking maningning na tagumpay."
Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa. Nagkasakit ang kanilang anak. Isang uri ng
sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman at kasukasuan, kaya wala
pang isang taon si Benito ay minamasahe na niya. Tinutudyo siyang madalas ng kanyang manedyer
na Amerikano. "A boxing champ starts young," sabi nito. Panay yes lamang ang kanyang panugon
kaya kasundong-kasundo sila.
Hindi pa rin nakapagtatalalan si Benito gayong nasa kalikutan na. Pinatingnan niya ang bata sa
isang dalubhasang manggagamot na siyang tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis
na ininda ni Benito ang karamdaman.
Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari pang magawa ng tao… Sumama silang mag-asawa sa
banal na paglalakbay sa Antipolo. Namata kay San Pascual Baylon. Nagtulos ng kandila at
nagdasal nang paluhod sa Kiyapo. Sa mga santa at santong pinipintakasi'y isinamo nila na
paghimalaan ang kanilang bunso.
Wala ring ipinagbago si Benito. Ang pag-asa sa mahiwagang kapangyarihan….nasaan? Muli niyang
nasumpungan iyon…sa payo ng isang matandang babaing magkakandila.
Samakatuwid po, kung din a 'ko magbuboksing, magbabago ang aking anak?
'Yan ang totoo, mama. Masamang hanapbuhay ang boksing. Biro bang kalakalin mo ang iyong
kalupitan at lakas. Biro bang halos patayin mo sa suntok ang iyong kalaban dahil lamang sa salapi.
Nagunita niya si Moro. ANg mga luha't hinanakit sa mga mata ng asawa't anak ni Moro.
Sa kauna-unahang pangyayari'y tinugon niya ng no ang kanyang manedyer nang itakda ang lalong
malaking pakikipagsagupa niya sa ring.
Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging kampyon. Ayaw na niya…at
nakapagtalalan naman si Benito…nakalakad…
Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin sa kanyang anak samantalang
nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal sa pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan.
Lumaboy ito sa kawalang-tiyak, kaya tumitigas-tigas ang mga buto…ang mga laman - ngunit inaaba
din ng mga kapitbahay at binansagang "Arya Ito" ng mga kapwa bata…
Lumikha sa kanyang kalooban ng isang katutuwang pagtutol ang mga pang-ayon na yaon sa
kanyang anak…ng isang malupit na pagkahabag, gumising sa kanya ng simbuyo ng kamalayang tila
siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa
katotohanan.
Isang hatinggabi'y dinama niya ang mukha ng kanyang anak. Naghihilik. Idinantay ang kanyang
mabigat na kamay sa leeg. Idiniin. Hindi na makahinga…Hindi na! Bigla niyang inangat ang kanyang
bisig. Tila naalimpungatang nagbangon at nanaog. Tinungo ang isang poste sa tabing-daan at
sinuntok…duguang nabilad ang buto ng kamao sa nanisnis na balat.
Isinusi niya sa dibdib ang pagkahabag na umaalipin sa lanya. Ang pagsuligi sa kanyang isip. Ang
patuloy na pagtakas sa pag-uusig ng kakatuwang budhi…
Mariing pumikit si Battling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw na naglalagos sa
butas ng bubong at sa siwang ng sahig. Humawak siya sa gilid ng papag…namutla ang kanyang
kamao sa pagkakapit ng mga daliri. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga sanidad na
sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito. Kumakanta-kanta pa si Arya Ito. Tumigil ang
kaluskusan sa paanan ng sirang tulay samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga
taynga: Silaban mo, Arya Ito. Iyon… iyong nakatumpok… Hale…at nang Hindi kumalat ang sakit.
Mabuti pa ang inutil… maysilbi.
Nagtindig sa Battling Kulas. Ni Hindi niya tinanaw ang pangkat ng tauhan ng kalusugang-bayan.
Gaya ng nakaugaliang pag-inom, humingi siya ng alak sa tindahan ni Tsikito, at tinungga. Susuray-
suray na nagbalik siya sa kanyang lumang papag at muling nahiga…
Nagising siya na wala na ang mga taong nagtutupada. Sumasabo na ang mababagsik na lamok
mula sa pinamumugarang ilug-ilugan. Nakauwi na ang mga sanidad. Sa silong ng ilang kapitbahay
ay nagsisiyapan na nag mga sisiw at nangagngasabngasab ang mga baboy sa tabi ng pakainan.
Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala ang kanilang paminggalan…
Subali…nasulyapan niya ang malaking katawan ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus-
kilos. Pumanhik siya.
Inaapoy ng lagnat si Arya Ito. Inilipat niya sa kabahayan at tinabihan. Pinagmasdan niya sa
paghihilik. At inunan niya ang kanyang nagkakasalikop na mga kamay, na sa paraang iyon ay
waring naibibilanggo niya ang kabangisan… ang pagpupumiglas. Naghuhulagpos din ang mga daliri
ng kanyang kanang kamay, napapakuyom> Nagbangon siya… at tinungo ang pasugalan ng
Tandang Pruto.
Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si Arya Ito! Hindi na sumayad sa
hagdanan ang kanyang mga paa sa pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Patakbu0-
takbo siya sa loobang tahimik na tahimik, matangi sa malaks at sunud-sunod na pagtawag niya ng,
"Arya Ito…Anak ko… anak ko!"
Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya Ito. Napadalas ang kanyang mga
paa… Hindi man niya lubusang mahugisan sa karimlan ang aninong kumikilos sa ibabaw ng
malaking bunton ng basura sa may puno ng tulay ay lumutang sa katahimikan ang isang tinig na
humihuni-huni, at natiyak niya na nasa tambakan ang kanyang anak. NAgtumulin siya at halos
padaluhong na inagaw niya kay Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at Ikinasambulat ng basura.
"Umuwi ka, Ito…Umuwi ka…nilalagnat…"
"Demonyo!....Demonyo!.... Impiyerno!..." at sa pagkabigla ni arya Ito ay pinalo siya ng isang putol na
kahoy.
Tumama ang pamalo sa pilat ng noo ni Battling Kulas. Likha iyon ng pakikipagsugpa niya kay Moro.
Pumutok ang pilat at humilam ang tumigis na dugo sa kanyang isang mata. Sa sang-iglap ay
napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis.
Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay niya sa suntok si Moro, at
makaraan iyon ay natulad siya sa isang namulat sa isang nakahihindik na bangungot….
Hindi na humihinga ang kanyang anak!
Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa bigat ng kanyang katawan.
Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang mataos na dalangin ay maamung-maamong kinalong si
Arya Ito, nilukuban sa mga bisig ng kanyang dibdib.
Unti-unting nabuhay ang kanyang paligid: umalingawngaw ang mga yabag at sigawan ng dumalong
mga kapitbahay. Ngunit hindi rin siya nagtaas ng mukha. Patuloy na minamasdan niya si Arya Ito -
ang mukhang bahagyang nasisinagan ng bagong umaga at ang pasa sa puno ng leeg.
Siya lamang ang nakakatalos niyon. Siya lamang? Nabasag ang luha sa kanyang mga mata at
nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating naramdaman niya noong unang sandaling isinabisig
niya ang pagkasanggol ni Arya Ito.
Nagkurus si Battling Kulas.

More Related Content

What's hot

PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINONimpha Gonzaga
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Karen Fajardo
 
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongHanna Elise
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikanyahweh19
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaDepEd
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastilamenchu lacsamana
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolJuan Miguel Palero
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanPaula Jane Castillo
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)michael saudan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMETRO MANILA COLLEGE
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 

What's hot (20)

PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
 
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinasKasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
 
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Mga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhanMga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhan
 
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKALTEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 

Similar to Mabangis na kamay ... Maamong Kamay

Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaCherry Javier
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasSa May Balete University
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdfSamNavarro13
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3AraAuthor
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusajennytuazon01630
 
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz BalmacedaDahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmacedaar_yhelle
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 

Similar to Mabangis na kamay ... Maamong Kamay (13)

Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 
Alamat ng kasoy
Alamat ng kasoyAlamat ng kasoy
Alamat ng kasoy
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz BalmacedaDahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
 
WALANG PANGINOON.pdf
WALANG PANGINOON.pdfWALANG PANGINOON.pdf
WALANG PANGINOON.pdf
 
Ang kalupi
Ang kalupiAng kalupi
Ang kalupi
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Ang alamat ng tansan
Ang alamat ng tansanAng alamat ng tansan
Ang alamat ng tansan
 

More from Hanna Elise

Mcqs linear prog
Mcqs linear progMcqs linear prog
Mcqs linear progHanna Elise
 
Linear programming
Linear programmingLinear programming
Linear programmingHanna Elise
 
Linear programming problems
Linear programming problemsLinear programming problems
Linear programming problemsHanna Elise
 
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Hanna Elise
 
Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12  Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12 Hanna Elise
 
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaArt of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaHanna Elise
 
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanInstructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanHanna Elise
 
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroAssessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroHanna Elise
 
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaTeaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaHanna Elise
 
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...Hanna Elise
 
Aristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoAristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoHanna Elise
 
PHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTPHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTHanna Elise
 
MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)Hanna Elise
 
Electricity and Magnetism
Electricity and MagnetismElectricity and Magnetism
Electricity and MagnetismHanna Elise
 
Biological Molecules
Biological MoleculesBiological Molecules
Biological MoleculesHanna Elise
 
Introduction to Light Waves
Introduction to Light WavesIntroduction to Light Waves
Introduction to Light WavesHanna Elise
 
Early Models of the Universe
Early Models of the UniverseEarly Models of the Universe
Early Models of the UniverseHanna Elise
 
Chemistry at Home
Chemistry at HomeChemistry at Home
Chemistry at HomeHanna Elise
 
Chemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeChemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeHanna Elise
 

More from Hanna Elise (20)

Mcqs linear prog
Mcqs linear progMcqs linear prog
Mcqs linear prog
 
Linear programming
Linear programmingLinear programming
Linear programming
 
Linear programming problems
Linear programming problemsLinear programming problems
Linear programming problems
 
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
 
Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12  Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12
 
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaArt of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
 
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanInstructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
 
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroAssessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
 
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaTeaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
 
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
 
Human Person
Human Person Human Person
Human Person
 
Aristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoAristotle vs. Galileo
Aristotle vs. Galileo
 
PHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTPHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHT
 
MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)
 
Electricity and Magnetism
Electricity and MagnetismElectricity and Magnetism
Electricity and Magnetism
 
Biological Molecules
Biological MoleculesBiological Molecules
Biological Molecules
 
Introduction to Light Waves
Introduction to Light WavesIntroduction to Light Waves
Introduction to Light Waves
 
Early Models of the Universe
Early Models of the UniverseEarly Models of the Universe
Early Models of the Universe
 
Chemistry at Home
Chemistry at HomeChemistry at Home
Chemistry at Home
 
Chemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeChemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday Life
 

Recently uploaded

ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 

Mabangis na kamay ... Maamong Kamay

  • 1. MABANGIS na KAMAY… MAAMONG KAMAY ni Pedro S. Dandan Nagising kay Battling Kulas sang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa pagmamasid sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay nito, sa pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang pasiya kung nararapat sumuko sa simbuyo ng kamalayang iyon. Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis at sa malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hila-hila ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nag-aalimpuyong alikabok. Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito… sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at inulan si Arya Ito ng pukol. "Sasayaw na…kakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw siya. Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa pagbaba-pagtaas ng mga balikat at pag-imbay ng mga kamay; ang bilog ng mga matang animo'y palawit ng isang orasang pandingding kung ibinababala ang hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y isang laruang may kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang panghaharot ng kanyang kapwa bata. Humihingal na ang kanyang anak. Naapuhap ni Battling Kula sang isang pamalo sa tabi ng kanilang hagdanan at hinabol niya ang mga batang nangagsikarimot ng takbo. Bumagtas ang mga bata sa tulay at Hindi na sumunod si Battling Kulas. Nang balikan niya si Arya Ito'y nakatukop sa mukha ang dalawang bisig. "Hindi po ako… sila po, sila…" Nasilip ni Arya Ito sa pagkakapuwang ng kanyang ma bisig na napalis ang mga nambubuska at napangisii siya… ngising naging walang gatol na halakhak. Umiiling na tinungo ni Battling Kula sang harapan ng kanilang bahay. Tumalungko siya at pinanood si Arya Ito samantalang itinataas ang tiklis sa gabay ng tulay. Nakadadalawang hakot na si Arya Ito. Nais niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't nagbabangon sa kanya ang isang pagtutol… gayong batid niyang mapanganib magtapon nang basura sa ilug-ilugan, sapagkat pumuputi na ng buhay sa kanilang pook ang magkasaping trangkaso't iti. Isang lingo nang walang patlang ang inihahatid na patay sa libingan sa lunsod bunga ng tila ibig kumalat na salot. Isang araw lamang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang anak ni aling Bestrang nakatira sa ibayo ng ilog at di-iilang sanidad ang nakita niyang dumadalaw sa bahay- bahay at binobomba ng agua pinicada ang mga pook na marurumi. NAtitigatig na rin siya ng usap - usapang tila kolera ang kumakalat na sakit… Narinig niya ang labusaw ng maruming tubig nang itaob ni Arya Ito ang laman ng tiklis. MAghapong maghahakot ng basura ang kanyang anak… maghapon?
  • 2. Nagtungo rin si Battling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang bahay na pawid at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga insektong nagmumula sa mahalumigmig at nangangamoy na paligid at sumisigid sa kanyang balat. Iniwawaksi niya sa isipan ang bagay sa kanyang anak. Nguni… sa kanyang nakalipas ay makabubuo siya ng isang makatarungang pasiya… makatarungan… Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao: Pak… sapukin mo! Sige pa… sa bodega… sa panga… Pak!... Dumaun… Isa..dalawa…tatlo…apat…Panalo na si Battling Kulas…Panalooo! Nakaibis na siya ng ring ay natutulig pa rin siya sa sigawan, Aba, Hindi na yata gigising. Napatay yata. Hindi na humihinga si Moro… Napatay ni Battling Kulas… Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi sila'y kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang pahayagan, "Napatay ni Battling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog sa kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo." Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati: sa kapirasong buhay na nagmumula sa kanya…. Mabuhay! Anak ng kampyon…ito ang kahalili ko! Amang kampyon… anak ng kampyon…Benito…Benito…Benito ang ibibigay kong pangalan sa aking bunso. Isusunod ko sa tunay na pangalan ni Moro, bilang paggunita sa aking maningning na tagumpay." Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa. Nagkasakit ang kanilang anak. Isang uri ng sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman at kasukasuan, kaya wala pang isang taon si Benito ay minamasahe na niya. Tinutudyo siyang madalas ng kanyang manedyer na Amerikano. "A boxing champ starts young," sabi nito. Panay yes lamang ang kanyang panugon kaya kasundong-kasundo sila. Hindi pa rin nakapagtatalalan si Benito gayong nasa kalikutan na. Pinatingnan niya ang bata sa isang dalubhasang manggagamot na siyang tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis na ininda ni Benito ang karamdaman. Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari pang magawa ng tao… Sumama silang mag-asawa sa banal na paglalakbay sa Antipolo. Namata kay San Pascual Baylon. Nagtulos ng kandila at nagdasal nang paluhod sa Kiyapo. Sa mga santa at santong pinipintakasi'y isinamo nila na paghimalaan ang kanilang bunso. Wala ring ipinagbago si Benito. Ang pag-asa sa mahiwagang kapangyarihan….nasaan? Muli niyang nasumpungan iyon…sa payo ng isang matandang babaing magkakandila. Samakatuwid po, kung din a 'ko magbuboksing, magbabago ang aking anak? 'Yan ang totoo, mama. Masamang hanapbuhay ang boksing. Biro bang kalakalin mo ang iyong kalupitan at lakas. Biro bang halos patayin mo sa suntok ang iyong kalaban dahil lamang sa salapi.
  • 3. Nagunita niya si Moro. ANg mga luha't hinanakit sa mga mata ng asawa't anak ni Moro. Sa kauna-unahang pangyayari'y tinugon niya ng no ang kanyang manedyer nang itakda ang lalong malaking pakikipagsagupa niya sa ring. Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging kampyon. Ayaw na niya…at nakapagtalalan naman si Benito…nakalakad… Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin sa kanyang anak samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal sa pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan. Lumaboy ito sa kawalang-tiyak, kaya tumitigas-tigas ang mga buto…ang mga laman - ngunit inaaba din ng mga kapitbahay at binansagang "Arya Ito" ng mga kapwa bata… Lumikha sa kanyang kalooban ng isang katutuwang pagtutol ang mga pang-ayon na yaon sa kanyang anak…ng isang malupit na pagkahabag, gumising sa kanya ng simbuyo ng kamalayang tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan. Isang hatinggabi'y dinama niya ang mukha ng kanyang anak. Naghihilik. Idinantay ang kanyang mabigat na kamay sa leeg. Idiniin. Hindi na makahinga…Hindi na! Bigla niyang inangat ang kanyang bisig. Tila naalimpungatang nagbangon at nanaog. Tinungo ang isang poste sa tabing-daan at sinuntok…duguang nabilad ang buto ng kamao sa nanisnis na balat. Isinusi niya sa dibdib ang pagkahabag na umaalipin sa lanya. Ang pagsuligi sa kanyang isip. Ang patuloy na pagtakas sa pag-uusig ng kakatuwang budhi… Mariing pumikit si Battling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw na naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng sahig. Humawak siya sa gilid ng papag…namutla ang kanyang kamao sa pagkakapit ng mga daliri. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga sanidad na sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito. Kumakanta-kanta pa si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng sirang tulay samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga taynga: Silaban mo, Arya Ito. Iyon… iyong nakatumpok… Hale…at nang Hindi kumalat ang sakit. Mabuti pa ang inutil… maysilbi. Nagtindig sa Battling Kulas. Ni Hindi niya tinanaw ang pangkat ng tauhan ng kalusugang-bayan. Gaya ng nakaugaliang pag-inom, humingi siya ng alak sa tindahan ni Tsikito, at tinungga. Susuray- suray na nagbalik siya sa kanyang lumang papag at muling nahiga… Nagising siya na wala na ang mga taong nagtutupada. Sumasabo na ang mababagsik na lamok mula sa pinamumugarang ilug-ilugan. Nakauwi na ang mga sanidad. Sa silong ng ilang kapitbahay ay nagsisiyapan na nag mga sisiw at nangagngasabngasab ang mga baboy sa tabi ng pakainan. Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala ang kanilang paminggalan… Subali…nasulyapan niya ang malaking katawan ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus- kilos. Pumanhik siya.
  • 4. Inaapoy ng lagnat si Arya Ito. Inilipat niya sa kabahayan at tinabihan. Pinagmasdan niya sa paghihilik. At inunan niya ang kanyang nagkakasalikop na mga kamay, na sa paraang iyon ay waring naibibilanggo niya ang kabangisan… ang pagpupumiglas. Naghuhulagpos din ang mga daliri ng kanyang kanang kamay, napapakuyom> Nagbangon siya… at tinungo ang pasugalan ng Tandang Pruto. Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si Arya Ito! Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Patakbu0- takbo siya sa loobang tahimik na tahimik, matangi sa malaks at sunud-sunod na pagtawag niya ng, "Arya Ito…Anak ko… anak ko!" Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya Ito. Napadalas ang kanyang mga paa… Hindi man niya lubusang mahugisan sa karimlan ang aninong kumikilos sa ibabaw ng malaking bunton ng basura sa may puno ng tulay ay lumutang sa katahimikan ang isang tinig na humihuni-huni, at natiyak niya na nasa tambakan ang kanyang anak. NAgtumulin siya at halos padaluhong na inagaw niya kay Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at Ikinasambulat ng basura. "Umuwi ka, Ito…Umuwi ka…nilalagnat…" "Demonyo!....Demonyo!.... Impiyerno!..." at sa pagkabigla ni arya Ito ay pinalo siya ng isang putol na kahoy. Tumama ang pamalo sa pilat ng noo ni Battling Kulas. Likha iyon ng pakikipagsugpa niya kay Moro. Pumutok ang pilat at humilam ang tumigis na dugo sa kanyang isang mata. Sa sang-iglap ay napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis. Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay niya sa suntok si Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang namulat sa isang nakahihindik na bangungot…. Hindi na humihinga ang kanyang anak! Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa bigat ng kanyang katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang mataos na dalangin ay maamung-maamong kinalong si Arya Ito, nilukuban sa mga bisig ng kanyang dibdib. Unti-unting nabuhay ang kanyang paligid: umalingawngaw ang mga yabag at sigawan ng dumalong mga kapitbahay. Ngunit hindi rin siya nagtaas ng mukha. Patuloy na minamasdan niya si Arya Ito - ang mukhang bahagyang nasisinagan ng bagong umaga at ang pasa sa puno ng leeg. Siya lamang ang nakakatalos niyon. Siya lamang? Nabasag ang luha sa kanyang mga mata at nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating naramdaman niya noong unang sandaling isinabisig niya ang pagkasanggol ni Arya Ito. Nagkurus si Battling Kulas.