1. PROLOGUE
Di ba kapag mag best friend, walang iwanan?
Walang magsasabi ng sikreto kahit kanino?
Yung magiging confider mo pag sumasama ang loob mo sa ibang tao?
Yung makikinig lang sa'yo sa mga walang kwentang drama sayo?
Yung tipong mag-sesermon sa'yo pag mali ang ginagawa mo?
Yung magtatanggol say'yo pag tinutukso ka ng mga ibang tao?
Yung hinding hindi ka iiwanan at hinding hindi ka kakalimutan?
Yung laging handang tumulong sa'yo at hindi nag eexpect something in return?
At higit sa lahat,
Yung hinding hindi ka iiwanan sa ere at babalik pa din sa'yo kahit wala na syang kelangan sayo.
Eh, bakit ganun sya sa akin?
Kinalimutan na nya ako nung nakuha na nya ang lahat ng kailangan nya sa akin.
Lumayo na sya kasama mga bagong kaibigan nya.
Hindi na ako pinansin dahil marami na syang kaibigan.
At ikinatwil na nya ako.
Tsk. Wrong choice of friend, sabi nila. Dapat daw kinilatis ko muna siya ng maigi bago kami
nagkasundo maging mag bestfriend. Eh, kasi naman, nandiyan sya sa lahat ng oras ng kailangan ko eh!
Pero siguro nga, napaka smooth ng mga pangyayari nun. Ni hindi ko man lang namalayan ang dark
side nya. Dahil nga puro positive nga ang nakikita ko. At hindi ko naman akalaing gagawin nya sa akin
ang iwanan ako.
At ikatwil.
2. Tina
Tumatakbo akong umuwi sa bahay habang umiiyak. Tumitingin na nga ang mga tao sa akin at
nagbubulungan pa nga siguro. Ano kayang nangyayari dun sa batang 'yun? Ano yun, hiniwalayan na
ng boyfriend? Bagsak ang grado? Napagalitan ng teacher?at kung ano-ano pa.
Hanggang sa dumating ako sa bahay at nakita ko ang Lola ko sa rocking chair na nanood ng t.v.
(well, 'yun talaga ang hilig niya manood ng news). Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at hinubad ang
sapatos ko. Lumapit ako ng mabilisan sa kanya at yinakap agad siya.
“Lola! Hindi ko na talaga kaya ang ginagawa ni Marielle sa akin. Nasasaktan na ako!
Sumosobra na sya! Huhuhu!” umiyak ako sa lap nya.
Hinawakan nya ang buhok ko at hinaplos. “Ano nanaman ba kasi ang nangyari? Inaway ka
nanaman ba?”
“Pinaalis nya po ako sa group namin. Kasi nung December, magkakaroon po sana kami ng