FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
Tula buwan
1. A Poem for Linggo ng Wika in August
INQ7.net
First Posted 18:08:00 07/18/2006
Filed Under: Arable Farming, Advanced Training, Around the w orld, Consumer Goods, Culture (general), Customs &
Traditions, Employment, Holidays or vacations, Tourism & Leisure
As an OFW, I have observed culture, food, place, and environmentin Asia and in Europe on my travels. I?m writing
aboutthem in Tagalog poetry intentionally,to commemorate Linggo ng Wika (Language Week) in August, and also to
greet my wife Naomi and two sons Nikko and Marco, the inspirations for this creation.
Manlalakbay
Bilang paggunita sa Linggo ng Wika
Inihahandog ko itong munting tula.
Inyong punuan,kung kulang ang diwa,
Abang linkod ninyo?y di tunay na makata.
Kundi manlalakbaysa agos ng panahon,
Panahong ginugugol sa trabaho maghapon.
Sa aking opisyo?y maraming naging hamon,
Sa trabaho,paglalakbayang pagkakataon
Na aking marating kay raming ibang bansa
Ang ila?y sa Asya ang iba nama?y sa Europa,
Naranasan atnalaman ang maraming kultura
At ibang mga lugar sa ating baya?y nakumpara.
Karanasan at Obserbasyon
Doon sa Thailand kulturang naranasan
ng mga taong lubos kung gumalang,
Daop palad silang yuyuko sa harapan
Kay init ng pagtanggap sa isang kaibigan.
Pagkaing kay sarap kahitmay kaanhangan
Sa kilalang tomyum ang sili?ylumulutang.
Gigiti ang inyong pawis pag inyong natikman
Sabay sipol ng matinis sa tindi ng anghang!
Tulad ng Korea at ng bansang Japan,
Kay ganda ng tanawin,sadyang kaayaaya.
Panahon ng taglamig,blossom tree?ymakikita
Mga puting bulaklak,busilak atkay ganda.
Hong Kong na tinaguriang lunsod pamilihan
Kay daming turista ang doo?ypumipisan.
Dito rin makikita ang maraming kababayan
Na nagtatrabaho?tnakikipagsapalaran.
Maliit ang Singapore ngunitbansang kayyaman,
Kay linis ng paligid,displina?ykay inam.
2. Iba?t ibang lahi dito at kultura?y matatagpuan -
Chinese,Malay, at marami ring Indian.
Nang marating ko ang bansang Indonesia,
Diwa ko?y napukaw sa aking nakita.
Bansang Pilipinas ayaking naalala,
Dahil sa sitwasyong halos magkapara.
Sa isang bansang kaygulo ako ri?y napadpad,
Pakistan kung tawagin,ang tao?y mabalbas,
Kasuutang kay haba,ang amoyay maaskad
Marumi ang paligid,pulang lura?ynamalas.
Sa tatlong linggong pagpisan,ako dito?y nagtiis,
Lagi na lang may kaba tuwing ako ay aalis.
Mula gusaling tirahan hanggang sumapit
Sa lugar na kay layo at sabana ang paligid.
Doon sa New Zealand,akin ring napuntahan
Lugar na kay lamig,nagyeyelong bundukan.
Ang mag ice skiing dito?yaking nasubukan
At water rafting, sa speedboatnakalulan.
Adventure na kay ganda doon sa Switzerland
Tanyag na Mt. Pilatus ay aking nasumpungan,
Ang umakyatsa tuktok, 7 libong talampakan,
Halos langitay maabotsa kaligayahan.
Mga lugar sa bansang China na aking narating:
Shanghai,Guangzhou,Guandong at Shenshen.
Sa Guandong SARS at bird flue ay nanggaling,
Sa awa ng Diyos, wala akong naging suliranin.
Sa Hanoi,Vietnam nama?ynamalas ang kahiparan
Ng mga mamamayang magsaka ang kabuhayan
Lugar na kay lungkotat halos kabukiran,
Maliliit na gusali sa kalyehong walang buhay.
Ngunitsa kabila ng kanilang kahirapan,
Napansin ko kanilang tiyaga at kabaitan.
Tahimik ang paligid atwalang kaguluhan,
Dayuhan ka man dito, seguridad aykay inam.
Mga lahing puti namang nakasalamuha
Doon sa Europa at iba?t ibang dako sa Asya,
Mapagmataas atmapanghamak na ugali?ynapuna
Pag kaharap ang pango,singkitat kayumanggi ng Asya.
Paalala sa Linggo ng Wika
Ngunitmarami rin akong napapansin
Sa mga Pilipino sa labas ng bansa natin -
Halos talikuran na ang kultura?twikang angkin,
Masalimuotna dahilan nito?ymahirap arukin.
Kaya?t sa kapwa Pilipino ang payo ko lamang,
Ang sariling wika?yhuwag niyong kalilimutan.
3. Saang dako ka man,dapat mong igalang
Ang diwa at dila ng lahing pinagmulan.
Sa ating paggunita ng Linggo ng Wika,
Inyo pa bang naaalala mga bayani ng bansa?
Si Francisco Baltazar, ama ng ating tula,
Dala?y kasaysayan nitong Inang Bansa.
Tandaan din ang pangaral at halimbawa
Ni Dr. Jose Rizal na noon ay nagwika,
?Ang hindi magmahal sa sariling wika,
ay higitpa sa hayop at malansang isda?.
WIKANG FILIPINO
ni Marvin Ric Mendoza
Ito ay punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa
Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.
Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat
Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito
Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan
Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
4. Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas
Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.
Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay
Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay..
Sa tuwid na landas ay walang mawawalay
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…
Ako’y Wika
Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo
Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!
Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!
At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!
Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!
5. "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya
ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.
Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay
na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil
dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng
mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.
BASAHIN NG MABUTI:
Ngunit marami rin akong napapansin
Sa mga Pilipino sa labas ng bansa natin -
Halos talikuran na ang kultura't wikang angkin,
Masalimuot na dahilan nito'y mahirap arukin.
Kaya't sa kapwa Pilipino ang payo ko lamang,
Ang sariling wika'y huwag niyong kalilimutan.
Saang dako ka man, dapat mong igalang
Ang diwa at dila ng lahing pinagmulan.
Sa ating paggunita ng Linggo ng Wika,
Inyo pa bang naaalala mga bayani ng bansa?
Si Francisco Baltazar, ama ng ating tula,
Dala'y kasaysayan nitong Inang Bansa.
Tandaan din ang pangaral at halimbawa
Ni Dr. Jose Rizal na noon ay nagwika,
"Ang Hindi magmahal sa sariling wika,
ay higit pa sa hayop at malansang isda".
TULA TUNGKOL SA BUWAN NG WIKA
22 Aug 2012 Leave a comment
by kharel19 in Uncategorized
WIKANG FILIPINO
ni Marvin Ric Mendoza
6. Ito ay punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa
Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.
Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat
Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito
Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan
Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas
Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.
Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay
Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay..
7. Sa tuwid na landas ay walang mawawalay
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…
“Wikang Filipino at Iba pang Wika sa Rehiyon:
“Wika ng Bayan sa Kapayapaan”
Mr. Noel R. Dauran
Baya Elem. School
Ragay District
I
Wika ng rehiyon ay malawak, maunlad
Kaya’t mga tao’y higit na mapalad’
Saang sulok ka man mapunta, mapadpad
Pag wika ng rehiyon ginamit, makikilala ka agad.
II
Ito’y wikang gamit sa lahat ng oras
Sa bawat panig ng bansang Pilipinas,
Wika ng rehiyon ay ipinamalas
8. Ginagamit natin sa pakikipag-usap.
III
Di lingid sa atin ang kagandahan nito
Kahit di ituro alam nan g tao
Kahit mga bata sa buong rehiyon ko,
Kaya’t MTB Ipinatupad ng departamento
IV
Itong wika sa mahal kong rehiyon
Mahalagang tunay na kailangan yon,
Pagtulong,paglinang sa wikang Pambansa
Sa kapayapaan at pagkakaisa ng madla
V
Sa lahat sa inyo hiling ko lang naman,
Wikang Filipino’y pagyamanin at ating pag-aralan
Ipagmalaki natin kahit kaninoman,
Mahalin, igalang at pagkaingatan.
VI
Bago ako magpaalam, iiwan ang halaga
Ng winika ni Gat. Rizal sa ngayon ay ididikta
Na ang hindi raw magmahal sa sariling wika niya,
Ay mas higit pa sa hayop at sa isda na malansa.
Wika Natin ang Daang Matuwid
(tula ni Khen)
Pilipino saan ka man sa mundo
Anuman ang inyong etniko
Nakatira ka man sa alinmang pulo
Pinagkakaisa tayo ng wikang Filipino
Sa ating bansa pinamumunuan tayo ng ating butihing pangulo
Upang sa mga desisyon natin ay magkaisa tayo
Sa pagpapaunlad at pagpapatakbo sa bansang ito
Kaya layunin ng pangulo ating isapuso
Ayon sa pangulo, "wika natin ang daang matuwid"
Ito ang magiging sandata upang labanan ang mga taong ganid
Sa lipunan at sa pamahalaan ito'y magsisilbing tabak
Upang supilin ang mga taong may masamang hangad
9. Makipot man ang daan patungo sa katwiran
Mahirap man sa karamihan na sundin ang kabutihan
Kung gawin nating wika ang daang matuwid
Pagkakaisa, pag-unlad at kaligayahan naman ang siyang hatid
Read
more: http://www.affordablecebu.com/load/literature/tula_tungkol_sa_wikang_filipino_wika_natin_ang_d
aang_matuwid/22-1-0-26587#ixzz3ieiQmKvf
Wika sa Lupang Tinubuan
Sinulat ni Erica P. Retuya
Nasilayan ang unang sikat ng araw
Sa piling ng langit na bughaw
Narinig ang wika, sa aki’y pumukaw
Sa damdaming sabik, pag-ibig na uhaw
Wikang Filipino sa aki’y naghatid pang-unawa
Karunungang dulot, sa kamangmangan ay lumaya
Saan man magpunta,sa usapin nakahanda
Magbibigay ngiti, sa katwiran ay sagana
Ngunit bakit tila pagpapaunlad sa wika,
Nawalan ng saysay, sa dayuhan humanga
Wikang hiram niyakap, mas binigyang halaga
Nasaan ang dangal ng bayang inalipusta?
Wikang magbubuklod sana sa bawat mithiin,
Ng mga Pilipinong tigib ng alalahanin
Kailan pa kikilalanin, kailan pa titingalain?
Kung hindi tayo kikilos ay walang mararating