Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

54.342 visualizaciones

Publicado el

May designs and video po yung ppt..
Download niyo na lang po para makita niyo...

Publicado en: Noticias y política

Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

  1. 1.  IKAW, ANONG MASASABI MO SA EKONOMIYA NG PILIPINAS?! AYON SA INYONG NAPANOOD, MAY PAGKAKATULAD BA ANG MGA NAGING REAKSYON NILA? ANO? ANO ANG NAKIKITA NIYONG EPEKTO SA MGA PILIPINO NG HINDI PAGTAAS NG EKONOMIYA?
  2. 2. Ang ating mga ninuno ay nabubuhay noon pagitan sa mga butil, bungang kahoy sa gubat, natutong mangaso at mangisda, natutuhan din nilang magtanim ng halaman, mag alaga ng hayop at kinukuha nila ang kanilang mga pangangailang sa pang araw-araw na pamumuhay.
  3. 3. Binubuo ito ng 30 hanggang 100 katao Nakabatay ang estruktura ng lipunan sa ugnayan ng panginoong maylupa at ng kanyang basalyo. Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang BARTER na kung saan hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan. Paggawa ng bangka/barko Paninisid ng perlas Paggawa ng alak Paghahabi ng tela Paggawa ng alahas
  4. 4. May hawak ng pinakamataas na kapangyarihan, sinusundan ito ng Maharlika, at Timawa. Ang Datu ay hindi lamang pinaniniwalang nag mamay-ari ng kanilang sakop na lupain, kundi isang pinunong pinagkakatiwalaan ng barangay. Pangkaraniwang mamamayan na malaya at maaaring magmay-ari ng lupa. Ang pinakamababang antas naman sa lipunang barangay noon ay ang mga Alipin. Ang mga alipin ay mauuri sa dalawa-- ang Aliping Namamahay at Aliping Saguiguilid.
  5. 5. - Encomienda/Hacienda - Pagbabago sa sistema ng Agrikultura - Pagtatag ng mga Bagong Kompanya/Industriya - Pagbubuwis -Kalakalang Galyon - Monopolyo ng Tabako
  6. 6. SISTEMANG REDUCCION Pinaghihiwalay ng mga Espanyol ang magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito sa ibang lupain. SISTEMANG ENCOMIENDA Isinailalim ng pamahalaan ng spain sa Sistemang Encomienda ang mga nasakop na lupain ng ating mga ninuno. Ang mga lupaing ito ay pinapangasiwaan ng mga encomendero. Sa panahong ito sapilitang pinagtrabaho ang mga ninuno. Ang nakukuhang produkto o kalakal ay dinadala sa Spain. Sapilitan ding pinagbabayad ang ating mga ninuno ng buwis o tributo. SISTEMANG HACIENDA Sa sistemang Hacienda, naabuso rin ang kalagayan ng ating mga ninuno. Hindi sila makakain ng maayos at kalupitan din lamang ang kanilang naranasan sa mga Espanyol. Sa halip na palay ang itinatanim sa mga lupaing agrikultural ng mga katutubo, mga produktong tulad ng tabako, niyog, at tubo ang ipinalit ng mga Espanyol. KALAKALANG GALYON Nagkaroon ng Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico. Ang kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol ng naging daan upang magkaroon ang kanilang bansang dagdag na yaman. Subalit, nalugi ang kalakalang ito dulot ng mga digmaang nilahukan ng mga Espanyol ng naging sanhi rin ng paghina ng kanilang bansa.
  7. 7. Pagtatag ng mas maraming Nilalaman ng Homestead act bangko at kompanya Malayang kalakalan sa Estados Unidos Kasunduan ng bell trade act Pagbabago sa Transportasyon Matatag na sistemang pananalapi na ang saligan ay gold standard
  8. 8. 1924 HOMESTEAD ACT Inilunsad ang programa na homestead upang matugunan ang suliranin sa pabahay at paunlarin ang ilang bahagi ng mga kaayunan, Ang karaniwang bahay kubo namakikita sa lalawigan ay napalitan ng bahay na yari sa tabla, kahoy at bato. Ang iba namang pilipino ay nagsimula maging migrante sa mga malalaking lungsod upang makapagaral at maghanap buhay. BELL TRADE ACT Ang mga Amerikano ay malayang makakapagpasok ng kalakal sa Pilipinas nang walang limitasyon.Sa unang walong taong itinakda ng kasunduan na ito, hindi papatawan ng anumang buwis ang mga produktong Amerikanong dadalhin sa bansa.Subalit sa kabilang banda,ang Pilipino na dadalhin sa Amerika ay papatawan pa rin ng kota.Bagamat hindi ito patas sa mga Pilipino,pumayag na rin ang pamahalaan sa suporta na rin ng mga mamamayan upang maipatupad ang Rehabilitation act na ipinatupad ng Estados Unidos.
  9. 9. TRANSPORTASYON Ipinakilala ng mga Amerikano ang ibat ibang sasakyang panlupa,pandagat at panghihimpawid sa bansa. Pinagtuunan din ang pagsasaayos at pagsasagawa ng mga tulay, daungan , lansangan at mga Breakwater. MALAYANG KALAKALAN Patakarang pang-ekonomiya kung saan ang dalawang bansa o mahigit pa ay may kasunduan hingil sa pagpasok at paglabas ng produktong inaangkat o imports at mga produktong iluluwas o exports sa kani-kanilang bansa na walang taripa o anumang kontrol.
  10. 10. ANO ANG DAHILAN NG PAGBAGSAK NG EKONOMIYA NG PILIPINAS NANG SAKUPIN TAYO NG HAPON?
  11. 11. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere Preparatory Commission for Philippine Independence Pamahalaang Puppet Mickey Mouse Money Philippine Commodities Distribution Control HUKBALAHAP
  12. 12. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere Pinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI). Pamahalaang Puppet Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa mga Hapones Preparatory Commission for Philippine Independence Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence upang bum ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang pangulo. Philippine Commodities Distribution Control Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain.
  13. 13. Pangulong 1 M_ _a n_ u_ _e _l R _o _x _a s
  14. 14. Sistema sa Tenant Farming Parity Rights Rehabilitation and Finance Corporation Philippine Trade Act
  15. 15. Sistema sa Tenant Farming 70 % ng ani - mapupunta sa nagmamay-ari ng lupa at ang naiwang bahagi ay ilalaan para sa mga magsasaka. Ginawa ito para mapalakas ang kapakanan ng magsasaka at mahihirap sa kanyunan. Parity Rights Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa paggamit ng likas na kayamanan ng Pilipinas. Maraming mahalagang economic activities, gaya ng pagmimina, paggawa ng mga beverage, at iba pa ay nanatiling nasa kontrol ng mga Amerikano. Rehabilitation and Finance Corporation Itinatag din sa panahon ni Roxas upang mamahala sa distribusyon ng mga pautang at tulong na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa rehabilitasyon ng ating bayan. Philippine Trade Act Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).
  16. 16. Nakakatulong ang mga programa ni Manuel A. Roxas sapagkat iniahon niya muli ang ang mga industriyang winasak ng digmaan. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig noong 1946, isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Winasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941-1945 ang malalawak na lupain na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong sistema, humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
  17. 17. Pangulong 2 E_ l p_ i d_ i_ o_ Q_ u_ i r_ i n_ o_
  18. 18. Ama ng Industriyang Pilipino Programang Pangkaunlaran Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK) Economic Development Corps (EDCOR)
  19. 19. Ama ng Industriyang Pilipino Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon. Mga Programang Pangkaunlaran Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK) Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953). Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos. Economic Development Corps (EDCOR) Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
  20. 20. Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon Magsaysay.
  21. 21. Pangulong 3 R_ a_ m_ o_ n_ M_ a g_ s_ a_ y s_ a_ y
  22. 22. Social Security Act Tulong sa mga Magsasaka Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa Pagpapa-unlad sa mga Baryo
  23. 23. Social Security Act Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro. Tulong sa mga Magsasaka Sa ilalim ng Land Tenure Law, bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan. Itinatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal. Pagpapa-unlad sa mga Baryo Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo. Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana. Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.
  24. 24. Pangulong 4 C_ a_ r_ l o_ s_ G_ a_ r_ c_ i_ a_
  25. 25. Filipino First Policy Austerity Program Military Bases Agreement Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino
  26. 26. Austerity Program (Programa sa Pagtitipid) Layunin nito na mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at matipid. Hinihikayat din nito ang pamahalaan na maging matalino sa paggasta. Filipino First Policy (Programang Pilipino Muna) Layunin nitong bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa pagkakamit ng lupa, puhunan at pangangasiwa sa negosyo bago ang mga dayuhan. Hinihikayat din nito ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga kalakal na gawa sa Pilipinas. Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino Layunin nitong buhaying muli ang ilang mabubuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng kasipagan, delicadesa at pagkamasinop. Hinimok nito ang pagtatanghal ng Bayanihan Dance Troupe sa iba’t ibang bansa. Military Bases Agreement Layunin nitong magkaroon ng mga pagbabago sa unang kasunduan tungkol sa isyu ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas. Pagpapaigsi sa pananatili ng mga base militar sa Pilipinas ng 25 taon mula sa orihinal na 99 taon.
  27. 27. Hindi lubos na nagtagumpay ang mga programa ni Pang. Garcia upang maging maayos ang buhay ng mga Pilipino. Naging laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Nagkaroon din ng krisis pampulitika sa hanay ng Partido Nasyonalista. Dahil dito, tinalo siya ng kanyang pangalawang pangulo na si Diosdado Macapagal sa halalan noong 1961.
  28. 28. Pangulong 5 D_ i_ o_ s_ d_ a_ d_ o_ M_ a_ c_ a_ p_ a_ g_ a_ l_
  29. 29. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Kabilang sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa.
  30. 30. Tinawag na dekontrol ang patakarang pang-ekonomiya ni Pang. Macapagal dahil sa pagkontrol ng inaangkat at salaping dayuhan na nagdulot ng malaking depisit sa balanse ng pandaigdigang bayarin ng Pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng pagbagal sa pag-unlad ng produktong inililuluwas.
  31. 31. Pangulong 6 F_ e r_ d_ i_ n_ a_ n_ d M_ a_ r_ c_ o_ s_
  32. 32. Paglinang sa Kulturang Pilipino Proyektong Imprastruktura Programa sa Reporma sa Lupa Green Revolution
  33. 33. Programa sa Reporma sa Lupa Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. Proyektong Imprastruktura Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang “The Architect of the New Society” Green Revolution Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran, gusaling pampamahalaan at mga bakanteng lote. Paglinang sa Kulturang Pilipino Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater. Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.
  34. 34. Naging maayos ang pamamahala ni Pang. Marcos sa unang termino ng kanyang panunungkulan (1965-1969). Ngunit sa pagtatapos ng kanyang ikalawang termino, dumanas ng matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya ang Pilipinas. Dahil dito, ipinatupad ni Pang. Marcos noong Sept. 21, 1972 ang Batas Militar. Dito nagwakas ang Ikatlong Republika ng Pilipinas.
  35. 35. Pangulong 7 C_ o_ r_ a_ z_ o_ n_ A_ q_ u_ i n_ o_
  36. 36. Paglikha ng Bagong Saligang Batas Libreng Edukasyon sa Elementarya at Secondarya Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos Karapatan sa Pagboto
  37. 37. Paglikha ng Bagong Saligang Batas Ipinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng Constitutional Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas. Natapos ito noong Sept. 2, 1986 at sinang-ayunan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito noong Peb. 2, 1987. Tinawag itong Saligang Batas ng 1987. Karapatan sa Pagboto Muling ibinalik sa mga Pilipino ang karapatang pumili ng kanilang mga pinuno sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan sa ilalim ng bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987. Ito ang unang malayang halalan makalipas ang 15 taon. Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos Itinatag ng pangulo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na ninakaw ng pamilya Marcos. Tinatayang aabot sa 10 bilyong dolyar ang nawala sa kaban ng bayan noong panunungkulan ni Pang. Marcos.
  38. 38. Bagamat maari pa, hindi na muling tumakbo sa pagkapangulo si Corazon Aquino sa sumunod na halalan noong 1992. Nanatili na lamang siyang aktibo sa mga gawaing pansibiko matapos magretiro. Pumanaw siya noong Aug. 1, 2009 na ipinagluksa ng buong bansa. Kinikilala siya ng mundo bilang Ina ng Demokrasya.
  39. 39. Pangulong 8 F _i d_ e l R_ a_ m_ _o _s
  40. 40. Special Economic Zones (SEZ) Philippines 2000 Oplan Alis Disease National Unification Commission (NUC)
  41. 41. Philippines 2000 Layunin ng programang ito na makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya at mapabilang ang Pilipinas sa mga newly industrialized country (NIC) sa taong 2000. Special Economic Zones (SEZ) Ito ay ang pagtatakda ng mga lugar sa Pilipinas bilang sentro ng industriyalisasyon at kalakalaan. Kabilang dito ang mga dating base-militar ng mga Amerikano sa Subic at region ng CALABARZON. National Unification Commission (NUC) Layunin ng samahang ito na makamit ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga kalaban ng pamahalaan tulad ng mga rebeldeng sundalo at mga miyembro ng NPA at MILF. Naging matagumpay ito ng makipagkasundo ang mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan noon Sept. 2, 1996. Oplan Alis Disease Layunin ng programang ito na malutas ang suliranin ng bansa sa kalusugan. Pangunahing proyekto nito ang pagbibigay ng libreng bakuna upang masugpo ang epidemya ng sakit tulad ng polio, tuberculosis at tetanus. Namigay din ito ng mga libreng gamot at serbisyo medikal sa mahihirap.
  42. 42. Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Ramos, unti-unting umangat ang ekonomiya ng bansa. Noong Nobyembre 25, 1995 nailathala sa NEWSWEEK Magazine ang Pilipinas bilang Asia’s New Tiger. Dahil dito, binansagan si Pang. Ramos bilang “Tiger Eddie”.
  43. 43. Pangulong Joseph Estrada
  44. 44. Angat Pinoy 2004 Paglikom ng pondo para sa pamahalaan. Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP) Asset Privatization Trust
  45. 45. Angat Pinoy 2004  Layunin ng programang ito ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan (basic services) ng mga Pilipino tulad ng edukasyon, kalusugan at seguridad. Ito ay sinasabing pro-poor ngunit pro-market. Asset Privatization Trust Ito ang pagsasapribado ng mga kompanya ng pamahalaan upang makalikom ng salapi para sa pangangailangan ng bansa. Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP) Nagtayo ito ng mga rolling stores na nagbebenta ng murang bigas, asukal at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.
  46. 46. Noong Sept.2007, napatunayan ng Sandiganbayan na si Joseph Estrada ay nagkasala sa kasong plunder at nahatulan ng 40 taong pagkakabilanggo. Subalit makalipas ng anim na linggo, siya ay binigyan ni Pang. Arroyo ng executive pardon.
  47. 47. Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
  48. 48. Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) Pagsugpo sa kahirapan. Strong Republic Nautical Highway (RORO) Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)
  49. 49. Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) Programang nilikha upang labanan ang kahirapan sa bansa. Layunin nitong tulungan ang mga Local Government Units (LGU) na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Self-Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K) Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo. Strong Republic Nautical Highway (RORO) Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.
  50. 50. Sa ilalim panunungkulan ni Pang. Arroyonaganap ang mga pandaigdigang pagpupulong ng mga bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit sa Cebu. Nangako din si Pang. Macapagal-Arroyo na tutulungan ang mahihirap, paunlarin ang ekonomiya, at lalabanan ang krimen.

×