This lesson plan in Women Studies course includes gender integration in teaching ancient civilization in China particularly in Hsia, Shang and Chou Dynasty.
1. Pamantasang Normal ng Pilipinas
Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong
Pangguro
Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan
Kagawaran ng Agham Panlipunan
Daang Taft, Maynila
Ang Masusing Banghay Aralin
sa Araling Panlipunan II
Paksa: Ang Matandang Tsina
(Dinastiyang Hsia, Shang at Chou)
Bilang Pinal na Pangangailangan
Sa Kursong WS6
Methods and Strategies
in Teaching Women Studies
Ipinasa ni:
Sheila Marie G. Cesario
III-21 BSE Social Science
Petsa ng Pagpapakitang-turo:
Pebrero 9, 2013
Ipinasa kay:
Grace M. Bernabe
Propesor sa kurso
3. I. LAYUNIN
A. Panlahat:
PSSLC: Nabubuo ang implikasyon ng pag-unlad ng kabihasnan at pagtatag ng mga
imperyo sa Asya
B. Tiyak:
a. Naiisa-isa ang mga katangian ng tatlong dinastiya sa Asya
b. Naiuugnay ang mga ambag ng Matandang Tsina sa kasalukuyang pamumuhay
c. Nakapagbibigay ng suhestiyon sa pagpapaunlad ng kakayahan ng kababaihan
C. Inaasahang Pagpapahalaga (Targeted Value)
a. Pagpapahalaga sa kultura at ambag ng kabihasnan ng Matandang Tsina
b. Pagpapahalaga sa kakayahan ng kababaihan
D. Gender Core Message
a. Patriyarkal na lipunan
II. NILALAMAN
A. Paksa: Ang Matandang Tsina (Dinastiyang Hsia, Shang at Chou)
B. Sanggunian
a. Sebastian, Adelina etal (2010); Buhay na Asya; Educational Resource Corp.
b. Murphey, Rhoads (1996); A History of Asia; Harper Collins College Publishers
c. Krieger, Larry etal (1997); World History: Perspectives on the Past; D.C. Heath
and Company
C. Kagamitan:
a. Laptop o PC
b. Babasahin sa Hsia, Shang at Chou
c. Talahanayan para sa pangkatang Gawain
d. Metacards
e. Ink marker para sa panulat
4. III. PAGLALAHAD
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin:
GURO MAG-AARAL
Tayo’y magsitayo para sa ating pambungad
(Bibigkas ng panalangin)
na panalangin.
2. Pagbati:
GURO MAG-AARAL
Magandang umaga, mga mag-aaral ng Magandang umaga rin po sa inyo, guro!
Kasaysayan!
Maaari na kayong magsiupo.
3. Balitaan
GURO MAG-AARAL
Klase, mayroon ba kayong mga baong balita
para sa araw na ito na inyong nabasa, narinig
o napanood?
(May magbabahagi ng balita sa klase.)
Maraming salamat sa (mga) nagbahagi ng
kanilang nalaman na balita. Bigyan natin
siya/sila ng tatlong bagsak!
1,2,3!
4. Balik-aral:
GURO MAG-AARAL
Bilang pagbabalik tanaw sa ating nakaraang
talakayan, may inihanda akong pagsasanay.
Ito ay upang malaman ang inyong natutunan
noon gating talakayan. Ang pagsasanay na ito
ay tatawagin nating plus minus picture. Panuto: Sagutan ang hinihingi ng mga
sumusunod batay sa mga clue na ibinigay.
Halimbawa:
5. GURO MAG-AARAL
Nauunawaan ba klase? Simulan na.
Magaling! Nasagutan ninyong lahat ang mga
hinihinging mga terminolohiya. Ngayon ay
masasabi kong kayo ay may natutunan sa
nakaraan nating aralin.
5. Pagganyak:
GURO MAG-AARAL
Makikita nyo ngayon sa pisara ang mga
larawan at ang mga tawag dito. Ngunit ang
mga letra ay nakagulo. Ayusin lamang ang
mga nagulong titik upang makabuo ng tamang
salitang angkop sa larawan.
ELARCO EBON ORACLE BONE
7. GURO MAG-AARAL
SANTO TANSO
UPDLYMAISO PYUDALISMO
Magaling! Nasagutan nyong lahat ang mga
jumbled letters.
May bago tayong clap. Ang angel’s clap. Dahil
magaling ang inyong pagsagot, tuturuan ko
kayo ng angel’s clap.
May kinalaman sa mga salitang inyong nabuo
an gating talakayan ngayong araw. At ito ang
Matandang Tsinan a sakop ang mga
dinastiyang Hsia, Shang at Chou.
(1,2, woot, woot! 1,2, woot, woot! Angeeel!
B. Panlinang na Gawain:
GURO MAG-AARAL
Tinawag itong Matandang Tsina dahil ang
tatlong pamumuno rito ay dinastiya. Ibig
sabihin, ang pamamahala ng kanilang Hahatiin ang klase sa tatlo:
komunidad ay nasa kapangyarihan ng iisang - Hsia
pamilya. Magkakaroon tayo ng pangkatang - Shang
gawain. - Chou
May ibibigay na babasahin ang guro sa bawat
8. GURO MAG-AARAL
grupo. Ang mga grupo ay pupunan ang talahanayan na
nakatakda sa kanila batay na rin sa kanilang binasa na ibinigay
ng guro. Gagawin ang pagsasanay sa loob ng sampung
minuto.
TALAHANAYAN: HSIA
LIPUNAN EKONOMIYA PAGBAGSAK AMBAG SA
KABIHASNAN
Patriyarkal Sutla Pagsakop ng Sutla
Agrikultura Shang Irigasyon
Palayok Dike
Palayok
Kompas
LIPUNAN EKONOMIYA PAGBAGSAK AMBAG SA
KABIHASNAN
Patriyarkal Agrikultura Maling Tanso
Dinastiyang Slave trade pamumuno Calligraphy
Mapang- Pagmimina Pagsakop ng Oracle bone
alipin Sutla Chou Kalendaryo
Animism
LIPUNAN EKONOMIYA PAGBAGSAK AMBAG SA
KABIHASNAN
Patriyarkal Agrikultura Pag-aalsa ng Civil service
Pyudalismo Pagmimina alipin at Confucianismo
Civil Sutla maharlika Taoismo
service Pyudalismo
Pagpapalalim ng kaalaman sa
bawat pagtatapos ng grupong
nag-uulat.
Ang may pinakamagandang pag-uulat sa klase ay bibigyan ng
gantimpala.
9. C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
GURO MAG-AARAL
Ngayong natutunan natin ang tatlong
kabihasnan sa Matandang Tsina, nalaman
natin ang mga katangian ng bawat kabihasnan
at ang naiambag nito sa kasaysayan hindi
lang sa kanilang bansa, maging sa karatig-
bansa nito tulad ng Pilipinas. Ano ang inyong
dapat tandaan sa ating aralin?
Malaki ang ginampanang papel ng mga
dinastiya sa pag-unlad at sa kasaysayan ng
kanilang bansa.
Tama!
Ang bawat kabihasnan ay may ambag sa
kanilang kasaysayan at ang mga ito ay
nakikita pa sa kasalukuyan.
Magaling!
2. Paglalapat
GURO MAG-AARAL
Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na
magbalik sa panahon ng Matandang Tsina,
saan nyo nais tumira at bakit?
Sa Hsia, dahil sa mitikal ang dinastiyang ito,
ang dinastiya ang dahilan ng pag-unlad ng
agrikultura sa Tsina dahil sa irigasyon at dike.
Maging ang pagkakatuklas sa silk ay kanila
ring pinaunlad.
Mahusay! Nais nyang tumira sa Hsia dahil sa
pag-unlad ng agrikultura at pagkakatuklas ng
silk.
Sa Shang, dahil maganda ang sistema ng
kanilang pagsulat at may alam na sila sa
Magaling! Gusto nya sa Shang dahil sa kalendaryo.
konsepto nito sa astronomiya.
Sa Chou, dahil maraming libro na noong
panahon na iyon at marami na ring pilosopo
ang magtuturo sa akin ng mga dapat kong
Mahusay! Ninanais nyang doon manirahan malaman.
dahil sa magandang sistema ng edukasyon.
10. 3. Pagpapahalaga
GURO MAG-AARAL
Sa kasalukuyan nating panahon, ang lipunang
patriyarkal na minsan na nating nakita sa
lipunan ng mga Tsino ay nakikita pa ba
hanggang sa kasalukuyan? Opo. Hindi pantay ang pagtamo ng edukasyon
ng babae at lalaki. Maging sa katayuan nila sa
loob ng pamilya o tahanan ay laging nasa
ibaba lamang ng kalalakihan ang kababaihan.
Isang halimbawa lamang sa silid-aralan. Ang
Samakatuwid, ang kulturang ito ng mga Tsino pangulo ay laging lalaki at ang kalihim ay
ay laganp pa rin hanggang sa kasalukuyan babae.
pati na rin ditto sa Pilipinas dahil sa dati pa
nating ugnayan sa mga Tsino. Ano ngayon
ang pinakamabisang gawin upang maiwasan
ang ganitong pag-iisip sa ating lipunan?
Tulad ng sa lalaki, ang babae ay may
kakayahan din sa pamumuno o sa
pagdedesisyon. Kung kaya, marapat din ang
kababaihan na mapabilang sa ganitong mga
aktibidad bilang bahagi ng lipunan.
Tama! Napakagaling ng inyong mga sinabi.
Bigyan natin sila ng cola clap! Alam nyo ba
iyon klase?
(Tuturuan ang klase ng cola clap)
1,2,3, klok, klok! 1,2,3, klok, klok! Aaahhh!
4. Pagtataya
GURO MAG-AARAL
Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit
upang masukat ang inyong natutunan sa ating
talakayan. Mayroon lamang kayong limang
minuto upang sagutan ito.
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga
sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa isang
kapat na papel.
1. Dahilan ng pagbagsak ng Dinastiyang
Chou.
2. Ito ay tinawag na Dinastiyang Mapang-
alipin.
3. Uri ng lipunan mayroon ang tatlong
dinastiya.
11. GURO MAG-AARAL
4. Dinastiyang nagtayo ng mga irigasyon
sa tabi ng ilog.
5. Pangunahing pinagkukunang yaman
ng tatlong dinastiya.
Sagot:
1. Pag-aalsa ng mga alipin at maharlika
2. Dinastiyang Shang
3. Patriyarkal
4. Dinastiyang Hsia
5. Agrikultura
IV. TAKDANG ARALIN
GURO MAG-AARAL
Basahin at kopyahin ang inyong takdang
aralin: Takdang Aralin:
Basahin ang Imperyong Tsina at Mantsung
Tsina. Maghanda sa malayang talakayan at
gawain bukas.
Paalam at maraming salamt, mag-aaral ng
kasaysayan!
Paalam at maraming salamat,guro! Hanggang
sa muli nating pagkikita.