1. Aralin 10
Istruktura ng Pamilihan
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
2. Panimula
• Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa
sa mahahalagang konsepto na binibigyang
diin sa pag-aaral ng ekonomiks.
• Ang bawat isa ay may mga
pangangailangan subalit hindi lahat ay may
kakayahan na magprodyus upang
matugunan ang mga ito.
• Kung kaya’t ang relasyon sa pagitan ng
prodyuser at konsyumer ay lubhang
mahalaga para sa kapakinabangan ng lahat.
3. Panimula
• Sa nakaraang mga aralin, naunawaan mo
ang ugnayan ng demand at supply na
kumakatawan sa konsyumer at prodyuser.
Sa ganitong aspekto papasok ang bahaging
ginagampanan ng PAMILIHAN at ang mga
istruktura nito bilang isang mahalagang salik
sa pagtugon ng pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.
4. Balik-aral:
• Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa
pamilihan: ang konsyumer at prodyuser.
• Ang konsyumer ang bumibili ng mga
produktong gawa ng mga prodyuser.
• Ang prodyuser naman ang gumagawa at
nagbebenta ng mga produktong kailangan
ng mga prodyuser.
5. Ano ang Pamilihan?
• Ito ay isang mekanismo
kung saan ang mamimili
at nagbebenta ay
nagkakaroon ng
transaksiyon upang
magkaroon ng bentahan.
• Dito naibebenta ng
prodyuser ang mga
produkto o serbisyo na
handa at káyang bilhin ng
mga konsyumer.
https://www.dreamstime.com/continuous-line-laptop-purchase-online-concept-one-drawing-shop-
easy-pay-icon-vector-illustration-image173569778
https://www.deviantart.com/elloizius/art/Magtataho-673902652
6. Ang Presyo at ang Pamilihan
• Tinawang na “invisible hand” ni Adam Smith ang
presyo sapagkat ito ang gumagabay sa ugnayan
ng mamimili at nagtitinda.
• Ito ang siyang instrumento upang maging ganap
ang palitan sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser.
• Presyo ang nagtatakda sa dami ng handa at
káyang bilhin na produkto at serbisyo ng mga
mámimíli .
• Presyo rin ang siyang batayan ng prodyuser ng
kanilang kahandaan at kakayahan na magbenta
ng mga takdang dami ng produkto at serbisyo.
7. Kompetisyon sa pamilihan
• Hindi maiwasan na magkaroon ng kompetisyon sa
pamilihan sapagkat mas marami ang mga mamimili
kaysa mga nagtitinda.
• Ang mga nagtitinda ay nagpapaligsahan upang
mahikayat ang mga mamimili na bumili sa kanila.
• Dahil sa paligsahang ito, nabuo ang mga Istruktura
ng Pamilihan.
Pinagkunan:
https://wethepvblic.com/Jollibee-and-mcdo-are-in-an-all-out- chickenwar/
8. ISTRUKTURA NG PAMILIHAN
(Market Structure)
• Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng
pamilihan kung saan ipinapakita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa
dalawang pangunahing balangkas:
• Ganap na Kompetisyon
• Di-Ganap na Kopetisyon
a. Monopoly
b. Monopolistic Competition
c. Oligopoly
d. Monopsony
9. Istruktura ng Pamilihan
Ganap na
Kompetisyon
Di-Ganap na
Kopetisyon
Monopoly
Monopolistic
Competition
Oligopoly
Monopsony
10. I. Ganap na Kompetisyon
(Perfect Competition)
• Ito ang istruktura ng pamilihan na kinikilala bilang
modelo o ideal.
• Ito ay may mga sumusunod na katangian:
1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
2. Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
5. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
11. I. Ganap na Kompetisyon
(Perfect Competition)
Pamprosesong Tanong:
• Maari ba nating ituring na isang ganap na
kompetisyon ang labanan sa pagitan ng Jollibee at
McDonalds? Ipaliwanag ang iyong sagot.
12. II. Di-Ganap na Kompetisyon
(Imperfect Competition)
• Anumang kondisyon na HINDI kakakitaan ng mga
katangian ng ganap na kompetisyon.
• Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng
prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay
may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan. Ang sumusunod na anyo ang
bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap na
kompetisyon:
A. Monopoly
B. Monopsony
C. Oligopoly
D. Monopolistic Competition
13. A. Monopoly
• Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang
prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay
serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili.
• Dahil dito, ang prodyuser ay may kakayahang
impluwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa
pamilihan. Sa ganitong kadahilanan, ang mga
konsyumer ay napipilitang tanggapin na lamang ang
pagiging makapangyarihan ng mga monopolista.
• Ilan sa dahilan ng monopoly ay 1.) iisa ang
nagtitinda, 2.) produkto na walang kapalit, 3.)
kakayahang hadlangan ang kalaban.
15. B. Monopsony
• Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang
iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng
produkto at serbisyo.
• Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang
konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan.
• Ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda
ng halaga ng kalakal o serbisyong nabanggit. Isa sa
mga halimbawa ng ganitong istruktura ay ang mga
middle men na bimibili ng mga produkto ng mga
magsasaka.
16. B. Monopsony
• Isa sa mga halimbawa ng ganitong istruktura ay ang
mga mamamakyaw (middlemen) na bimibili ng mga
produkto ng mga magsasaka.
17. C. Oligopoly (Cartel)
• Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may
maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad at magkakaugnay na
produkto at serbisyo. Sa ganitong uri ng pamilihan,
may kakayahan ang prodyuser na
maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na
umiiral sa pamilihan.
• Sa ganitong sistema, maaring magkaroon ng
sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na
collusion. Ito ay nagaganap partikular na sa presyo
sa ilalim ng cartel o samahan ng mga oligopolista.
Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang
pagkakaroon ng alliances of enterprises.
18. C. Oligopoly (Cartel)
• Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto
sa pamilihan ay ang semento, bakal, ginto, at
petrolyo.
19. D. Monopolistic Competition
• Sa ilalim ng ganitong uri ng istruktura ng pamilihan,
marami ang nagtitinda ngunit may isang
komokontrol sa pamilihan. Maari nitong
impluwensyan ang presyo ng kalakal.
• Dahil sa product differentiation, ang katangian ng
mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho
ngunit hindi eksaktong magkakahawig. Ang kanilang
pagkakapareho ay maaaring sa uri ng produkto
gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste. Sila ay
nagkakaiba-iba sa packaging, labeling,
presentasyon, at maging sa lasa o flavor. Ginagawa
ito ng mga prodyuser sapagkat ang kanilang layunin
ay kumita at mas makilala ang kanilang mga
produkto.
20. D. Monopolistic Competition
• Ang mga halimbawa ng mga produkto at
serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang may
monopolistic competition ay ang mga sabong
panlaba at pampaligo, toothpaste, pabango, fabric
conditioner, cellphone, softdrinks, appliances,
fastfood restaurant, at iba pa.
21. Buod:
Anyo ng
Pamilihan
Balakid sa
Nagtitinda
Bilang ng
Nagtitinda
Balakid sa
Mamimili
Bilang ng
Mamimili
Perfect
Competition
Wala Marami Wala Marami
Monopolistic
competition
Wala Marami Wala Marami
Oligopoly OO Kakaunti Wala Marami
Monopoly Wala Isa OO Marami
Monopsony OO Marami Wala Isa
22. Isaisip:
• Ang pamilihan ay isang sistema kung
saan may interaksyon ang mga mamimili
at nagtitinda.
• Ang pamilihan ay maaaring lokal,
panrehiyon, pambansa, o pandaigdigan
ang lawak.
• Ang mga nagtitinda ay nagpapaligsahan
upang mahikayat ang mga mamimili na
bumili sa kanila.
23. • Sa iyong palagay, anong istruktura ng
pamilihan ang nagbibigay ng higit na
kapakinabangan sa mga mamimili.
Ipaliwanag ang inyong sagot.
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
24. References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan-
Modyul 6: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili, (Unpublished)
DepEd Division of Bacoor City
25. References:
• Cabral W.E. et. al. (2020) PIVOT 4A Learner’s
Material, Araling Panlipunan G9 Ikalawang
Markahan, DepEd Region IV-A
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal
Publishing (2020) retrieved March 20, 2020 from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary
_Tabbed.pdf
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series