1. Pagkonsumo at ang Mamimili
Inihanda ni: Arnel O. Rivera
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
2. Panimula:
• Ang lahat ng tao ay
may mga
pangangailangan
na dapat tugunan.
• Ang ekonomiks ay
ang pag-aaral kung
paano tutugunan
ang mga
pangangailangang
ito.
3. Ano ang Pagkonsumo?
• Pagbili at paggamit sa
mga kalakal upang
tugunan ang kanilang
pangangailangan.
• Kapag natutugunan ng
tao ang kanyang
pangangailangan siya ay
nakakaranas ng
kasiyahan (satisfaction).
4. Sino ang mamimili?
• Tumutukoy sa mga
taong bumibili at
gumagamit ng mga
produkto at serbisyo
upang matugunan ang
pangangailangan at
magkaroon ng
kasiyahan.
• Tinatawag din sila bilang
konsyumer.
5. Mga Katangian ng MATALINONG mamimili
Mapanuri
Marunong Maghahanap ng mga Alternatibo
Hindi Nagpapadaya
Makatwiran
Sumusunod sa Badyet
Hindi nagpapadala sa Anunsiyo
6. May magkasalungat na interes ang
nagtitinda at mamimili .
Mataas na
presyo
Mababang
presyo
7. Mga Batas na Nagbibigay
Proteksyon sa Mamimili
Consumer Act of the Philippines - mga
karapatan at kaligtasan ng mamimili.
Revised Penal Code - pagbabawal sa
pangagaya ng tatak, at itsura ng isang
produkto.
Civil Code of the Philippines -
pananagutan ng prdodyuser na panatilihin
ang kaligtasan ng mamimili.
Batas sa Price Tag - dapat maglagay ng
price tag sa mga bilihin.
8. Republic Act 7394
(Consumer Act of the Philippines)
Nagbibigay ng proteksyon sa mga
konsyumer laban sa:
• mga panganib na nauukol sa kalusugan at
kaligtasan;
• hindi patas na mga pamamaraan at
gawain ng mga nagtitinda;
• mapanlinlang na impormasyon na maaring
makahadlang sa konsyumer na gumawa
ng tamang pagpapasya.
9. MGA KARAPATAN NG MAMIMILI
1. Karapatan na
magkaroon ng
pangunahing
pangangailangan
2. Karapatan na magtamo
ng kaligtasan
3. Karapatan sa Patalastas
4. Karapatan sa Pagpili
10. MGA KARAPATAN NG MAMIMILI
5. Karapatang Dinggin
6. Karapatang Mabayaran
at Matumbasan sa
Anumang Kapinsalaan
7. Karapatan na Maturuan
Tungkol sa Pagiging
Matalinong Mamimili.
8. Karapatan sa Isang
Malinis na Kapaligiran
12. MGATUNGKULIN NG MGA MAMIMILI
• Mapanuring Kamalayan
– maging listo at
mapanuri sa gamit,
kalidad at halaga ng mga
paninda at serbisyo.
• Aksyon – kumilos at
magpahayag upang
matiyak sa
makatarungang
pakikitungo.
13. MGATUNGKULIN NG MGA MAMIMILI
• Pagmamalasakit sa
Lipunan – Alamin ang
epekto ng ating
pagkonsumo sa iba pang
mamamayan.
• Kamalayan sa
Kalikasan – Mabatid ang
epekto sa kapaligiran ng
maling pagkonsumo ng
kalakal o paglilingkod.
14. MGATUNGKULIN NG MGA MAMIMILI
• Pagkakaisa – makiisa sa
mga samahan ng mga
mamimili upang
magkaroon ito ng sapat
na lakas at
kapangyarihan na
itaguyod ang mga
karapatan ng mga
mamimili.
15. National Consumer Affairs
Foundation (NCAF)
• Binuo upang mapabuti
ang pangangasiwa,
ugnayan at bisa ng
mga programa at
patakaran ng mga
ahensya ng
pamahalaan at
pribadong samahan
patungkol sa
karapatan ng
mamimili.
17. TANDAAN!
• Ang mga mamimili ay may
mga karapatan na dapat
malaman at ipagtanggol.
• Dapat maunawaan at
sundin ng mga mamimili
ang mga batas
pangkonsyumer.
• May mga tungkulin ang
mga mamimili na dapat
gampanan.
18. References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at
Pag-unlad, VPHI
• Acer Philippines speaks of your consumer rights -
https://www.youtube.com/watch?v=2q500iC1RKo
• 8 RIGHTS OF CONSUMER -
https://www.youtube.com/watch?v=o_9Y-u1ibos
• 5 RESPONSIBILITIES OF CONSUMER -
https://www.youtube.com/watch?v=BZ9nQfkHe3Y
19. For questions , comments or if you want
to download this file, log-on to:
http://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory