SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 27
Descargar para leer sin conexión
ARALING PANLIPUNAN I
(Effective and Alternative Secondary Education)
MODYUL 5
ANG PAGDATING NG MGA ESPANYOL
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
1
MODYUL 5
ANG PAGDATING NG MGA KASTILA
Matututuhan mo sa modyul na ito ang mga dahilan kung bakit napunta
ang mga Kastila sa ating lupain. Malalaman mo rin ang pamamaraang ginamit
nila para matanggap ng ating mga ninuno ang pagpunta nila dito. Handa ka na
ba sa pagtalakay ng paksang iyan?
Tatlo ang mga aralin sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Salik kung Bakit Napunta ang Kanluraning Kastila sa Ating
Lupain
Aralin 2: Ang Ekspedisyon ni Magellan
Aralin3: Pagsisimula ng mga Ekspedisyon mula sa España
Pagkatapos mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Masusuri ang mga layunin ng Espanya sa pagtungo at pagsakop sa
Pilipinas; at
2. Mabibigyang puna ang naging reaksyon n gating mga ninunong
katutubo nang dumating ang mga Kastila.
2
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik sa pagpunta ng
kanluraning Kastila sa ating lupain?
A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa.
B. Paglalakbay ni Marco Polo
C. Krusada
D. Pagbubukas ng Suez Canal
2. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Europa ang nanguna sa
paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan?
A. Espanya
B. Ingglatera
C. Pransya
D. Portugal
3. Si Magellan ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas
at nakipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang unang pulo kung saan siya
dumaong ay ang:
A. Samar
B. Homonhon
C. Cebu
D. Mactan
4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang
resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo?
A. Ang pagkatuklas sa Pilipinas
B. Ang patunay na ang mundo ay bilog
C. Ang pagkatuklas ng mga rekado sa Moluccas
D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan
5. Maraming ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Sino sa
mga namuno ng mga ekspedisyong iyan ang nagbigay ng pangalang
Filipinas sa ating kapuluan?
A. Loaisa
B. Cabot
C. Villalobos
D. Saavedra
3
6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa
pagtungo at pagtuklas ng mga lugar sa Silangan?
A. Ang pagpalaganap ng Kristiyanismo
B. Ang pakikipagkalakalan at pagpapalawak ng kapangyarihan
C. Ang pagpapasikat sa kapwa Europeong bansa
D. Ang pagtulong sa mga at di maunlad na bansa para mapaunlad
ang mga ito.
7. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Pilipino ang hinangaan ng
mga Kastila noong sila ay dumaong sa ating kapuluan?
A. Ang pagiging matapang
B. Ang pagiging masunurin
C. Ang mabuting pagtanggap sa mga dayuhan
D. Ang pagiging masayahin
8. Ang sanduguan ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang…
A. Kapangyarihan nila sa mga dayuhan
B. Pakikipagkasundo sa mga dayuhan
C. Pakikipagkasundo sa pangangalakal
D. Pagtanggap ng relihiyon ng mga dayuhan
9. Ang mga ipinadalang ekspedisyon ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay
pinamunuan ng mga Kastila maliban kay:
A. Loaisa
B. Cabot
C. Magellan
D. Urdaneta
10.Alin ang lugar na dinaungan ni Magellan kung saan nagkaroon ng
pagbibinyag sa mga katutubo?
A. Limasawa
B. Cebu
C. Mactan
D. Homonhon
11.Ang pulo kung saan nagsagawa ng sanduguan sina Magellan sa
pinuno ng mga katutubo:
A. Homonhon
B. Limasawa
C. Mactan
D. Cebu
4
12.Ang “Islas del Poniente” ay walang iba kundi ang:
A. India
B. Tsina
C. Siam
D. Pilipinas
13.Alin sa mga sumusunod ang hindi napatunayan ni Magellan sa
kanyang paglalakbay sa Silangan?
A. Ang mundo ay bilog
B. Maaaring makarating sa silangan na ang daan ay kanluran
C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas
D. Sagana sa mga rekado at yamang likas ang Silangan.
14.Pagdating ni Magellan sa Cebu, ano ang una niyang ginawa?
A. Nakipagkaibigan siya kay Raha Humabon.
B. Pinabinyagan niya si Raha Humabon at walong daang
Cebuano.
C. Binigyan niya ang asawa ni Raha Humabon ng estatwa ni Sto.
Niño.
D. Nagtayo ng simbahan para sa mga katutubo.
15.Ang mga sumusunod tungkol kay Lapu-lapu ay totoo maliban sa:
A. Siya ang kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga
dayuhan.
B. Siya ang kauna-unahang Pilipino na tumangging magpasakop
sa mga dayuhan.
C. Siya ang pinunong katutubo na nakapatay kay Magellan.
D. Siya ang pinunong katutubo ng Mactan.
16.Nang tumulak sa Villalobos patungong Pilipinas, siya ay inatasan ng
Hari ng Espanya na:
A. sakupin ang Moluccas
B. sakupin ang Pilipinas
C. mangalakal lamang sa Pilipinas
17.Siya ang nagpangalan sa kapuluan ng Felipinas, bilang parangal kay
Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya.
A. Ruy Lopez de Villalobos
B. Sebastian Cabot
C. Andres de Urdaneta
D. Sebastian El Cano
18.SA huling bahagi ng gitnang panahon, humina ang impluwensya ng
simbahang Katoliko sa Europa dahil sa:
A. Pagpapayaman ng mga prayle.
B. Pagkasangkot ng mga pari sa imoralidad
5
C. Pagkakaroon ng mga maraming katiwalian at kurapsyon sa
simbahan.
D. Lahat ng dahilan sa itaas ay tama.
19.Kung si Ruy de Villalobos ay nakarating sa Mindanao, bakit marami pa
ring Muslim doon at hindi Kristiyano?
A. Hindi siya nakipagsundo sa mga Muslim.
B. Wala siyang kasamang mga paring Katoliko nang pumunta siya
roon.
C. Tumutol ang mga katutubong Muslin na masakop ng mga
Kastila.
D. Babalik pa sana siya sa Mindanao ngunit namatay na siya.
20.Dahil sa malaking pagpapahalaga ng hari ng Espany sa Kristiyanismo,
ang lahat ng ekspedisyong ipinadala sa Pilipinas ay may kasamang:
A. historiador
B. manunulat
C. pari
D. inhinyero
6
ARALIN 1
MGA SALIK KUNG BAKIT NAPUNTA
ANG KANLURANING KASTILA SA ATING LUPAIN
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pangyayaring nagaganap sa Europa
sa huling dalawang taon ng gitnang panahon (1300-1500). Ang mga
pangyayayaring iyan ang nagbigay daan sa paglalakbay ng mga taga- Europeo
upang tuklasin at kilalanin ang Silangan. Isa sa mga bansang ito ay ang
Espanya.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga pangyayaring naganap sa Europa noong panahong 1300
hanggang 1500;
2. Masusuri ang bawat pangyayaring nakaugnay sa pagtuklas ng Espanya sa
Pilipinas; at
3. Matutukoy ang mga layunin ng Espanya sa paglalakbay sa Silangan.
7
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Pag-aralan mo ang mapang ito ng Kanlurang Europa. Matutukoy mo
ba kung alin ang mga makapangyarihang bansa noong panahong 1300-1500?
Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
Mga makapangyarihang bansa noong panahong 1300-1500
1.
_________________
2.
_________________
3.
_________________
1
Mga Pangyayari sa Daigdig noong Gitnang Panahon
Tingnan natin kung tama ang sagot mo sa Gawain 1.
Sa huling dalawang taon ng gitnang panahon (1300-1500), maraming
pangyayari ang naganap sa Europa na siyang nagbigay-daan tungo sa
pagbabago ng ibang bahagi ng mundo, kasama na ang Pilipinas.
Una ay ang krusada, ang serye ng ekspedisyon na ginawa ng mga
Kristiyano ng Kanlurang Europa (1096-1272) upang bawiin ang Jerusalem sa
mga Saracens o mga Muslim. Ang mga ekspedisyong ito ang pumukaw ng
interes ng mga Europeo sa mga Kulturang Silanganin. Kasama na rito ang
interes sa mga yaman at produkto ng mga bansang Silanganin. Kahit tapos na
ang krusada, ang pakikipagkalakalan sa mga taga-Silangan ay ipinagpatuloy ng
taga-Europa.
Ikalawa ay ang paghina ng impluwensya ng Simbahang Katoliko sa mga
bansang Europeo. Ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko ay nalulong sa mga
immoral na gawain kasama na ang pagpapayaman ng kanilang mga sarili. Dahil
dito, nagsimulang mawalan ng tiwala ang mga tagasunod ng Simbahan at
nabaling ang kanilang pansin sa Humanismo. Nagkaroon ng muling
pagpapahalaga sa katalinuhan at kakayahan ng tao sa pagtuklas sa larangan ng
siyensya at sa paghanap ng bagong kaalaman. Dahilan dito, bumilis ang
pagtuklas at pag-imbento ng mga kagamitang panlakbay tulad ng compass,
teleskopyo, at ang mapa.
Ikatlo, dahilan sa mga impormasyong lumaganap tungkol sa paglalakbay
ni Marco Polo sa Tsina (kung saan napag-alamang ang bansang Tsina ay
napakayaman at ang kultura nito ay napakaganda), nagkaroon ng interes ang
mga Europeo sa iba pang mga bansa sa Asya.
Ikaapat, ang dating daanan na ginagamit ng mga Europeo (daanang
Mediterranean at Byzantine Empire) ay naging mapanganib, magastos at
matagalan ang paglalakbay lalo na para sa mga Portuges at Espanyol. Minabuti
nilang maghanap ng ibang ruta patungong Kanluran na tumatawid ng dagat
Atlantiko at Pasipiko upang mapadali ang kanilang paglalakbay.
2
Unang Paglalakbay ng Portuges at Kastila
Sa pangunguna ni Prince Henry ng Portugal ay nagalugad ng mga
Potuges ang gilid ng Aprika para makatuklas ng daan patungong silangan.
Noong taong 1487, naikot nila ang Cape of Good Hope. Pagkaraan ng ilang
taon, ginamit ni Vasco de Gama ang nasabing ruta papuntang India. Si
Christopher Columbus naman na isang Portuges ay naglakbay sa ngalan ng Hari
ng Espanya noong 1492 at siyang nakatuklas sa Amerika.
Ang mga unang tagumpay sa pagtuklas ng lupain ay nauwi sa pagiging
magkaribal ng Portugal at Espanya. Namagitan si Papa Alexander VI noong
1493 para maiwasan ang hidwaan sa dalawang bansa. Hinati ang mundo sa
dalawang bansa kung saan ang bansa sa guhit sa Kanluran ng Azores at Isla
Cape Verde ay napunta sa Espanya. Ang mga nasa Silangan ng guhit ay
napunta naman sa Portugal. Sa pamamagitan Tratadong Tordesillas, napatibay
ang hatian at naging gabay sa mga susunod na paglalakbay.
Layunin sa Paglalakbay ng Espanya
Hindi maipagkakaila na ang mga pangunahing layunin sa paglalakbay ng
Espanya ay pangangalakal. Ngunit sa lahat ng pagkakataon, habang
humahanap ng bagong ruta sa pangangalakal ang Espanya, naroon pa rin ang
matinding pagnanais ng mga Espanyo lna palaganapin ang Kristiyanismo. Udyok
ito ng karanasan ng Espanya sa pananakop ng mga Muslim na nagtapos
lamang noong mabawi ang Granada noong 1492. Ninais ng Espanya na
palaganapin ang Kristiyanismo upang masiguro ang paglakas ng Imperyong
Espanya.
Bukod dito, maalab din ang pagnanais ng Espanya na mahigitan ang
kakayahan at lakas ng Potugal sa pagpapalawak ng mga kolonya. Nakakaungos
ang Portugal nang unang siglo ng pananakop, kayat nais pag-ibayuhin ng
Espanya ang kanilang kakayahan sa pagtuklas ng iba pang lupain sa Asya.
3
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumuhit ng tatlong instrumento o kagamitang panlakbay. Sa
bawat naiguhit na larawan, sabihin ang kahalagahan ng instrumentong ito.
Tandaan Mo!
Maraming pangyayari ang naganap sa Europa na naging
dahilan kung bakit nagnais maglakbay at tumuklas ng mga lupain
sa Silangan ang mga Europeo, kabilang na ang mga Kastila. Ang
mga sumusunod ay ang mga importanteng salik sa paglalakbay na ito: Krusada;
paghina ng impluwensya ng simbahan; pagtuklas ng mga kagamitang
panlakbay, pagtuklas ng mas malapit na ruta sa dagat Atlantiko at Pasipiko, at
paglaganap ng mga impormasyon tungkol sa kagandahan at kayamanan ng mga
bansa sa Silangan.
Gawain 3: Paglalapat
Napapansin mo marahil na sa kasalukuyang panahon, maraming
dayuhang taga-Europa ang pumupunta sa ating bansa. Ilan sa kanila ay mga
Aleman, Ingles, Franses, Italyano, At mga Espanyol. Maihahambing mo kaya
ang mga dahilan kung bakit interesado sa mga bansang Silangan ang mga taga-
Europa. Magpahanggang ngayon? Nalaman mo na sa aralin ang mga salik nang
pagpunta rito ng mga taga-Europa noong unang panahon. Ngayon naman ay
magbigay ka ng tatlong dahilan o kuru-kuro kung bakit marami pa ring taga-
Europa ang nagsisipunta sa Pilipinas.
4
ARALIN 2
ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN
Sa araling ito, kikilalanin mo si Magellan, na bagaman hindi Pilipino at
hindi rin Kastila ay may malaking bahagi sa ating kasaysayan. Tatalakayin natin
ang mga pangyayaring naganap sa pagdating niya sa ating lupain at ang naging
epekto nito sa ating buhay.
Pagkatapos mong mabasa at gawin ang mga nakalaang gawain sa
araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Makikilala si Ferdinand Magellan;
2. Matutukoy ang mga lugar na dinaanan ni Magellan hanggang makarating sa
Pilipinas;
3. Mapahahalagahan ang mga panganib at hirap na dinanas ni Magellan at ng
kanyang mga tauhan sa paglalakbay;
4. Matutukoy ang mga lugar na pinuntahan niya sa ating kapuluan; at
5. Masusuri ang epekto ng pagdating ni Magellan sa buhay ng mga katutubo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
A. Batay sa iyong nabasa o nakita sa mga babasahin, itala ang mga
katangiang pisikal na mapagkikilanlan sa kaanyuhan ng isang Kastila. Gumawa
ka rin ng talaan ng mga katangiang pisikal ng Pilipino.
Kastila Pilipino
1 ______________ 1. _________________
2. ______________ 2. _________________
3. ______________ 3. _________________
4. ______________ 4. _________________
B. Batay sa iyong talaan, may kaugnayan kaya ang magandang
pagtanggap ng mga Katutubo sa Kastila ayon sa pisikal na kaanyuan? Isulat
ang iyong paliwanag.
5
Si Ferdinand Magellan at ang Paglalakbay sa Pilipinas
Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges na
nakapaglakbay na sa India at Malacca. Ngunit
inakala niya na hindi sapat ang pagkilala ng Hari ng
Portugal sa kanyang nga nagawa. Dahil dito,
lumapit siya sa Hari ng Espanya at inialok ang
kanyang serbisyo para sa paglalakbay patungong
Kanluran. Pumayag ang Hari ng Espanya at
pinangakuan siya ng malaking gantimpala kapag
siya ay nagtagumpay.
Umalis si Magellan sa San Lucar, Espanya noong Setyembre 20, 1519.
Limang barko ang naglulan sa kanya at kanyang mga kasama. Dumaan sila sa
Timog Amerika kung saan natuklasan niya ang isang landas sa dulo nito mula
Dagat Atlantiko patungong Dagat Pasipiko. Tinawid nila ang masikip na daanang
ito na ngayon ay tinatawag na Strait of Magellan. Noong Nobyembre 20, 1520,
nawala ang dalawa niyang kasamang barko. Ang natirang tatlong barko na
lamang ang nakatawid ng Dagat Pasipiko. Noong Marso 16, 1521, ayon sa tala
ni Pigafetta, ay natanawan nila ang Samar. Ito ay bahagi ng mga pulo ng tinawag
niyang Kapuluan ni San Lazaro. Sila ay dumaong sa maliit na isla ng
Homonhon, sa gawing timog ng Samar.
Sa pagdaong ng Homonhon, sinalubong sina Magellan ng ilang katutubo.
Nang mapansin ni Magellan ang kagandahang loob ng mga katutubo, pinabigyan
niya ito ng mga pasalubong na sambalilo, salamin, suklay at iba pa. Sinuklian
naman ito ng mga katutubo ng isda, alak ng palma, saging at niyog.
Ang Pagmimisa sa Limasawa
Mula sa Homonhon, nagpatuloy ang paglalayag ng pangkat ni Magellan
hanggang sa makarating sila sa Limasawa noong Marso 28, 1521. Sa tulong ng
aliping Malay na si Enrique na nagsilbing tagapagsalin, nakilala ni Magellan sina
Raha Kolambu at Raha Siagu. Nagkaroon ng sanduguan nang sumunod na
araw.
Ferdinand Magellan
6
Noong Marso 31, 1521, kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay, ginanap ang
kaunaunahang Misang Kristiyano sa ating kapuluan.
Ang Pagiging Kristiyano ng mga Taga-Cebu
Bago pa dumating dito si Magellan, ang Cebu ay isa nang maunlad na
lugar na nakikipagkalakalan sa mga karatig na bansang Tsina, Siam, Borneo at
iba pang lugar sa Asya. Nang mapag-alaman ito ni Magellan, ipinasya niya na
tumuloy dito para kumuha ng mga pangangailangan sa paglalakbay. Sa tulong
pa rin ni Raha Kolambu at ng aliping si Enrique, nagtagumpay si Magellan na
maging kaibigan ang pinuno ng Cebu na si Raha Humabon. Nahimok ni
Magellan si Raha Humabon na maging basalyo ng Haring Carlos ng Espanya.
Kasunod nito ay nahimok niya ang mga pinuno at walong daang Cebuano na
maging Kristiyano. Naganap ang binyagan noong Abril 14, 1521. Pinangunahan
ito ni Raha Humabon at ng kanyang asawa‘t pamilya kasama si Raha Kolambu
at ng asawa nito. Ang asawa ni Raha Humabon ay binigyan ni Magellan ng
estatwa ng Niño Jesus at nagtirik sila ng krus sa lugar kung saan naganap ang
binyagan. Sa pagiging basalyo ng Hari ng Espanya, inaasahang magbibigay
ng buwis ang mga katutubo. Ipinabatid din ni Magellan sa ibang pinuno sa Cebu
na magpakita sila ng paggalang bilang basalyo ng Hari.
Ang Paglaban ni Lapu-lapu
Sinunod ng ibang pinunong katutubo ang pahayag ni Magellan maliban sa
pinuno ng Mactan, isang maliit na pulo malapit sa Cebu, na nagngangalang
Lapu-lapu. Ipinabatid kay Magellan ni Punong Zula, kaaway ni Lapu-lapu, ang
hindi pagtanggap ni Lapu-lapu ng kapangyarihan ng dayuhan. Dahil dito,
ipinahayag ni Magellan na haharapin niya si Lapu-lapu. Kasama ang may
animnapung sundalo lamang, dumaong si Magellan sa Mactan noong Abril 27,
1521. Bago pa man sila nakalapit sa pampang ng Mactan, sinalubong sila ni
Lapu-lapu at isang madugong labanan ang naganap. Sinamang-palad na
masugatan si Magellan na siya niyang ikinamatay. Dahil dito nagsiatras at
nagsibalik ang kanyang mga tauhan sa Cebu.
7
Ang matagumpay na pagtatanggol ni Lapu-lapu sa kanyang pulo ang
nagmulat kay Humabon na hindi siya dapat nagpailalim sa mga Kastila. Lalo
siyang nagbalak ng paghihiganti nang malaman niyang may mga kababaihang
pinagsamantalahan ng mga tauhan ni Magellan.
Noong Mayo 1, 1521, inanyayahan ni Humabon sa isang piging ang mga
natirang tauhan ni Magellan. Nagsidalo ang may dalawampu’t pitong tauhan ni
Magellan. Nang kumakain at nagiinuman na sila ay sinalakay sila ng mga
katutubo hanggang mamatay, maliban sa mga pari.
Dahilan sa hindi magandang karanasan nitong banding huli, ay nagpasya
ang natirang tauhan ni Magellan na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay
patungong Moluccas at iwan ang Pilipinas. Nakarating sila sa Tidore, isang isla
sa Moluccas at namili sila ng mga paminta na sila nilang layon. Sa pamumuno ni
Sebastian El Cano, ang barkong Victoria ang tanging nakabalik sa Espanya.
Dumaan sila sa sa Indian Ocean at sa dulo ng Aprika Cape of Good Hope
papuntang Hilaga. Nakarating sila sa Espanya noong Setyembre 1522. Ito ang
unang paglalakbay na nakaikot sa buong mundo – at nagpatunay na ang mundo
nga ay bilog.
Kahalagahan ng Paglalakbay ni Magellan
Ang paglalakbay na ito ni Magellan ay
nakapagpatunay na maaaring pumunta sa Silangan na ang
daanan ay sa Kanluran.
Bukod sa pagpapatunay na ang mundo nga ay bilog,
ang “pagtuklas” niya ng Pilipinas ay nagbigay-daan para
malaman ng mga Europeo ang tungkol sa ating kapuluan.
Buhat sa mga tala ni Pigafetta, ang historiador na kasama
niya sa ekspedisyon, natambad sa Espanya ang kagandahan at likas na yaman
ng kapuluang ito sa Silangan. Naitala din ang mabuting pakikipagkaibigan ng
mga katutubo s Homonhon, Limasawa, at Cebu at naabangan ng mga Espanyol
na bagamat may ayaw pasakop, ay marami rin naming humanga at ngpasakop
sa mga Kanluranin.
8
Utang rin kay Magellan ang tagumpay ng mga sumunod na
ekspededisyon sa Pilipinas. Nakatuklas siya ng mas madali at ligtas na ruta
papuntang Silangan at nagkaroon ng patnubay para sa mga sumunod pang
manlalakbay dagat.
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman
Basain mo ang kwento ng labanan sa Mactan sa pagitan ni Magellan at
Lapu-lapu. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.
“Samantalang abalang-abala si Magallanes sa paghihikayat sa mga taga-
Cebu na maging Kristiyano, ay isa sa mga datu ng Mactan na si Zulu, ay
nakikipagkagalit kay Lapu-lapu na isa ring puno ng barangay sa Mactan. Sa
paghahangad na makatulong ang mga Kastila laban kay Lapu-lapu, nagsuplong
si Zulu kay Magallanes na umano’y ayaw kilalanin ni Lapu-lapu ang Hari ng
Espanya. Kapagdaka’y nagpasya si Magallanes na ipakilala ang kanyang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsupil kay Lapu-lapu. Hindi niya tinanggap
ang alok ni Raha Humabon na tulungan siyang makipaglaban.”
“Bukang-liwayway ng Abril 18 nang umahon sina Magallanes sa Mactan.
Ang kanilang mga sasakyan ay hindi makalapit sa dalampasigan sapagkat bukod
sa mababaw ang tubig ay mabato pa. Hiniling ni Magallanes na magbayad ng
buwis si Lapu-lapu bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Hari ng Espanya,ngunit
si Lapu-lapu ay umismid lamang. Sumalakay sina Magallanes, ngunit may mga
patibong na inihanda. Nang magpaputok ang mga Kastila ay umiwas ang mga
mandirigma ni Lapu-lapu. Pana, sibat, gulok ang ginagamit ng mga mandirigma
ni Lapu-lapu laban sa mga Kastila. Nasugatan si Magallanes at namatay sa
labanan. Sa pagkamatay ni Magallanes, ayon kay Pigafetta, ay nawalan sila ng
ilaw ng salamin ng kasiyahan, at ng patnubay”
(Pinagkunan: Teodoro Agoncillo, Kasaysayan ng Bayang Pilipino (1979)
9
Mga Tanong:
Batay sa maikling talata, ano ang ilang katangian ng mga katutubong
pinunong Pilipino noong panahon ni Magellan? Bilugan ang lahat ng inaakala
mong katangian nila:
1. Mga duwag at walang alam sa pagtatanggol ng kanilang lupain.
2. Watak-watak ang ibang mga pinuno at hindi nagkakaisa.
3. May mga pinunong madaling nahikayat ng mga dayuhan gaya ni Zulu at
Humabon.
4. Si Lapu-lapu ay halimbawa ng pinunong hindi kaagad-agad
nagpapasakop sa mga dayuhan.
5. May hidwaan ding nagaganap sa mga katutubong pinuno noon.
Tandaan Mo!
Si Magellan na isang Portuges ay nag-alok ng kanyang
serbisyo sa Hari ng Espanya para maglakbay patungong
Silangan na ang dadaan ay sa Kanluran.
Naging matagumpay ang kanyang layunin at natuklasan niya ang kapuluan
ng Pilipinas. Kahit na siya ay namatay dito, naipagpatuloy ng kanyang
kasamahan ang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Espanya.
May mga pinunong katutubo na agad na tumanggap kay Magellan at
nakipagkasundo sa mga Kastila. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang bayaning
Pilipino na tumangging magpasakop sa Espanya.
Gawain 3: Paglalapat
Kung ikaw ay isa sa mga pinuno sa iyong rehiyon, papayag ka
bang pasakop sa mga dayuhan? Sino ang iyong gagayahin: si
Lapu-lapu o ang ibang mga pinunong nagpabinyag sa mga Kastila? Sumulat ng
isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin.
10
ARALIN 3
PAGSISIMULA NG MGA EKSPEDISYON MULA SA ESPANYA
Tutunghayan natin ngayon ang iba’t ibang ekspedisyon sa Pilipinas na
ipinadala ng Hari ng Espanya.
Sa kabila ng pagkamatay ni Magellan sa Pilipinas noong 1521, ipinasya
ng Hari ng Espanya na muling magpadala ng mga ekspedisyon sa Silangan.
Makatwiran kaya ito? Bakit naibigan ng mga Kastila ang maglakbay as Pilipinas?
Sa araling ito, uunawain natin ang mga dahilan tungkol diyan.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga ekspedisyon na ipinadala ng Hari ng Espanya sa
Silangan; at
2. Maipaliliwanag ang naging resulta ng mga ekspedisyon na ito.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ipalagay mo na ikaw ay Hari ng Espanya. Gumawa ng maikling dula
kung paaano mo uutusan ang mga manlalakbay mo na pumunta sa Silangan.
Sinu-sino ang iyong pipiliing mga tauhan? Ano ang kanilang gagawin?
Ekspedisyon ni Loaisa, Cabot at Saavedra
Ikumpara natin ang iyong maikling dula sa mga nangyari sa Espanya.
Noong 1525, sa pagnanais na lubusang maangkin ang Moluccas,
inatasan ng Hari ng Espanya si Juan Jofre de Loaisa, na maglakbay sa Pilipinas
sa pamamagitan ng pagtahak sa landas ni Magellan. Ngunit bago pa man
nalaman ang kinahinatnan ng paglalakbay ni Loaisa, isang ekspedisyon pa rin
ang ipinadala ng Hari sa pamumuno naman ni Sebastian Cabot na nakabalik sa
Espanya noong Agosto 1530.
11
Mula naman sa Mexico, ipinadala ng Espanya si Alvaro de Saavedra
noong 1527. Nakarating nga ito sa Pilipinas, ngunit hindi naman nakatuklas ng
kayamanan. Ang mga ekspedisyong ito ay nagdulot ng pagkalugi sa Espanya.
Ipinasya ng Hari ng Espanya na ihinto ang pag-angkin sa Moluccas at ipaubaya
na lang ito sa Portugal. Sa Kasunduan sa Zaragoza, isinuko ng Hari ng Espanya
ang Karapatan sa Moluccas sa halagang 350,000 gintong ducat. Inayos din ang
guhit kung saan ang Pilipinas ay masasakop ng Portugal. Kayat maraming taon
ding hindi nagpadala ng ekspedisyon sa Pilipinas ang Hari ng Espanya.
Ekspedisyon Ni Villalobos
Sa pamumuno ni Andres de Urdaneta, nakabalik ang ilang kasamahan ni
Loaisa sampung taon mula nang umalis sila sa Espanya. Inilathala ni Urdaneta
ang mga naitala niya tungkol sa ekspedisyon ni Loaisa. Dahil sa mga natuklasan
tungkol sa Pilipinas, nagpasiyang magpadalang muli ng ekspedisyon sa Silangan
ang hari ng Espanya. Sa pagitan ng 1538 at 1541, nakipagkasundo si Haring
Carlos I sa Biseroy ng Mehiko sa panmamagitan ng kanyang Biseroy sa
Guatimala tungkol dito.
Ang ekspedisyon na nagsimula sa Navidad, Mexico ay pinamunuan ni
Ruy Lopez de Villalobos. Inutusan siyang sakupin ang Islas de Poniente o
Pilipinas. Ang ekspedisyong ito ay palihim na isinagawa dahilang ang Pilipinas
ay sakop ng Portugal batay sa kasunduang Zaragosa.
Sumapit ang ekspedisyon ni Villalobos sa Mindanao noong Pebrero 1543
ngunit hindi naging katanggap-tanggap sa mga tagaroong Muslim ang kanilang
pagdating. Nagpatuloy sila sa pagtuklas ng iba pang lugar na mapagkukunan ng
panustos. Nakarating sila sa bandang Bisaya at doon ay nakatagpo ng mga
palakibigang katutubo. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Felipinas bilang
parangal kay Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya.
Ang Felipinas nang lumaon ang ipinangalan sa buong kapuluan.
Katulad nina Loaisa at Saavedra, nabigo rin si Villalobos na sakupin ang
Pilipinas dahil sa pagtutol ng mga katutubo.
12
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman
Sa pamamagitan ng isang sanaysay, isalarawan ang
katauhan ng Hari ng Espanya batay sa mga kautusan niya sa mga
manlalakbay. Ipakita sa kanyang mga salita at sa sunud-sunod na pagpapadala
niya ng ekspedisyon sa Pilipinas ang kaniyang ugali.
Tandaan Mo!
Iba’t ibang ekspedisyon ang ipinadala ng Hari ng Espanya sa
Silangan. Ang pinakalayunin ay ang makakuha ng rekado at iba
pang produkto, at kung kinakailangan ay manakop ng mga lupain.
Gawain 3: Paglalapat
Ikaw ba ay may pangarap maglakbay at manakop ng ibang lupain?
Saan mo gustong magpunta at ano ang iyong mga layunin? Gumawa ng
“itinerary” o listahan ng mga lugar na gusto mong puntahan, at ang iyong
layunin sa pananakop.
13
PANGHULING PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin ang pinakamahalagang salik sa pagpunta ng kanluraning Kastila sa
ating lupain?
A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa
Europa.
B. Paglalakbay ni Marco Polo
C. Krusada
D. Paghihikahos ng Suez Canal
2. Alin sa mga sumusunod na bansang Europeo ang naunang naglakbay
dagat gamit ang daang pakanluran patungong Silangan?
A. Espanya
B. Portugal
C. Ingglatera
D. Pransya
3. Ang unang pulo na dinaungan ni Magellan kung saan nakipagplitan siya
ng mga handog sa mga katutubo:
A. Samar
B. Homonhon
C. Cebu
D. Mactan
4. Alin sa mga na pangyayari ang pinakamahalagang resulta ng paglalakbay
ni Magellan para sa mundo?
A. Pagtuklas ng mga rekado sa Molucass
B. Napatunayan na bilog ang mundo
C. Pagiging Kristiyano ng mga taga-Cebu
D. Pagtuklas sa Pilipinas
5. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol ka Magellan
A. Siya ay isang Espanyol na inutusan ng Hari ng Espanya na
sakupin ang Pilipinas.
B. Siya ay isang Portuges na nag-alok ng kanyang serbisyo
sa Hari ng Espanya na mamuno ng ekspedisyon
papuntang Silangan.
C. Siya ang Portuges na naktuklas ng Amerika.
D. Siya ang Espanyol na lumaban sa Krusda.
6. Ang maliit na pulo sa Pilipinas kung saan unang bininyagan sa pagka-
kristiyano ang ilang katutubo:
A. Limasawa
B. Homonhon
C. Mactan
D. Cebu
14
7. Ang Pulong dinaungan ni Magellan kung saan siya ay nakipagsanduguan
sa pinuno ng mga ktutubo:
A. Mactan
B. Limasawa
C. Bohol
D. Homonhon
8. Ang kahulugan ng sanduguan:
A. Pakikipaglaban
B. Pakikipagdwelo
C. Pakikipagkaibigan
D. Pakikipag-alitan
9. Ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa huling bahagi ng gitnang
panahon ay humina dahil sa mga sumusunod maliban sa:
A. Pagpapayaman ng simbahan
B. Pagkasangkot ng mga prayle sa kurapsyon
C. Pagkasangkot sa digmaan sa Krusada
D. Pagkasangkot ng mga pari sa Imoralidad
10.Ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa pagtuklas at pananakop ng
mga lupain sa SIlangan:
A. Palaganapin ang Kristiyanismo.
B. Makipagkalakalan at magpalakas ng puwersa bilang
makapangyarihang bansa.
C. Magpasikat sa kapwa Europeong bansa.
D. Matulungn ang di maunlad na mga bansa upang ang mga
ito.
11.Hinangaan ni Magellan ang mga naunang katutubong nakilala niya dahil
sa:
A. mabagsik sa pakikihamok
B. mangmang at walang kulturang maipagmamalaki
C. mahusay makipagkalakalan
D. mayaman ang kultura at mabuting makipagkaibigan sa
mga dayuhan
12.Alin sa mga sumusunod ang hindi tama sa mga pangyayaring naganap sa
ating kapuluan noong pagdating ni Magellan?
A. Nabinyagan bilang Kristiyano ang mga taga-Cebu.
B. Nagdaraos ng misa bilang paggunita ng Pasko ng
Pagkabuhay ni Kristo.
C. Nagbigay ng imahen ng Sto. Niño si Magellan sa asawa ni
Humabon.
D. Nagtayo ng simbahan si Magellan sa Homonhon.
15
13.Napatunayan ni Magellan sa kanyng paglalakbay s Pilipinas ang mga
sumusunod maliban sa:
A. Ang mundo ay bilog.
B. Maaaring makarating sa Silangan na ang daan ay kanluran.
C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas.
D. Sagan sa yamang likas ang Pilipinas.
14.Nang mapatay ni Lapu-lapu si Magellan, ang naging epekto sa mga
katutubong pinuno katulad ni Humabon ay:
A. nanghina ang kanilang impluwensya sa Cebu.
B. ipinaghiganti ang pagkamatay ni Magellan.
C. nakapag-isip sila na hindi dapat magpasakop sa dayuhan.
D. naghanda para sa pakikipaglaban kay Lapu-lapu.
15.Si Lapu-lapu ay itinuring na:
A. Kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga dayuhan.
B. Pinunong katutubo na nakipagsanduguan ka Magellan.
C. Pinunong katutubong taga-Mindanao na hindi nagpasakop
kay Magellan.
D. Pinunong katutubo ng Mactan na nakapatay kay Magellan
at itinuring na bayaning Pilipino na di nagpasakop sa mga
Espanyol.
16.Ang paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas ay naging mahalaga dahil
sumusunod maliban sa isa:
A. napatunayan niya na maaaring pumunta sa Silangan na
dumadaan sa kanluran.
B. napatunayan niya na bilog ang mundo nang makabalik sa
Espanya ang isa niyang barko sa pamumuno ni Sibastian
El Cano.
C. natuklasan niya ang isang daanan sa dulo ng Aprika.
D. nakilala ng mga Europeo ang kapuluan ng Pilipinas.
17.Si Villalobos ay inutusan ng Hari ng Espanya na sakupin ang Islas del
Poniente. Ang tinutukoy na lugar ay:
A. Moluccas kung saan nakukuha ang rekado na gusto ng
mga Europeo.
B. Tsina na may telang seda.
C. Ang kapuluan na napuntahan ni Magellan na ngayon ay
kilala bilang Pilipinas.
D. Ang pulo ng Cebu kung saan maraming katutubo ang
nabinyagan bilang Kristiyano.
.
16
18.Alin sa mga sumusunod ang tama sa mga utos ng Hari ng Espanya
kaugnay ng mga paglalakbay na ipinadala niya sa Silangan?
A. sasakupin ang Moluccas
B. sasakupin ang Pilipinas
C. mangalakal lamang sa Pilipinas
D. gamiting daanan ang Pilipinas patungong Moluccas
19.Maraming ekspedisyon ang pinapunta ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Si
Villalobos ang unang nakarating sa Mindanao ngunit hindi niya nasakop
ang kapuluan dahil sa:
A. tumutol ang katutubong Muslim na masakop ng dayuhan.
B. naghihintay ng magandang pagkakataon si Villalobos.
C. pinatay siya ng mga katutubo .
D. nakipagkasundo siya sa katutubo kaugnay sa pangangalakal.
20.Ang lahat ng ekspedisyon na ipinadala ng hari ng Espanya sa Silangan ay
may kasamang pari. Ito ay nagpapahiwatig ng mga sumusunod maliban
sa:
A. malaking pagpapahalaga ng Hari sa relihiyong
Kristiyanismo.
B. paggamit sa relihiyon bilang pamamaraan ng pananakop.
C. ang pari ay magaling sa paglalakbay dagat.
D. matibay na paniniwala na ang paglalakbay ay gagabayan
ng Panginoon.
17
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. D
2. D
3. A
4. B
5. C
6. B
7. C
8. B
9. C
10.B
11.B
12.D
13.C
14.A
15.A
16.B
17.A
18.D
19.C
20.C
ARALIN 1 MGA SALIK KUNG BAKIT NAPUNTA ANG KANLURANING KASTILA
SA ATING LUPAIN
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Mga Sagot:
1. Portugal
2. Espanya
3. Turko o Turkey (Ang nagpalaganap ng Islam sa Maraming bansa)
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Ganito ba ang iginuhit mo
1. Teleskopyo
2. Kompas
3. Mapa
1
Gawain 3: Paglalapat
Alin dito ang mga isinagot mo? Lahat ng ito ay tama:
Sa kalukuyan, pumupunta rito ang mga taga-Europa upang:
1. maglibang bilang turista
2. makipagkalakalan
3. nagtayo ng mga negosyong multinasyonal
4. manirahan dito sapagkat mura ang mga bilihin
5. magsagawa ng iba’t ibang gawaing pangkultura, pangkabuhayan at
pampulitika.
ARALIN 2 ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Mga Sagot:
Kastila
1. Matataas
2. Mapuputi ang balat
3. Matatangos ang ilong
4. Malalaki ang pangangatawan
Pilipino
1. Di kataasan, depende sa
pangkat etnikong
pinanggalingan
2. Kayumanggi ang balat
3. Pango o katangusan ng ilong
4. Maliit ang pangangatawan
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Mga Tamang Sagot:
(2, 3, 4, at 5)
Gawain 3: Paglalapat
Ang iyong sagot ay depende sa iyong kuru-kuro. Ipatsek ang iyong
sanaysay sa gurong tagapamahala ng modyul.
1
ARALIN 3 PAGSISIMULA NG MGA EKSPEDISYON MULA SA ESPAÑA
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ang iyong ginawang dula ay ikukumpara mo sa paksa ng teksto ng aralin.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Kinakailangan naisulat o naisama mo ang iyong sanaysay ang alinman sa
mga sumusunod:
1. Mataas na ambisyong maghari sa mga bansa sa Silangan.
2. Hindi alintana kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang mga
tauhan o sa mga katutubo sa Silangan at higit na mahalaga ang
maragdagan lamang ang mga teritoryong nasasakupan.
3. Diktador at walang makasusuway. Ang sai nga “Ang utos ng Hari, hindi
mababali.”
Gawain 3: Paglalapat
Maaaring tanggapin ang alinmang bansa o lugar na iyong pinili subalit
alalahanin mo sana na ang pananakop ng mga bansa ay maaaring makalabag
sa mga karpatang pantao ng mgakatutubo roon. Kung ang hangarin sa
pananakop ay nagdudukot ng kabutihan at pagtaas ng pamumuhay, ito ay
maaaring katangap-tanggap. Ngunit kung ang layunin ay payamanin ang sarili at
pagsamantalahan o guluhin ang maayos na buhay ng mga katutubo, ito ay di
ktaanggap-tanggap.
PANGHULING PAGSUSULIT:
1. A
2. A
3. B
4. B
5. B
6. D
7. B
8. C
9. C
10.B
11.D
12.D
13.C
14.C
15.D
16.D
17.C
18.B
19.A
20.C

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896shaoie
 
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa PilipinasAP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa PilipinasCeleen del Rosario
 
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong EspanyolMga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong EspanyolEddie San Peñalosa
 
Mga Impluwensya ng Pamahalaang Amerikano
Mga Impluwensya ng Pamahalaang AmerikanoMga Impluwensya ng Pamahalaang Amerikano
Mga Impluwensya ng Pamahalaang AmerikanoMhervz Espinola
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaMarie Louise Sy
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalShiella Rondina
 
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopMga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopsiredching
 
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng EspanyolPagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng EspanyolMavict De Leon
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayJustinJiYeon
 
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga EspanyolKolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga EspanyolMarie Jaja Tan Roa
 
Ikalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulitIkalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulitPaul Barranco
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planJve Buenconsejo
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaRivera Arnel
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanIvy Fabro
 

La actualidad más candente (20)

Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896
 
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa PilipinasAP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
 
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong EspanyolMga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
 
Mga Impluwensya ng Pamahalaang Amerikano
Mga Impluwensya ng Pamahalaang AmerikanoMga Impluwensya ng Pamahalaang Amerikano
Mga Impluwensya ng Pamahalaang Amerikano
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyal
 
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopMga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
 
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng EspanyolPagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Aspekto ng pandiwa
Aspekto ng pandiwaAspekto ng pandiwa
Aspekto ng pandiwa
 
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga EspanyolKolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
 
Ikalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulitIkalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulit
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson plan
 
Mga Katutubo sa Pilipinas
Mga Katutubo sa PilipinasMga Katutubo sa Pilipinas
Mga Katutubo sa Pilipinas
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
 
Bahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayaganBahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayagan
 
Impluwensiya ng espanyol
Impluwensiya ng espanyolImpluwensiya ng espanyol
Impluwensiya ng espanyol
 

Destacado (14)

Masusing banghay aralin sa araling panlipunan iii lalalalallalallalalalalalal...
Masusing banghay aralin sa araling panlipunan iii lalalalallalallalalalalalal...Masusing banghay aralin sa araling panlipunan iii lalalalallalallalalalalalal...
Masusing banghay aralin sa araling panlipunan iii lalalalallalallalalalalalal...
 
Krusada
KrusadaKrusada
Krusada
 
Krusada
KrusadaKrusada
Krusada
 
ANG MGA KRUSADA
ANG MGA KRUSADAANG MGA KRUSADA
ANG MGA KRUSADA
 
Aralin 20 piyudalismo at manoryalismo (3rd yr.)
Aralin 20 piyudalismo at manoryalismo (3rd yr.)Aralin 20 piyudalismo at manoryalismo (3rd yr.)
Aralin 20 piyudalismo at manoryalismo (3rd yr.)
 
Ang Holy Roman Empire at ang Krusada
Ang Holy Roman Empire at ang KrusadaAng Holy Roman Empire at ang Krusada
Ang Holy Roman Empire at ang Krusada
 
Pyudalismo at Manoryalismo
Pyudalismo at ManoryalismoPyudalismo at Manoryalismo
Pyudalismo at Manoryalismo
 
Ang krusada
Ang krusadaAng krusada
Ang krusada
 
Masusing banghay aralin sa araling panlipunan
Masusing banghay aralin sa araling panlipunanMasusing banghay aralin sa araling panlipunan
Masusing banghay aralin sa araling panlipunan
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Ang Krusada(Aralin 32)
Ang Krusada(Aralin 32)Ang Krusada(Aralin 32)
Ang Krusada(Aralin 32)
 
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismo
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismoAng sistemang pyudalismo at manoryalismo
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismo
 
Mga krusada
Mga krusadaMga krusada
Mga krusada
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 

Similar a Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila

Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0南 睿
 
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfAralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfVergilSYbaez
 
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas finalKolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas finaljamesrussel tomas
 
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninMary Grace Ambrocio
 
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANINUNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANINssuserff4a21
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...JuliusRomano3
 
Unang yugto ng imperyalismo
Unang yugto ng imperyalismoUnang yugto ng imperyalismo
Unang yugto ng imperyalismoKim Liton
 
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas finalKolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas finaljamesrussel tomas
 
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docxARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docxIsraelMonge3
 
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong KanluraninUnang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong KanluraninJoyce Candidato
 
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfAPQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfMAANGELICAACORDA
 
Paglawak ng Kapangyarihan.pptx
Paglawak ng Kapangyarihan.pptxPaglawak ng Kapangyarihan.pptx
Paglawak ng Kapangyarihan.pptxElvrisRamos1
 
Unang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismo sa KanluraninUnang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluraninedmond84
 
PT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docx
PT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docxPT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docx
PT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docxreese101010ten
 

Similar a Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila (20)

ARALPAN-COT1-SY2021 2022.pptx
ARALPAN-COT1-SY2021 2022.pptxARALPAN-COT1-SY2021 2022.pptx
ARALPAN-COT1-SY2021 2022.pptx
 
WEEK 2 ppt.pptx
WEEK 2  ppt.pptxWEEK 2  ppt.pptx
WEEK 2 ppt.pptx
 
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
 
Kolonyalismo
Kolonyalismo Kolonyalismo
Kolonyalismo
 
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfAralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
 
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas finalKolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
 
AP-8-Q3_M2.pptx
AP-8-Q3_M2.pptxAP-8-Q3_M2.pptx
AP-8-Q3_M2.pptx
 
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
 
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANINUNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
 
Unang yugto ng imperyalismo
Unang yugto ng imperyalismoUnang yugto ng imperyalismo
Unang yugto ng imperyalismo
 
AP_Quarter 2_Week 2.pptx
AP_Quarter 2_Week 2.pptxAP_Quarter 2_Week 2.pptx
AP_Quarter 2_Week 2.pptx
 
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas finalKolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
 
Group2 faith
Group2 faithGroup2 faith
Group2 faith
 
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docxARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
 
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong KanluraninUnang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
 
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfAPQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
 
Paglawak ng Kapangyarihan.pptx
Paglawak ng Kapangyarihan.pptxPaglawak ng Kapangyarihan.pptx
Paglawak ng Kapangyarihan.pptx
 
Unang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismo sa KanluraninUnang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluranin
 
PT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docx
PT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docxPT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docx
PT_ARALING-PANLIPUNAN-5_Q2.docx
 

Más de 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 

Más de 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Último

61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docxChristineIgnas2
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangeregeronimopaulyn69
 
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentEdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentRedenJavillo2
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxsagumjhenaicka
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values EducationMayAnnCorpuz2
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwentolyzaamper93
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfnasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfVielMarvinPBerbano
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1AngelRgndlaa
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttJulietDianeBallonBot
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxMohminGumampo
 
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10RonalynGatelaCajudo
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 

Último (20)

61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
 
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentEdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfnasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
 
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 

Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila

  • 1. ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 5 ANG PAGDATING NG MGA ESPANYOL BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 1 MODYUL 5 ANG PAGDATING NG MGA KASTILA Matututuhan mo sa modyul na ito ang mga dahilan kung bakit napunta ang mga Kastila sa ating lupain. Malalaman mo rin ang pamamaraang ginamit nila para matanggap ng ating mga ninuno ang pagpunta nila dito. Handa ka na ba sa pagtalakay ng paksang iyan? Tatlo ang mga aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Salik kung Bakit Napunta ang Kanluraning Kastila sa Ating Lupain Aralin 2: Ang Ekspedisyon ni Magellan Aralin3: Pagsisimula ng mga Ekspedisyon mula sa España Pagkatapos mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang mga layunin ng Espanya sa pagtungo at pagsakop sa Pilipinas; at 2. Mabibigyang puna ang naging reaksyon n gating mga ninunong katutubo nang dumating ang mga Kastila.
  • 3. 2 PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik sa pagpunta ng kanluraning Kastila sa ating lupain? A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa. B. Paglalakbay ni Marco Polo C. Krusada D. Pagbubukas ng Suez Canal 2. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Europa ang nanguna sa paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan? A. Espanya B. Ingglatera C. Pransya D. Portugal 3. Si Magellan ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas at nakipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang unang pulo kung saan siya dumaong ay ang: A. Samar B. Homonhon C. Cebu D. Mactan 4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo? A. Ang pagkatuklas sa Pilipinas B. Ang patunay na ang mundo ay bilog C. Ang pagkatuklas ng mga rekado sa Moluccas D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan 5. Maraming ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Sino sa mga namuno ng mga ekspedisyong iyan ang nagbigay ng pangalang Filipinas sa ating kapuluan? A. Loaisa B. Cabot C. Villalobos D. Saavedra
  • 4. 3 6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa pagtungo at pagtuklas ng mga lugar sa Silangan? A. Ang pagpalaganap ng Kristiyanismo B. Ang pakikipagkalakalan at pagpapalawak ng kapangyarihan C. Ang pagpapasikat sa kapwa Europeong bansa D. Ang pagtulong sa mga at di maunlad na bansa para mapaunlad ang mga ito. 7. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Pilipino ang hinangaan ng mga Kastila noong sila ay dumaong sa ating kapuluan? A. Ang pagiging matapang B. Ang pagiging masunurin C. Ang mabuting pagtanggap sa mga dayuhan D. Ang pagiging masayahin 8. Ang sanduguan ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang… A. Kapangyarihan nila sa mga dayuhan B. Pakikipagkasundo sa mga dayuhan C. Pakikipagkasundo sa pangangalakal D. Pagtanggap ng relihiyon ng mga dayuhan 9. Ang mga ipinadalang ekspedisyon ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay pinamunuan ng mga Kastila maliban kay: A. Loaisa B. Cabot C. Magellan D. Urdaneta 10.Alin ang lugar na dinaungan ni Magellan kung saan nagkaroon ng pagbibinyag sa mga katutubo? A. Limasawa B. Cebu C. Mactan D. Homonhon 11.Ang pulo kung saan nagsagawa ng sanduguan sina Magellan sa pinuno ng mga katutubo: A. Homonhon B. Limasawa C. Mactan D. Cebu
  • 5. 4 12.Ang “Islas del Poniente” ay walang iba kundi ang: A. India B. Tsina C. Siam D. Pilipinas 13.Alin sa mga sumusunod ang hindi napatunayan ni Magellan sa kanyang paglalakbay sa Silangan? A. Ang mundo ay bilog B. Maaaring makarating sa silangan na ang daan ay kanluran C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas D. Sagana sa mga rekado at yamang likas ang Silangan. 14.Pagdating ni Magellan sa Cebu, ano ang una niyang ginawa? A. Nakipagkaibigan siya kay Raha Humabon. B. Pinabinyagan niya si Raha Humabon at walong daang Cebuano. C. Binigyan niya ang asawa ni Raha Humabon ng estatwa ni Sto. Niño. D. Nagtayo ng simbahan para sa mga katutubo. 15.Ang mga sumusunod tungkol kay Lapu-lapu ay totoo maliban sa: A. Siya ang kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga dayuhan. B. Siya ang kauna-unahang Pilipino na tumangging magpasakop sa mga dayuhan. C. Siya ang pinunong katutubo na nakapatay kay Magellan. D. Siya ang pinunong katutubo ng Mactan. 16.Nang tumulak sa Villalobos patungong Pilipinas, siya ay inatasan ng Hari ng Espanya na: A. sakupin ang Moluccas B. sakupin ang Pilipinas C. mangalakal lamang sa Pilipinas 17.Siya ang nagpangalan sa kapuluan ng Felipinas, bilang parangal kay Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya. A. Ruy Lopez de Villalobos B. Sebastian Cabot C. Andres de Urdaneta D. Sebastian El Cano 18.SA huling bahagi ng gitnang panahon, humina ang impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa dahil sa: A. Pagpapayaman ng mga prayle. B. Pagkasangkot ng mga pari sa imoralidad
  • 6. 5 C. Pagkakaroon ng mga maraming katiwalian at kurapsyon sa simbahan. D. Lahat ng dahilan sa itaas ay tama. 19.Kung si Ruy de Villalobos ay nakarating sa Mindanao, bakit marami pa ring Muslim doon at hindi Kristiyano? A. Hindi siya nakipagsundo sa mga Muslim. B. Wala siyang kasamang mga paring Katoliko nang pumunta siya roon. C. Tumutol ang mga katutubong Muslin na masakop ng mga Kastila. D. Babalik pa sana siya sa Mindanao ngunit namatay na siya. 20.Dahil sa malaking pagpapahalaga ng hari ng Espany sa Kristiyanismo, ang lahat ng ekspedisyong ipinadala sa Pilipinas ay may kasamang: A. historiador B. manunulat C. pari D. inhinyero
  • 7. 6 ARALIN 1 MGA SALIK KUNG BAKIT NAPUNTA ANG KANLURANING KASTILA SA ATING LUPAIN Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pangyayaring nagaganap sa Europa sa huling dalawang taon ng gitnang panahon (1300-1500). Ang mga pangyayayaring iyan ang nagbigay daan sa paglalakbay ng mga taga- Europeo upang tuklasin at kilalanin ang Silangan. Isa sa mga bansang ito ay ang Espanya. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga pangyayaring naganap sa Europa noong panahong 1300 hanggang 1500; 2. Masusuri ang bawat pangyayaring nakaugnay sa pagtuklas ng Espanya sa Pilipinas; at 3. Matutukoy ang mga layunin ng Espanya sa paglalakbay sa Silangan.
  • 8. 7 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-aralan mo ang mapang ito ng Kanlurang Europa. Matutukoy mo ba kung alin ang mga makapangyarihang bansa noong panahong 1300-1500? Isulat ang iyong sagot sa ibaba. Mga makapangyarihang bansa noong panahong 1300-1500 1. _________________ 2. _________________ 3. _________________
  • 9. 1 Mga Pangyayari sa Daigdig noong Gitnang Panahon Tingnan natin kung tama ang sagot mo sa Gawain 1. Sa huling dalawang taon ng gitnang panahon (1300-1500), maraming pangyayari ang naganap sa Europa na siyang nagbigay-daan tungo sa pagbabago ng ibang bahagi ng mundo, kasama na ang Pilipinas. Una ay ang krusada, ang serye ng ekspedisyon na ginawa ng mga Kristiyano ng Kanlurang Europa (1096-1272) upang bawiin ang Jerusalem sa mga Saracens o mga Muslim. Ang mga ekspedisyong ito ang pumukaw ng interes ng mga Europeo sa mga Kulturang Silanganin. Kasama na rito ang interes sa mga yaman at produkto ng mga bansang Silanganin. Kahit tapos na ang krusada, ang pakikipagkalakalan sa mga taga-Silangan ay ipinagpatuloy ng taga-Europa. Ikalawa ay ang paghina ng impluwensya ng Simbahang Katoliko sa mga bansang Europeo. Ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko ay nalulong sa mga immoral na gawain kasama na ang pagpapayaman ng kanilang mga sarili. Dahil dito, nagsimulang mawalan ng tiwala ang mga tagasunod ng Simbahan at nabaling ang kanilang pansin sa Humanismo. Nagkaroon ng muling pagpapahalaga sa katalinuhan at kakayahan ng tao sa pagtuklas sa larangan ng siyensya at sa paghanap ng bagong kaalaman. Dahilan dito, bumilis ang pagtuklas at pag-imbento ng mga kagamitang panlakbay tulad ng compass, teleskopyo, at ang mapa. Ikatlo, dahilan sa mga impormasyong lumaganap tungkol sa paglalakbay ni Marco Polo sa Tsina (kung saan napag-alamang ang bansang Tsina ay napakayaman at ang kultura nito ay napakaganda), nagkaroon ng interes ang mga Europeo sa iba pang mga bansa sa Asya. Ikaapat, ang dating daanan na ginagamit ng mga Europeo (daanang Mediterranean at Byzantine Empire) ay naging mapanganib, magastos at matagalan ang paglalakbay lalo na para sa mga Portuges at Espanyol. Minabuti nilang maghanap ng ibang ruta patungong Kanluran na tumatawid ng dagat Atlantiko at Pasipiko upang mapadali ang kanilang paglalakbay.
  • 10. 2 Unang Paglalakbay ng Portuges at Kastila Sa pangunguna ni Prince Henry ng Portugal ay nagalugad ng mga Potuges ang gilid ng Aprika para makatuklas ng daan patungong silangan. Noong taong 1487, naikot nila ang Cape of Good Hope. Pagkaraan ng ilang taon, ginamit ni Vasco de Gama ang nasabing ruta papuntang India. Si Christopher Columbus naman na isang Portuges ay naglakbay sa ngalan ng Hari ng Espanya noong 1492 at siyang nakatuklas sa Amerika. Ang mga unang tagumpay sa pagtuklas ng lupain ay nauwi sa pagiging magkaribal ng Portugal at Espanya. Namagitan si Papa Alexander VI noong 1493 para maiwasan ang hidwaan sa dalawang bansa. Hinati ang mundo sa dalawang bansa kung saan ang bansa sa guhit sa Kanluran ng Azores at Isla Cape Verde ay napunta sa Espanya. Ang mga nasa Silangan ng guhit ay napunta naman sa Portugal. Sa pamamagitan Tratadong Tordesillas, napatibay ang hatian at naging gabay sa mga susunod na paglalakbay. Layunin sa Paglalakbay ng Espanya Hindi maipagkakaila na ang mga pangunahing layunin sa paglalakbay ng Espanya ay pangangalakal. Ngunit sa lahat ng pagkakataon, habang humahanap ng bagong ruta sa pangangalakal ang Espanya, naroon pa rin ang matinding pagnanais ng mga Espanyo lna palaganapin ang Kristiyanismo. Udyok ito ng karanasan ng Espanya sa pananakop ng mga Muslim na nagtapos lamang noong mabawi ang Granada noong 1492. Ninais ng Espanya na palaganapin ang Kristiyanismo upang masiguro ang paglakas ng Imperyong Espanya. Bukod dito, maalab din ang pagnanais ng Espanya na mahigitan ang kakayahan at lakas ng Potugal sa pagpapalawak ng mga kolonya. Nakakaungos ang Portugal nang unang siglo ng pananakop, kayat nais pag-ibayuhin ng Espanya ang kanilang kakayahan sa pagtuklas ng iba pang lupain sa Asya.
  • 11. 3 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumuhit ng tatlong instrumento o kagamitang panlakbay. Sa bawat naiguhit na larawan, sabihin ang kahalagahan ng instrumentong ito. Tandaan Mo! Maraming pangyayari ang naganap sa Europa na naging dahilan kung bakit nagnais maglakbay at tumuklas ng mga lupain sa Silangan ang mga Europeo, kabilang na ang mga Kastila. Ang mga sumusunod ay ang mga importanteng salik sa paglalakbay na ito: Krusada; paghina ng impluwensya ng simbahan; pagtuklas ng mga kagamitang panlakbay, pagtuklas ng mas malapit na ruta sa dagat Atlantiko at Pasipiko, at paglaganap ng mga impormasyon tungkol sa kagandahan at kayamanan ng mga bansa sa Silangan. Gawain 3: Paglalapat Napapansin mo marahil na sa kasalukuyang panahon, maraming dayuhang taga-Europa ang pumupunta sa ating bansa. Ilan sa kanila ay mga Aleman, Ingles, Franses, Italyano, At mga Espanyol. Maihahambing mo kaya ang mga dahilan kung bakit interesado sa mga bansang Silangan ang mga taga- Europa. Magpahanggang ngayon? Nalaman mo na sa aralin ang mga salik nang pagpunta rito ng mga taga-Europa noong unang panahon. Ngayon naman ay magbigay ka ng tatlong dahilan o kuru-kuro kung bakit marami pa ring taga- Europa ang nagsisipunta sa Pilipinas.
  • 12. 4 ARALIN 2 ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN Sa araling ito, kikilalanin mo si Magellan, na bagaman hindi Pilipino at hindi rin Kastila ay may malaking bahagi sa ating kasaysayan. Tatalakayin natin ang mga pangyayaring naganap sa pagdating niya sa ating lupain at ang naging epekto nito sa ating buhay. Pagkatapos mong mabasa at gawin ang mga nakalaang gawain sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Makikilala si Ferdinand Magellan; 2. Matutukoy ang mga lugar na dinaanan ni Magellan hanggang makarating sa Pilipinas; 3. Mapahahalagahan ang mga panganib at hirap na dinanas ni Magellan at ng kanyang mga tauhan sa paglalakbay; 4. Matutukoy ang mga lugar na pinuntahan niya sa ating kapuluan; at 5. Masusuri ang epekto ng pagdating ni Magellan sa buhay ng mga katutubo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Batay sa iyong nabasa o nakita sa mga babasahin, itala ang mga katangiang pisikal na mapagkikilanlan sa kaanyuhan ng isang Kastila. Gumawa ka rin ng talaan ng mga katangiang pisikal ng Pilipino. Kastila Pilipino 1 ______________ 1. _________________ 2. ______________ 2. _________________ 3. ______________ 3. _________________ 4. ______________ 4. _________________ B. Batay sa iyong talaan, may kaugnayan kaya ang magandang pagtanggap ng mga Katutubo sa Kastila ayon sa pisikal na kaanyuan? Isulat ang iyong paliwanag.
  • 13. 5 Si Ferdinand Magellan at ang Paglalakbay sa Pilipinas Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges na nakapaglakbay na sa India at Malacca. Ngunit inakala niya na hindi sapat ang pagkilala ng Hari ng Portugal sa kanyang nga nagawa. Dahil dito, lumapit siya sa Hari ng Espanya at inialok ang kanyang serbisyo para sa paglalakbay patungong Kanluran. Pumayag ang Hari ng Espanya at pinangakuan siya ng malaking gantimpala kapag siya ay nagtagumpay. Umalis si Magellan sa San Lucar, Espanya noong Setyembre 20, 1519. Limang barko ang naglulan sa kanya at kanyang mga kasama. Dumaan sila sa Timog Amerika kung saan natuklasan niya ang isang landas sa dulo nito mula Dagat Atlantiko patungong Dagat Pasipiko. Tinawid nila ang masikip na daanang ito na ngayon ay tinatawag na Strait of Magellan. Noong Nobyembre 20, 1520, nawala ang dalawa niyang kasamang barko. Ang natirang tatlong barko na lamang ang nakatawid ng Dagat Pasipiko. Noong Marso 16, 1521, ayon sa tala ni Pigafetta, ay natanawan nila ang Samar. Ito ay bahagi ng mga pulo ng tinawag niyang Kapuluan ni San Lazaro. Sila ay dumaong sa maliit na isla ng Homonhon, sa gawing timog ng Samar. Sa pagdaong ng Homonhon, sinalubong sina Magellan ng ilang katutubo. Nang mapansin ni Magellan ang kagandahang loob ng mga katutubo, pinabigyan niya ito ng mga pasalubong na sambalilo, salamin, suklay at iba pa. Sinuklian naman ito ng mga katutubo ng isda, alak ng palma, saging at niyog. Ang Pagmimisa sa Limasawa Mula sa Homonhon, nagpatuloy ang paglalayag ng pangkat ni Magellan hanggang sa makarating sila sa Limasawa noong Marso 28, 1521. Sa tulong ng aliping Malay na si Enrique na nagsilbing tagapagsalin, nakilala ni Magellan sina Raha Kolambu at Raha Siagu. Nagkaroon ng sanduguan nang sumunod na araw. Ferdinand Magellan
  • 14. 6 Noong Marso 31, 1521, kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay, ginanap ang kaunaunahang Misang Kristiyano sa ating kapuluan. Ang Pagiging Kristiyano ng mga Taga-Cebu Bago pa dumating dito si Magellan, ang Cebu ay isa nang maunlad na lugar na nakikipagkalakalan sa mga karatig na bansang Tsina, Siam, Borneo at iba pang lugar sa Asya. Nang mapag-alaman ito ni Magellan, ipinasya niya na tumuloy dito para kumuha ng mga pangangailangan sa paglalakbay. Sa tulong pa rin ni Raha Kolambu at ng aliping si Enrique, nagtagumpay si Magellan na maging kaibigan ang pinuno ng Cebu na si Raha Humabon. Nahimok ni Magellan si Raha Humabon na maging basalyo ng Haring Carlos ng Espanya. Kasunod nito ay nahimok niya ang mga pinuno at walong daang Cebuano na maging Kristiyano. Naganap ang binyagan noong Abril 14, 1521. Pinangunahan ito ni Raha Humabon at ng kanyang asawa‘t pamilya kasama si Raha Kolambu at ng asawa nito. Ang asawa ni Raha Humabon ay binigyan ni Magellan ng estatwa ng Niño Jesus at nagtirik sila ng krus sa lugar kung saan naganap ang binyagan. Sa pagiging basalyo ng Hari ng Espanya, inaasahang magbibigay ng buwis ang mga katutubo. Ipinabatid din ni Magellan sa ibang pinuno sa Cebu na magpakita sila ng paggalang bilang basalyo ng Hari. Ang Paglaban ni Lapu-lapu Sinunod ng ibang pinunong katutubo ang pahayag ni Magellan maliban sa pinuno ng Mactan, isang maliit na pulo malapit sa Cebu, na nagngangalang Lapu-lapu. Ipinabatid kay Magellan ni Punong Zula, kaaway ni Lapu-lapu, ang hindi pagtanggap ni Lapu-lapu ng kapangyarihan ng dayuhan. Dahil dito, ipinahayag ni Magellan na haharapin niya si Lapu-lapu. Kasama ang may animnapung sundalo lamang, dumaong si Magellan sa Mactan noong Abril 27, 1521. Bago pa man sila nakalapit sa pampang ng Mactan, sinalubong sila ni Lapu-lapu at isang madugong labanan ang naganap. Sinamang-palad na masugatan si Magellan na siya niyang ikinamatay. Dahil dito nagsiatras at nagsibalik ang kanyang mga tauhan sa Cebu.
  • 15. 7 Ang matagumpay na pagtatanggol ni Lapu-lapu sa kanyang pulo ang nagmulat kay Humabon na hindi siya dapat nagpailalim sa mga Kastila. Lalo siyang nagbalak ng paghihiganti nang malaman niyang may mga kababaihang pinagsamantalahan ng mga tauhan ni Magellan. Noong Mayo 1, 1521, inanyayahan ni Humabon sa isang piging ang mga natirang tauhan ni Magellan. Nagsidalo ang may dalawampu’t pitong tauhan ni Magellan. Nang kumakain at nagiinuman na sila ay sinalakay sila ng mga katutubo hanggang mamatay, maliban sa mga pari. Dahilan sa hindi magandang karanasan nitong banding huli, ay nagpasya ang natirang tauhan ni Magellan na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungong Moluccas at iwan ang Pilipinas. Nakarating sila sa Tidore, isang isla sa Moluccas at namili sila ng mga paminta na sila nilang layon. Sa pamumuno ni Sebastian El Cano, ang barkong Victoria ang tanging nakabalik sa Espanya. Dumaan sila sa sa Indian Ocean at sa dulo ng Aprika Cape of Good Hope papuntang Hilaga. Nakarating sila sa Espanya noong Setyembre 1522. Ito ang unang paglalakbay na nakaikot sa buong mundo – at nagpatunay na ang mundo nga ay bilog. Kahalagahan ng Paglalakbay ni Magellan Ang paglalakbay na ito ni Magellan ay nakapagpatunay na maaaring pumunta sa Silangan na ang daanan ay sa Kanluran. Bukod sa pagpapatunay na ang mundo nga ay bilog, ang “pagtuklas” niya ng Pilipinas ay nagbigay-daan para malaman ng mga Europeo ang tungkol sa ating kapuluan. Buhat sa mga tala ni Pigafetta, ang historiador na kasama niya sa ekspedisyon, natambad sa Espanya ang kagandahan at likas na yaman ng kapuluang ito sa Silangan. Naitala din ang mabuting pakikipagkaibigan ng mga katutubo s Homonhon, Limasawa, at Cebu at naabangan ng mga Espanyol na bagamat may ayaw pasakop, ay marami rin naming humanga at ngpasakop sa mga Kanluranin.
  • 16. 8 Utang rin kay Magellan ang tagumpay ng mga sumunod na ekspededisyon sa Pilipinas. Nakatuklas siya ng mas madali at ligtas na ruta papuntang Silangan at nagkaroon ng patnubay para sa mga sumunod pang manlalakbay dagat. Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Basain mo ang kwento ng labanan sa Mactan sa pagitan ni Magellan at Lapu-lapu. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. “Samantalang abalang-abala si Magallanes sa paghihikayat sa mga taga- Cebu na maging Kristiyano, ay isa sa mga datu ng Mactan na si Zulu, ay nakikipagkagalit kay Lapu-lapu na isa ring puno ng barangay sa Mactan. Sa paghahangad na makatulong ang mga Kastila laban kay Lapu-lapu, nagsuplong si Zulu kay Magallanes na umano’y ayaw kilalanin ni Lapu-lapu ang Hari ng Espanya. Kapagdaka’y nagpasya si Magallanes na ipakilala ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsupil kay Lapu-lapu. Hindi niya tinanggap ang alok ni Raha Humabon na tulungan siyang makipaglaban.” “Bukang-liwayway ng Abril 18 nang umahon sina Magallanes sa Mactan. Ang kanilang mga sasakyan ay hindi makalapit sa dalampasigan sapagkat bukod sa mababaw ang tubig ay mabato pa. Hiniling ni Magallanes na magbayad ng buwis si Lapu-lapu bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Hari ng Espanya,ngunit si Lapu-lapu ay umismid lamang. Sumalakay sina Magallanes, ngunit may mga patibong na inihanda. Nang magpaputok ang mga Kastila ay umiwas ang mga mandirigma ni Lapu-lapu. Pana, sibat, gulok ang ginagamit ng mga mandirigma ni Lapu-lapu laban sa mga Kastila. Nasugatan si Magallanes at namatay sa labanan. Sa pagkamatay ni Magallanes, ayon kay Pigafetta, ay nawalan sila ng ilaw ng salamin ng kasiyahan, at ng patnubay” (Pinagkunan: Teodoro Agoncillo, Kasaysayan ng Bayang Pilipino (1979)
  • 17. 9 Mga Tanong: Batay sa maikling talata, ano ang ilang katangian ng mga katutubong pinunong Pilipino noong panahon ni Magellan? Bilugan ang lahat ng inaakala mong katangian nila: 1. Mga duwag at walang alam sa pagtatanggol ng kanilang lupain. 2. Watak-watak ang ibang mga pinuno at hindi nagkakaisa. 3. May mga pinunong madaling nahikayat ng mga dayuhan gaya ni Zulu at Humabon. 4. Si Lapu-lapu ay halimbawa ng pinunong hindi kaagad-agad nagpapasakop sa mga dayuhan. 5. May hidwaan ding nagaganap sa mga katutubong pinuno noon. Tandaan Mo! Si Magellan na isang Portuges ay nag-alok ng kanyang serbisyo sa Hari ng Espanya para maglakbay patungong Silangan na ang dadaan ay sa Kanluran. Naging matagumpay ang kanyang layunin at natuklasan niya ang kapuluan ng Pilipinas. Kahit na siya ay namatay dito, naipagpatuloy ng kanyang kasamahan ang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Espanya. May mga pinunong katutubo na agad na tumanggap kay Magellan at nakipagkasundo sa mga Kastila. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang bayaning Pilipino na tumangging magpasakop sa Espanya. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga pinuno sa iyong rehiyon, papayag ka bang pasakop sa mga dayuhan? Sino ang iyong gagayahin: si Lapu-lapu o ang ibang mga pinunong nagpabinyag sa mga Kastila? Sumulat ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin.
  • 18. 10 ARALIN 3 PAGSISIMULA NG MGA EKSPEDISYON MULA SA ESPANYA Tutunghayan natin ngayon ang iba’t ibang ekspedisyon sa Pilipinas na ipinadala ng Hari ng Espanya. Sa kabila ng pagkamatay ni Magellan sa Pilipinas noong 1521, ipinasya ng Hari ng Espanya na muling magpadala ng mga ekspedisyon sa Silangan. Makatwiran kaya ito? Bakit naibigan ng mga Kastila ang maglakbay as Pilipinas? Sa araling ito, uunawain natin ang mga dahilan tungkol diyan. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga ekspedisyon na ipinadala ng Hari ng Espanya sa Silangan; at 2. Maipaliliwanag ang naging resulta ng mga ekspedisyon na ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ipalagay mo na ikaw ay Hari ng Espanya. Gumawa ng maikling dula kung paaano mo uutusan ang mga manlalakbay mo na pumunta sa Silangan. Sinu-sino ang iyong pipiliing mga tauhan? Ano ang kanilang gagawin? Ekspedisyon ni Loaisa, Cabot at Saavedra Ikumpara natin ang iyong maikling dula sa mga nangyari sa Espanya. Noong 1525, sa pagnanais na lubusang maangkin ang Moluccas, inatasan ng Hari ng Espanya si Juan Jofre de Loaisa, na maglakbay sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtahak sa landas ni Magellan. Ngunit bago pa man nalaman ang kinahinatnan ng paglalakbay ni Loaisa, isang ekspedisyon pa rin ang ipinadala ng Hari sa pamumuno naman ni Sebastian Cabot na nakabalik sa Espanya noong Agosto 1530.
  • 19. 11 Mula naman sa Mexico, ipinadala ng Espanya si Alvaro de Saavedra noong 1527. Nakarating nga ito sa Pilipinas, ngunit hindi naman nakatuklas ng kayamanan. Ang mga ekspedisyong ito ay nagdulot ng pagkalugi sa Espanya. Ipinasya ng Hari ng Espanya na ihinto ang pag-angkin sa Moluccas at ipaubaya na lang ito sa Portugal. Sa Kasunduan sa Zaragoza, isinuko ng Hari ng Espanya ang Karapatan sa Moluccas sa halagang 350,000 gintong ducat. Inayos din ang guhit kung saan ang Pilipinas ay masasakop ng Portugal. Kayat maraming taon ding hindi nagpadala ng ekspedisyon sa Pilipinas ang Hari ng Espanya. Ekspedisyon Ni Villalobos Sa pamumuno ni Andres de Urdaneta, nakabalik ang ilang kasamahan ni Loaisa sampung taon mula nang umalis sila sa Espanya. Inilathala ni Urdaneta ang mga naitala niya tungkol sa ekspedisyon ni Loaisa. Dahil sa mga natuklasan tungkol sa Pilipinas, nagpasiyang magpadalang muli ng ekspedisyon sa Silangan ang hari ng Espanya. Sa pagitan ng 1538 at 1541, nakipagkasundo si Haring Carlos I sa Biseroy ng Mehiko sa panmamagitan ng kanyang Biseroy sa Guatimala tungkol dito. Ang ekspedisyon na nagsimula sa Navidad, Mexico ay pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos. Inutusan siyang sakupin ang Islas de Poniente o Pilipinas. Ang ekspedisyong ito ay palihim na isinagawa dahilang ang Pilipinas ay sakop ng Portugal batay sa kasunduang Zaragosa. Sumapit ang ekspedisyon ni Villalobos sa Mindanao noong Pebrero 1543 ngunit hindi naging katanggap-tanggap sa mga tagaroong Muslim ang kanilang pagdating. Nagpatuloy sila sa pagtuklas ng iba pang lugar na mapagkukunan ng panustos. Nakarating sila sa bandang Bisaya at doon ay nakatagpo ng mga palakibigang katutubo. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Felipinas bilang parangal kay Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya. Ang Felipinas nang lumaon ang ipinangalan sa buong kapuluan. Katulad nina Loaisa at Saavedra, nabigo rin si Villalobos na sakupin ang Pilipinas dahil sa pagtutol ng mga katutubo.
  • 20. 12 Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Sa pamamagitan ng isang sanaysay, isalarawan ang katauhan ng Hari ng Espanya batay sa mga kautusan niya sa mga manlalakbay. Ipakita sa kanyang mga salita at sa sunud-sunod na pagpapadala niya ng ekspedisyon sa Pilipinas ang kaniyang ugali. Tandaan Mo! Iba’t ibang ekspedisyon ang ipinadala ng Hari ng Espanya sa Silangan. Ang pinakalayunin ay ang makakuha ng rekado at iba pang produkto, at kung kinakailangan ay manakop ng mga lupain. Gawain 3: Paglalapat Ikaw ba ay may pangarap maglakbay at manakop ng ibang lupain? Saan mo gustong magpunta at ano ang iyong mga layunin? Gumawa ng “itinerary” o listahan ng mga lugar na gusto mong puntahan, at ang iyong layunin sa pananakop.
  • 21. 13 PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin ang pinakamahalagang salik sa pagpunta ng kanluraning Kastila sa ating lupain? A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa. B. Paglalakbay ni Marco Polo C. Krusada D. Paghihikahos ng Suez Canal 2. Alin sa mga sumusunod na bansang Europeo ang naunang naglakbay dagat gamit ang daang pakanluran patungong Silangan? A. Espanya B. Portugal C. Ingglatera D. Pransya 3. Ang unang pulo na dinaungan ni Magellan kung saan nakipagplitan siya ng mga handog sa mga katutubo: A. Samar B. Homonhon C. Cebu D. Mactan 4. Alin sa mga na pangyayari ang pinakamahalagang resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo? A. Pagtuklas ng mga rekado sa Molucass B. Napatunayan na bilog ang mundo C. Pagiging Kristiyano ng mga taga-Cebu D. Pagtuklas sa Pilipinas 5. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol ka Magellan A. Siya ay isang Espanyol na inutusan ng Hari ng Espanya na sakupin ang Pilipinas. B. Siya ay isang Portuges na nag-alok ng kanyang serbisyo sa Hari ng Espanya na mamuno ng ekspedisyon papuntang Silangan. C. Siya ang Portuges na naktuklas ng Amerika. D. Siya ang Espanyol na lumaban sa Krusda. 6. Ang maliit na pulo sa Pilipinas kung saan unang bininyagan sa pagka- kristiyano ang ilang katutubo: A. Limasawa B. Homonhon C. Mactan D. Cebu
  • 22. 14 7. Ang Pulong dinaungan ni Magellan kung saan siya ay nakipagsanduguan sa pinuno ng mga ktutubo: A. Mactan B. Limasawa C. Bohol D. Homonhon 8. Ang kahulugan ng sanduguan: A. Pakikipaglaban B. Pakikipagdwelo C. Pakikipagkaibigan D. Pakikipag-alitan 9. Ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa huling bahagi ng gitnang panahon ay humina dahil sa mga sumusunod maliban sa: A. Pagpapayaman ng simbahan B. Pagkasangkot ng mga prayle sa kurapsyon C. Pagkasangkot sa digmaan sa Krusada D. Pagkasangkot ng mga pari sa Imoralidad 10.Ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa pagtuklas at pananakop ng mga lupain sa SIlangan: A. Palaganapin ang Kristiyanismo. B. Makipagkalakalan at magpalakas ng puwersa bilang makapangyarihang bansa. C. Magpasikat sa kapwa Europeong bansa. D. Matulungn ang di maunlad na mga bansa upang ang mga ito. 11.Hinangaan ni Magellan ang mga naunang katutubong nakilala niya dahil sa: A. mabagsik sa pakikihamok B. mangmang at walang kulturang maipagmamalaki C. mahusay makipagkalakalan D. mayaman ang kultura at mabuting makipagkaibigan sa mga dayuhan 12.Alin sa mga sumusunod ang hindi tama sa mga pangyayaring naganap sa ating kapuluan noong pagdating ni Magellan? A. Nabinyagan bilang Kristiyano ang mga taga-Cebu. B. Nagdaraos ng misa bilang paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. C. Nagbigay ng imahen ng Sto. Niño si Magellan sa asawa ni Humabon. D. Nagtayo ng simbahan si Magellan sa Homonhon.
  • 23. 15 13.Napatunayan ni Magellan sa kanyng paglalakbay s Pilipinas ang mga sumusunod maliban sa: A. Ang mundo ay bilog. B. Maaaring makarating sa Silangan na ang daan ay kanluran. C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas. D. Sagan sa yamang likas ang Pilipinas. 14.Nang mapatay ni Lapu-lapu si Magellan, ang naging epekto sa mga katutubong pinuno katulad ni Humabon ay: A. nanghina ang kanilang impluwensya sa Cebu. B. ipinaghiganti ang pagkamatay ni Magellan. C. nakapag-isip sila na hindi dapat magpasakop sa dayuhan. D. naghanda para sa pakikipaglaban kay Lapu-lapu. 15.Si Lapu-lapu ay itinuring na: A. Kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga dayuhan. B. Pinunong katutubo na nakipagsanduguan ka Magellan. C. Pinunong katutubong taga-Mindanao na hindi nagpasakop kay Magellan. D. Pinunong katutubo ng Mactan na nakapatay kay Magellan at itinuring na bayaning Pilipino na di nagpasakop sa mga Espanyol. 16.Ang paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas ay naging mahalaga dahil sumusunod maliban sa isa: A. napatunayan niya na maaaring pumunta sa Silangan na dumadaan sa kanluran. B. napatunayan niya na bilog ang mundo nang makabalik sa Espanya ang isa niyang barko sa pamumuno ni Sibastian El Cano. C. natuklasan niya ang isang daanan sa dulo ng Aprika. D. nakilala ng mga Europeo ang kapuluan ng Pilipinas. 17.Si Villalobos ay inutusan ng Hari ng Espanya na sakupin ang Islas del Poniente. Ang tinutukoy na lugar ay: A. Moluccas kung saan nakukuha ang rekado na gusto ng mga Europeo. B. Tsina na may telang seda. C. Ang kapuluan na napuntahan ni Magellan na ngayon ay kilala bilang Pilipinas. D. Ang pulo ng Cebu kung saan maraming katutubo ang nabinyagan bilang Kristiyano. .
  • 24. 16 18.Alin sa mga sumusunod ang tama sa mga utos ng Hari ng Espanya kaugnay ng mga paglalakbay na ipinadala niya sa Silangan? A. sasakupin ang Moluccas B. sasakupin ang Pilipinas C. mangalakal lamang sa Pilipinas D. gamiting daanan ang Pilipinas patungong Moluccas 19.Maraming ekspedisyon ang pinapunta ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Si Villalobos ang unang nakarating sa Mindanao ngunit hindi niya nasakop ang kapuluan dahil sa: A. tumutol ang katutubong Muslim na masakop ng dayuhan. B. naghihintay ng magandang pagkakataon si Villalobos. C. pinatay siya ng mga katutubo . D. nakipagkasundo siya sa katutubo kaugnay sa pangangalakal. 20.Ang lahat ng ekspedisyon na ipinadala ng hari ng Espanya sa Silangan ay may kasamang pari. Ito ay nagpapahiwatig ng mga sumusunod maliban sa: A. malaking pagpapahalaga ng Hari sa relihiyong Kristiyanismo. B. paggamit sa relihiyon bilang pamamaraan ng pananakop. C. ang pari ay magaling sa paglalakbay dagat. D. matibay na paniniwala na ang paglalakbay ay gagabayan ng Panginoon.
  • 25. 17 GABAY SA PAGWAWASTO PANIMULANG PAGSUSULIT 1. D 2. D 3. A 4. B 5. C 6. B 7. C 8. B 9. C 10.B 11.B 12.D 13.C 14.A 15.A 16.B 17.A 18.D 19.C 20.C ARALIN 1 MGA SALIK KUNG BAKIT NAPUNTA ANG KANLURANING KASTILA SA ATING LUPAIN Gawain 1: Pag-isipan Mo! Mga Sagot: 1. Portugal 2. Espanya 3. Turko o Turkey (Ang nagpalaganap ng Islam sa Maraming bansa) Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ganito ba ang iginuhit mo 1. Teleskopyo 2. Kompas 3. Mapa
  • 26. 1 Gawain 3: Paglalapat Alin dito ang mga isinagot mo? Lahat ng ito ay tama: Sa kalukuyan, pumupunta rito ang mga taga-Europa upang: 1. maglibang bilang turista 2. makipagkalakalan 3. nagtayo ng mga negosyong multinasyonal 4. manirahan dito sapagkat mura ang mga bilihin 5. magsagawa ng iba’t ibang gawaing pangkultura, pangkabuhayan at pampulitika. ARALIN 2 ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN Gawain 1: Pag-isipan Mo! Mga Sagot: Kastila 1. Matataas 2. Mapuputi ang balat 3. Matatangos ang ilong 4. Malalaki ang pangangatawan Pilipino 1. Di kataasan, depende sa pangkat etnikong pinanggalingan 2. Kayumanggi ang balat 3. Pango o katangusan ng ilong 4. Maliit ang pangangatawan Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mga Tamang Sagot: (2, 3, 4, at 5) Gawain 3: Paglalapat Ang iyong sagot ay depende sa iyong kuru-kuro. Ipatsek ang iyong sanaysay sa gurong tagapamahala ng modyul.
  • 27. 1 ARALIN 3 PAGSISIMULA NG MGA EKSPEDISYON MULA SA ESPAÑA Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang iyong ginawang dula ay ikukumpara mo sa paksa ng teksto ng aralin. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kinakailangan naisulat o naisama mo ang iyong sanaysay ang alinman sa mga sumusunod: 1. Mataas na ambisyong maghari sa mga bansa sa Silangan. 2. Hindi alintana kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang mga tauhan o sa mga katutubo sa Silangan at higit na mahalaga ang maragdagan lamang ang mga teritoryong nasasakupan. 3. Diktador at walang makasusuway. Ang sai nga “Ang utos ng Hari, hindi mababali.” Gawain 3: Paglalapat Maaaring tanggapin ang alinmang bansa o lugar na iyong pinili subalit alalahanin mo sana na ang pananakop ng mga bansa ay maaaring makalabag sa mga karpatang pantao ng mgakatutubo roon. Kung ang hangarin sa pananakop ay nagdudukot ng kabutihan at pagtaas ng pamumuhay, ito ay maaaring katangap-tanggap. Ngunit kung ang layunin ay payamanin ang sarili at pagsamantalahan o guluhin ang maayos na buhay ng mga katutubo, ito ay di ktaanggap-tanggap. PANGHULING PAGSUSULIT: 1. A 2. A 3. B 4. B 5. B 6. D 7. B 8. C 9. C 10.B 11.D 12.D 13.C 14.C 15.D 16.D 17.C 18.B 19.A 20.C