Publicidad
Publicidad

Más contenido relacionado

Publicidad
Publicidad

Lolit, lamok ng dengue

  1. ISANG GABI, dinalaw ng malakas na ulan ang Barangay Denggoy. Walang gustong lumabas ng bahay. Nakatatakot kasi ang mga kulog at kidlat. Sinabayan pa ng brown-out. Kaya habang nakaikot sa gasera, nagkuwentuhan na lang ang magkakapatid na Moncito, Elise at Vincent hanggang sa sila’y antukin at makatulog.
  2. KINAUMAGAHAN, “Ay bumaha pala!bungad ni Elise. “Yehey! Wala tayong pasok ngayon!” sagot ni Moncito. “Makakapaglaro tayo sa baha!”hiyaw ni Vincent. Nagmamadaling kumuha si Moncito ng mga papel. Iginawa niya sina Elise at Vincent ng bangkang papel at sinimulan na nila ang karera ng mga bangka.
  3. Maya-maya , naisip ni Vincent na meron pa pala siyang jovos o pulbos na pang-tina na natira mula sa isang project nila sa eskwela. Kinuha niya ito at sila’y nagpaligsahan sa paggawa ng pinakamagandang kombinasyon ng mga kulay ng jovos sa tubig- ulan at inipon sa mga walang laman na bote ng softdrink, patis, at toyo. “Ang ganda naman ng inilagay mong kulay sa bote mo, Vincent. Akin na lang!”
  4. Hindi puwede , Ate Elise, akin ito.” At itinago ni Vincent ang bote sa bodega, doon sa hindi makikita nina Moncito at Elise. Unti-unting humupa ang baha. Nalimutan na nina Moncito, Elise at Vincent ang kanilang mga bangkang papel at ang mga boteng may lamang tubig-ulan. At lumipas ang maraming araw.
  5. ISANG UMAGA, may lamok na dumating sa Barangay Denggoy. Naghahanap ito ng tirahan. Hirap siyang lumipad dahil buntis siya at kailangan nang mangitlog. Handa nang sumalubong ang mga kanal at estero sa kanyang pagdating. Pero —- “Yak, ang dumi-dumi. Nakakadiri! Hindi ako bagay rito!” kinilabutan si Lolit Lamok nang makita niya ang kanal.“ Baka magkasakit ako rito!”
  6. Napansin ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok na bulong nang bulong. “Ano bang problema mo?” masungit na tanong ng ipis. “A, e, naghahanap kasi ako ng matitirahan. Malapit na akong mangitlog. Gusto ko sana ay ‘yung tubig na malinis. May alam ka ba?” tanong ni Lolit Lamok. Naisip agad ni Tsipis Ipis ang boteng may tubig-ulan sa bodega. Ilang beses na niya itong tinikman. Kaya tiniyak niya kay Lolit na wala itong lason. “Tubig na malinis sa loob ng bote! Solb na ang problema mo!” At sinamahan ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok sa bodega. “Iba ka sa mga lamok na kilala ko. Malinis ka!” hangang-hangang sabi ni Tsipis.
  7. Nangiti si Lolit Lamok. Sa loob- loob niya, “madali palang lokohin ang ipis na ito. Kung alam lang niya kung ano ang pakay ko sa lugar na ito!” At siya’y bumunghalit ng isang nakatatakot na tawa. “Bwi hi hi hi hi hi!Bwa ha ha ha ha ha!” Samantala, doon sa kisame ng bodega, pinapanood ni Gugu Gagamba ang mga nagaganap. “Hmmm…mukhang may gagawing di maganda ang lamok na ito!”
  8. HINDI NAGTAGAL AT NANGITLOG SI LOLIT. Tuwang-tuwang nakipanood ang mga baby na ipis ni Tsipis sa mga kikibot-kibot na kiti-kiti na nanggaling sa napisang itlog ni Lolit. Ang mga anak naman Gugu Gagamba ay naglalambitin sa sapot para masilip ang mga bagong- pisang lamok.
  9. “Sige, silipin n’yo ang mga kiti-kiti ko. Kailangan ko kayo para magawa ko ang balak ko sa lugar na ito!”bulong sa sarili ni Lolit Lamok. Walang kaalam-alam sina Tsipis at Gugu na si Lolit Lamok ay impektado pala ng Dengue virus.
  10. DUMATING ANG ARAW na gutom na gutom na si Lolit. Gustong-gusto na niyang sumipsip ng dugo ng mga bata. “Ngayon na ang panahon ng pagkakalat ko ng lagim!” Agad niyang kinausap si Tsipis Ipis. “Pakibantayan mo ang mga kiti-kiti ko. Mamayang gabi, ako naman ang titingin sa mga anak mo.” “E bakit?” Mas gusto ko kasing sa araw gumala. Kabaligtaran n’yong mga ipis na sa gabi lumalabas.
  11. Pumayag naman si Tsipis Ipis na mag-alaga sa mga kiti-kiti ni Lolit. Lumabas na ng bodega si Lolit Lamok. Handa na siyang maghanap ng batang makakagat. Mula sa kanyang sapot, kitang-kita ni Gugu Gagamba kung saan nagpunta ang lamok.
  12. Hindi nabigo si Lolit sa kanyang paghahanap. Nakita niya agad ang mga batang naglalaro ng luksong-tinik. Namataan niya si Elise at ang makinis nitong mga binti. Sa wakas, mabubusog na ulit siya! Sa sobrang tuwa ay napakanta siya:
  13. Heto na’ng araw na hinihintay. Mga balak ko’y magkakabuhay. Lamok na inaakalang malinis, Iyon pala’y nagmamalinis. Magkukunwaring mabait Para sa biktima’y makalapit. Isang kagat na masarap, At lagim koy malalasap Bwi hi hi hi hi hi! Bwa ha ha ha ha ha! Lagim ko’y kakalat
  14. Isang mariing tsuk! At pinakawalan na ni Lolit ang mumunting Dengue Virus sa katawan ni Elise. “Ay!Aray!” sigaw ni Elise. Akala ni Elise ay kinagat lamang siya ng isang ordinaryong lamok, gaya ng mga lamok na paminsan- minsang nakakalusot sa maliliit na butas ng kanyang kulambo.
  15. TUWANG-TUWA ang mga mikrobyong Dengue nang makapasok sa sirkulasyon ng dugo ni Elise. “Salamat kay Lolit, nakapasok tayo sa katawan ni Elise,” sabi ng pinunong virus na si Bossing. “Yehey!” hiyaw ng mga kasamahang Dengue virus. “Nakikita n’yo ba ang mga ugat na yun? Sirain n’yo para rumupok!”utos ni Bossing sa isang grupo ng mga Dengue
  16. “Kayo naman , ubusin n’yo ang lahat ng platelets na dumadaloy sa katawan! Kainin n’yo! Utos naman sa kabilang grupo. Handa na ba kayo?” sigaw pa ni Bossing. “Yes, sir!” “Ano pa’ng hinihintay n’yo? Atake na!”
  17. PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW matapos makagat ni Lolit Lamok, biglang nilagnat si Elise. Naging pabalik- balik ang kanyang lagnat sa loob ng apat na araw. Nanakit ang kanyang ulo at mga kalamnan, pati mga kasu-kasuan. Nawalan siya ng ganang kumain. “Natrangkaso si Elise,” sabi ni Tatay Tony. Pero duda si Nanay Riza. Nabalitaan niya na marami ring bata sa lugar nila ang may sakit na katulad ng kay Elise. Ayon sa mga doctor, Dengue H- fever raw ito.
  18. “Trangkaso na may kasamang pagdurugo”. Ganu’n ang sabi ng nars kay Nanay Riza nang magtanong siya kung paano malalaman na may Dengue ang kanyang anak. Si Elise ay may trangkaso at… nagdurugo ang ilong. Sa ospital, sinuri agad ng doctor ang dugo ni Elise. Malapot na nga ang kanyang dugo. At bagsak na ang bilang ng kanyang platelets.
  19. Pagkatapos ay kinabitan si Elise ng suwero. Sa laboratoryo ay inihanda na rin ang dugo na posibleng isalin kay Elise kung patuloy na babagsak ang bilang ng kanyang platelets.
  20. Nabalitaan ni Gugu Gagamba ang nagaganap sa kanilang barangay. “Ano ba talaga ang sakit ni Elise?” tanong niya sa mga kapwa gagamba. Pero sila man ay walang masabi. Hanggang sa marinig ni Gugu ang balita sa radio. “Ipinapayong mag-ingat ang lahat laban sa Dengue H-fever. Kalat na ang Dengue
  21. PAGKARAAN ng dalawang araw. “Ang daming sapot!” gulat na sabi ng Nanay Riza habang gumagayak papuntang ospital. “Hayun, galing sa bodega! Halika Vincent, alisin natin ang agiw,”sabi ni Tatay Tony. “Punta ka na Riza sa ospital, ako na ang bahala rito.” Sa bodega, nandiri sila sa sa kanilang nakita!Kay daming mga ipis at mga bubuwit. Lalo na ang mga lamok! Nakakadiri!
  22. At doon nila nakita ang bote ng tubig-ulan na puno pa rin ng mga kiti- kiti. “Aha!Dito pala nakatira ang mga lamok ng dengue!” sabi ni Tatay Tony. Nabigla si Vincent sa nakita. “Sorry po. Ako poang nagtago ng boteng ‘yan.” Umamin si Vincentna nagsisisi. “Anak, sa susunod ay magiging maingat na tayo.” sagot ni Tatay Tony.
  23. Noon din ay sinimulan ang paglilinis at fumigation sa Barangay Denggoy. Nagpausok ng pamatay- lamok sa buong lugar. Tatakas pa sana si Lolit Lamok at ang pamilya nito. Pero hindi nila natagalan ang lason na nakahalo sa hanging ibinomba sa kanila. Sunod-sunod na bumagsak si Lolit pati ang napakaraming mga lamok. Kasama ring namatay ang mga lahi ni Tsipis Ipis, ang mga daga, at ang mga langaw na nagdala ng iba’t ibang uri ng sakit. Ligtas na ang mga bata sa Dengue. Hindi na makapaghahasik pa ng lagim si Lolit Lamok.
  24. Mula noon, natuto na ang mga taga-Barangay Denggoy na mag-ingat laban sa Dengue H-Fever. Tinitingnan na nilang maigi kung may mga lata, timba, dram, gulong, o bote ng tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok at tinatapon nila ang mga ito. Tulong- tulong na rin sila sa paglilinis ng kanilang paligid. At sino ang nangunguna sa kanila? Sino pa? E di sina Moncito, Elise, at Vincent!
Publicidad